Hello FEUSF Readers! Salamat sa lahat ng nag-abang ng story. Actually, sobrang daming nangyari this past few months. Up and down. May bad, may good. May struggles, meron din blessings. Hindi ko alam paano ko ito papaiksiin pero I’ll try my best para makuwento lahat. Nag-message ako uli kay admin with Sach’s consent. I asked her first kung okay lang ba mag-share uli and pumayag siya that’s why I’m here again. Sa mga nauumay sa story? Wag kayo magbasa. Problem solved.
After ng tour nila sa north, back to office na ulit. Ako rin back to reality na. Balik sa restau. Daily routine pero nahahatid-sundo ko pa rin naman siya kapag pumapayag siya. Kung ako yung tatanungin, mas gusto ko araw-araw ko siya hatid-sundo para hindi siya nahihirapan sa commute. Hindi naman kasi siya lagi nasusundo ng kapatid niya dahil may pasok din.
Until this February, nakabili kami nila dad ng farm sa Batangas. Nag-invest si dad ng bagong business dun at ako yung pinapag-asikaso niya kasi medyo nangangalay na siya mag-drive kapag ganon na malayo yung biyahe. May bahay rin naman kami dun kaya may mapapag-stay-an ako. Nung una ayoko sana kasi naisip ko magiging busy ako dun, maiiwan ko si Sach dito sa Manila kasi sabi ni dad at least 3-4x week puntahan ko dun para ma-monitor ko.
Hassle rin kung mag-uuwian ako everytime na pupunta ako pero minsan ginagawa ko lalo kapag alam ko kinabukasan ihahatid ko si Sach. Kahit gabi uuwi at uuwi talaga ako ng Manila. Minsan ayaw na niya magpahatid kasi iniisip niya dagdag pa siya sa schedule ko. Alam niya kung gaano ako kapagod nung mga panahon na yun. Tipong halos hatiin ko yung katawan ko sa pag-manage ng restau at sa farm.
Minsan 2-3hours lang tulog ko dahil dadaan pa ako sa Cartimar para sa mga feeds ng manok pero wala akong magagawa, business yun ng pamilya ko. Ayaw ko rin naman pabayaan. Mas lalong ayaw kong pabayaan yung sa min ni Sach kaya kahit ganun, pinipilit ko pa rin talagang gawin yung mga bagay na alam kong dapat kahit mahirap talaga.
One time, pag-uwi ko dito sa Manila, niyaya ko siya agad kumain kasi 4 days kami di nagkita. Busy rin siya sa office kaya even calls and chats madalang talaga. Pag-uwi na pag-uwi ko, dinaanan ko siya sa office, dun na ako dumiretso, hindi na muna ako umuwi.
“Bakit dumiretso ka pa dito? Sana umuwi ka na lang muna, nagpahinga ka,” sabi niya sa kin.
“Nagugutom na rin ako kaya kain muna tayo bago ako umuwi, wala naman foods sa bahay, e,” sagot ko sa kanya.
“Kailan ka babalik dun?” tanong niya sa kin.
“Mamayang madaling araw biyahe na ako ulit, hindi muna kita mahahatid, book ka na lang muna ng Grab.”
“Okay lang, no need naman, dami-daming jeep, e.”
Nasa kotse na kami nun tinitingnan niya ako, bigla uli siya nagsalita, “Pagod na pagod ka Drei, parang wala ka nang pahinga, eyebags mo ang laki na, natutulog ka pa ba?” Di ko alam kung matatawa ako o ano sa tanong niya, “Ano’ng akala mo sa kin, ad*k? Hindi natutulog?” Sabi ko sa kanya tapos tumawa siya, “Para ka talagang g*go kausap,” tapos hinampas niya ako.
Kumain kami ng dinner sa Rackshack sa SM Aura. Kinamusta ko siya, nasabi niya sa kin na sobrang stress sa office nila ngayon. Hindi pa kami tapos kumain, ring na nang ring yung phone ko, tumatawag si dad, hindi ko sinasagot. Sabi ni Sach sa kin, “Sino yan? Sagutin mo, baka importante.” Sabi ko naman,
“Si dad.”
