REUNION WITH MY EX(PART 3)

“In another life, I would be your girl. We keep all our promises be us against the world. In another life I will make you stay, so I don’t have to say you were the one that got away.”

Dear Admin, and dearest readers, before we get to the story, I have bäd and good news for all of you. Bäd news muna. This might be my last confession dito sa page na minahal ko na at ng libo-libong tao. Hindi man masyadong big deal para sa inyo pero sobra kong naappreciate yong mga silent readers at maging yong active readers na nagsisipag comment. I love you guys, from the bottom of my hypothalamus. 🫶 Yong good news naman, I will tell you later at the end ng confession ko.

So, later that day nagchat sa’kin si Dave. He is already using a different account kasi hindi na active yong account niya noon nong kami pa. He said he doesn’t deserve my forgiveness pero gusto niyang makipagkita, to explain everything. At first I was hesitant. Naisip ko si Jia. Kasi kahit saang anggulo tignan, may jowa na si Dave at pinsan ko pa. It wasn’t right na makipagkita ako sa kanya. At last, we agreed na dalhin ko si Ayla. Pumayag naman siya kaya pumunta ako.

Nagpahatid kami kay Kuya JC sa mall sa kabilang bayan, ang dinahilan namin ni Ayla, ay bibili kami ng mga gamit at mga dadalhin ko pabalik sa Baguio. Pagkapasok namin sa coffee shop, nakita namin siyang nandon na nakaupo sa isang table. Sa kabilang table, katabi namin naupo si Ayla. Dearest readers, ganon pala talaga no? Kapag hindi mo na nakikita ang isang taong minahal mo noon, madali lang sabihing nakalimutan mo na siya. Madaling sabihing hindi mo na siya mahal. Madaling sabihin, kasi akala mo nakamove on ka na. Akala ko.

Nong makita ko ulit siya, pati yong pag smile niya, yong pagtawag niya ng pangalan ko, ultimo yong paghila niya ng upuan para makaupo ako, bumalik lahat sakin. Apat na buwan niya ako noong niligawan. Kada hapon, hinahatid niya ako noon sa may bungad ng bahay (di pa ako pwedeng magjowa noon kasi sobrang strikto ng mga magulang ko kaya hanggang sa may bungad lang siya.)

Pinakapaborito kong parte ng araw ay lunch time kasi sabay kaming kumakain doon sa may punong acacia, may mga sementong bench doon at tables kaya marami ring studyanteng kumakain don. Masarap siyang kakuwentuhan kaya kahit tanghali pa lang, tipong kompleto na araw ko. Ang hindi ko makakalimutang gesture niya ay yong lagi niyang paghalik sa likod ng kamay ko. Syempre noong una sinusuway ko kasi nakikiliti yong kamay ko pero yon yong naging paboritong mga moment ko. I feel butterflies inside my stomach every time.

Naalala ko, nahalikan niya ako once pero sa gilid ng labi lang kasi nene pa ako noon umasta, iniwas ko agad yong mukha ko nong hahalikan niya dapat ako sa lips. Atsaka takot na takot ako noon sa mga magulang ko kasi siguradong itatakwil ako lalo na ni papa kapag nalaman niyang nakikipaghalikan ako. Ganon kami ng halos apat na buwan, parang magjowa pero walang label kasi nga nililigawan palang niya ako.

Akala ko wala na lahat ng yon, akala ko limot ko na, akala ko nakamove on na ako pero hindi pa pala. Noong makita ko siya ulit sa reunion, bumalik lahat. Sobrang sakit kasi sa dinami rami ng babae sa mundo, bakit pinsan ko pa?

Noong una, halos wala kaming imik pero siya yong nag-umpisa ng usapan. Kinamusta niya ako tapos kung ano ano pang tinanong niyang mga ganap ko these past few years. Namiss ko bigla yong boses niya, I missed how he utter my name pero sinuway ko yong sarili ko kasi kahit kailan, hindi tama at hindi na mangyayari yon the same way kung paano niya bigkasin iyon noon.

Kinamusta ko rin siya. Graduate na siya sa course na engineering at nakapasa sa board exam noong March last year lang. May work na rin siya sa Manila at bago siya babalik, gusto niyang makipagkita sa’kin for closure. Hindi ko mabilang kung ilang beses siyang nagsorry sa’kin. Nakita ko namang sincere siya, pero syempre kailangan ko ng explanation.

Inis. Gälit. Lungkot. Sama ng loob. Panghihinayang.

Yan yong naramdaman ko nong sinabi niya yong reason. Hanggang ngayong nagtatype ako hindi ko pa rin maiwasang umiyak. Wala na yata akong ginawa maghapon kundi umiyak ng umiyak. Ang sakit. Sobrang sakit.

Mag tu-two months daw siya sa Manila noon nong umuwi siya sa province namin para kunin yong natitirang mga gamit niya. Kaya pala hindi na siya nagchat noon kasi sabi niya, isu-surprise niya ako. Saktong walang pasok ng monday that week kaya pabor sa kanya. After class ng sabado, saka siya umuwi. Sunday non, pinuntahan niya raw ako sa bahay pero wala ako ron. Ni try kong alalahanin yong time na yon pero hindi ko talaga alam kung nasaang lupalop ako that time kaya naisip ko na lang baka may project akong binili o kaya pinuntahan.

