Hi Lem, it’s been 6 years since huli tayo nagkita, naalala ko pa noon, hindi tayo maayos, hindi tayo naging okay.
I know maayos ka na ngayon, nakapag-aral sa gusto mong school at nagse-serve kay Lord dahil noon pa man, alam naman nating mahal na mahal mo si Lord, di ba?
Dahil nga sa ‘yo kaya ako namulat na may Diyos pala. Congrats pala sa studies and achievements.
Pero, alam mo ba na hanggang ngayon ay naaalala pa rin kita? Hindi dahil mahal pa kita, kundi dahil ang dami kong gustong sabihin. Lalo na ang bagay na matagal kong tinago sa ‘yo.
Gabi-gabi ko iniiyak yung bagay na nangyari sa ‘kin 6 years ago nang walang nakakaalam kahit sino kundi ako at ang Diyos lang.
Gustung-gusto ko sabihin sa ‘yo kaso pinutol mo noon ugnayan mo sa akin, binura mo ko sa buhay mo dahil sabi mo nga need mo mag-move on sa ating dalawa dahil ayaw sa akin ng parents mo.
At the age of 16, we committêd prêmâritâl s*x, high school tayo noon at graduating pa, I don’t know pero totoo nga talaga sinasabi nila na hindi lang si Eva ang unang kayang manukso kundi si Adan din, wala pa akong alam sa ganung bagay before pero ikaw ay meron na.
Mag-iisang taon na sana tayo noon, pero hindi umabot dahil nalaman ng parents mo. Nakakatawa kasi kinabukasan graduation na natin ay nakipaghiwalay ka, utos ng parents mo kaya sabi mo ay no choice ka.
Senior high school na tayo pero kahit break na tayo, nagkikita pa rin tayo. Naalala mo ba yung time na agad kang nakahanap ng pagkakataon para mag-cut ties sa ‘kin nang hindi man lang ako kinakausap.
Simula noon, hindi na rin kita nakita, malapit lang naman yung school mo sa school ko pero hindi kita magawang puntahan para sabihin sa ‘yo dahil natatakot ako.
Takot akong baka hindi mo ko paniwalaan at pansinin, takot akong baka pag sinabi ko sa ‘yo ang gusto ko sabihin ay gumuho yung mundo at pangarap mo dahil alam naman nating bata pa tayo noon. Takot akong i-reject mo dahil hindi ko kakayanin kung ganun nga ang mangyari.
Alam mo bang nagkaanak tayo? Siguro hindi ka maniniwala pero oo, nagkaanak tayo.
Isang buwan simula noong iniwan mo ako, delay na ako no’n hindi ko lang sa ‘yo sinabi, akala ko kasi normal lang dahil ganun naman ako lagi, delay.
Hanggang mag-2 months, iba na nararamdaman ko, wala akong gana, nahihilo, nasusuka, at napapansin ko rin ang pag-bloated ng tiyan ko.
Nung mga oras na yun ay alam ko na. Takot na takot ako, hindi ko magawang sabihin sa kahit kanino dahil takot ako.
Takot akong mahusgahan, takot akong masaktan ng magulang ko kaya tinago ko. Kahit mahirap, pumapasok ako sa school na hindi nila alam na buntis pala ako.
Naalala ko, high waist pa yung uniform namin noon kaya naiipit yung tiyan ko, hindi naman ako pwede mag-P.E. uniform lagi kaya no choice ako.
Every Wednesday lang ako nakakahinga kahit papaano dahil wash day namin yun. Stressed na stressed ako dahil di ko alam kung paano, naiisip ko kung paano mag-isang magpalaki ng bata, mga bagay na nagpapatulala sa akin lagi.
Hanggang sa isang araw, nakaramdam ako ng sakit. Natatandaan ko pa yun, Sabado ng hapon, sobrang sakit to the point na dinugo ako. Agad akong pumunta ng CR para i-check dahil kakaiba yung feeling.
Hindi niya kinaya kumapit, bumitaw rin si baby. Iyak ako nang iyak. Ayokong lumabas ng CR, gusto ko lang umiyak habang sinisisi ko yung sarili ko.
Siguro kasalanan ko dahil stress ako lagi, siguro kasalanan ko dahil hindi ko siya naalagaan ng maayos.
2 weeks din akong nilagnat at hindi nakapasok, walang may alam. Wala pa rin akong pinagsabihan.
Mag-isa kong pinagdaanan lahat ng iyon, pinili kong manahimik dahil alam ko ayun ang dapat at makakabuti. Sinisisi ko yung sarili ko dahil hindi ko siya naalagaan, napabayaan ko siya.
Gusto kitang puntahan, sabihin sa ‘yo lahat kaso wala akong lakas ng loob para gawin yun. Naduwag ako, hinayaan kitang hindi malaman ang totoo kaysa naman masira yung future mo dahil lang sa ‘kin kasi di ba, mataas pangarap ng magulang mo para sa ‘yo?
Alam kong madami kang pangarap, at hindi ako yung babaeng dapat kasama mo sa pagtupad ng mga yun. Yung pangako mo sakin dati na,
“Babalikan kita kung pwede pa, babalikan kita pag meron na akong 4 wheels.”
