“LICENSED TEACHER AKO PERO WALANG PANGARAP”

Graduate ako ng education. Kapapasa lang sa LET nitong December.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero ayaw kong magturo. Kahit pangarap ko namang maging teacher noong elementary ako.

Kahit na inihanda ko ang sarili ko sa pagiging guro noong highschool. Kahit ginugol ko ang apat na taon para maging degree holder sa education.

Nagsimula akong mawalan ng gana nang mag-practice teaching na ako. Apat na section ng Grade 7 ang nahawakan ko, lahat magugulo.

Araw-araw, kahit mag-ready ako sa lesson ko, palaging nasisira kasi may mga batang hindi makasunod.

Na-realize ko, hindi ako effective maging guro. Wala akong authority sa mga bata. Hindi ako matalino. Hanggang sa nawalan na ako ng gana.

2019, grumaduate ako. Three years na natengga. Walang plano. Walang pangarap.

Pero may d3pr3ssi0n. Maraming beses na su!c!d3 att3mps. Maraming gabing hindi natulog at maraming meals ang hindi kinain.

Bumaba ang timbang ko, hindi na rin ako lumalabas ng bahay. Sobrang bigat at hirap ng tatlong taong iyon.

Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa kin na mag-review para sa board exam. Basta nag-review ako.

Nag-file ng application sa malayong bayan nang mag-isa. Nag-exam noong October. Pumasa last December. Masaya pero saglit lang. Wala pa rin akong pangarap.

Pasalamat na lang ako kasi buhay pa rin ako hanggang ngayon. May urge na para tumuloy kahit papaano.

At from 36 kilos, 38 na ako ngayon. Natutulog at nakakakain na nang maayos.

Yon na lang pampalubag-loob ko. Na baka bukas paggising ko, tuluyan ko nang mahanap ang sarili ko.

I was a dreamer when I was a kid. Now, at 23, I’m left wondering… what went wrong?

Ataraxia, 2019, Education, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
50 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Ms Educ
Ms Educ
1 year ago

Naiyak ako, baka maging ganito rin ako after kong maka-graduate ng educ at makapag take ng LET.

Lpt01
Lpt01
Reply to  Ms Educ
1 year ago

Same. Maeexpire nalang lisensya ko ngayong taon, wala pa rin akong balak mag turo. Nawala yung motivation ko kung bakit gusto kong maging guro. Naka experience kase ako noong practice teaching ko na mabastos (tawaging mataba) , yung mga hs students na nagmumurahan at nagsisigawan sa harap ko, Paos na paos nako di pa rin sila tumitigil sa pag iingay :(. Umuwi akong walang boses di ko masabi sa jeepney driver kung saan ako bababa. Resource teacher na naninira ng co-ST ko kahit wala naman ginagawang mali at di naman totoo yung sinasabi.

Kem
Kem
Reply to  Lpt01
1 year ago

Share your problems with God♥️

Cuti
Cuti
Reply to  Kem
1 year ago

Not everyone believes in GOD

Gabby
Gabby
1 year ago

Don’t worry sender hindi ka nag iisa. I passed the LET last 2018 same year nang pagkagraduate ko. Almost 5 years di pa rin nagtuturo (never nagturo). Na expired na lahat lahat License ko at nakapag renew pero wala paring motivation magturo. Try to change your career muna. Kung teaching talaga calling satin, babalik at babalik tayo doon. Laban lang 😊

Giel
Giel
Reply to  Gabby
1 year ago

Same. Saan ka nagwork ngayon ?

Tiff
Tiff
Reply to  Gabby
1 year ago

Samedt 😭

Ms Hope
Ms Hope
Reply to  Gabby
1 year ago

Same 🙁 After 2 years of teaching, physically and mentally drained ako dahil na din sa naging environment sa school. Kaya ngayon, inuunti unti ko yung passion ko. Hopefully maging succeasful na tayong lahat! ♥️

bia
bia
1 year ago

Same sender😥 dati pangarap ko rin maging guro kaso ngayon nawawalan narin akong gana.

