Gusto ko lang humingi ng advice sa mga readers, please don’t judge me.
Single mom ako, college working student. Nagkaanak kami ng ex-boyfriend ko, ngayon ay meron na siyang bagong kinakasama at anak ngayon.
The problem is, hindi alam ng live-in partner niya na may anak siya sa iba. Though, alam ng parents ni ex pero di nila masabi sa babae.
May communication pa kami ngayon ni ex dahil sa suporta at gusto rin daw niya kasi na nakikilala siya ng anak ko as father.
I admit din kasi na never niya napabayaan anak namin kahit hiwalay na kami.
FYI, nagloko siya dati kaya kami naghiwalay. Lately lang, nalaman ko na engaged na sila nung girl.
Wala akong intention na sirain relationship nila but I feel guilty lang sa babae kasi wala siyang kaalam-alam na yung papakasalan niya, may anak pa pala sa iba.
Babae rin ako kaya alam ko yung feeling ng naloko. Wala rin namang sikreto na di mabubunyag in the future.
Until now, di ko alam kung bakit kailangan pa itago ni ex-boyfriend sa fiancé niya na may anak na kami, gayong mas magiging complicated lang ang lahat pag di niya sinabi.
I’m just asking lang for your advice, what is the best thing to do?
Sabihin ko ba dun kay girl habang di pa sila nakakasal or let them be na lang kasi baka maging reason pa ng paghihiwalay nila yun?
Thank you and God bless.
Jea, 2023, Nursing, *Confidential
Gawin mo na Lang Ang Tama, like you said ” walang sikretong Hindi na bubunyag”.
Sabihin nyo po wag ng paligoy ligoy
Let them be di naman sila magiging Masaya kung ipagpapatuloy nila yan.
For me mas okay na hayaan ko na lng. Problema na nila un.. ang mahalaga e sumusuporta padin ex mo sa needs ng anak mo.. kaw na nag sabi walang sekretong d mabubunyag
Tamaaa.
It’s better to tell the truth sender. Hehehe ikaw na nga nag sabi walang sekretong di nabubunyag. At tsaka malay mo matanggap ni girl ang anak mo I mean tanggap n’ya kahit may anak yung pakakasalan n’ya. Gusto mo bang habang lumalaki anak mo e patagong pinupuntahan s’ya ng papa n’ya. Kasi di alam ng magiging pamilya n’ya yung sitwasyon between sa ex mo at sa anak mo? It’s better kung malaman n’ya para walang conflict pag dating ng panahon. 🙂
Actually decision na ni boy yan kung sasabihin nya sa fiancè nya na may anak na sya sa una. But if you really concerm about it, siguro pag usapan nyo muna ng ex mo at isuggest mo na sabihin sa fiancè nya ang totoo. Matatanggap naman siguto ng fiancè nya yun kung mahal nya ang lalaki at wala naman na syang magagawa kase ayan na yung sitwasyon bago pa sya dumating sa buhay ng lalaki. Better to be honest kesa sa iba pa malaman ng babae at mas lalo pang magalit dahil di sinabi agad sa kanya, dba.
I second this! Mas tama nga na kausapin mo na lang ex mo at i-suggest sa kaniya yan. Baka kasi may balak naman talaga si ex mo na magsabi ng totoo dun sa fiance niya tas pag sumawsaw ka mapangunahan mo pa diba. I can see your sincerity as a woman pero kasi pag sayo nang galing yung totoo baka maging iba yung dating. Siguro nga kung mahal talaga ni fiance si ex-bf, matatanggap niya yan. Tsaka 2023 na, dapat mauso na yung concept of co-parenting like sa USA na sana ganoon rin satin sa pinas
hayaan mona lang sila sender kasi kapag nag mabuting loob kapa sakanila ikaw pa yung lalabas na masama, at iisipin pa ni girl na naninira ka lang problema na yan ng Ex mo at siya ang dapat na umayos yan problema na nila yan ang importante nag bibigay ng sustento yung ex mo para sa anak mo.
For me, as long as napprovide n’ya ang obligasyon n’ya sa anak mo ok ka na dapat d’on, ang worries mo lang dapat ay sustento sa anak mo, ex ka na dapat hindi ka na manghimasok sa buhay nilang magpartner. Unless, may iba kang intensiyon na hindi mo maamin mismo sa sarili mo. Sila’t sila lang dapat ang umalam, umamin, mag unawaan at magkapatawaran sa kan’ya-kan’ya nilang gusot sa buhay most especially kung about sa relationship na.
