“Never date a man who cannot afford his basic expenses…”

Hi. Palagi akong nagbabasa dito, at ngayon ay gusto ko namang ako ang magbahagi ng isa sa mga karanasan ko.

May ex-bf akong hindi m@lînîs sa kât@w@n. Yung tipong minsan lang malîg0 at kung malig0 man ay hindi magawang kuskusin ang kat@w@n. Alam kong hindi siya nagkukusk0s ng katawan dahil kapag hinag0d mo yung balat niya ay maraming lib@g.

Bukod don ay sobrang tamad din niya. Kahit mga pinggan na kinainan niya ay hindi niya magawang hugasan at ang mga labahin niya ay nakatambak na kung minsan ay inuulit-ulit niyang isuot ng ilang beses kahit madumi at mabah0 na dahil tamad siyang maglaba – wala naman siyang ginagawa buong araw.


Tumigil siya sa pag-aaral ng college due to some personal reasons na hindi ko pwedeng sabihin out of respect pero nong kami pa ay mahigit dalawang taon na siyang tambay at literal na walang ginagawa sa buhay, ni hindi man lamang siya naghanap ng trabaho upang matustusan ang sarili niyang pangangailangan.

Nagbulag-bulagan ako sa mga red flags na nakita ko at sa tuwing maaalala ko ay natatawa talaga ako dahil hindi ako makapaniwala na pumatol ako sa lalaking walang plano sa buhay. Hindi naman sa pagmamayabang pero consistent honor student ako simula kindergarten hanggang ngayong college, pero bakit ang b*b* ko sa mga panahong yon? Hahahaha!

Tiniis ko lahat ng yon at kahit kailan wala siyang narinig sa kin. Ginawa ko ang lahat na kung tutuusin ay sobra pa sa dapat gawin ng isang girlfriend; kapag pumunta ako sa bahay nila minsan ay nilalabhan ko yung mga damit niya at hinuhugasan ang mga nakatambak na hugasin.



Sinusuportahan ko siya sa lahat na gagawin niya at hindi ko siya pinilit na magtrabaho kahit alam ko na hindi niya kayang buhayin ang sarili niya, sa halip ay dinadalhan ko na lang siya ng kahit na anong puwede niyang makain mula sa bahay upang kahit papaano ay natutulungan ko siya (hindi na kasi siya sinusuportahan ng nanay niya dahil may bago na itong asawa at nasa legal age naman na siya).

Maliban doon ay sobrang higpit din niya sa akin at napaka-t*xic. Hindi niya ako pinapayagang kumain sa labas kasama ang mga babaeng kaibigan ko na alam naman niyang hindi masasamang tao dahil mga achievers din sila kagaya ko, at kapag may lakad ako kasama pamilya ko ay palagi niya akong inaaway.

Wala siyang ginagawa sa buhay kaya siguro gusto niya lahat ng atensyon ko nasa kanya dahil wala siyang mapagbalingan ng oras at atensyon niya.



Tumagal ang relasyon namin ng mahigit isang taon. Sa mahigit isang taon, umasa ako na magbabago ang pagiging m@dûmi, tamad, pab@ya sa buh@y at t*xic niya, ngunit hindi. Hanggang sa napagod ako at isang araw nagising na lang akong hindi na siya mahal.

Pero kahit ganon ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na subukan siyang mahalin ulit dahil tuwing makikipaghiwalay ako ay sasabihin niyang magpap*k*m*t*y siya (nagse-send siya sa akin ng picture na may hawak na kutsily0 at idinidikit niya sa puls0 niya at minsan ay lubid na nakatali sa rafter ng bahay nila).

Naaawa ako dahil ako lang ang meron siya kaya hindi ko siya magawang iwan, subalit dumating ang araw na naging matapang akong makipaghiwalay dahil hindi ko na talaga kaya.



Nakipaghiwalay ako sa kaniya last year. Nung naghiwalay kami ay alam kong masama ako sa mga kuwento niya sa pinsan niya at barkada niya dahil nabasa ko unintentionally yung usapan nila, kasama na rito ang pangba-body shame sa akin pero kahit ganon ay wala akong sinabihan ng mga red pa sa red na red flags niya.

Hindi ko nga pinagkalat na scammer sila ng kaibigan niya at minsan din siyang nakipag-chat sa b*kla upang magkapera. I stayed during his setbacks pero yun lang pala mapapala ko. Haha! Ngunit kahit ganon, sana ay maging masaya siya at ayusin na niya ang buhay niya dahil kawawa ang mapapangasawa niya.