“Oh, sagutin mo, baka nga importante yan,” kaya sinagot ko na. Alam ko naririnig ni Sach yung pagsigaw ni dad kasi malakas talaga. Hanggang sa in-end ko na lang yung tawag kasi naririndi na ako.
“Ano yun? Bakit sumisigaw si tito?” tanong niya sa kin.
“Wala yun, mainit yata ulo sa restau. Kain na! Lalamig na yan,” tapos hinimayan ko na siya uli ng ribs na favorite namin pareho.
Sa totoo lang, ayaw muna kasi ako pauwiin ni daddy dito sa Manila nung panahon na yun kasi wala yung tito ko dun, walang tatao sa bahay. E hindi ko na matiis kaya umuwi ako. Kaya galit na galit nung tumawag sa kin na nalaman niya na wala ako dun.
This March ay medyo okay na sa farm. Nasimulan ko na yung mga dapat simulan. Nagpunta sila mommy dun, nagkaroon ng simple gathering. Sinama ko si Sach. Sinundo ko na lang siya nung lunch kasi nag-halfday siya sa office, nag-turn over muna siya ng mga files nung umaga. Habang nasa biyahe kami, nasabi niya sa kin na inaayos yung papel niya ng papa niya kasi kukunin siya ng pangalawang asawa ng papa niya papuntang Canada. Nag-iba yung mood ko nung narinig ko yun.
“Pano yung work mo dito?” tanong ko agad sa kanya.
“Dun na ako magwo-work, kasama si ate Ai,” sabi niya sa kin.
Medyo na-badtrip ako na di naman dapat kasi pangarap niya yun. Pero umiral kasi sa kin yung lahat ginagawa ko para makasama siya tapos siya, biglang aalis pala. Hindi ako umiimik, tuloy lang ako sa pag-drive, mabilis na pala masyado yung pagpapatakbo ko. Tinapik niya ako, sabi niya dahan-dahan lang. Hindi ko napansin dahil sa inis ko. Nag-menor ako. Sabi ko sa kanya,
“Hindi ba pwede na dito ka na lang mag-work?” malambing yung pagkakasabi ko.
“Alam mo naman na yung kinikita dito, e doble pa rin yung kikitain dun, tsaka tagal na pangarap yun ni papa, di ba? Tagal na niyang plano na kunin ako,” sagot niya sa kin.
“Pero, di mo naman kailangan ng ganon kalaking pera Sach, enough naman yung sahod mo dito,” pinipilit ko pa rin.
“Oo nga, Drei! Pero kasi, di ba tagal na gusto yun ni papa?” sagot niya uli.
“Puro ka kasi gusto ni papa, gusto ni mama, e ang tanong gusto mo ba?” medyo naiinis na ako nung tinanong ko yun sa kanya yun.
“Hay na ko, Drei! Pag aawayan ba natin to?”
Halata kong galit na siya kasi dinabog na niya yung phone niya. Hindi na ako umimik para matigil na rin yung usapan. Hanggang sa nakarating kami sa bahay. Kumain kami, kwentuhan kila mommy, kila tita. Nakuwento niya kila mommy yung plano na pupunta siyang Canada.
“Ohh! Ang gandang opportunity nun kaso nako, maiiwan ka pala dito,” sabay tingin sa kin nila tita, tumalikod lang ako.
Medyo naaasar pa rin talaga ako. Hindi mawala sa isip ko yung halos liparin ko yung Batangas-Manila vice versa para lang makasama siya tapos bigla niya akong babalitaan ng ganon. Habang bumubuo ako ng plano sa min, may iba pala siyang plano. Hanggang sa medyo pagabi na. Niyaya ko na siya umakyat sa taas para makapagpahinga na siya habang mag-aasikaso naman ako ng dinner sa baba. Pag-akyat namin tinanong ko uli siya,
“Aalis ka ba talaga? Sure ka na?”
“Matagal pa yun Drei, di pa naman bukas agad agad yun, kumalma ka, inaasikaso pa yung mga papel,” sagot niya. Yumuko lang ako, naiiyak na naman kasi ako.