JELa*
JELa*
1 year ago

Sending huggs sender. Been there and felt that too. take time to find yourself and explore different jobs muna. as a license holder maraming opportunities na pwde saatin. grab that chance para mahanap yung sasaya ka sa work na papasukan mo. Hoping na makalagpas ka sa phase na pinagdadaanan mo ngayon. Fighting!

Sylah
Sylah
1 year ago

Same situation as in same nag take ng exam nung October 2022 nakapasa first take binigay agad ni Lord thankful naman ako dun sobrang saya pero ayoko talaga mag turo nag start nun nung nag practice teach din ako 💔😭
Wala pa ring work hanggang ngayon nag aalaga lang ng anak ko since 2019 😪
Cheer up Sis 😊

Giel
Giel
1 year ago

Same po 🙁 hays

Pisces
Pisces
1 year ago

Same lang din sakin. 2018 nkapasa agad pero until now parang takot ako magturo. Kaya eto nag afam nalang baka ito talaga direction ko 😁

Red
Red
Reply to  Pisces
1 year ago

Sana all

zey
zey
1 year ago

me too, licensed teacher din ako. I’m already 27 pero naliligaw parin. hindi parin alam ang pangarap ko. 🥺🥺

Ms Hope
Ms Hope
Reply to  zey
1 year ago

*hugsss*

Ejb
Ejb
1 year ago

Ako nga nagtuturo, kahit ayaw pinilit. So far kinakaya naman

Red
Red
Reply to  Ejb
1 year ago

Yes that’s great lumalaban

Seventeenrighthere
Seventeenrighthere
Reply to  Red
1 year ago

Same nagtuturo,kinakaya at kinakaya sana talaga d ako matuluyan dito sa education…

carbonaraxxx
carbonaraxxx
1 year ago

same sender, when i was a kid i want to be a teacher but noong nagtuntong ako ng college nawala yung passion ko roon nakakasad pero need magpatuloy, di ako self-diagnosed but i feel im not ok since 2018 and ’til now i still finding my self.. everyday 2 sem na lang graduate na rin ako still praying and kumakapit kay Lord.

DHA.
DHA.
1 year ago

its okay ,part yan ng life,ako nga after graduation ng high school ng stop for 3 years ,wlang finacial support.ngvtrabaho as kasambahay,mahirap pla ang liit ngbsahod m,na nangarap maka pag college,salamat sa tulong n Lord nka pag aral ulit,everyday ako ang darasal.nakikiusap.sa.panginoong Dios namatulungan makapagtapus na kahit sa hirap ng buhay nakaraos.,nakapagtapus nakapasa sa LET,natingga ng 1 taon ,patuloy parin sa pagdarsal araw -araw na kung sa kaling makapasok sa trabaho malapit sa simbahan,indi ko inaasahan makapasok at maka turo mismo sa private parochial school,naranasan ko ring ma.depress kasi ilang taon kung pag paghintay,hindi ako makapasok sa public school huminto.ako sa pagdarasal nagtampo ako Panginoong Dios na hindi ako pinagbigyan sa aking hiling ,pero napagtanto ko,ang aking pagkakamali ,bumalik ako sa pagdarasal ,mag 8taon bago makapasok sa public school,na aking pinasasamalatan sa araw araw.dahil kung hindi pa oras ,maghihintay ka talaga wag lang magmadali,importante buhay ka at patuloy na lumalaban sa buhay.huwag lang kalimutan mag darasal sa araw araw,.

Red
Red
1 year ago

Hi Sender I hope you find the courage to begin again and have faith on yourself. Mag start ka lang kahit ayaw mo ang mahalaga naguumpisa kana. Ganyan din ako noon, no desire to work sa aking Napiling prof. Napaka tagal kong nagumpisa sa buhay until such time I learned that walang perfect na buhay, walang madaling profession at lahat may kanya kanyang kahinaan. Sa umpisa feeling bobo k tlga sa sarili mo ang mhlga open ka kung ano dpt iimprove sa sarili mo. gagawin ntin ang work na hndi laging perfect pero ang mhlga matututo ka. Maganda magumpisa now na and go grab your life back kung sa huli hndi mo tlg gusto ang work mo atleast you tried and nagtry ka makapagturo s mga bata what a great goal in life, at pwed ka parin naman pumasok s bagong mundo na mas gusto mo plng gawin for sure ung natutunan mo sa dati mong life mlaking tulong sa papasukin mong bago. Basta ang mahala just go on and be brave. God bless you

Haha
Haha
1 year ago

Buti ka nga may pangarap noon, ako hanggang ngayon wala e, panigurado mas matalino ka kesa sakin nakapasa ka e. Ako entrance exam ng college di ko napapasa. Tapos ngayong graduate na ko, entrance exam para sa job application di ako mapasa haha tengga din ako ngayon e haha.

