PICTURE NA BAGONG LÎGÖ (SPG) – PART 1

PICTURE NA BAGONG LÎGÖ

(SPG)

Okay naman tayo, e. Kapag kasama mo ako ramdam ko yung halaga ko, ramdam ko na mahal na mahal mo ako, ramdam ko na sobrang na-a-appreciate mo lahat sa akin even the smallest things na nagagawa ko sa iyo. Bakit naman ganon? Di ko maintindihan what went wrong? Did I lack something? Did I miss anything? Sana sinabi mo.

For the past 4 years, akala ko okay na tayo, akala ko ikaw na, akala ko sure na. I never expect na mangyayari to. You were my favorite person, my rant buddy, my partner in cr!mê, my ride or d!ê, you always got my back so do I. God knows I gave my all. Hindi madali sa akin yung ginawa mo.

4 years tayo. Nag aaway oo, di naman mawawala yun, e. On and off pero matagal na yung 2 days na break tayo tapos magbabalikan ulit. So we decided na mag-live in sa condo mo. Kahit nagagalit yung parents ko sinamahan kita since ayaw mo mag-stay sa bahay niyo dahil may problema kayo ng mother mo. Pinili kita, pinili kong samahan ka. Wala kang pinakitang masama sa akin for 4 years. Sobrang alagang-alaga mo ako, babyng-baby ika nga. Spoiled na spoiled mo ako, hatid-sundo sa office kahit pareho tayong busy sa kanya-kanyang work. Hindi pwede na hindi mo ako susunduin sa office although out of way yung office namin sa restaurant niyo.

Everything was okay. Umuuwi ako sa parents ko every weekends. Pinapayagan mo rin naman ako tapos susunduin mo na lang ako ng Sunday afternoon. Ganun lagi routine natin. You always messaging me kapag nasa work and sending me pics for update, minsan nga ako na lang yung naiirita kasi maski pagkain mo pi-picture-an mo pa para malaman ko lang na kakain ka na.

September 18, 2021, nagpaalam ka sa akin na a-attend ka sa birthday ni Zed, tropa mo, kababata mo. Pinayagan kita syempre, hindi naman tayo naghihigpit sa ganyang bagay, e. Hindi natin sinâs4kâl yung isa’t isa sa ganyan. Kaya sabi ko sa ‘yo, kila mama na muna ako uuwi after office kasi wala ka rin naman sa condo then sunduin mo na lang ako kinabukasan. And yes, pumayag ka. Basta ang sinabi ko sa ‘yo, drink moderately since magda-drive ka pa pauwi, and please, update me kapag nakauwi ka na.

“Yeah, I will,” sabi mo.

Always mo naman talaga ginagawa. Kaya kampante ako. 11:00 PM nag-VC ka pa, nag-iinom na kayo, pinakita mo kung sinu-sino kasama mo. As usual, kayo kayo magkababata. Kampante ako kasi kilala ko rin naman sila. Sinabi mo rin sa akin na dadating yung girlfriend ng isang tropa mo and may kasama na dalawa pa. Di naman ako na-bother kasi malaki ang tiwala ko sa ‘yo. Kaya natulog na ako, nag-remind lang ako sa ‘yo na don’t forget to message me when you’re home. 3:37 AM, nag-message ka na nakauwi ka na then nag-reply ako nung nabasa ko nung umaga na. Afternoon, sinundo mo ako, umuwi tayo sa condo. Everything was fine. Walang nagbago.

October 2021, umuwi yung papa ko from Saudi kaya sabi ko sa ‘yo kung pwede sa bahay muna ako mag-stay kahit 2 weeks lang. Pumayag ka. Ganun pa rin routine natin. Video Call, sending pictures, updates. Hanggang sa bigla na lang lumamig. Feeling ko ang layo layo mo na. Never ko naramdaman yun kahit hindi tayo magkasama. You always makes me feel na kasama kita kahit wala ka. But not this time. Akala ko miss lang natin yung isa’t isa. Akala ko busy ka lang, lalo ikaw ang nagma-manage ng restaurant niyo.

