Hello, this is my first time to confess, silent reader ako at di ako marunong magkuwento talaga but I want to share my story for advice na rin kasi nahihirapan na talaga ako.
First of all, mahal na mahal ko asawa ko kahit ganun siya tanggap ko siya, ang di ko lang matanggap ay ang magmahal siya ng iba, kahit sino naman, di ba? Sakit marinig na sabihing hindi ka na mahal ng asawa mo. Sobrang nadurog puso ko sa daming masasakit na salitang binitiwan niya.
Eto yung di ko kinaya, yung nararamdaman ko di niya ako sinasama sa mga plano niya sa buhay, yung pakiramdam na iniiwan ka niya sa ere, may mga plan pala siya pero para sa kanya lang, never nag-plan about for us, our family.
Ang sakit sa kin na kasama ko siya sa lahat, kasama ko siya sa mga pangarap ko pero di ka pala niya kasama sa mga plano niya sa buhay. Parang di niya matanggap na nakabuo siya ng pamilya, na ako kasama niyang bumuo netong dalawang anak namin.
Until nagsabi siya sa kin na gay siya, at wala na raw siyang feelings sa kin as in, sinubukan naman daw niya lahat na mahalin ako pero wala na raw talaga. Lalaki talaga gusto niya. Palagi niya yan sinasabi sa tuwing magaaway kami, at sa tuwing away namin na yun ay dahil sa di niya pag-uwi at late na umuwi.
Nauuwi pa sa marah@s and last time na sinakt@n niya ako, sinugod pa ako sa ospital dahil dugu@n ako, na-dislocate pa ilong ko. Papakulong ko na siya dapat pero naunahan na naman ako ng takot para sa mga anak ko, paano kinabukasan nila? Ano na lang iisipin nila pag nalaman nilang nasa kulungan daddy nila? Sobra kasi silang maka-daddy.
Sobrang sakit, di ko na alam gagawin ko. Ngayon hinihingi na niya kalayaan nya. Inggit na inggit na raw siya sa mga katulad niyang gay na malaya silang magmahal.
Di ko alam kung may kaso ba sa ganito. Ayokong pumayag sa gusto niya, gusto ko siyang ipakulong. Iiwan niya kaming mag-iina para sa pansariling kaligayahan. Kaya mas gugustuhin kong mawala na lang siya o makulong. Ano po kaya puwede kong ikaso?
MJ, 20**, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
first
Unahan ba to
Sis, iwanan mo siya forget about having a father of your children kita mo naman na d siya father figure, lumalaki na mga bata mo you need to make decisions that are both good for you and children, imagine gagawin din yan ng asawa mo sa anak niyo, gusto mo ba yan?
Palayain mo na. Wag mo na rin ikulong sarili mo sa kanya. Pinagbuhatan ka na nga ng kamay eh. Explain mo sa mga anak mo kung na gay siya. Need nila maintindihan yan na maghihiwalay kayo kahit na mahirap. Wag kang magsstay. Masasakal ka lang. Time to move on!
R.A 9262 Vilolation Against Women and their Children. yan ang nilabag nia. kasuhan mo na po huhu
Sana Po nung sinasaktan ka nya Ng pisikal pinakulong mo na sya, kaya tuloy ikaw ngaun Ang nasasaktan at nahihirapan. Hndi man lang inisip ang mga anak nyo sariling kaligayahan lang iniisp nya, Kong kailan nagkaanak na kau dun pa sya umamin 🙄🙄
Basically walang batas kapag nag mahal ng SAME GENDER ANG PARTNER MO Nasa batas lang kapag OPPOSITE GENDER Ask for legal advice
Gawin mo makakapag PAGAAN SAYO NGAYON KASUHAN MO KUNG PWEDE
At Last kapag nagawa mo yan IKAW DIN MAKAKALAYA KANA DIN AT MATTANGGAP MO AT MAS MAG FUNCTION PA NG MAS MAAYOS ANG ISIP MO SENDER