“Please iuwi mo na ako, ‘di ko alam ba’t mo ako dinala dito, please gusto ko nang umuwi,” pagmamakaawa ko sa manliligaw ko…

Hi, kuwento ko lang nangyari sa kin ngayong taon na to. Di ako magaling magkuwento pero sana maintindihan ninyo. Nagwo-work ako sa isang company, so rotational yong schedule work namin, may mga times na opener at closer kami.

October, schedule ko is closer so 9 pm na ako umuuwi, okay naman lahat. Until nakilala ko tong si guy, nong una hinahatid niya lang ako pauwi, kasi nga wala kong sundo. Hanggang sa nagtagal kinausap niya na ako, tinanong niya na ako sa status ko (may anak na po ako pero hiwalay na po kami nong tatay ng mga anak ko).

Kaya sinabi ko na single mom ako, habang hinahatid niya ako ay nagkukuwentuhan kami, syempre matagal-tagal na rin kasi kaming magkakilala, komportable na ako sa kanya, kinukuwento niya naman din sa kin buhay niya. Nitong January, nag-confess po siya sa kin,


“Alam mo, gusto kita sa totoo lang, di ko alam kung bakit pero sobrang saya ko pag nakikita kita kapag hinahatid at sinusundo kita.”

Syempre nagulat ako, di ko rin naman kasi akalain na may magkakagusto pa pala sa kin kahit na may anak na ako. So ayon na nga, tinanong ko siya kung ba’t ako nagustuhan niya, e binata siya tapos may mga anak na ako, sagot niya lang,

“Sobrang bilib ako sa yo e, kinakaya mo lahat kahit alam mong nahihirapan ka na, di ka basta-basta, e.”


Na-touch ako sa sinabi niya, pero alam ko naman sa sarili ko na di pa ako ready, gusto ko mag-focus sa mga anak ko, kasi ako na lang meron sila. Sinabi ko yon sa kanya at di ko priority mga ganitong bagay sa ngayon, as usual na sagot, “Hihintayin kita hanggang maging ready ka na.”

Ilang weeks na rin, ganon pa rin set-up namin, walang nagbago. Pero halos di ako makatulog gabi-gabi sa kaiisip sa kanya, kung dapat bang pahintuin ko na siya sa panliligaw or sasagutin ko, kasi medyo na-appreciate ko na siya, nakikita ko naman na sincere siya, nag-e-effort din naman kaya sobrang nalilito ako nong mga panahon na yon, 3 months na rin naman, consistent naman siya.

Not until January 24, 2023, 9 pm nong pauwi na kami, bigla niya kong tinanong ulit kung hanggang kailan pa raw siya maghihintay, nong gabi na yon sasagutin ko na sana siya kasi deserve ko rin naman talaga maging masaya siguro, di ba? Tapos sinagot ko siya nang pabiro,


“Hanggang sa katapusan na lang, katapusan ng Mundo,” tapos tumawa lang ako.

Hindi siya umiimik, tapos biglang lumiko siya, na dapat deri-deritso lang yong biyahe namin. Wala akong kaalam-alam kung saan niya ako dadalhin, tinatanong ko siya kung saan kami papunta, tapos sabi nya dito na lang muna tayo dadaan para mabilis kasi umaambon naman nong gabing yon, kaya hinayaan ko na lang siya.

Tapos, bigla niya hininto motor niya sa harap ng isang bahay na di ko alam kung kanino, ang sabi niya may kukunin lang daw siya at mag-antay lang daw ako. Nakaupo lang ako habang inaantay siya makabalik, pero iba na nararamdaman ko non, di ko alam kung bakit pero may girls instinct tayo na may masamang mangyayari kaya kinuha ko cellphone ko, nanginginig na ko non. Tapos bumalik na siya, hinawakan niya ako sa may balikat ko, tapos umupo na siya sa motor at pinaandar,

“Umuwi na tayo kasi maaga pa ko bukas.”

Nong pinaandar niya na, akala ko uuwi na kami, bigla niyang pinasok don sa isang bahay at nagulat ako kasi INN pala yon (parang m0t€l), don na ako natak0t at nagalit. Sa sobrang tak0t, naiyak ako, sinabihan ko siya,

“Alam ko na, p*t*ng*na, sabi ko na nga ba!” tapos tumingin lang siya sa kin.
“Iuwi mo na ako please,” nagmamakaawa na ako non.
“Mamaya na, uuwi naman tayo e, dito muna tayo, gusto kitang makasama nang matagal,” sagot niya.


