“YOU’RE MY FIRST BUT UNFORTUNATELY, NOT MY LAST…”

Warning: Mahaba but take time to read.

We’re just both 13 years old that time when we had our first meeting sa church. Drummer ka do’n. Maputi. Matangkad. Chinito. Na-attract ako sa ‘yo no’n. You’re almost perfect. Kaagaw-agaw pansin ka.

Tapos ako naman, baguhan pa lang sa church no’n pero Christian na ako no’n. Bagong salta lang kami sa Manila kaya naghahanap kami ng family ko ng bagong Christian Church.

One time sa school, since transferee ako no’n, wala pa kong friends. Pumunta akong mag-isa sa canteen at nagulat ako kasi bukod sa magka-churchmate tayo, e magka-schoolmate rin pala tayo.

Tinawag mo ako no’n at… OMG!  KILALA MO AKO. Na-surprise naman ako, kaya simula no’n, naging friends na tayo. Lumiit yung mundo para sa ating dalawa.

2 years later, graduating na tayo ng HS. Naging classmates tayo. Parehong pilot section. Tapos sa church, cell group leader ka na, tapos ako singer.

O, di ba? Lakas maka-relationship goals. Parehong ginagamit ni Lord. Ang kaso, wala tayong relationship. Pero okay lang. Bata pa naman tayo no’n at halata namang mas focus ka sa pagse-serve.

Ay, nga pala, date mo ako nung JS prom. 2 consecutive years ‘yon. Juniors saka seniors. Alam ‘yon pati sa church kaya inasar nila tayo. Syempre ako, kinikilig no’n pero sa’yo parang wala lang. Hay.

Fast forward. Yey! College na tayo. Magkaibang university pinapasukan natin but still serving. Accountancy ako. Ikaw ay Journalism.

Dahil medyo mature na tayo that time, napapansin kong gusto mo na rin ako. Lagi kasi kitang nahuhuling tumitingin sa ‘kin no’n, pati ngumingiti, at saka minsan ako palagi sinasama mo pag may bibilhin ka or pupuntahan ka.

Kaso months passed, napansin kong absent ka na lagi sa service. Tinanong ko sa ibang churchmate pero ‘di rin nila alam. Kaya ayon, I started to worry. Tinext kita. ‘Di ka nagre-reply.

Hanggang sa… ayun, bumalik ka na ulit. Pero ang putla mo. Ang payat mo. Naawa ako sa ‘yo. Kaya sinabi ko sa sarili ko,

“Nag-âdîk kaya ‘to?” 

Pero sa kabila no’n, naging active ka pa rin sa paglilingkod kaya binura ko na ‘yung thought ko na “nag-âdîk kaya ‘to?”

Kalahati na ng taon no’n, na-i-stress na ko sa life ko. Ang hirap pala talaga ng buhay kolehiyo tapos nafi-feel kong nagpaparamdam ka no’n kasi nag-aaya kang lumabas no’n at text ka na nang text pero dahil nga busy ako, ‘di ko na muna pinaglaanan ng pansin ‘yung mga ‘yon.

Then weeks passed, nagsimula ka na namang um-absent. ‘Di na naman kita nakikita tuwing Wednesday at Sunday. Nag-worry na naman ako kaya sa sobrang curious at pag-aalala ko, tinanong ko na sa Pastor natin…

And I’ve heard the worse of all the worst thing I’ve ever heard. Ayokong maniwala. ‘Di ko gustong maniwala at walang balak maniwala. ‘Di ko alam ‘yon. Wala akong kalam-alam. Naiiyak ako. ‘Di ko alam gagawin ko. Bakit ikaw? Bakit ganon?

May sakit ka pala. Ikaw pala ‘yong pinagpe-pray sa bawat prayer request no’n. Kaya pala ang putla mo. Kaya pala ‘di na normal ‘yung pagkaputi mo.  

Nung nalaman ko ‘yon, pinuntahan kita agad. Gusto kitang yakapin, alagaan, at ipadama sa ‘yo ‘yung love at care ko sa ‘yo.

Almost 5 months kitang inalagaan. Mas binigay ko time ko sa ‘yo no’n kaysa studies ko. Gustong sulitin ang bawat araw na kasama pa kita.

Together, we’ve made everything to the most of it…

Hanggang sa bumitiw ka na. ‘Di mo na kaya. Kinuha ka na ni Lord. Siguro sabi Niya,

“Magpahinga ka na, anak. Sobra sobra na ang pagsasakripisyo mo.”