Until this girl added me on Facebook. Medyo hindi normal. Haha. Bilang babae, alam ko na hindi namin nature mga babae ang mag-add ng kapwa babae na hindi namin kilala. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, in-accept ko. Pansin ko lagi siyang naka-view sa stories ko. Lagi siyang naka-heart react sa stories lalo kapag picture natin dalawa. Nacu-curious na ako pero hindi ko lang pinansin. Sino ba naman ako para kwestyunin yun, di ba? So pinabayaan ko.

Until one day, around 10:00 PM nag-my day si girl. May ka-VC. Kilay at noo lang ang nakikita sa camera nung ka-VC niya. Then may caption na “guess who?”

I was shocked. Para akong binûhûsan ng malamig na tubig sa nakita ko. Kilalang-kilala ko yung kilay na yun. Ayun yung pinaka-best part ng mukha mo na pinakana-a-attract ako. Kilay on fleek. Kilay mo yon. Di ako pwedeng magkamali, ikaw yon. So I decided na magtanong kay girl.

“Hi, sis! Sorry to ask you this but I hope you don’t mind. Is that Andrei?”

“Haha! LOL! Who’s Andrei?” reply niya.

“Andrei, boyfriend ko. Parang kilay niya kasi yan, e.”

“Don’t worry. Hahaha! Hindi yan si Andrei. Hahaha!” reply ni ate girl.

Ayokong komprontahin ka. Ayokong pagsimulan ng away natin. Kaya hindi ko pinansin, pinalagpas ko yung nangyari. Pero alam ko na ikaw yun kahit pagbaliktarin, alam ko ikaw yun.

Last night ko sa bahay nila mama, kinabukasan uuwi na ako sa condo mo. Magka-chat tayo then tinanong kita kung anong ginagawa mo. Sabi mo katatapos mo lang maligo then you send pictures. Always mo naman ginagawa yun.

1:00 AM tulog ka na but I can’t sleep. Scroll lang ako sa Facebook. Napansin ko na nag-my day yung babaeng naka-chat ko. Sinâmp4l ako ng katotohan. Sinâmp4l ako ng di ko mapaliwanag na emosyon, gusto ko umiyâk, gusto ko sumigâw.

Yung picture na pinasa mo sa ‘kin na sabi mo bagong ligo ka, naka-sando kang white. Nakaupo ka sa kama natin. Ayun din yung naka-my day sa kanya. May nakatakip lang na emoji sa buong mukha mo pero alam kong ikaw yun. Ikaw na ikaw yun. Same picture. So yung sinend mo sa ‘kin, sinend mo rin pala sa kanya. Hahaha! T*ng*na.

“LOL! Hahaha! Akala ko ba hindi si Andrei yan? So ano to? Di ba ang pic na yan, eto yan? Ano, twinning tayo?” sabay sinend ko sa kanya yung pic na sinend sa ‘kin ng bf ko.

Sineen niya yung message ko. Nag-HAHA react lang siya pero she never reply. Tinatawagan kita pero di mo na nasasagot. Kinabukasan, nag-message ka pa.

“Good morning, my love! JWU po, ligo lang ako tapos sunduin na kita, I can’t wait ng afternoon, e. I miss you so much.”

Hindi ako nag-reply. Maya maya, nagsundo ka na. Sumakay ako ng kotse na hindi nagsasalita. Niyakap mo ko, hinâlik-halikan mo ko. Nag-smile lang ako sa ‘yo. Hindi ko alam kung naiiyâk ba ako pero walang luha pumapatak sa mata ko. Gusto kitang sâkt4n pero hindi ko magawa. Tulala lang ako habang ang dami mong kwento habang nagda-drive. Napansin mo yung pagiging tahimik ko. Sabi ko nahihilo lang ako. Kaya sabi mo kain muna tayo agad pagdating ng condo.