Hindi ko ito shinare dahil bitter ako nor mag-spread ng negativity bagkus ay gusto kong maging lesson sana ito sa lahat lalong lalo na sa mga babaeng kagaya ko. NEVER DATE A MAN/WOMAN WHO CANNOT AFFORD HIS/HER BASIC EXPENSES DAHIL KAHIT GAANO MO SIYA TULUNGAN AT SUPORTAHAN, SA HULI IKAW PA RIN ANG MASAMA.

I’m so happy na nakawala ako sa relasyon na iyon. Sa ngayon ay happy naman na ako at nasa healthy relationship na ako with my bf na sobrang malinis sa katawan, maalaga, mapagmahal, understanding, pogi, at grumaduate with flying colors.

Miss Wa, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

13
Subscribe
Notify of
guest
13 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Hanabi
Hanabi
1 year ago

Grabe naman yung kad*gy*t*n ng ex mo. BIGGEST TURN OFF TALAGA SAKIN YUNG LALAKING MABAHO AT DI NALILIGO.

Bruh
Bruh
1 year ago

Buti na lang hiniwalayan mo na yan. Ang gago. Makarma sana yan.

Michicko
Michicko
1 year ago

Nakoo May naalala din akong dugyot tapos nung nag hiwalay kami kung ano anong masasama pinag kakalat tungkol saken 🤣. Bitter na tapos wala pang balls eeewwwws talaga be

Koi
Koi
1 year ago

Naalala ko ganyan din ex ko wala atang plano sa buhay. Sa loob ng 3 yrs namin ilang beses lang syang nagtrabaho tapos ilang linggo lang tinatagal nya pinakamatagal na yung 2 months at gusto nya laging sa kanya lang attention ko tambay lagi e ayaw din bumalik sa pag aaral ako pa minsan nagbibigay sa kanya kahit working student ako
Kaya ayun iniwan ko na tamad e

Lstgrl.
Lstgrl.
Reply to  Koi
1 year ago

Same po😅

Labidabs
Labidabs
1 year ago

Don’t lower your standard talaga hahaha binaba mo na nga di pa maachieve hahahahhaa

Reign
Reign
1 year ago

Call me maselan pero I can’t imagine myself sa taong walang tinapos na pag aaral. I know may mga masuswerte na nakakaahon kahit di nakapag tapos pero para sa kapos na tulad ko educational background una kong tinitignan sa lalaki other than sa pagiging marespeto. Know your worth girls don’t settle for less be independent but doesn’t mean na kaya mo is ikaw bubuhat sa buhay ng walang kwentang tao.

Lstgrl.
Lstgrl.
1 year ago

Same nakipag break din ako last week sa bf ko dahil higit tatlong taon nakong nag aantay at nag maghanap sya ng trabaho at mangarap pero wala.
Never gumastos saming dalawa,ako lahat sa expenses
Finally nagising din ako, nakipag break nako sakanya ngayon free na ako

Cha-cha
Cha-cha
1 year ago

Same po🥺 pero naliligo naman siya araw araw pero ayun lang po andami niyang Plano sa buhay Niya pero di naman siya gumagawa ng paraan para makamit yun.
Dumating din sa point na tinatakot niya ako pag iniwan ko siya.
Pero thankful ako this year kasi may Isang taong nagpakita sakin ng halaga at nagkaroon ako ng lakas ng loob na umalis sa ganong sitwasyon.

Okay lang na siraan tayo, wag lang tayo yung manira ng ibang tao ♥️

Jiiem
Jiiem
1 year ago

lakas ng loob maging possesive ni hindi nga marunong maglinis ng katawan 💀 (parehong mali yun btw)
Good to know na hiniwalayan mo na po yun sender. You deserve a better partner na may pangarap sa buhay at mabango hahah

izaiiii
izaiiii
1 year ago

Yung nagpaulan ng kadugyutan si Lord at sinalo lahat ng ex mo 🤭😂

Angelofmine93
Angelofmine93
1 year ago

Guuuurllll…. You ate and left no crumbs🙌🙌🙌🤸 slaaaay queeeen🙌🙌🙌👑👑👑

Ganyan dapat im sooo soo proud of you ate girl. Dasurb mo lahat ng happiness gurrrrl.

Goodluck nga pala sa ex mo na kakulay ng flag ng north korea😂✌️

roan
roan
1 year ago

same na same sila ng cousin ko🥲🥲🥲

error: Content is protected!
13
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x