“Sige na, baba ka na, asikaso ka na ng ulam, bababa rin ako maya maya, bagal pala ng wifi dito sa taas niyo,” sabi niya uli sa kin.
Hindi ako nakapagpigil nung time na yun. Hin@lik@n ko siya, hinawakan ko nang mahigpit yung mukha at bewang niya. Tinatanggal niya yung kamay ko pero di niya matanggal. Hanggang sa may n@ngy@ri sa min. Hindi ako nag-withdr@w, aaminin ko, sinadya ko. Hinatid ko siya sa Manila kinabukasan.
“Dapat magkaroon ako ngayong last week, Drei,” sabi niya sa kin.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Anong bakit?” balik na tanong niya.
“Kabado ka?” sabi ko sa kanya habang tumatawa ako. Di siya umiimik.
“Pano yung kaba?” inaasar ko siya.
Hanggang sa hindi siya nagkaroon kaya nag-PT siya. Dalawa yung line pero malabo yung isa, sinend niya yung picture sa kin.
“Uulitin ko to bukas ng umaga,” sabi niya.
“Ulitin mo nang ulitin kahit ilan,” sabi ko, ako kasi sure ako.
Inulit niya kinabukasan, magka-VC kami nung ipapatak na niya. Gumuhit agad 2 lines. Todo ngiti ako. Sabi niya,
“Uulitin ko uli first week ng May pag di ako nagkaroon ngayon hanggang katapusan.”
“Okay, sige,” sabi ko.
Hanggang sa nag-May na, wala talaga. May 3 inulit niya, positive talaga. “Oh, ano? Naniwala ka na? 3x na yan,” sabi ko. Hindi pa raw nag-si-sink in sa kanya. Una niyang naisip, “Paano yung work ko dito? Paano yung Canada?”
Sabi ko, pwede pa naman din siya mag-work dito kung gusto niya pero para sa kin, ayoko na sana, gusto ko magpahinga siya. “Pa-check up na agad tayo,” sabi ko sa kanya. Nahirapan siya mag-file ng leave kasi tambak yung work nila. Hanggang sa isang araw, nag-spotting siya. Natakot siya kasi may nakita siyang dugo sa und3rw3ar niya. 3 days ganun pa rin kaya pinilit ko na siya um-absent.
Nagpa-check up kami at trans-V ultrasound, nakita dun na may Subchorionic hemorrhage siya. Reason kung bakit siya dinudug0. Kailangan daw ng complete bedrest kasi natatastas yung kinakapitan ng bata kaya may spotting. May pinapainom na gamot at hindi siya pwede kumilos at bumiyahe. Kasi kung hindi maagapan, pwede maging reason ng miscarriage.
Nanlumo kami sa nalaman namin. Naawa ako sa kanya, lalo sa baby. Ayaw namin mawalan ng anak. Ayaw ko rin may mangyari sa kanya. Sinabi na agad namin kina mommy at daddy. Natuwa sila mommy nung nalaman dahil unang apo nila. Hindi alam ni Sach kung paano sasabihin sa family niya lalo sa papa niya. Kaya sabi ko sa kanya sasamahan ko siya. Haharapin ko yun kung ano man yung magiging outcome. Na-convince ko siya na sabihin na namin sa side niya.
Natuwa yung mama niya kasi first apo rin sa kanila. Pero nag-alala sa sitwasyon ni Sach. Kaya sabi ko sa kanya mag-resign na siya, mas kailangan niya ng pahinga. Ayoko rin mag-work siya lalo buntis siya tapos may ganun pang condition. Ayaw niya nung una, ayaw niya i-give up yung career niya. Naiintindihan ko siya dahil matagal niyang pinaghirapan yun para marating yung position na yun.
Pinapaintindi ko sa kanya na kung wala lang ganung situation, e papayagan ko naman siya mag-work, kaso iba ngayon. Kinausap din namin yung papa niya through VC, medyo sumama loob ng papa niya pagkasabi ni Sach. In-end yung call. Umiyak si Sach kasi para sa kanya na-disappoint niya yung papa niya.