Sobrang takot yong naramdaman ko non kaya umiyak na lang ako, “Please iuwi mo na ako, ‘di ko alam ba’t mo ako dinala dito, please gusto ko nang umuwi,” sobrang pagmamakaawa na mga sinasabi ko tapos ang sagot niya lang, “Kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako.”

Nanginginig na ako kaya sinabihan ko siya, “Kung di pa tayo aalis, sisigaw ako, please uuwi na ako, please!” Wala kasing katao-tao don kaya di ko alam saan ako pupunta, sobrang dilim pa nong daanan tsaka masukal kaya di ko na alam gagawin ko, tumingin siya sa kin, nakita niya na umiiyak ako, “Sige, uwi na tayo, wag ka na umiyak,” sabi niya.

Kaya umalis na kami non, tahimik lang ako habang umiiyak, sobrang tak0t at galit naramdaman ko nong gabing yon, kinausap niya ako, humihingi ng sorry, di niya raw alam kung ba’t niya ako dinala doon.


“Alam ko kung bakit, kasi di mo ako nirespeto, kasi alam mong may mga anak na ako. Di ko alam kung bakit mo ako ginanito, porket ba may anak na ako, tingin mo nalang sa kin is par@us@n?” sabi ko.

Tahimik na lang siya hanggang sa nakauwi na ako, sinabihan ko na siya na sana di ko na siya ulit makita, tumalikod na ako’t umalis.

Bakit?! May kapatid ka di ba na babae na same situation ko? May nanay ka di ba na naging single mom din? Alam mo kung ano nararamdaman nila, alam mo kung anong hirap nararamdaman nila, di ba? Dapat alam mo rin na ganon na ganon yong nararamdaman ko.


HINDI PA AKO READY SA COMMITMENT, pero sa pinapakita mo sa kin dati, napaisip ako na deserve ko rin maging masaya, naging masaya ako kahit sa maiksing panahon, akala ko napupunan mo na yong longing ko na magkaroon ng maayos na partner, yong rerespetuhin ako at mamahalin ako pati mga anak ko, nagkamali pala ako.

Grabeng tr@uma binigay nong ex partner ko, akala ko last na yon. Naghi-heal na ako e, tapos dumating ka, binigyan mo na naman ako ng rason para HINDI NA MAGING MASAYA ULIT, ayaw ko na maniwala, tama na. Sobrang sakit na, di ko alam bakit ang bilis niyo na lang paglaruan mga katulad ko na single mom e, alam niyo bang ibang level na yong trust issues namin?

Kaya sana naman kung di niyo kayang mahalin, respetuhin niyo na lang kami, sobrang bigat na nang nararamdaman ko/namin, di naman namin deserve na gag*guhin lang, di ba? Bakit sa dinami-rami niyong paglalaruan, bakit kami pa? Yong gusto lang namin RESPETO, mahirap ba ibigay yon?


Pasalamat na rin ako’t nangyari to, natuto na ulit ako. Ayaw ko na, walang ibang magmamahal sa kin ng sobra-sobra kundi mga anak ko lang, at alam na alam ko yon.

Momma, 2016, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

54
7
Subscribe
Notify of
guest
19 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Punyeta
Punyeta
1 year ago

Same situation before, Dinala ba naman ako sa bahay nila. Sabi kakain lang ibang kain pala gusto buti nalang diko sinagot nadali sana ang pechay kooo!!!

Pero grabe yung taumang iniiwan ng mga ganyang lalaki. Kiskis nalang nila sa pader mga lecheeee

Sheesh
Sheesh
1 year ago

Focus nalang mie sa anak.
Yong right guy darating din yan. Pero sana unahin mo muna mga anak mo at sarili mo.

