Paano nga ba makaalis sa relasyon na ganito? Mahal ko siya pero pag napapaisip ako, hindi ko na kaya tiisin ang ugali niya. May dalawa na kaming anak pero mas matanda siya sa kin ng 5 years.
Ito na nga, halos lahat ng mali kahit ‘di ko kasalanan, sa kin niya isisisi. ‘Di ako nagkukulang sa paalala minu-minuto, oras-oras nagpapaalala ako sa kanya, pero ang nangyayari, hindi siya nakikinig.
Tapos pag nagkamali siya, sa kin niya isisisi na dapat ako raw ang gumagawa nito kasi nanay ako o ako yong mas may alam, grabe na rin napagdaanan ko sa kanya.
May mental health problem din ako na last year lang na-diagnose pero isinisi niya ito sa ibang bagay o sa kin lang din mismo.
Yung mama niya ‘di rin kami magkasundo, tingin ko nga nagplaplastikan lang kami tuwing nagkikita kami. Binantaan din kasi ako noong nabuntis ako sa panganay namin na,
“Kung ano mangyayari sa anak niya ay pasensyahan kami” at pinagkakalat pa dati sa kapitbahay namin dati na “bâliw ako”.
Matagal ko nang gustong umalis pero pinipigilan ako, at naiisip ko, paano mga anak ko? Hindi rin sya responsableng ama, minsan nga, tinatamad pa siya umalis para magtrabaho, tapos sa kin isisisi pag wala ng pera.
Nakadepende siya lagi sa nanay niya hanggang ngayon. Dati parehas pa kami nagtatrabaho, kaso lahat ng sahod niya surrender sa nanay niya, na halos lagi namin pinag-aawayan.
Hindi ako humahawak ng pera namin o kahit pera ko, kahit alam kong mas magastos siya sa kin.
Ayoko na nagba-budget ako kasi napapatanong siya lagi kung bakit ganoon ang pera, pag siya nagba-budget nagtatanong ako, pero nagagalit siya sa kin.
Mula sa pagbubuntis at panganganak ko, panganay hanggang sa bunso, wala siyang ginastos kasi ako gumagawa ng paraan.
‘Di niya nga ako mapa-check up noon kaya umasa ako sa mga libreng check up at libreng panganak kahit na grabe ‘yong tr4uma ko sa mga public health workers dahil sa naranasan ko noon.
Halos lagi rin pala akong nagsasakripisyo, tuwing napagsasawaan niya ang isang bagay, kukunin naman niya kung ano yong akin. Sinabihan din pala ako ng mama ko na ipapakasal niya kami this year.
Pero isa lang ang masasabi ko, hindi siya ang lalaking pakakasalan ko.
Gusto ko walang mangingialam sa kin lalo na yong mama niya. Buti pa sa kanila isang salita lang nakikinig siya at sunod agad. Sa akin, hindi.
Mas nararamdaman ko na mas importante pa sila kumpara sa ming pamilya niya.
Minsan lang siya magsakripisyo, pero laking sumbat sa kin, at pag nagkamali, kasalanan ko pa. Halos lahat na lang pakiramdam ko kasalanan ko.
Tumatawa ako sa harap niya, pinipilit ko ipakita na okay lang pero sa totoo lang, malapit na akong malusaw.
Gusto ko iwanan sa kanya ang mga anak ko, pero naiisip ko na sobrang makasarili ko naman, kaya minsan iniisip ko m*m*t*y na lang kaya kaming tatlo?
Gusto ko lumabas para ma-divert ang isip ko sa iba, pero di pa ako makalabas, at kung makalabas man, di ko rin ma-e-enjoy kasi yong itsura niya ay galit na agad. |
Parang nakakulông ako sa hawla.