Mga ilang minutes tumawag yung papa niya, sinagot namin agad. Nagtanong tungkol sa kalagayan ni Sach, hindi in-open yung tungkol sa pagca-Canada ni Sach, siguro kasi alam niya nararamdaman ni Sach nung magkausap sila kasi umiiyak si Sach habang sinasabi tapos walang tigil sa kaka-sorry sa papa niya.
Na-guilty ako, sobra. Umiral yung pagiging selfish ko, aaminin ko. Sa kagustuhan ko na wag siyang matuloy sa Canada, ganito yung impact sa kanya. Sa kagustuhan ko na makasama siya, ganito yung nangyari. Kinausap ako ng papa niya, sabi sa kin kakausapin niya si Sach para mag-resign, madami pa naman work after manganak, marami pang opportunity na dadating. Para hindi ma-frustrate si Sach, makakasama kasi lalo sa kalagayan nila ng baby.
Pinakatumatak sa kin sa mga sinabi sa kin ng papa niya, “Nagloko rin ako noon sa mama nila. Alam ko yung ginawa mo noon sa anak ko. Wag mo na sana lolokohin yung anak ko. Kung may balak ka lokohin lang ulit, ibalik mo na lang sakin.” After namin mag-usap ng papa niya, lalo ako ginanahan na harapin yung mga padating pa na challenge sa min.
Nag-resign siya last week lang. Sabi ko sa kanya wag na niya isipin nang isipin yun. Nawala man yun pero may dumating na blessing, ayun yung baby namin. Nagpapahinga siya ngayon. Hindi pa kami pinapayagan magsama ulit. Kasi walang kasama si Sach sa condo pag nagkataon. Kaya dun muna siya sa mama niya. Araw-araw ako dumadaan dun bago umuwi. Gusto ni mommy dun sa bahay namin sana kaso mas gusto ni Sach sa kanila kasi nandun mama niya. Alam ko mas komportable siya dun dahil bahay nila yun at nandun mama at kapatid niya.
December manganganak si Sach. At na-e-excite na ako, sobra. Hindi madali pero alam kong kakayanin namin. Gagawin ko lahat para maging mabuting partner at tatay sa anak namin. Soon, matutupad ko rin yung binalak namin na kasal noon. Ano man mangyari, pakakasalan ko yung babaeng mahal ko lalo pa ngayon na magkakaanak na kami. Nandito pa rin ako lagi para sa kanya, lalo ganito sitwasyon niya, masyadong maselan ang pagbubuntis niya.
Next update siguro nasa gender reveal na tayo. Hehe. Eto pala picture ng PT at picture namin ni Sach…
Honda Civic, 20**, BSA, JRU
PART 1-7 of ‘PICTURE NA BAGONG LÎGÖ’ (click the blue text below):
PART 1, PART 2, PART 3, PART 4, PART 5, PART 6, PART 7, PART 8
First
Second hahaa
omayghaad
kinikilig akoo, matutulog nalang ako nainggit pa, chr
Cuteeee❤😫😫 sana magtuloy tuloy na goodluck sainyo sender 😫💞
congrats ♥️🥰
sabi na e happy ending🤧 parang pang wattpad lang ah😃 congrats to both of you sender🥰
Di porket nag ka balaikan at nagka anak happy ending na, di pa sila tumatandang magkasama saya di pa happy ending . Malay mo may isa sakanilang mag checheat ulit 😂
Hoy wag ka nmang ganyan hahahha
Oyo iz dat u?HAHAHHAA
Bitter yarn 🫠🥴
basahin mo ulit yung entry. sinadya nyang buntisin si sach para di sya umalis. Ano happy ending dun HAHAHA tama talaga yung kasabihan na birds of the same feathers flock together. Waiting nalang ako na iwan ni sach yang lalaki na gumagawa ng desisyon based sa kanyang emotions. Apakaselfish nyang tao
oonga di yan mgiging masaya..napaka selfish ni drei
True po. Ayoko sa part na sinadya niyang buntisin si Sach…kahit alam niya na may pqngarap ang papa nito. Selfish
Tamah! May kilala nga akong cheater eh, kinasal na, ang sweet ng message ni lalake sa wedding kala mo nagsisi ng totoo. Pero cheater pa din.
