“Hindi sinâsâktân ni mama si papa pero grabe siya magsalita, kaya niyang sabihin na wâlâng kwentâ si papa, t*nga*, etc…”


Selosa at Tinkerbell ang nanay ko, ‘di puwedeng i-deny ‘yon. Pero minsan, sobrang babaw na ng mga reasons niya para magselos.

Paano ko nasabing nasa abusiv3 relationship si papa? Dahil sa mga nagagawa ni mama kapag g@lit siya. Hindi niya sinasaktan si papa physically pero grabe siyang mags@lita. Walang preno. Kaya niyang sabihin kung gaano kawalang kwênt@ si papa, t@ngâ, and all that sh*t.

Kapag tumatawag si mama sa phone ni papa at ‘di nasagot ng ilang ring, nagag@lit agad. Pero kapag siya ang ‘di ma-contact (minsan bina-block niya kami, sina-silent mode ang phone, or ino-off), okay lang.

Nitong December lang, nagbakasyon ako for Christmas sa kampo nila papa and nakigamit ako ng phone niya para i-login ang account ko since ayaw gumana ng mga charger sa ‘kin.

Unfortunately, no’ng i-la-login ko na ang account ni papa, need pa ng password. E hindi rin alam ni papa ang password niya kasi hawak din ni mama ang account niya. Finorgot password ko para mapalitan namin. ‘Di ko na tinext si mama kasi baka busy.


Binalaan na ako ni papa na baka magalit si mama. Sabi ko, ako na ang bahalang magpaliwanag. And later that night, nag-text si mama, g@lit na g@lit.

“Bakit mo pinalitan ang password? May tinatago ka? Ayaw mong makita ko?”

Sinagot ko ang tawag niya kay papa, then I explained the reason. Pero ayaw niyang kumalma. Grabe, paulit-ulit ‘yong chat niyang,

“Palitan niyo ‘yan! Masyadong mahaba. Ang dami niyo kasing arte! Palitan niyo ‘yan, bw*s*t kayo. I-block ko kayong lahat! Mag-New Year tayong ganito!”

Sinend namin ang email at password. ‘Di niya pa man nasusubukang i-login, um-a-armalite na agad ang bibig. Gusto kong maiyak kasi kalmadong magpaliwanag si papa. Napaka-unreasonable ng g@lit ni mama.


Sabi ko kay papa, “Kung asawa ko ‘yan, iniwan ko na ‘yan.”

Ang sagot lang sakin ni papa, “Hindi gano’n. Kung iniwan ko siya, edi paano na kayo?”

Naiiyak ako sa g@lit! Ako na lang ang nagtatanggol kay papa kasi laging ginagawa ito ni mama. Grabe siyang maka-verbal abus3.

And I’ll admit, dahil sa words niya, lagi akong nag-a-attempt na t@pûs!n ang s@rili ko. Kung may nakuha man akong trait kay mama, ‘yon ay ang kamalditahan niya.

Inaagaw ni papa sa ‘kin ang phone kasi hindi ko mapigilang pagsabihan si mama plus ayaw kong magpatalo sa argument kasi alam kong may mali siya.


January 3, malakas ang ulan kaya stranded si papa at bunso namin dito sa isang bahay namin. Dalawa ang bahay namin, kaming magkakapatid ang tao rito sa malaki kasi may wifi. While do’n sa bago is sila mama.

Alas-nuebe na ng gabi pero umuulan pa rin. Motor lang ang gamit nila so ‘di p’wedeng sumuong. Around 10 pm, umuwi na sila.

At kinabukasan, nakita kong may mga kâlm0t sa braso si papa. Nagkuwento siya sa ‘king nag away raw sila no’ng gabing ‘yon.

“G@lit na naman siya. ‘Yan nga oh, mga kalm0t niya. Inaw@y niya ako. Tapos nakasalubong na namin siya sa daan kasi siya mismo ang susundo sa ‘min.”

Like, sizt? I can’t believe what I just heard. 10 minutes walk ang layo ng bahay namin galing sa kabilang bahay. Hindi ko na talaga kinakaya ang attitude ng nanay ko.


Kumalma lang daw siya no’ng tinanong niya ang bunso namin kung saan sila pumunta ni papa. Mabuti na lang at naipaliwanag ng bunso naming 4 years old kung ba’t ‘di sila nakauwi agad.

I can’t take this family anymore. Petty reasons pero over ang reaction niya. I’m sorry pero napasabi talaga ako ng,

“I think hindi lang si tita (tita kong nab@liw) ang kailangang i-pa-check sa psychiatrist, si mama rin ata.”

I love you, ma, pero nakakairita ka minsan. Nakakab@liw kang i-handle.

Nox, 2023, BSED, ND

*do not copy/paste this content on any platform

guest
23 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Cx*
Cx*
1 year ago

Natrauma ata mama mo sa kung anong bagay kaya nagkaganyan:((

lily
lily
Reply to  Cx*
1 year ago

yes, like she grew up sa ganiyang environment and naipapasa niya sa kanila.

まいくん
まいくん
Reply to  Cx*
1 year ago

Honestly, as someone who had a mother like the person who posted this… I don’t care. Her fucking past, I no longer care. Fuck her, fuck her fucking attitude. She needs to learn to be fucking accountable for her own fucking doing. Ironically, my mother has a degree in psych pero lmao look at her.

The past explains the reasons for an action, but it does not excuse it
(・ᵕ・)

George
George
Reply to  まいくん
1 year ago

Leave your mother then… Yun Lang Yun, Hindi mo Kaya ang ugali? Umalis Ka…

Rom
Rom
1 year ago

May anger issue si mother mo, better na ipa- psychiatrist

xx!
xx!
1 year ago

she’s toxic!