Kem
Kem
1 year ago

Hi sender!! Surrender your worry and problem Kay lord, pahinga at magbasa ng Bible alam kong Hindi po madali ang lahat pero kapag nandyan sya inaasahan mo may bagyo o wala magiging happy Ka po. I hope makatulong po ako sa inyo kapag nabasa nyo ito

Cuti
Cuti
1 year ago

Ify sender. Nung bata pa ko dami kong pangarap ngayon di ko na apam HAHAHA

Ms Hope
Ms Hope
1 year ago

Hugs sender 🥰 Hanggat nabubuhay, may pag asa tayo. Ang mga efforts mo ay valid at understandable na sometimes bigla ka na lang tatamaan ng kalungkutan na di mo alam saan nanggagaling. May halaga ka, at meron para sayo, wag ka mawalan ng pag asa! Unti unti lang para di ka maoverwhelm, okay?

Ms Hope
Ms Hope
1 year ago

And I thought, ako or kokonti lang ang ganitong case. Ang dami dami pala natin, and I understand you din guys somehow. Pressure is everywhere but thankful to my family and kay lord talaga dahil nabibigyan ako pag-asa araw araw para magproceed dahil di pa huli ang lahat para satin. 🫰🏻 I’ll pray for you guys! Keep fighting! ♥️🌼

Jo Atinta
Jo Atinta
1 year ago

Same here. Licensed Teacher last 2018 pa. Pero not even once nagpa ranking, or nag apply sa mga private schools. Nawala yung passion na magturo. But I didn’t stop there. Nag try ako mag apply kung saan-saan. BPO, private companies and even govt agencies. Hanggang sa nahanap ko kung anong gusto ko.. I don’t mind kung hindi in line sa course ko. Ang importante may future kang pino foresee. Kaya laban lang sender. Get up and move. Wag na wag mong iisipin yung sasabihin ng iba.

Naseef
Naseef
1 year ago

I do things without realizing what I want to achieve, even until now. I taught SHS for 3 years after finishing my degree. It was fun at first. Pero unti unti akong nanghina sa pagtuturo. Seems like, habang tumatagal lalong nagiging bago sakin ang lahat. I was transferred to another department.But then, I make a mess up to the point na may araw na hindi ako kinausap ng mga kasama ko due to that mess. I know it’s my fault. And then my pessimistic mind attacks. Now, here I am questioning my life decisions, my ability and my skills again.

Naseef
Naseef
Reply to  Naseef
1 year ago

I just go with the flow. Even though, it doesn’t make me happy.

Darius Guyo
Darius Guyo
1 year ago

Mindan naiisip ko kung bakit pa ako magti take ng LET e wala naman ajong balak magturo.

Maganda
Maganda
1 year ago

Same here. Nawawalan ka talaga ng gana para magpatuloy sa nasimulang pangarap lalo na kung walang nagmomotivate sa’yo. Mismong sarili mo hindi mo maencourage or mamotivate. 😥

Padda
Padda
1 year ago

6 years ng nagtuturo pero di pa rin alam ang gusto. Tinuloy tuloy ko na lang dahil nakakasanayan na. Nakakapagod, nakakaubos pero dahil ito ang nagpapakain sa amin, walang dahilan para huminto.

