“Aanak-anak ka tapos ‘di mo naman pala kayang buhayin nang maayos ang anak mo!” | USF’s Exclusive Story

Hi. Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob at hinanakit sa Mundo. Kahapon, na-ospital ang anak kong 4 years old (single mom ako, btw), diagnosis sa kanya is asthmatic bronchitis and acute tonsillopharyngitis.

Niresetahan siya ng pedia (pedia sa public hospital, wala akong pampa-pedia na private) ng 2 klase ng antibiotics, nebules, vitamins, gamot sa ubo, at paracetamol.

Halos manlambot ang tuhod ko kahapon nang itanong ko sa botika kung magkano ang aabutin ng mga reseta sa anak ko. 897 Pesos. Halos maiyak ako kasi hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ibibili ng gamot ng anak ko.


Kung sasabihin niyo na puwede namang lumapit sa kawani ng gobyerno, nakalapit na po ako, siyang ginamit naming mag-ina sa pagpapa-lab test, xray, at pamasahe kahapon pa-ospital.

Hanggang gabi akong naghahanap kahapon ng mahihiraman o malalapitan. May ilang kaibigan na nag-abot ng konting tulong kaya nabili ko rin kagabi ang isang antibiotic na kailangan niya.

Dahil kailangan pang mabili ang iba pang gamot na reseta sa anak ko, naglakas loob akong lumapit sa kamag-anak namin na may kaya sa buhay. Huling baraha na kasi sila para mabili ko gamot ng anak ko. Pero, wrong move pala na lumapit ako sa kanila. Ang napala ko lang is pang-iinsulto at panglalait like,


“Aanak-anak ka tapos ‘di mo naman pala kayang buhayin nang maayos ang anak mo!”
“Kung ‘di ka sana nanglandi sa ad*k at walang kwentang lalaki, edi sana ‘di kayo ganiyang mag-ina.”
“Magp*kp0k ka para may ibili ka ng pangangailangan ng anak mo. Wala naman nang mawawala sa ‘yo. Pakinabangan mo katawan mo,” and so on…

Grabe. Di na nga tumulong, nakuha pang manglait at magsalita ng kung ano-ano. Wala akong nasabi sa kanila. Di ako nagsalita. Umalis ako na walang napala kundi sama ng loob.


Habang pauwi sa bahay, wala akong tigil sa pag-iyak. Grabe na yung pagod ko tapos napatungan pa ng sama ng loob. Kundi pa ko mahagip ng sasakyan kanina, di ako babalik sa reyalidad, e. Umuwi ako sa anak ko na parang walang masakit na nangyari sa kin. Humingi ako ng pasensya sa kanya kasi di ko pa rin nabili gamot na kailangan niya. Di ko na napigilan ang umiyak sa harap niya nang sabihin niyang,

“Okay lang, ma. Magaling na ako. Gagaling na ako. Pagagalingin ako ni Mama Mary at Papa Jesus.”

Di ko sinasadyang mag-breakdown sa harap ng anak ko. Alam kong di maganda yun. Pero, di ko na napigilan, e.


Kaya lesson learned na sa min na hinding-hindi na kami/ako lalapit sa mga mahadera at  matapobre naming kamag-anak.

P.S. If you’re going to ask me naasan parents ko, ba’t di ako dun lumapit? Wala. Wala na. Wala rin akong kapatid na masasandalan. And yung ama naman ng anak ko, ayun, nasa kandungan ng ibang babae. Binubuhay ang anak ng ibang lalake.

May, 201*, *Confidential


*do not copy/paste this content on any platform

4
1
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
anonymous
anonymous
1 year ago

hays sana kung wala naman ambag wag n lang masalit

mie
mie
1 year ago

Time will come, that the table will turn. Damhin mo lahat mg sakit sender, yan magiging basis mo para lumaban sa buhay. I am a single mother of a 4 year old too, so ramdam kita. Kaibahan lang natin, may regular work ako at sustento ang dada nya. Pero I will pray for you. Kaya natin ang hamon ng buhay. And please, dont etertain any man in your life. Earn more money, karma ba ang bahala sa nagpasakit sayo ngayon.

Care
Care
1 year ago

Ateng sender try mo po yung IMMUNCARE OR STIMUNO vitamins po sya sa para sa baga … Sorry yan lang maiaambag ko … Ganyan po vitamins na pinainum ng pedia sa pamangkin ko sa awa ng diyos okay na sya …. Minimum 1month ang inuman nya and 3x a day po sya …

Aji
Aji
1 year ago

kaya tama yung sinasabi ng iba eh, “KUNG SINO PA KADUGO MO, SIYA PANG MANLALAIT SAYO” pwede namang magdahilan nalang kung ayaw talaga tumulong. Di yung magsasalita pa ng masasakit na salita, wala na ngang ambag. Although, di naman kasalanan ng babae kum bakit nagkaganun ang buhay. Pero di naman pupwedeng isisi nalang ang naging maling desisyon .. Di bale Sender, pag napagtapos mo ng pag aaral yang anak mo at nagkaroon ng magandang trabaho at nakaangat kayo sa buhay. Wala kang kikilalaning KAMAG ANAK. Kagigil mga kamag anak na ganyan eh. KARMA IS KARMA naman din. Always pray na lang po.

error: Content is protected!
4
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x