GUILTY OF ACADEMIC DISHONESTY

Sa title pa lang, masasabi na ninyo agad kung patungkol saan itong confession ko. Pero sana bigyan ninyo ako ng kaunting oras para maibahagi ang side ko.

Halos lahat naman ata nahihirapan sa new normal or sa ganintong setup ‘no? Mas lalong mahirap kapag wala kang equipment na magagamit para sa online learning. Ganito kasi yung nangyari. Sa unang linggo ng klase namin, medyo okay pa yung sitwasyon kasi nakakapagpasa pa naman ako ng mga activities and assignments on time kahit cellphone lang ang gamit ko for online class. Sa second week, medyo nahihirapan na kasi may software na kailangang gamitin para makapagpasa. Luckily, nakapagpasa naman ako, sa tulong narin ng mga kaklase ko. 

Sa ika-tatlong linggo, dito na ako nanlumo. Kailangan makapagpasa kami ng recorded video namin habang ini-execute yung activity o assignment na pinapagawa. Binigyan kami ng sapat na oras para magawa iyon ngunit hindi ko nagawa. Nagchat ako sa kaklase ko na magwiwithdraw nalang muna ako sa subject na iyon at babalikan nalang next semester. Naawa sa akin ang kaklase ko kaya’t pinakiusapan niya akong magsubmit nalang kahit walang video. Pero kaunting oras nalang ang natitira at magsasara na yung submission bin, wala pa akong nagagawa kahit isa. Kaya napag-usapan naming kopyahin nalang ang kanyang output pero papalitan lang ng kung ano mang pwede palitan doon. 

So, yun nakapagpasa naman tapos wala pang isang oras na-check na agad ng teacher namin yung outputs. Hindi ko alam kung ano ang irereact sapagkat nahuli akong nangongopya ng output ng iba. Binigyan ako ng time para mag explain kaya agad agad akong nag email sa teacher namin at nagpaliwanag na nagawa ko lamang iyon dahil sa kakulangan sa gamit. Mas lalo akong nanlumo sa nabasa kong reply niya sa email ko. Ang sabi niya, bagsak na ako sa klase niya at mas mabuti pang umalis nalang sa kurso/program na kinuha ko pagkatapos ng semester. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi pa ito alam ng parents ko, tanging ako at yung pinagkopyahan ko lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung anong tulong ang hihingin ko pero sana may darating bago ko maisipang sumuko nalang.

PS: Alam ko pong may magsasabing sana gumawa ako ng activities kahit sa computer shops lang. Pero wala pong malapit na computer shop sa aming lugar. Mahal din po ang pamasahe papuntang bayan, yung pera ko pangload ko lamang. Hindi ko rin magawang manghingi sa parents ko dahil medyo nahihirapan narin kami dahil sa nangyayari sa atin ngayon. Maraming salamat po.

Cheater

2021

CCS

MSU

guest
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
miss Lie
1 year ago

Halaaa, huhu I don’t wanna say anything bad but IF YOU NEED SOME HELP I CAN DO SO, like encoding or anything that needed a strong internet connection or with a used of laptop. I CAN HELP YOU TO DO SOME SCHOOLS WORKS without tolerating dishonesty and pagiging tamad.
Fighting!

error: Content is protected!
2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x