Lonely bitch
Lonely bitch
1 year ago

Sometimes ganyan ako. I just hope na maging okay na ko kasi hanggang ngayon traumatized parin ako sa cheating from first relationship to the last one before my current relationship. Kasi si current bf ang nagsasuffer ngayon sa dulot ng mga naging karelasyon ko e.

Nakakabaliw na. I really with to see a psychiatrist para magheal na lahat ng bigat na nararamdaman ko. 😔

George
George
1 year ago

I have a feeling na may ginawa SA past ang father mo… Kaya ganyan mama mo

まいくん
まいくん
Reply to  George
1 year ago

Or perhaps she has her own issues na walang kinalaman yung asawa :)Honestly, I no longer give a shit about a persons past if they’re shitty to even their kids. The mother mentioned in the post also ruins her kids’ mental health, not just the husband… like my mother. Haha… fuck… if only divorce was legal here.

George
George
Reply to  まいくん
1 year ago

What did you do? To help things up? If you don’t care, then wala Rin mangyayari. Better, leave…

KnB
KnB
1 year ago

Kung ako yan, kahit nanay ko yan iniwan ko yan. Naranasan ko yan, ultimo pagiging manipulative ng nanay at masasakit na salita halos inaalmusal ko na araw-araw. Then dumating isang araw naumay na ako, lumayas ako. Bumukod na kumbaga, then doon na realize ng nanay ko kung gaano ako ka importante sa bahay at ngayon hinahabol na ako. Minsan kailangan mo mawala bago ma realize ng tao ang halaga mo.

まいくん
まいくん
Reply to  KnB
1 year ago

Haha, agree

Michicko
Michicko
1 year ago

Pa check nyo sa psychiatrist baka may something din yang mama mo 🥲

George
George
Reply to  Michicko
1 year ago

True, Baka may disorder na Yung nanay nila… Philippines Kasi, Hindi naniniwala sa ganyan… Feeling nila… Kaartehan lang

Strawberry
Strawberry
1 year ago

I think trauma po yan..i’ll been there po subrang yan ako peru hnd ko pinpakita sa anak ko ung pangaaway..lumau luob ko sa own pamily ko imagen?pati anak ko ..gusto ko sya iwan but i cant dhl sa anak ko kia dinadaan ko sa ganyang ugali..minaliit,sinaktan,mura lahat po nagawa ko dhil sa subrang sakit na pinadaan nia sakin..nagbago sya pru andun prin ung what if..

Heart
Heart
1 year ago

Ganto tatay ko. Nagagalit siya sa nanay ko. Yun pala ang rason is sa 25 years nilang kasal, di pala minahal ni papa si mama ko. Rason? Ayun di pa raw nakakamove on sa ex lover niya kaya yung inis is binabaling niya sa nanay ko.

annson
annson
1 year ago

Ganyan din mother ko masakit mag salita kung ano anong pinag sasabi ky papa minsan sinasabihan nyang sana maaksidente raw may motor kasi si papa walang araw na di sila nag aaway ng papa ko, pag uwi ni papa galing work aawayin nya. Ganun din pati fb account ni papa gsto nya alam nya pero fb account nya ayaw nya ipaalam ayaw din nga nya na ma open namin o makita kung ano laman ng messages. Ngayon tahimik kami dito sa bahay dahil wala sya rito nasa maynila sya.

che
che
1 year ago

share ko lang. my mom is abusive as well. physical and emotional. cheater din sya and a gold digger.

my father is an enabler. kahit anong gawin ng nanay ko, okay lang. kahit mali sya or kahit sinasaktan kami, mali pa rin kami or kami pa yung masama. may trauma bonding na kumbaga.

ayaw din ng dad ko iwanan nanay ko. reason nya is dapat kumpleto daw ang family kahit anong mangyari.

umalis kami ng mga kapatid ko. iniwan namin silang dalawa. sa dad ko, minimal contact tas no contact na kami sa nanay ko.

you deserve peace of mind . you can do the same as well

Bj?
Bj?
Reply to  che
1 year ago

Yan ang dahilan kung bkt ako sumama sa ka live in ko ngyon , na akala nila nangati lng ako ng maaga🙂
Kung d ako umalis don baka matagal nakong baliw , ngayon massabi kong nagkaruon nako ng sarling pamilya na hndi toxic
Di ko at d prin ako pinapabayaan ni papa ❤️

まいくん
まいくん
1 year ago

Haha… I can relate.

potato
potato
1 year ago

paano maiwasan yang ganyang attitude huhu.. ganyan ako.. ang hirap. feeling ko parang lagi akong talo.😔 pero ang totoo ako ang may kasalanan hahaha.. nagpapakabaliw sa sariling pag iisip.

qt7
qt7
Reply to  potato
1 year ago

better seek professional help sis, magpa-psychiatrist ka hangga’t aware ka pa sa behavior mo

Rouina
Rouina
1 year ago

Hindi natin alam ang reason ng mama mo bat siya ganyan. Kasi ako nanay na din ako ganyan din mama ko noon puro mura ang naririnig ko, ngayon na nanay na ako naiintindihan kona lahat. Hindi pala nagagalit ang nanay ng wala lang.. Ako nagseselos ako at alam ko ang password ng asawa ko kasi nagagawa nyang makipagchat padin sa iba tinotopak ako kasi pagod ako sa gawaing bahay.
sender tignan mo din sa isang banda bakit ganyan mama mo hindi naman masamang intindihin siya.

error: Content is protected!
23
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x