ANG ATHEIST AT ANG SAKRISTAN

Hi, I want to share this story to all of you.

Way back December 2013, 4th year high school ako, tandang-tanda ko pa yung kilig moments namin ng crush ko nuong malapit na ang kapaskuhan.

Maraming pwedeng maging dynamic duo katulad ng matangkad na boy tas maliit na girl. Tahimik na girl, energetic na boy. Pero kami ng crush ko OPPOSITE KUNG OPPOSITE gaya nga ng nasa title na to.

Galing ako sa family na Atheist, meaning yung mom and dad ko di naniniwala sa God or sa kahit anong religion. Di rin nila ako bininyagan kasi binibigyan nila ako ng freedom pumili ng religion pagtanda ko. Lumaki ako na hindi nagpe-pray or kahit anong religious activity wala. Nagce-celebrate kami ng Christmas kasi tradition na siya. My mom told me that you don’t need religion to have morals. I’m an only child and pinalaki nila kong puno ng love and with good attitude.

2013, malapit yung school namin sa church, may isa pang school malapit don at duon ko nakita yung cute na Catholic school student. Ako na bilang employee sa FBI, nahanap ko agad yung FB niya, syempre in-add ko. In-accept naman ako ilang days. Duon ko nalaman na sakristan siya kasi tiningnan ko mga pictures niya. Niyaya ako ng friends ko na sumama sa unang araw ng simbang gabi, di kasi nila alam na Atheist ako so ayon, pumayag ako kasi umaasa ako na nandon yung crush ko. Hehehe. Sorry po m@landi ako pero slight lang. Ayoko rin naman maging KJ dahil lang iba paniniwala ko. Pumayag naman yung parents ko, di naman nila ako pinalaki na sobrang againts sa ibang religion.

Nakikinig ako sa sermon ng pari, ganon pala yung feeling pag nasa loob ng church. First time ko kasi. Nasa kalagitnaan na ng misa di ko pa rin siya nakikita kaya medyo nawalan na ko ng pag-asa pero nung palabas na kami, nasa pintuan sya!!! So nasa likod pala siya the whole time. Nakatingin ako sa kanya tas tumingin siya then nag-smile ako. Lumipas ang ilang gabi na kasama ako ng mga friends ko magsimba, di ko siya nakita one night. Naisip ko baka nasa loob lang ng church pero natapos na yung misa, di ko na siya nakita. Kumain kami ng puto bumbong at bibingka sa labas ng simbahan nang may nag-text sakin,

“Hi,” from unknown number.

Hindi ko alam kung trip trip lang pero umaasa ako na siya yon. Hahaha! Sinadya ko talagang i-post ang number ko sa FB dati para makita niya. Hahaha! Ang harot.

Fast forward, si Sakristan nga. Nag-meet kami malapit sa simbahan. Nilibre niya ako ng street foods tapos kwentuhan kahit ano. Nagkwento siya na kilala niya na ko bago ko pa raw sya i-add sa FB. Kilig si ate mo. Haha! Nakilala niya raw ako dahil duon sa singing competition ng school nila at school namin. Nag-2nd place lang ako pero okay lang dahil na-exp ko. Napahaba na yung kwentuhan namin hanggang sa inabot na ng hapon, nagpaalam siya na papasok na siya sa simbahan kaya ako inantay ko na lang mga kaibigan ko.

December 24, 2013, umamin kami na gusto namin ang isa’t isa. Ang problema, magkabaliktad kami. Medyo natakot ako nung time na yon dahil baka layuan nya ko dahil wala naman akong paniniwala. Ayoko naman magsinungaling. Sinabi ko sa kanya na hindi ako believer. Kitang-kita na nagbago yung expression ng mukha niya. Sabi ko na eh. Pero hinawakan niya kamay ko, sabi niya di niya naman daw ako pipilitin na maging Katoliko. Nirerespeto niya raw kung ano yung beliefs ko kahit iba sa beliefs niya.

Nung panahon na yon, alam ko sa sarili ko na siya na. He’s the one. Ang bilis ko mag-decide, no? Haha! Nakahanap ako ng lalaking rerespeto sa beliefs ko at ng family ko, at tanggap ako kahit na ibang-iba ako sa kanya. Kinabukasan, naging kami. Dati kasi pag mutual na, wala nang ligaw ligaw. Haha! Pinakilala ko siya sa family ko, sobrang supportive sila sa relationship namin.

Ngayon, fiancé ko na siya. Plano na naming ikasal next year. Nabinyagan na rin ako. My parents are happy sa naging decision ko. I’m 2 months pregnant, pumayag yung fiancé ko na wag muna binyagan yung baby after ipanganak katulad ng ginawa sakin ng parents ko.

We should let our children choose what they want to believe in. Teach our children to be nice and respect other beliefs.

Sam

2017

BSA

*confidential*

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x