“AYOKONG MAIWAN MAG-ISA DITO SA MUNDO KAYA BINIGAY MO SIYA”

We met on April 2021 sa FB Dating, to make the long story short, dinare ko siya, na kapag nag 25 years old na ako at wala pa rin boyfriend, kaming dalawa na lang ang magpakasal.

And he agreed. Sobrang bait, mahaba ang pasensya, maaalahanin, at kino-consider ang bawat opinyon ko sa mga desisyon.

Sobrang tiyaga niya maghintay kaya naman hindi ako nahirapan matutunan siyang mahalin.

Until I turned 25 and exactly at my mom’s 50th birthday, officially ko siyang sinagot sa harap ng family ko. Kita sa mukha niya ang pagkabigla at pagkatuwa.

August 2021, nag-decide na kami magsama, pumayag ako kasi ramdam ko na siya na talaga.

Everything was so perfect, though nag aaway kami palagi sa kape dahil lagi siyang nakikihigop sa kape ko. Haha!

September 2022 ng umaga, nagpaalam siya sa akin na pupunta sa birthday ng ka-work niya after work nila at doon na siya matutulog dahil baka makainom daw siya.

Pumayag ako, until nag-out na siya at nagmamadaling nagbihis paalis. Nagalit ako at inaway siya dahil madaling-madali siya nung time na yun.

Hindi man lang kasi nagpahinga or tinanong man lang ako kung kumain na ako, and nung time na yun,  wala akong kasama sa bahay kaya ayoko na siyang payagan sanang umalis.

Ayaw niya akong naiiwan mag-isa pero nung time na yun, mas pinili niya kong iwan para lang makapunta sa tropa niya.

Kapag galit ako hindi na siya umaalis, pero nung time na yun ay hindi ko siya napigilan.

Ayaw niya kasing may kaibigan na nagtatampo sa kanya, and I hate him for that.

September at 2:30 am, tumatawag sa kin yung isang ka-work niya na umiiyak at sinabing naaksidente siya, pero okay naman daw kaya wag ako mag-alala.

Pero pagdating ko sa emergency room, sini-CPR na siya ng doctor, nawala ako sa sarili ko at halos mâpâtây ko na sa murâ, sâmpâl at sunt0k yung mga ka-work niya na nandon din sa ospital.

Napakasakit na makita yung mahal mo sa ganoong kondisyon. Nagdasal ako sa panginoon na,

“Diyos ko, buhay ko na lang po ang kunin ninyo, hindi ko po kakayanin ang maiwanan mag-isa. Marami pa po siyang pangarap at gustong gawin, buhayin mo lang po siya, lahat po gagawin ko.”

Ang huling patak ng luha ko, ay ang huling tibok na rin ng puso niya. Wala na siya. Lumaban siya ngunit hindi na kaya ng katawan niya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata niya ang mga patak ng luha. Alam kong lumaban siya, alam kong pinilit niya pa lumaban pero hanggang doon na lang siguro talaga.

Hindi ko ma-imagine na yung iniintay kong umuwi, e wala ng buhay dadating sa bahay. Buong burol niya, wala akong ibang nasambit kundi,

“Hindi ko kaya ng wala siya, hindi ko kayang mag-isa, ayokong maiwan mag-isa, isama na lang niya ako.”

After ng libing, ni-recommend sa kin ng mga magulang ko na mag-PT ako dahil 1 month na akong delay.

Hindi na sa kin bago yon dahil sira talaga ang cycle ng menstruation ko, nade-delay talaga ako minsan, pero pinilit pa rin nila ako mag-PT.

POSITIVE, ang sigaw nila. Pero ako, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung time na yun. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Isa lang ang alam ko sa ngayon, masaya ang live-in partner ko kasi matagal na naming pinagdadasal to, matagal na niyang pangarap to.

To my Love, hindi man tayo umabot sa kasal natin, pero natupad naman yung isang pangarap natin. Thank you kasi iniwan mo sa kin si baby, alam kong ayaw mo kong mag isa. Alam kong masayang masaya ka ngayon.

Love, sobrang nahihirapan ako ngayon kasi nasanay ako na nandito ka palagi sa tabi ko, ang hirap kasi ang bigat bigat ng loob ko pero bawal ako umiyak o malungkot kasi makakaapekto kay baby, bawal ako ma-stress.

Nanghihina ako pero kailangan kong maging malakas para sa anak natin. Please be at peace, My Love.

Wag mo na ako alalahanin, promise kakayanin kong mabuhay at maging matatag.

Salamat sa 1 taon nating pagsasama. Hindi ako nagsisisi sa mga naging desisyon natin.

Salamat sa 1 taon na nakapiling kita, hinding-hindi ko makakalimutan na sa loob ng 1 taon na yun, naging napakasaya ng buhay ko. Maraming-maraming salamat, Love. Mahal na mahal kita.

CelestineMarie DC., 2016, Visual Graphics and Design, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

27
guest
41 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
kjecG.
kjecG.
1 year ago

Ang sakitttt😭😭😭

Miraí
Miraí
1 year ago

Take of yourself girl. God Speed! ❤️

Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
1 year ago

napaka sweet ng sound trip ko dito tas eto paluluhain lang ako?

kraia
kraia
1 year ago

grabe ang sakit. sending hugs sender!