Sobrang nasaktan ako sa pagkawala mo. At dun ko na-realize na kaya pala gano’n ka na lang din ka-focus sa pagse-serve no’n.  

Nung burial mo, ayokong pumunta. Dahil ‘di ko matanggap na wala ka na. Ang bata mo pa no’n. You’re just 17-year-old. Pero naisip ko na, you’re a lot better and happier na because tapos na paghihirap mo.

You’re in a better place na with God. Kaya pumunta na rin ako. Tiningnan kita, ang sweet at ang amo ng mukha mo. Ang pogi mo pa rin. Para ka nga lang natutulog lang, e. Your face was so peaceful.

And now, almost 10 years na simula nung nawala ka. Nung iniwan mo ‘ko. Kami. I miss you. You’re my best friend, my partner in crîme, my first love, and my first heartbreak. Ikaw ‘yung dream boy ko. ‘Yung ideal man ko. Yung soulmate ko.

Kaso kinuha ka ni Lord, e. Hindi naging tayo sa huli. But then again, minamahal pa rin kita diyan sa taas. Kahit ‘di kita nakikita.

Sayang nga lang kasi ‘di mo na ‘ko makikita sa wedding ko. I’m soon to be a Pastor’s wife, Ian. Thank you for everything. Ikaw ‘yung naging strength ko at inspirasyon ko no’n hanggang ngayon lalo na sa pages-serve at pananampalataya.

Kaya, thank you sa panandaliang pagdating sa buhay ko. I’ve loved you and I still do. ‘Di na ata magbabago ‘yon, e.

At syempre, super grateful ako kay Lord kasi hinayaan niya ‘kong makilala ang first love at ang last love ko. Dalawang lalaking nagpatibok ng puso ko na si Lord ang sentro ng buhay nila. Ang suwerte ko naman. Wala na ‘kong mahihiling pa.

Thanks a lot, Ian. You’re maybe gone but will never be forgotten.

Thanks for reading. 😊

Ish, 20**, BS Accountancy, UST

guest
16 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Clairrie
Clairrie
1 year ago

Aw. Grabeng story. I know happy si Ian sa heaven dahil nakakilala ka ng mamahalin ka at makakasama mo sa habang buhay.

avemoon
avemoon
1 year ago

Aww may plano talaga si Lord ang galing kahit na wala na yung bstfrnd mo di mo siya kinalimutan and di mo kakalimutan<3 congraaats pala sender

Con diamante
Con diamante
1 year ago

Sya pa din mahal mo, tas ikakasal kna soon to be pastor’s wife, pano si future hubby mahal mo din ba??

Maidy
Maidy
1 year ago

The one that got away huhu😥

Ching
Ching
1 year ago

Wao. Two strike in a row, ah.
Pambumgad #2

SirMan
SirMan
1 year ago

Iba talaga pag si Lord Ang kumuha mas masakit Kasi Hindi mo na Makikita pero as always happy para sayo ate Sana naka move on kana talaga para Kay last love mo mahirap po Ang maging pastors wife saksi ako

Lau
Lau
1 year ago

Wow.❤️

Sheabutter
Sheabutter
1 year ago

🥺🥺🥺🥺

Clara
Clara
1 year ago

Awtsss

skyyyy
skyyyy
1 year ago

hala naiiyak akoooo😭

lala
lala
1 year ago

Why am I crying 😭

Iya
Iya
1 year ago

ANG SAKEEEEEEEEEEEEET! Pero may plano ang Lord. Magtiwala lang tayo :))

Ielle Mendoza Cruz
Ielle Mendoza Cruz
1 year ago

Siguro kaya kahit may gusto rin sya sayo, hindi sya nanligaw. Dahil alam nya na kapag lumalim pa ang pagmamahal mo sa knya baka lalo mong hindi makayanan ang pagkawala nya.. Alam nya at napapansin nya siguro na may pagtingin ka sa knya. Pero si Lord ni rin ang gumawa ng paraan para hindi kayo lubusang masaktan, at para mas mahalin mo ang lalaking inilaan ni Daddy Jesus para sayo,. I know he is in God’s Hand now. Take Care sender,.

jeyyn
jeyyn
1 year ago

ang sakit mo naman sender 🥲

Jelly
Jelly
1 year ago

Pinagtagpo ngunit di tinadhana entry. Congrats Ateng!

Bora
Bora
1 year ago

Huhuhuhu naaalala ko na naman yung 20th century girl 🙁 Bat ba pag first love yun yung may malaking impact sa lifeeee?

Last edited 1 year ago by Bora
error: Content is protected!
16
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x