Back then 4 months ago I was working in Makati and nakatira ako sa Malibay, Pasay.
So bago ako makarating sa work 2 rides pa ako. Wala naman akong pake sa mga nakakatabi sa jeep basta papasok at makauwi lang akong safe.
One day may nag-chat sa akin sabi,
“Hi.” Ganun lang.
Then ako naman ignore lang that time. Nahihiwagaan ako and I asked myself kung sino siya and saan niya nakuha yung Facebook account ko, since intrôvert person ako. Hindi nga ako nag-p-profile talaga ng face ko sa Facebook, butterfly lang ganon feeling mysteryosa.
Hindi naman ako pângit sadyang ayaw ko lang mag profile picture ng mukha ko.
Then I tried to entertain this person since boring naman talaga at nakiki-smile na lang ako sa relasyon ng iba at madalas 3rd wheel pa.
So fast forward, I entertained him pero may times na pag naiisip kong ayaw ko mag-commit kasi parang cycle nalang yung nangyayari,
KIKILALANIN MO..
KIKILIGAN KA…
MASASANAY KANG KAUSAP SYA…
MAIINLOVE KA…
MAGIGING KUMPORTABLE KAYO SA ISAT ISA…
TAPOS IIWAN KANA NAMAN or BREAK UP NA NAMAN…
Ayun hindi ko na naman siya nirereplyan, Kung mag-reply man ako isang beses in 1 week or 2 weeks pero siya consistent. Gigising ako na may more than 10 messages from him and then naisip ko na for how many months napaka-consistent nya talaga so why not diba?
So eto na nga, naging kami this December.
Parang ang saya niya, and I’m happy that time rin kasi syempre diba. Natanong ko rin kung paano niya nalaman yung Facebook account ko and he said nakuha niya lang yung Facebook account ko sa jeep dahil nakatabi ko raw sya while ako nag-f-facebook ako. Haha diba marites.
Umabot daw sa 4x kaming nagkasabayan pero ni isa doom hindi ko alam kasi lagi nga lang akong nakayuko. Sabi niya pa he’s always waiting for me daw in Evangelista ( Terminal ng Jeep ).
Everything went smoothly nag-de-date kami and nagtatawanan pa like talagang super nagki-click kaming dalawa, ‘Till we decided to spend the night together, we drink liquor and play cards so okay talaga as in.
Then nagulat ako kase kinabukasan parang naging usapang break up yung topic.
My mom wants to send me sa US kasi mas maganda raw ang opportunity ng nurses doon. And yung parents niya wants to send him naman sa Qatar.
So ako sa isip ko sinasabi na ‘wag ka nalang umalis baby, I WANT TO ACHIEVE EVERYTHING WITH YOU pagsikapan natin to pareho’ pero wala naman ako sa posisyon para mag-suggest since parents naman namin may gusto.
And now eto na kami.
He blocked me sa social media accounts niya. Hindi na kami nag-uusap pakiramdam ko ako lang apektado sa lahat. Masakit din ‘to sa akin pero wala naman akong magagawa kasi eto na yun eh. Back to the cycle na naman.
—
PERO SANA LANG ‘DI MO NA GINULO YUNG PANANAHIMIK KO, I BUILD ENOUGH WALLS TO PROTECT MYSELF but i let you in kasi akala ko ikaw yung magpapatibay ng walls and you’ll protect me too pero HINDI. Sinanay mo ako na nandyan ka. Pinaniwala mo ako na hindi ka aalis sa tabi ko but now kitang kita ko na walang konting regrets sayo.”
Thank you for that jeepney love story. Thank you for loving me, And thank you sa pagpapamukha sakin na WALA TALAGANG TRUE LOVE.
For the last time i just want to say THANK YOU and I LOVE YOU!
Barnachea
2019
BSN
FEU
0 Comments