Tama
Let them be nalang po, hayaan npo yung guy ang maghandle ng present kasi baka nag iipon pa sya ng lakas ng loob bago sabihin , kasi pamilya mismo ayaw iopen up sa babae
The right thing to do? Wg ka nlng mkialm sender.. Problema na un ni guy, unless plan mo humabol kya gus2 mong svhin? Sori ha.. Pro sv mo nga ndi nman xa ngkukulang sa anak nyo, so lbas kna sa ndi nya pgssv sa ka relasyon nya ngaun ng 2ngkol sa bata.. Kc kung aq, wla aqng plan ipakilala pa ung anak q dun sa babae.. 1 pa ndi nman un kaano ano ng anak mo.. So wg mong problemahin ang ndi mo problema..
Let them be nalang, labas ka na dun
Hayaan mo na sender,malaman at malalaman din nmn ng gf nia soon,.bsta ang importante di ka nkikigulo,problemahin mo ang sustento nlng,.
Saka ka na magsalita pag may marinig kang di maganda galing sa gf nia at sa family ng ex mo.,
magiging katulad mo yata ako today sender last night nag away kame ng partner ko I just asking him bakit niya chinat yung kawork matutuwa sana ako kung related sa work e kaso hindi yung tipong pigil na pigil ka magalit kaso nauwi pa den sa away umabot sa point na pinagbuhatan niya akong kamay so ayon kahit madaling araw bumaye akong wala sa oras taguig to bicol so I decided na putulin ko communication ko sa kanya kahit may anak kame.😊
ps: tomorrow magsisimba sila nun ka work niya HAHAHA pero kapag ako yung nag Aya tudo tanggi sya.
Godluck to me!
Saan ka dto sa bicol mii 😅 Milk tea tayo hahaha sama ntin mga junakis ntin. Ksi mkhang malapit ndin kami matulad sa sitwasyon mo hahaha
For me, problema na ni Ex yun pero kung gusto mong malaman ni girl na may anak si Ex sayo sabihin mo. Mali lang ni fiancé di nya kinilala yung yung ex mo ng todo.
Hayaan mo na lang sila gurl, atleast me sustento nga sa iyo eh.
Sabihin mo sa ex mo na magsabi nang totoo sa gf niya kesa dumating ung araw na kpg kasal na sila mhhirapan sila pareho, kung ayaw niyang sabihin di mo na problema yun. It is his choice.
Let them be nalang. Kasi baka yan pa maging mitsa ng di pagsuporta ng ex mo sa anak mo dahil malamang sa malamang magiging masama ang tingin nila sayo. Ikaw na nagsasabi lang ng totoo. Hayaan mo nalang na siya ang makatuklas non sa sarili niya ang mahalaga eh yung anak mo sinusuportahan. Isipin mo anak mo, wag ying girl malaki na siya kaya na niya sarili niya. Yung anak mo need niyan ng pagkalinga ng ama niya, yung love, and etc.
I’m not sure ha pero I think labas ka na don kasi it’s their decision kung kelan nya sasabihin. I mean baka naghahanap ng tiempo and isa pa buhay nila yon sa gagawin mong yan magmukukha ka lang desperada. Unang una labas ka don sa relationship nila nagkaanak kayo oo pero hiwalay na kayo sinusuportahan naman din nya don’t ruin his happiness dahil inggit ka
Mas okay na malaman ng babae na may ibang anak yung lalake sa ex nya kase walang sikretong hindi nabubunyag, mas malala kapag sa ibang tao nya pa malalaman na may anak pala yung lalake sa ex nya. kawawa yung dalawang babae, gusto ko tanggalan ng kaligayahan yang lalake.
Malay mo tanggapin ng babae na may anak pala yung ex nya, kaso masakit kase ‘di sinabi ng boy na may anak sila ng ex nya dun sa girl.Nanggigigil ako.