Nene, 2016, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
may parents kapa ba ? may kamag anak kba ? mas better hiwalayan mo na yan kahit na magalit sya tpos dun ka muna sa parents or kamag anak mo na mapag kakatiwalaan mo pag dating sa mga anak mo tska ka mag work kaysa ginaganyan ka atleast pag naalis ka sa puder nya may peace of mind ka mag focus ka sa mga anak mo . lagi kalang mag dasal
If naapaketohan na mental health mo sa ginagawa ng asawa mo much better hiwalayan mo na kase pati anak nyo apektado lalo na pag stress na stress ka na. Baka sa Huli pa mapag initan mo pa anak mo Dala ng stress mo.
iwan mo na yan. yang ganyang way ng pag act is di ka niya mahal.
Hi, sender. Huwag mo po iwan mga anak mo, kundi mag-ipon ka para makaalis kayo sa toxic mong partner at in-law. Ikaw lang pag-asa ng dalawa mong anak at please lang, ‘wag ka magpakasal at magpabuntis ulit! Don’t worry about na walang tatay mga anak mo, kasi single mom ka naman na. Malabong magbago ‘yang momma’s boy mo na partner. He’ll always chose his mom. Piliin mo ang iyong sarili at mga anak mo para sa ikabubuti ng mental health mo. Alisin mo nalang siya sa buhay niyo, wala naman siyang kwenta at ambag, sakit lang ang ibibigay niya saiyo. Be strong, sender.
Ify sender penge din advice guys sa true lang napaka bait naman ng asawa ko wala din syang iba kaso pakiramdam ko talagang mas mahalaga parin sila sa kanya pag magulang nya konting utos sunod pag sakin hindi nya magawa kahit sumama pa loob ko wala syang pake pero sa kanila nag aalala sya. Sa mga kapatid nya kahit gaguhin na kami ng anak ko pagsasabihan lang nya ng konti mahaba pasensya nya sa kanila pero sa anak namin konting likot sisigawan mumurahin papaluin nya agad 2yrs old palang baby namin jusko. About sa relasyon namin puro lang sya sorry di na mauulit pero lagi parin namin pinag aawayan magulang at kapatid nya. Kahit murahin at saktan sya nila hinahayaan nya pero pag sakit nanlilisik mata nya sinasaktan nya din ako. Nakakapagod. Nakakasawa. Puro pangako. Puro sorry. Kahit nung bumukod kami dati ganun padin naman kahit wala kami sa poder nila sila parin nasusunod. Sila parin ang sinusunod. Help penge best advice.
Sa totoo may times na nababaliw na ko nawawala sa sarili nakakapanakit ako. Hindi nakakahinga sa kakaiyak. Sobrang stress. Kahit tumulong ka sa kanila dumiskarte ka ng pangkain nyo, pangbaon ng mga kapatid nya balewala sa biyenan ko magkano lang naman daw yun. Nababaon na din ako sa utang inuutusan nya kong mangutang pero di naman nya binabayaran napapahiya ako sa inuutangan ko kasi sabi nya ibabalik naman agad pag sahod. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba na mabait sya sa ginagawa nya sakin. Gusto pa nila priority sila ng asawa ko kesa anak namin.
Kong may magulang k pa sender umuwe ka s knila kesa naman habang Buhay Kang Ganyan sa side ng partner mo , Pls lng kahit mga anak mo Muna at sarili mo asikasuhn mo ,
Hi sender, di na yan magbabago lalo na’t hinahayaan mo lang. umuwi ka sa bahay ng mga magulang o kamag anak mo at dalhin mo ang mga anak mo then maghanap ka ng trabaho. Lumayo ka sa nagbibigay ng stress at depression sa buhay mo. Higit sa lahat magdasal ka at isurender mo sa Panginoon ang lahat ng sakit sa buhay mo. God bless sender.