Vilmabheng J. Hasim
Vilmabheng J. Hasim
1 year ago

Teacher ako for almost 17 years now.hindi ko alam kung papano akong tumagal ng ganito siguro dahil na rin sa hirap ng buhay.after 17 years saka ko lang na realized na hindi pala ako masaya at kelangan kong magpakatotoo sa sarili ko. I love teaching kids with different personalities pero ayokong gawing kalbaryo ang buhay ko sa araw araw na pakikibuno sa stress.I think of resigning three years from now and magtatayo ng negosyo na personally ako mag mamanage at least walang tension at walang stress.
I can sleep,rest and manage my time at my own convenience ❤️❤️

Nice
Nice
1 year ago

Nakaka relate ako I am now having may Practice teaching 2 different grade level. Ang hirap dagdagan pa ng mga requirements for graduation 1 libro na daoat sagutan for internship and portfolio..unang week inspired ako magturo pero ngayon habang papalapit na deadline nawawala nako sa focus. Hirap gumawa ng lp plus IMs pero sana kayanin.

Agatha
Agatha
Reply to  Nice
1 year ago

(2) sana all kinakaya pa, ako gusto ko nang sumuko habng papalapit ka mas papahirap tama nga dahil habng papalapit dn ang graduation ayoko nang tumuloy diko na kaya 😭

Former Teacher
Former Teacher
1 year ago

I was also a teacher. LPT and 4 years in teaching. Ok naman yung boss commendable talaga sila, mababait din mga students. Maraming nagsasabi na sobrang passionate ko when it comes to teaching and not to brag, one of the favorites ng mga students but still I quit. Why? Napagod ako sa sistema ng education natin. The passion is there but I need to be more practical than passionate lalo na sa lagay ng buhay ngayon. Masaya ko ngayon kahit wala sa teaching. Less stress sa work din and more time sa sarili and family. Kaya mo yan sender! Divert mo muna sarili mo sa ibang career baka dun mo makita saan ka talaga dapat. Kung talagang sa education ka, babalik at babalik ka sa pagtuturo.

Maria
Maria
1 year ago

Ako now ko nararamdaman na mahirap maging teacher now s public ako iba mga bata gusto ko na sumuko , Pero nagdarasal n lng ako

reymondpulse26
reymondpulse26
1 year ago

Hello sender walang problema kung wala ka pang balak magturo kung calling mo yan yan mismo ang mangungulit sau balang araw. Wag mo gawing balakid ung mga past experience mo para mawalan ka ng gana magturo.. Idagdag mo un as experience wag sana maging hindrance un sakin kasi student ko sa 1st yr in teaching ko college agad at mga professional pa na gusto lang magkaroon ng diploma literal na napapahiya ako sa klase but that is part ng pagiging teacher…. Lagi ko iniisip if you want to defeat your enemy become your enemy. Ganun ang application ko sa mga students ko , hindi yung literal na defeat kundi alamin naten kung saan nagmula ang mga batang yan at maging katulad tayo sa mundong ginagalawan nila bago mo sila baguhin bilang isang professional na tao.

5 yrs akong nahinto sa pagtuturo pero at the end sa teaching pa din ako nilagay ni Lord hopefully makita mo din ang path na nireready sau ni Lord.

Charmaigne Arce
Charmaigne Arce
1 year ago

Sana mahanap nating lahat yung purpose natin sa buhay. 🌷✨

Bellefire
Bellefire
11 months ago

Apply ka naang sa tri bureua, bfp, pnp or bjmp

Anon
Anon
10 months ago

ganito ako ngayon to be honest. pero tinatry ko padin magwork sa DEPED non-teaching for a reason that i cannot deal with many students. masyado akong mahiyain and hindi ready, hindi din matalino. naiisip ko nalang mag simula ulit ako sa pinakauna kong gusto which is IT. IT kasi course ko kumuha lang ako ng units para makapagexam ng LET. pero ngayon sabi ko nga nagtatry ako sa DEPED pero non-teaching para kahit papano nasa govt agency padin ako. kahit alam kong hindi ko gusto tong pinapasok ko, alam naman natin lahat kung bakit tayo nagtatrabaho or nag hahanap ng trabaho 🙂