Pagdating natin, malinis yung condo. Nakapaglaba ka na rin ng mga damit natin at bedsheets. Napalitan na rin yung mga kurtina. Everything was fine. Umupo lang ako sa kama, tumabi ka, hinâhâlikan mo ko, h!nûhûbâd mo yung suot ko. Dun na ako umiyâk. Nagtaka ka, nagtanong ka kung bakit.

Sinabi ko na lahat sa ‘yo. Lahat lahat mula nung may nag-add sa ‘kin na babae. Umiyak ka, nag-sorry. Kalmado pa rin ako. Tinanong ko, ano yun? Bakit ganun? Akala ko yung scenario lang, e yung nakakalând! ân mo siya sa chat. Pero mas malala pala. Umamin ka. Inamin mo yung nagawa mo.

Nangyari nung September. Birthday ni Zed. Yung pinayagan kita. Yung magka-VC tayo. Yung natulog ako ng mahimbing habang buo yung tiwala ko sa ‘yo. Naka-0ne nîght stand mo yung babaeng kasama ng girlfriend ng tropa mo. Ang galing! Sa kotse pa. Kung saan araw-araw pa rin ako sumasakay after that night. October nung nandun ako kila mama. Kaya pala bigla kang nagbago kasi sabi mo ginugulo ka nung babae na kesyo delayed daw siya. Sabi mo nanigurado ka na hindi buntis kaya ganun ka sa ‘kin. Na kesyo nagui-guilty ka kaya hindi mo kayang kausapin ako nang kausapin. Hahahaha! Ang galing! Tapos nung napatunayan mo na hindi buntis, naging normal ka ulit sa ‘kin na parang walang nangyari.

Gusto kong umuwi samin nung nalaman ko yun. Pero ayaw mo ako paalisin, iyak ka lang nang iyak sa tabi ko. Nagmamakaawa ka na wag kita iwan. Alam ko hindi ako makakaalis nun. Kinabukasan, pagpasok ko sa office nag-half day na ako, hindi na ako nagpaabot ng hapon sa office kasi alam ko magsusundo ka. After lunch, umuwi na ako sa parents ko. Lutang na lutang ako. Hindi rin ako makapag-focus sa work kaya umuwi na lang din ako.

Afternoon, tawag ka nang tawag kung nasaan na ako kasi nasa parking ka na sa office at sinabi ko na umuwi na ako. Gâl!t na gâl!t ka, pinuntahan mo ko sa bahay ng parents ko pero hindi ako lumabas ng kwarto. Nahalata rin siguro nila mama na may problema tayo. Umuwi ka sa condo. Tinatadtad mo ako ng messages na umuwi na ako pero ayoko. Hindi ko kaya. Pinupuntahan mo ako sa office pero hindi kita nilalabas.

Naiisip ko lahat. Lahat nagsi-sink in sa ‘kin. Bab0y na bab0y ako sa sarili ko. After nung birthday na yun, okay pa tayo. Umuuwi pa ako sa condo. May nângyây4ri pa sa atin. Nandidiri ako. Araw-araw ako sumasakay sa kotse mo. Kung saan nangyari yung kabâbuyân niyo. Trâumâ yung binigay mo, hindi normal na problema lang. Hindi normal na away lang.

After a week, sinabi ko kila mama na hindi na ako ikakasal sa ‘yo. Nagulat silang lahat. Hindi ako nagkwento kung bakit. Kahit ganun nangyari sa ‘tin, ayokong malaman nila yung ginawa mo. Ayokong sumama yung tingin nila sa ‘yo. Kahit ganun yung ginawa mo sa ‘kin, inisip pa rin kita. Binlocked kita sa lahat ng social media accounts ko. Nagpalit din ako ng number. Cut lahat ng connections ko sa ‘yo. Ilan beses ka nagpupunta sa office pero hindi kita nilalabas. Ayokong makita ka. Sinabi ko sa ‘yo na alam na nila mama yung nangyari kahit hindi naman talaga para mahiya ka na magpunta sa bahay. Kaya sa gate na lang ng lugar namin nagpupunta ka pero hindi ako lumalabas.