Napunta din ako sa sitwasyon na ganito. Ang masasabi ko lang sender, mapapagod at mapapagod ka din. Hindi man ngayon, pero darating ang panahon na susukuan mo din siya. Mas sobrang hirap makulong sa sitwasyon na ganyan, buti nga at hindi pa nagloko.. 😢
Nakakarelate ako ng konti. Buntis ako ngayon, at nasa poder kami ng pamilya ng asawa ko. Di kami makabukod kasi may pinapaaral pa siyang kapatid niya. Lahat ng sahod niya surrender sa nanay niya. Minsan manghihiram sila ng pera sakin, pero hindi na yun babalik. Maglalaba sila pag may bisita, tapos ayaw ako patulungin kahit pa sabi ko naman na wag na idamay mga damit namin. Nakikita tuloy ng kamag anak nila ang tamad tamad ko. Ewan pero, malapit na rin ako. Parang gusto ko na lang umuwi. Nahihirapan ako sa totoo lang. Pag nauubusan ng pera asawa ko parang kasalanan ko pa. Samantalang wala namang perang dumadaan sakin. Pag walang pera hawak nanay niya, bagsak mukha niyan. Tapos di na nangangausap. HAHAHA bakit ba babae lagi nagtitiis pag ganitong nakikitira pa sa magulang ng lalaki? Tapos babae din kailangan makisama HAHAHA samantalang sa side ko. Wala sinasabi 🤣
E bakit kasi nagtitiis kong ganyang klaseng asawa, sa totoo lang satin naman ang desisyon e, kaya namn natin buhayin ang anak natin, bakit kailangan magtiis sa ganyang sitwasyon,
Kung kelan pa kayo nagkaroon ng dalawang anak saka pa lang masasabi na “hindi sya yung lalaking palakasalan” mo
Umalis ka, may pamilya ka ganian na ganian ako noon halos mapatay na nga ako ng tatay ng anak ko tas yung nanay niya sinisiraan din ako pag nagloloko o nagbibisyo yung asawa ko noon sinusumbong ko sa nanay niya with proof pa yun pero ang ending dahil daw sakin yun hanggang sa naguwi ng babae yung tatay ng anak ko 10yrs kami buong pagsasama ata namin ako yung nagtratrabaho kasi nga wala siyang tinapos magkakatrabaho man siya ilegal tapos yung sahod niya kaniya lang minsan nga mga kapatid niya na naawa sakin binibgyan ako kasi buong akala ko wala na ko mappuntahan hanggang sa nahuli ko sila ng babae niya pagkauwi ko galing work nakakulong sila sa kabilang kwarto tas yung bunso namin anak pinaiwan niya sa nanay niya ang dami nagsusumbong sakin pero pag sinasabi ko sakaniya sinasaktan niya ko sa harap nung babae piling ko nga pinagtatawanan pako eh pareho kasi silang adik ako pa nga ginawan kwento nababaliw na dw ako hanggang ayun diko na kaya humingi ako ng tulong sa mama ko take note bahay pa mismo namin yon bahay ng mama ko dahil ayaw ko nga makitira sa nanay niya bukod sa maliit na eh dika pde magpahinga so nagdecide talaga ako ipahuli at ipa raid yung bahay namin nahuli naman sila at eto ako nakalaya na sa kamay niya at meron parin tumanggap sakin na ako yung priority na pinapahalagahan ako at nirerespeto bawat desisyon ko ni di nga ko pinagtrabaho eh kasi mas gusto niya na ako mag alaga sakaniya at sa anak ko 😊 anjan si lord dika niya pababayaan
Your situation is so hard but to the point na idamay mo anak mo for something isn’t right is a big NO NO sissy. Kahit sabihin naten na naisip mo lang naman wag mo idamay ang mga anak mo bagkus sakanila ka kumuha ng lakas. Sila ang gawin mong inspirasyon para lumakas and also lapit ka sa parents or kamag anak mo. Wag mo sarilinin and also speak for yourself. Keep your faith and always pray everything will be alright. For now, you need to think and decide kung ano ang makakaganda sainyo ng mga anak mo. But pls. don’t leave your children to your partner. BIG HUUUG SIS!!❤️😘