Please sabihin niyo po… Para ma aware po si girl, and it would be her choice if she would still continue to be engaged with that lier. It is very crucial you said it to her right now because in the near future mas lalong damaging yung impact not just in the case of that girl pati narin sa bini build nilang family or yung magiging anak nila
SABIHIN MO TEH PLS LANG BABAE KA DIN
For me, wag ka nlng makialam as long as good provider parin naman ex mo sa anak nyo . Problema na nila yun at nasa ex mona ang disisyon patungkol dun. Wag mo nlng pangunahan sender . Mag focus ka lang jan sa buhay nyo at wag sa buhay ng iba. Tsaka ka na mang himasok pag tinalikuran ng ex mo obligasyon nya sa anak nyo.
Hayaan mo nalang. Baka imbis na problema nila yan, eh ikaw pa ang magkaproblema. Ikaw na nagsabi, hindi naman napapabayaan ng lalaki yung sustento sa anak nyo.
Wag mu na lng siguro sila pakealaman..
Pag sayo nang galing sender it is as good as ruining their relationship. Sabi mo nga diba ayaw mo masira sila so let them be. Labas ka na sa issue nila sa relationship nila. At kayo din mismo magkakasira ng ex mo, baka mangyari di na sya magsustento sa anal nyo. Ang mahalaga ngaun ay nagsusustento pa rin ex mo sa anak nyo. Ang concern mo nlng ngaun ay yung para sa anak nyo, labas ka na sa kung ano diskarte ng ex mo sa fiance nya at kung pano nya aayusin ung issue na yan at kung pano nya aaminin sa fiance nya. Hindi mo na kailangan makialam, kasi baka ending ikaw pa masisi pag naghiwalay sila.
Parang labas ka naman na ata dun. As long as nagrereach out yung lalaki and nagbibigay ng sustento sa anak mo ayos na yun. Yung lalaki ang kausapin mo about dyan sa kanya ka magconcern and after that desisyon na ng lalaki kung sasabihin nya sa partner nya o hindi. Kung wala ka namang ginagawang panglalandi para mabawi ex mo e malinis konsensya mo.
Hayaan mo na lang .. wag ka ng makisali pa sa problema ng ex mo .. ang mahalaga hindi nya pinapabayaan ang anak nyo .. hayaan mo sya mismo ang magsabi wag ka na lang makialam
Labas ka na dun sender, di mo dapat panghimasukan yan. Pero kung talagang concern ka sa girl, kausapin mo ex mo. Hindi ikaw ang dapat magsabi mismo sa babae kase lalabas lang na naghahabol ka
Hayaan mo na. Problem nila yan at labas kana jan. As long as nagsusupport naman yung father ng baby mo, oks na yun. Yun lang po yung importante, wag kana manghimasok sa mga decision nila sa buhay
Wag mo na pakeelaman hayaan mo sila, una is ok naman ng support naman sa anak mo which good yun, panglawa buhay na nila yun, labas kana dun, kxe lalabas ka pang kontrabida dyan sa eksena kht sinabi mo lng naman na may anak kayo? bka itigil pa suporta sa anak mo for me mas ok na yan. Uu andun na hirap ng lokohin pro bilang nanay mo sa anak mo at pagiging ama nya sa ank mo oks na yan my tamang panahon db nga wla nmn sekreto na d mabubunyag in time.
sabihin mo! kawawa naman yung girl kung papakasalan nya yung bf nyang sinungaling at masekreto. karamihan ng iba sinasabi wag mang himasok. pero di ata nila alam na mas mahihirapan yung fiancè kapag nalaman nya na may ganun palang sitwasyon yung bf nya behind her back! masakit traydurin. do the right thing girl. help the other woman to know the truth. kung di kaya sabihin ng bf nya.. ikaw yung magsabi. kawawa yung babae.
Alam mo? Makinig ka sa akin! Sabihin mo sa babae!
Hayaan mo nalang si boy magsabi niyan. Ang importante naman jan sa parte mo is sinusuntentuhan ng maayos si baby.
Para sa akin hayaan mo sila problema nila yun. Ang dapat mong isipin paano kung kinasal na sila at nalaman nung girl na may anak sya sayo, paano ang sustento ng bata? Kaya ngayon palang pag-isipan mo na ang gagawin habang hindi pa nangyayari. Magdemand ka kung magkano ang monthly support nya sa bata sa edad na ganyan hanggang sa lumaki kasi habang lumalaki ay mas malaki din ang gastos.