“Alam mo ikaw, mabubuntis ka ngayong taon, pustahan tayo, ‘di matatapos ang school year na hindi ka buntis,” sabi sa ‘kin ng isang teacher sa school…

Hi, itago n’yo na lang ako sa pangalang Kath. Kuwento ko lang yung nangyari sa kin nung 2020 sa school, I was Grade 10 student that time at transferee. Nangyari to malapit na mag-end ang school year, and ayon, na-late kami ng uwi ng school ng mga friends ko, dati kasi may practice pa sila at hinihintay ko sila matapos kasi nga sabay-sabay kami lagi noon umuwi.

There was this one teacher na kausap nila kaya lumapit ako tapos right after niya ako makita, bigla ba namang sinabi na “Alam mo ikaw, mabubuntis ka ngayong taon…” tapos ako syempre na-shock, I wasn’t able to say a word, nanigas lang ako sa kinatatayuan ko, like ano yon? Tama ba na sabihan mo ng ganon ang student?


To think na hindi naman kita adviser at hindi rin kita subject teacher? May boyfriend ako that time kaya niya rin siguro nasabi yon, pero di naman tama na bigla ka na lang magsasabi ng ganon sa student na kesyo tama yung hula mo noon dati sa isang student na nab*ntis nga tapos nase-sense mong pati ako mabubunt*s.

Pwes mali ang hula mo sir dahil Grade 12 na po ako ngayon at hindi ako nab*ntis gaya nang sinasabi mo. Hinding-hindi ko yon makakalimutan lalo na nung sinabi mo na “Pustahan tayo, ‘di matatapos ang school year na hindi ka buntis, balitaan mo ko kapag mali ako”.


Excuse me lang po pero hindi po tayo close at wala kang karapatan magsabi ng ganyan sa kahit na sinong student. Ayoko na pahabain, basta good luck na lang po sa yo ngayon, sir. Wala na rin naman po akong balita sa yo. Gusto ko lang po malaman n’yo na hindi pa rin po ako b*ntis kung mabasa n’yo man to.

Kath, 2020, *Confidential


*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

13
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x