Hoooyy! ang nega ha! hahahaha
Lmao. The irony is real. Galit ka pala sa sarili mo?
Grabe yung turn of events. Medyo na shock ako ng konti. Grabe pa yung advise ko before kay ate Sach. But nonetheless, congratulations.
GRABE NAMAN ANG TWIST🥹
Siguraduhin mo lang na Hindi kana magloloko ha. Ang selfish na Ng ginawa mo 🥴
Sana matauhan kana
(2)
Tuwang-tuwa pa siya kasi natupad gusto niya. ‘Yung happiness ni Sach ‘di inisip. Haaaay.
true. baka pag inatake yung girl ng baby blues pag nanganak, sabihin niya nadala na naman ng damdamin. red flag mga ganitong lalaki na nadadala sa emosyon lagi
(2) HAHHAAHHA
tuwang -tuwa si accla e. ang selfish ampotek😭😭dami nagsasabi happy ending hahhahaaha ngina
don pa lang sa part na sinabi ni Sach na pupunta sya sa Canada tapos eto namang si angkol forda amok. sa part pa lang nyan ang toxic na ng mga pinag sasabi nya as in. red flag malala
true be. naisip ko tuloy yung pov nung kaibigan nya about sa kanya hmm
daming sides ng kwento eh. Kaya para sakin goodluck nalang kay Sach, kasi karamihan sa mga tao dito nasobrahan sa wattpad. Porket nabuntis happy ever after na lol
Hala true! Akala ko ako lang naka pansin na sarili nya nanaman inisip nya dyan. Haayy
Second???
Finally!😭💗💗💗 My heart is melting.🥺💗
Yehey happy ending 🎉👏
Congrats 👏 Yun lang❤️
Yun ohhh congrats pooo
at may katuloy pa ngaaaa
Congratulations and GoodLuck 😍
grabe nakakaiyak 😭 Nakakainspire love story nyo. Nasa healthy relationship naman ako pero feeling ko nabroken ako ngayon huhuhuhu ang sweettt ♥️♥️♥️ Goodluck to the both of you. Stay inlove. Sanaaaa allllllll
ano nakakainspire dyan? nakakainspire magcheat? lol
Ang gandaa ni sach kahit di kita yung facee😍😍😍
Tanginaaaa marupok talaga, di natutooooooo, napakadisappointing moooooo Sach, tanga tanga hayyyysssssttttt.
Ante si Sach ‘yung victim. ‘Wag tayo sana victim-blaming dito. 🙂
Mas tanga ka haahaha ano karapatan mong ma disappoint? Sino ka ba sa kanila? Pake mo kung yun naging desisyon nila
Oh my 😱😱 inabangan ko to . Waiting for the part 10 for the gender reveal and so forth . Sabi nga nila Love is much sweeter for the second time around .Wag mo na sana sayangin ung chance na binigay sau ni Sach , mahalin mo sya ng buong puso ,sila ng magiging anak niyo . Praying for Sach and to your baby for their safety always hanggang sa maipanganak ni sach ung baby nyo . Praying din for your strong relationship lalo na sa mga pwede pang problema na maaari nio pang harapin . Stay strong sainyo at sa binubuo niyong pamilya . Congrats na din ☺️☺️
Same tayo ng edd na month😍😍
Same din tayong umaasa na magkaka period ng march pero wala 😂😂
Good luck ❤️❤️
Uyyy seriously speaking nakaka depress yung situation ni Sach. I mean she worked hard for her position and she might feel na she’s a failure dahil sa naging reaction nung father niya. Goodluck sa journey niyo.
Godbless sa bubuoin niyong family! I wish for your happiness. 😇❤️
Happy for you guys. ❤️ Nabuntis din ko bago mag abroad hanggang ngaun wala pang career, bumaba pa self confidence, at tumaas ang insecurities kasi nag cheat lip ko emotionally. Ayun, self healing parin kahit almost a year na nangyare. Iniiyakan ko padin everytime. Di naman na ako galit sa kanya, sa sarili ko lang. Haha 🙃🫠 share ko lang.