Keep safe ♥️

kkh
kkh
1 year ago

super relate.. tangina may ganyan talagang mga lalaki porket single mom ka , kala nila sabik tayo sa sex .. gago lang..

ellie
ellie
1 year ago

Sana sa lahat ng single mom makahanap kayo ng tao na talagang tatanggap at magmamahal sainyo ng totoo despite being a single mom nakakaproud kayo I salute hindi biro magkaanak bilang first time mom ang hirap iniisip ko pa lang na magiisa ko palalakihin si sevi hindi ko alam papano kaya nakakaproud kayo sana maging masaya kayo at wag mawalan ng pagasa na may darating din in God’s will🙏❤️

crozoverese
crozoverese
1 year ago

Sana sender kung my ipopoint ka wag mo nilalahat!!kasi yun kahulugan ng NYO mo eh parang nilahat mona ang lalaki natapat kalang sa manyakol at walang respito kya wagmong lahatin

Oki
Oki
Reply to  crozoverese
1 year ago

Bat ka galit.?

Kyle
Kyle
Reply to  crozoverese
1 year ago

Nangyari na ba sayo yung nangyari kaay sender? Kung hindi pa, wag ka magsallita ng ganyan. Di mo alam pakiramdam nya, kaya nya nasasabi yan.

Who are you?
Who are you?
Reply to  Kyle
1 year ago

True

Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Reply to  crozoverese
1 year ago

Lalake ka siguro kaya ka tinamaan. Shut up ka nalang

hhhsns
hhhsns
Reply to  crozoverese
1 year ago

triggered men are the most guilty of this talaga noh

Krisnsn
Krisnsn
Reply to  crozoverese
1 year ago

Kamo yung mga nati triggered lang naman eh yung mga natatamaan. Daming lalaking nakabasa nyan pero ikaw lang yung nagalit HAHAHA

Wang
Wang
Reply to  crozoverese
1 year ago

Baliw ba ‘to, lalaki rin ako pero hindi ganito reaksyon ko, tinamaan ka ba? Hanep. Bato bato sa langit ang matamaan e buti nga, basura. Affected ampochi

ske
ske
Reply to  crozoverese
1 year ago

Syempre na-traumatized sya kaya ganun reaction nya.. Galit yan?? 😆

BIG NO TALAGA. KAYA YES TO SINGLE LIFE.
BIG NO TALAGA. KAYA YES TO SINGLE LIFE.
1 year ago

:(((((

Xxx
Xxx
1 year ago

Be aware palagi sis, buti talaga mejo na taohan si guy at inuwi ka. Kahit gaano mo kakilala yunh tao, double ingat palagi. Mag heheal ka din sis, mahalin mo lang muna sarili mo pati anak mo.

Kyle
Kyle
1 year ago

Siguro ang masasabi ko lang eh, salamat naman at safe ka sender, at walang ibang nangyari sayo. Pangalawa, mataas ang tingin ko at respeto ko sa lahat ng single moms out there. At the same time, naaawa ako na di ko maexplain bakit. Pag nakakabasa ako ng kwento ng single mom. Nakakaiyak.. Parang ang hirap hirap na humanap ng tunay na magmamahal, ganun feeling ko. 😔 Anyway, pakatatag ka para sa mga anak mo sender. May awa po ang Diyos, mairaraos lahat. Bonus nalang kung may magmamahal ng totoo, ingat po.

----
----
1 year ago

Sender, tanong lang, di ka ba masaya sa mga anak mo?

Panong deserve maging masaya ulit?

Shai19
Shai19
Reply to  ----
1 year ago

Siguro sa lovelife po yung pinupunto niya.

Cheesecake
Cheesecake
1 year ago

Mahal ka ni God sana hindi mo yun makalimutan at I pray for your healing. Hindi pa tamang oras para magkaroon ka ng lalaki na mamahalin ka. Kase kapag nasa healing stage ka. Maraming pagsubok na itetemp ka na mag commit sa isang tao na hindi naman talaga worth it and I’m happy for you na nakayanan mo kaagad marecognized yung taong hindi para sayo. You deserve happiness and for now focus ka lang sa sarili mo at sa mga anak mo. Deserve mo parin mahalin at magkaroon ng lalaking magiging mabuti, tanggap ka at yung mga anak mo at may takot sa Diyos na hindi kayang gawin ang mga bagay na pwedeng mapahamak at malagay ka sa trahedya. Thankful ako na nakaligtas ka.

error: Content is protected!
19
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x