Musa Cherry Mae
Musa Cherry Mae
1 year ago

😭😭

Clairrie jynn
Clairrie jynn
1 year ago

Kaiyak naman to😢

Joy Maranion
Joy Maranion
1 year ago

Oh m g kaiyak,pakatatag ka for the sake of your baby ,take care of yourself hugs..godbless

Last edited 1 year ago by Joy Maranion
dette
dette
1 year ago

shit ang sakit , namatay din parter ko . 2019 2 na anak namin that time . kaya relate ako kase sobrang bigat sa pakiramdam ng mawala yung nakasanayan mo nang kasama 😔

roma amor
roma amor
1 year ago

Super relate.. namatay din husband ko last April. Ung pilit lumalaban kasu d na kinaya .. ung luha Nia kitang kita ko sa gilid ng mata Nia. Huhuhuhu…. Ang sakit sakit parin.

Mhl❣️
Mhl❣️
1 year ago

ang sakit beh😭💔
virtual hug sayo mii stay strong para kay Bb❣️

MarianL.
MarianL.
1 year ago

Isa na namang araw na mapanakit 💔 Stay strong sender kaya mo yan para sa baby mo Laban lang! 🥹

Marian
Marian
1 year ago

Napaluha ako sa story mo te. Pakatatag ka po. ☺️

Shake
Shake
1 year ago

“Ineng, si bunso, nasa black bag na”,
Tandang tanda ko pa yung tono ng kuya nya nung sinabi nya sakin yun.
The same day na dapat pag uusapan namin kung paano aamin sa mga magulang ko sya nawala sa aksidente. Mag iisang taon na agad yung anak namin na hindi nya manlang nakilala. Pero sa kanya ko ipinangalan.

Yna
Yna
1 year ago

ako ngang nagbabasa nasasaktan, what more sayo ateng sender? sobrang lakas mo, siguro kung ako yon nagpak4matay na lang ako. minsan mapapatanong kana lang talaga sa itaas kung bakit ganon yung tadhana mo e.

Labits
Labits
1 year ago

oh myyyy 😭😭😭

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
1 year ago

Isang mahigpit na yakap sender 🫂 May he rest in peace.🕊️ Pakatatag ka pa lalo para kay Baby. God bless you sender 😇

Yunis
Yunis
1 year ago

😭

Wanda
Wanda
1 year ago

D ko lang gets bat inuna pa nya kbgan nya kesa sayo sender. Like mag isa ka nun tas mas iniisip pa nya yung tampo ng kbgan nya lol like wth? Cno kaba sa buhay nya versus tropa nya? Dun palang mali na eh.

Angel
Angel
1 year ago

Why naman ganyan 😭

Marites
Marites
1 year ago

Sakitttyyy😭

Blue Leaf
Blue Leaf
1 year ago

😭😭😭🤧

adi
adi
1 year ago

suckeattt ampotek

Evelyn
Evelyn
1 year ago

Kaya ako, mas gusto kong ako mauna kesa ako ung maiwan, ayoko rin mag isa, lalo na kung sanay kang kasama sya lagi

Pat
Pat
1 year ago

I’m hurting atm 😭 pakatatag ka, sender! 💪🙏

Hilds
Hilds
1 year ago

Sakit naman 😔😭
sending hugs sender 🤗

selly
selly
1 year ago

alam mo sender dama ko kita kasi iniwan din ako ng partner ko habang pinagbubuntis ko ang pang 3rd baby namin ang sakit kasi fimo pwede ilabas ng sama ng loob mo kasi meron maaapektuhan sa loob ng tiyan mo ung hirap at sakit nagsama pero hindi mo iniisip un kasi mas pinili mo maging kalmado para kay baby .. sender always pray malalagpasan mo lahat ng yan binigay sayo ang pagsubok n yan kasi alam nya na kakayanin mo .. Goodluck sainyo ni baby mo sender

Miss B
Miss B
1 year ago

😭😭😭😭😭

M.G.E
M.G.E
1 year ago

Kung pinigilan mo lang sana sya😭 mapanakit na umaga😔

gwaceyy_lalala
gwaceyy_lalala
1 year ago

ang sakit

Mai-mai
Mai-mai
1 year ago

Sakit naman. Ako din for 8years sakanya lang umikot mundo ko parang hindi ko rin kakayanin maiwan mag-isa, nasanay kasi ako na anjan sya palagi, umiintindi at nag aasikaso sa’kin.🥺 lahat ng gusto ko binibigay nya kahit wag na sya basta meron ako🥺 sending hugs po

Chai
Chai
1 year ago

😭😭

Mommymoto
Mommymoto
1 year ago

Subrang sakit nito . Yung almost perfect na sna pero hnde pa pala yun pra sayo . .. Be strong sender and godbless you and to your baby 💕 Huuugs

Inamo
Inamo
1 year ago

what if manganganak na ex nya kaya sya nagmamadali. Jk

chen
chen
1 year ago

😭😭😭

Asawa ni Kim Jisoo
Asawa ni Kim Jisoo
1 year ago

Higs for u sender 🫂🤍

Asawa ni Kim Jisoo
Asawa ni Kim Jisoo
Reply to  Asawa ni Kim Jisoo
1 year ago

Hugs* kasi

gdiwjey
gdiwjey
1 year ago

ang sakit grabe kayo

daniii
daniii
1 year ago

ang sakit:( katulad ng nangyare kay Faith at Piruis:((

Cyrel
Cyrel
1 year ago

Ayuko mag mahal, nakakatakot.

Chika
Chika
1 year ago

” Ang huling patak ng luha ko,ay ang huling tibok na rin ng puso nya” my gaaddddd!!!

”Yung iniintay kong umuwi, e wala ng buhay dadating sa bahay”

Jusku po heart breaking quotes of the day😭😭😭😭😭😭

Akotosimik
Akotosimik
1 year ago

Ansakit sender, I hope kayanin mo sender. I’m sure masaya na yung boyfriend mo. Alagaan mo ang baby mo ha? Kain ka palagi ng healthy foods tas exercise kana din. I hope na normal delivery ka sender❣️

error: Content is protected!
41
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x