Waruuu
Congrats po! Please love ate Sach even more.
Congratulations💗💗🥰
Naka smile ako oo eh nakasmile po 🥹💙
Kaso ang selfish ni sender. Yung career na iniingatan ni girl, ayun dahil binuntis niya mukhang di pa siya agad makakabalik.
Pang wattpad
Congrats guys!!!! Nakakatuwa lang na may progress na kayong dalawa and sana natuto ka na sa pagkakamali mo from the past
Ay salamat namn at parehas na kayung masaya😍.Natutuwa ako sa inyo❤️
Wala pang balikang nagaganap nag ka buntisan na HAHAHA
Cartimar sa Pasay ba yan?? Malapit ako dun hahaha.
Mr. Honda Civic, please make sure na hindi mo na uulitin yung before kasi grabe, ang selfish mo na sa part na yan. di mo hinayaan si Sach na matupad pangarap niya huhu so please, wag mo na ulitin + ngayon, may baby na kayo. but still, congrats! happy for the both of ü! 🥂
bakit mala wattpad yung kwento xD
Masaya ka pa na ginawan mo ng sariling desisyon si Sach? ‘Di mo muna tinanong kung ready siya sa ganu’ng bagay? Syempre baby ‘yan, blessing ‘yan. Tatanggapin na lang talaga ni Sach. Matutupad na pakakasalan mo na babaeng mahal mo? Finorce mo e. May involve nang bata. Oo, nakikita naman niya effort mo. Na-aappreciate din niya for sure. Kapag talaga sinaktan mo pa ‘yan, naku ha. Sobrang big catch na ni Sach. Pinagbigyan ka na’t lahat-lahat. Pati selfishness mo hinayaan niya kasi syempre mahal ka na ulit niyan.
Nakaka buntis talaga ang 2nd chance 🤣 hahaha
Wow! Congrats po sainyo. Sobrang happy ako para sainyong dalawa. Sana lang talaga wag Ng mag loko 😂 nakakakilig naman talaga Yung lovestory nyo 😍 anyways praying na sana maging maayos at healthy Ang pagbubuntis Ni Sach. 😍
CONGRATS ! chance mo na ito para bumawi drei, pls ayusin mo na ha, may anak na kayo. Maging mabuti kang ama at partner. God bless sa inyo, move on na tayo sa masasamang memories, basta maging mabuti laying parents sa magiging anak nyo. To ate Sach, I love you! Super love ko yung story nyo. God bless sa inyo.
kayong*
The design is very wattpad story huhu kainggit, stay strong po san healthy lagi si sach at ang baby!! ❤️
Selfish mo naman, red flag. Mas inuna mo pa yung kaligayahan mo kaysa kagustuhan ni Sach. Congrats anyway. Di mo na sana deserve yung 2nd chance, swerte mo tinanggap kapa. Nawa’y wala ng cheating and betrayal na maganap sa susunod. Hoping for successful birth delivery kay Sach.
Asan yung picture?
okay na pala HAHAHHA
Grabe naman🥺🥺 so happy para sa inyong dalawa! Lalo na sayo andrei🫶.
OMG, DESERVE MO TALAGA NG 2ND CHANCE.
KASI SINUYO MO SIYA, NAGBAGO KA PARA SAKANYA. SANA WAG MO NA SIYA LOKOHIN PLEASE LANG.
Ayiiee… Congrats.. naway ingatan mo si sach at ung magiging baby nio. Wag kang tumigil patunayan ung sarili mo kay sach dhil di lahat nabibigyan ng second chance..
Omgggg🥺❤️❤️
Congrats po❤️
Akala ko Wattpad na Yung binabasa ko haha. Btw,congrats to the both of you, wag ka na sana magloko drei
The guy really learned from his mistakes and he really chase Sach huhu, I’m happy for u both but please Sender, pag tapos manganak ni Sach sana support mo na sya sa kung anong gusto nyang Gawin.