Share ko experience ko noong kami pa ng tatay ng panganay ko. Mama’s boy si g*gô! Ako yung nagtatrabaho, siya tambay lang at puro sugâl.
Sa halip na pakinggan niya pinapayo sa kanya ng ibang tao na mag-work, hindi niya pinapakinggan, tamad talaga. Andun lang siya sa tabi ng magulang niya na parang bata na sûmûsûs0.
Yung pagod na pagod ako sa work tapos pag uuwi ako, e lasing na lasing tatay ni partner. Mûmûrâhin ako kasi gabi na raw ako umuwi at nanlalalaki lang. Yung buong kaluluwa ko nilait-lait niya. Hindi man lang ako mapagtanggol ng partner ko.
Walang kaalam-alam parents ko sa ginagawa ng tatay niya sa ‘kin na kada malalasing, ako ang pinag-iinitan. Na siyang ama ng partner ko, di niya man lang maturuan magbanat ng buto ang anak niya.
Buong d3pr3ssi0n inabot ko sa kanila na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin. 11 years old na anak ko, ni singko di ako humingi sa kanila ng suporta.
10 years na kaming hiwalay pero yung sakit na dinulot nila, dala ko pa rin at mdalas binâbângûng0t ako.
Misis, 20**, *Confidential
Haysss buti na lang nakakuha pa ako ng asawa na responsable at mapagsilbing ama sa amin na magiina. Partida, di niya anak yung panganay ko.
Time will heal you. Ang importante kasama mo yung anak mo.
Take care, sender!
Wag ba lang din kaya ako magpakasal, feeling ko kasi mauuwi lang din sa hiwalayan😔
Iniwan Po ako Nung tatay ng anak ko, kasi mas kinampihan nya yung nanay nyang kunsintidora
Same
Same here ako ung nag wowork since na nag stop sya. Kahit hnd ko pa out nagagalit na sya. Malate lang ng uwi ng saglit g n g na. Then pag may lakad na need umalis ng maaga ung tatay nyang sulsul panay sabi na hnd pa daw bukas ung pupuntahan ko at iba daw ung pupuntahan ko. Nananakiy din sya. Kaya iniwan ko na lng ung last time na sinaktan nya ako. Iniwan n nmin sya ng mga anak nya.
Sana darating ang panahun na magka tagpo kayu ulit at okay na ang lahat. Ang sakit talaga sa feeling nung kung sino yung naging strength at sindugan mo yung bumuo nang lubo mo, nagbigay nang lived at inspiration sayo. Bigla nalang mawawala dahil sa napalaking dahilan nang realidad sa buhay.
Grabeh yan na tatay, btw parang jan din pupunta yung life story ko ilang months ng tenga si partner amen .
nagpapalaki lng ng itlog yung partner mo. It’s better na ikaw nalang kaysa sa kasa kasama mo pa siya. I hope you’ll heal from the wounds they created. Fighting po sender!
Sending virtual hugs for you sender. Medyo same tayo ng pinagdaan sa tatay ng 2 kong anak. Yung sakin naman @i*k ako lang may trabaho tas ako pa lumalabas na masama sa mother nya and sa side ng mother nya. Hahaha kakatawa lang na napagtiisan ko ng 7 years. Now masaya ako/kami ng mga anak ko sa partner ko now tanggap nya kami ng mga anak ko. At pinaramdam nya samin ng mga anak ko yung mga hindi namin naranasan sa mismong tatay nila. Anyway san makalaya kana sa bangungot ng nakaraan mo 😊
Praying for your healing sender🙏
Buti na lang hindi ka na nag stay sa kanya.
Gago lumaban ka tangina demanda mo tatay niya pati tatay ng anak mo. Magsalita ka pag sinapak ka pakulong mo. Pag ginawa nilang miserable buhay mo. You have all the cards to fight back. Hindi ka dapat matakot dahil walang dapat ikatakot. Una sa lahat wala silang ambag sa buhay mo at hindi tama na ginaganyan ka nila. MALI UNG GINAWA NILA SAYO