Pusaka05
Pusaka05
7 months ago

Laban lang po , di man ako maka-relate kase di naman educ course ko but same din na walang pangarap , I’m just so greatful na nagigising ako every day ng maaga, lagi ko lang pinagdarasal ung mga sana ko at lahat ng blessings na natanggap ko. Tapos nangarap lang ako na makatulog sa parents ko kase isang taon na akong na tambay sa bahay nakakahiya na masyadong umaasa sa kanila, kaya naghahanap ako ng work inisip ko na kahit ano basta my trabaho lang. Unang sabak ko ang hirap pala kase need nila ng my experience nahirapan ako sa awa ng dyos nagkatrabaho ako pero di din nagtagal wala pang isang taon wala na ulit akong trabaho. One day nung nagsawa na ako magpatuloy bigla my interview agad ako ng hapon and na hired the next day now mag 3 yrs na ako sa trabaho ko. Kaya mag pray lang po di lahat ng pinangarap natin ibibigay sa atin maybe sign lang yun para sa mas magandang pangarap..

Gracious
Gracious
7 months ago

You need God in your life your burdens are all giants, you got drain and exhausted, punta ka simbahan may someone lend a hand and lead you right to God his the hope all you need.🤍

dana
dana
7 months ago

sa college na lang po. kahit mag guest lesturer kayo, sa college hindi nyo mararansan ang pagsigaw at mapaos. kasi more on naka focus sa inyo all ears lahat ng students. ang iispen nyo na labg ay kong paano nyo bibigyan ng flat uno ang students nyo.

Dangdang
Dangdang
7 months ago

I had the same thoughts. Graduateng architecture, best thesis . Pambato ng school yung thesis ko. I did my best during my college years. Hindi ako matalino, never been a deans lister. Pero mataas ang pangarap ko na magiging archi ako. I have passion in designing. Pero after grad I just dont know what happen. Suddenly ayoko na mag apprentice. Till now di parin ako nag internship. Mga kaklase ko noon arki na ngayon. Ako eto nasa F&B sa ibang bansa.

but I have a goal now. Sana lang para sakin na yung next career ko

Ms. BEEd
Ms. BEEd
7 months ago

Same sender. I’m 24 na, kakapasa lang din last December. I never dreamed of being a teacher talaga, pero nung tinake ko ang educ nung college unti unti ko naman minahal not until nakapag ojt din ako. Pandemic pa yon, iilan lang ang batang pumapasok pero ubos na ubos ako lagi sa isang araw. I graduated, teached 1 year sa private school. Noong una gusto ko sumuko dahil akala ko pag private school maunti lang students pero hindi pala, para akong nasa public school. Those are my first months pero umalwan kalaunan dahil nilipat ako sa SPED Dept which I fell inlove. Nung papasok na ang new school year, first week pa lang tuluyan na akong sumuko. Nag reach out ako sa may ari ng school to lessen my work kahit konti bc that time, nagrereview ako for board, both of my parents is ofw. I find it hard to manage my time kaso wala, hindi ako pinayagan so I resigned. And now na nakapasa ako, I don’t know what to do na. Naiiyak ako kasi pakiramdam ko Im not good enough dahil hindi ko kayang i-handle ang students ko despite of trying diff strategies 😢

Ganymede
Ganymede
7 months ago

Hindi ako degree holder, SHS grad lang ako way back 2018. Diko alam bakit Wala akong pangarap, as in diko alam kung ano Ang ipu pursue ko na career sa buhay. Ang alam ko lang, gusto ko mag trabaho para kumita ng pera at maibigay Yung pangarap ng mga Kapatid ko. I’m 24yo rn, nag tatrabaho as call center agent. May pinag aaral na dalawang college, Isang SHS, Isang HS at Isang elementary plus may pinapagatas pa na 3yo (lahat Yan Kapatid at pamangkin ko lang). Parang Yun nalang Ang reason ko everyday na pagpasok sa work eh. Pero Yung para Sakin? Wala talaga. Parang tinatamad na din ako mag aral eh. Sana soon magkaron na din ako ng Plano na para sa Sarili ko. Pero sa Ngayon, sila muna <3

Si ate mo girl
Si ate mo girl
7 months ago

Nakakatakot na baka mangyari den saken ‘to

Aki
Aki
7 months ago

Same situation. Degree holder, board passer, pero walang pangarap. Ayaw ituloy ang naumpisahan. Maraming nagtatanong kung kailan ako mag-a-apply, saang school, etc. Laging sagot, ewan.

error: Content is protected!
50
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x