Ang naabutan daw ni Dave sa bahay ay si papa, of all people. Nandon din daw si mama pero ang nakausap niya ay si papa. Tinanong daw siya kung sino siya at nagpakilalang boyfriend ko pero nagalit daw si papa. Wala raw akong ipinapakilalang boyfriend sa kanila at hindi pa raw ako pwedeng magboyfriend. Sinabi raw nila papa na layuan na ako, kung hindi, hindi na raw ako pag-aaralin. Nag-alala raw sakin si Dave kasi baka kung anong gawin nila papa kaya nakiusap raw siyang hindi na ako ichachat kahit kailan at lalayuan na ako kasi babalik rin lang daw siyang Manila kinabukasan basta wag lang akong saktan nila papa.

Nag assume siguro noon si Dave na alam na nila papa ang tungkol sa kanya base sa mga kwento ko tuwing magkavideo call kami kasi ang pagkakaalala ko talaga noon, alam na nila papang may boyfriend ako pero hindi lang ako sinisita. Kaya pala mula noon hindi na siya nag chachat. Nakailang chat din ako sa old account niyang yon noon pero puro sent lang lumalabas. Kada hapon, napapaiyak na lang ako kasi matutulog akong walang Dave na nagsesend ng picture niya. Walang Dave na nagvivideo call sakin. Matutulog akong walang good night galing sa kanya.

May naalala akong sinabihan ako ni mama na may nagpapakilalang boyfriend ko raw noon na pumunta sa bahay at umaakyat ng ligaw pero binasted daw agad ni papa. Akala ko nagjojoke lang sila kasi si Dave nasa Manila, tapos baka kako hinuhuli lang nila ako, o kaya tinutukso. Pero di ko alam na yon na pala yon.

Masakit syempre at gusto kong magtampo sa papa ko kasi palagay ko wala silang tiwala sa kin. I understand na pinoprotektahan lang nila ako sa kahit na anong possibility pero of all people, sila dapat yong nakakaintindi at nakakakilala sa’king hinding hindi ko magagawang sirain yong pag-aaral ko.

Ngayon ko lang sobrang naramdaman yong panghihinayang kasi lately lang, tinutukso ako nila papa at mama na kesyo bakit wala pa raw akong pinapakilala sa kanila. Noon tinatawanan ko lang pero ngayong alam ko na ang buong katotohanan, abot langit ang sakit na nararamdaman ko.

Magwa one year pa lang daw si Dave at si Jia. Hindi raw niya alam na magpinsan kami kasi bukod sa hindi kami close ni Jia, hindi pareho yong surname namin dahil magpinsan kami sa papa ko at sa mama ni Jia, unlike sa min ni Ayla na papa niya ang kapatid ni papa ko kaya pareho kami ng apelyido. He told me na mahal niya si Jia and I congratulated them both. Kahit masakit, sobrang sakit, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang mga pangyayaring hindi na pwedeng mabalikan pa.

Bago kami naghiwalay, isinauli ko sa kanya yong mini speaker na binigay niya sa kin nong graduation niya kasi alam niyang mahilig ako sa music. Noong una ayaw pa niya pero nagpumilit ako. Sabi ko gawin niya kung anong gusto niyang gawin don. Basta kunin niya lang para wala na akong bagay na mag papaalala kung gaano ko siya minahal noon.

Pag-uwi ko sa bahay, tinanong ko si mama kung hindi niya ba namumukhaan yong boyfriend ni Jia. Hindi niya raw alam pero familiar, hindi lang daw maalala kung saan niya na nakita noon. Sabi pa nga ni mama baka noong debut ni Jia niya nakita yon.

Pero sabi ko sa sarili ko, mali ka ‘ma. Yong lalaking yon, yon yong pumunta rito noon sa bahay, yon yong pag-ibig na pinagkait niyo sakin ni papa.

Hanggang dito na lang po. Sana kahit papaano may natutunan kayo sa experience kong ito. Ang iniisip ko na lang ngayon, siguro may rason kung bakit nangyari lahat ng yon. Bago ako tuluyang mamaalam, I just want to announce the good news. Nakwento ko kay Dave ang tungkol dito sa page na to at nakumbinsi ko siyang sabihin din yong side niya pero I hope may email address si Admin kasi doon niya raw isesend yong isusulat niya. Yon lang, good day everyone, hinihiling kong nasa mabuti kayong kalagayan, at hindi tulad ko, sana ay masaya ang mga puso niyo.

BasherNiOyo
2022
Accountancy
UC


PART 1: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1142138539741283&id=284904048798074

PART 2: https://www.facebook.com/284904048798074/posts/1143581592930311/

guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Jigglypuff
Jigglypuff
1 year ago

bakit nalulungkot ako??? siguro nga may ibang laan para syo. or maybe kayo tlga di p lng ito ang tamang oras

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x