Okay na sana, e. Planado na lahat. Gusto mo na mag-resign ako sa work at samahan na lang kita sa restaurant niyo mag-manage. Magja-Japan tayo ng December. Kapag nakuha ko na yung 13th month pay ko. Then 2022, wedding na natin ang paplanuhin natin. Okay na lahat. Biglang may ganung scenario. Lugmok na lugmok ako sa ginawa mo. Alam mo yun? Buo na yung future natin. Lahat naka-set na. Hindi madali sa ‘kin yung binigay mong trâumâ. Araw-araw ako pumapasok na umiiyâk sa opisina. Hindi ako makapag-function ng maayos sa trabaho.

Months passed by, ginawa ko pa rin naman yung isa sa plano natin. Nag-resign pa rin ako sa trabaho. Nakahanap ako ng bagong work, mas mataas ang position at mas mataas ang income. Kaso same way sa condo. After 2 months ko na pagtatrabaho dito sa bago, nagkasalubong tayo. Tinignan kita na parang hindi kita kilala. Sinundan mo ko, kinakausap mo ko pero dire-diretso lang ako ng lakad. Nakita mo kung saang building ako pumasok.

Totoo nga, your boyfriend’s friends are not your friends. Sama-sama sila sa hirap, sama-sama rin sila sa kalokohan. Nagagawa pa rin nila humarap sa ‘kin after that night kahit may nag-chukchâkân na sa parking nila sa tabi lang mismo nila. Maski isa sa kanila walang nagsabi sa ‘kin na may ginawa yung tropa nila. Ang galing.

To our families and friends, sorry to disâppoint everyone. God knows how hard we tried our best but maybe somethings are not really meant to be.

To the girl who break us despite of knowing about our status, sana may peace of mind ka pa, sana di mo maranasan yung trâumâ na naranasan ko coz no one deserves to be in this kind of situation. Hindi porket mapera, may business, at may kotse ang lalake, e maninira ka na ng relasyon. Aware na sa relasyon namin pero mas pinili mong guluhin. I hope you’ll realize that we women should have each others back.

You sometimes wonder what happened, or what might happen. You gave your best, yet for some of you were never good enough and sometimes for them you will never be. I gave enough, maybe for them, it’s not my best but for me it was.

Indeed, life is full of surprises. I used to believe na it’s impossible to love someone in the wrong time. But now, I guess it’s true to some. I will still choose to remember all our happy memories together. Kung paano mo ako inaalagaan, kung paano ko ako na-appreciate. Kung paano mo ko gina-guide lalo sa career para maging successful. Kung paano mo ko mino-motivate sa trabaho. Hindi madaling kalimutan lahat yun pero hindi rin yun reason para mag-stay ako kahit may ginawa ka sa ‘kin na hindi maganda.

I know my worth. Hindi ko deserve na i-tolerate yung ganung kasalanan sa ‘kin. Ituloy mo lahat ng pangarap mo, meron ka mang ako o wala. Itutuloy ko rin kung anong pangarap ko, meron mang ikaw o wala. I guess, pinagtagpo lang tayo para matulungan natin ang isa’t isa para mas lalo ma-build ang isa’t isa. Hindi ako madalas ma-appreciate sa bahay pero ikaw, lahat ng bagay na nagagawa ko na-a-appreciate mo, sa ‘yo ko naranasan maging paborito.

Hindi ka pinapakinggan sa inyo kahit gusto mo magpahinga kasi nakapasan sa ‘yo lahat ng obligasyon sa business niyo pero sa ‘kin naranasan mo magpahinga. Kapag stress ka, aalis tayo para makahinga ka. Naging comfort zone tayo sa isa’t isa. Siguro hanggang dun na lang lahat yun. Naging best part ka ng buhay ko pero hanggang dun na lang yun. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Sadyang di lang siguro tayo para sa isa’t isa.

Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Kahit hindi eto yung happy ending na pinangarap natin.

Takoyaki

20**

Tourism

*Confidential

UPDATE: Here’s the part 2 (POV OF EX BOYFIEND), https://www.facebook.com/feusf/posts/1130235510931586

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x