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin. Haha! Pero bata pa tayo noon. Hindi ko maiwasan magkaroon ng ‘what if’ sa mga bagay na nangyari.
What if sinabi ko sa ‘yo? What if nabuhay yung baby? Malaki na siguro siya ngayon, nag-aaral, at kalaro yung dalawa ko pang baby ngayon, babae kaya siya o lalaki?
Mga bata pa tayo noon, siguro kung nagkataon, hindi ka rin maninindigan dahil takot ka sa magulang mo, di mo nga ako napaglaban noon, e pero siguro di mo na naaalala ‘to kung mabasa mo man.
Pasensya ka na, tinago ko sa ‘yo. Btw, Elijah nga pala pinangalan ko sa kanya, at naniniwala akong siya ngayon ang guardian angel ng 2 kong anghel sa buhay ngayon.
Sa ngayon, pinagdadasal ko pa rin na mahanap ko yung peace at mapatawad ko sarili ko sa pagkawala ni Baby Elijah. I don’t want to bother you, masaya ako sa buhay ko ngayon.
Siguro sa confession ko na ‘to kahit papano sana mabawasan yung bigat at guilt ng past, kahit papaano sana gumaan yung pakiramdam ko. Thank you and sorry, Lem.
Panda, 2017, HUMSS, *Confidential
May you find peace and forgiveness Sender.
POV nman sana ne guy
(2)
(3)
(3)
(4)
Wag na. Wala syang kwenta😭
omsim
Sobrang sakit sender😭
Sakit teh
Honesty is the best attitude
♥️♥️♥️
I wonder kung san napunta yung fetus sender, sana hindi mo na-flush sa toilet🥺
Oo nga
Dugo pa ata yun
🥺
Dugo pa lang po yon
Sana mag-heal kana sa sakit na dinaranas mo. 🥺
Literal na ouch
May you have peace and at the same time heal from the past…
🥺🥺
Tabgina hahahahaha ansakit
forgiveness to yourself sender😇
No need sa POV nung lalaki.
Ang importante masaya na si sender!
🥺🥺🥺
Ansakit..
I want ro hear yung side ni guy if ever mabasa mo to. Hehe
Please free yourself from that guilt sender. You don’t deserved that kind of burden and thoughts.
Hindi ka nagpacheck? I wonder how did you confirm na nalaglag.. Kasi alam ko need mo raspahin kapag ganiyan..
Ang sakit naman niyan. Sending Virtual Hugs
Mas maganda nga na di mo na sinabi, kasi wala na din naman meaning or halaga kahit malaman pa niya.
Sakit bes Sana mabasa niya
Sana maging ok ka na sender, don’t blame yourself, hindi mo naman ginusto yun, pero I think deserve niya malaman yun feel ko don kalang magkakaroon ng peace, pag napakawalan mo lahat sa sarili mo. Deserve mo magkaron ng peace!
yung ” Btw, Elijah nga pala pinangalan ko sa kanya” 😥 parang ang 💔
sana mbasa mn lng to ni guy at maging familiar sa kanya
Nakaka touch Yung story diko mapigilan maluha.😥
😢
Gaano ba kahirap ipalaban ang taong mahal mo laban sa lahat ng humahadlang sa inyo? Anyway, sarap pala maging single.
gulat ako hahah. Lem din pangalan ko at pumasok ako sa seminaryo hahaha kaso virgin pa ako hangang ngayon haha
Nasa seminaryo ka pa rin?
Look at you now you’ve already moved on from that past.
.
“Hindi mo nga ako napaglaban noon, e” ouch huhu
Sakit
pov ni guy sana😭
Hope n mkget over ka..di mo deserve ung gnyan kse wala kng ksalanan..gods will n sguro kung bakit nwala ung baby,kse kung di pra sayo di tlga mbbuhay yon,anyway just focus on your kids sla nlng ung pasayahin mo at alagaan mo alam ko mgging msaya ndin c elijah…
And pra don s ex mo alam ko mbbsa nya din to…lem ata twagan nyo hahaha para sayo kuya sana di mo gwin yan s sususnod n mkkrelqsyon mo..magkroon k sana ng balls hahahaa…
Sana mawala na yung guilt na nararamdaman mo sender. Tagal na neto no pero sana masaya ka ngayon.
Repentance and acceptance. You need to forgive yourself to let go of those guilt that keeps on hurting you. Either your ex will believe you or not, let him know the truth. Its also a way for you to accept and let go.
You don’t have to say sorry sa ex mong walang balls. Sa anak mo, don ka dapat magsorry kase di ka nagrisk para sa kanya. Di ka nagrisk para ipaalam sa parents mo kalagayan mo, di naman natin alam kung anong kahihinatnan kung di natin sinubukan. I hope someday mahanap mo yung peace. Patawarin mo na rin ang sarili mo, kung nabubuhay yung baby mo ngayon hindi rin sya masisiyahan sa nakikita nya. Hugs sender🤗
Totoo ba to? Kasi if ever na totoo dapat sinabi mo ng maaga. Sorry to say pero parang ako ata tinutukoy dito, match na match yung past natin. Hindi nalang ako mag papakilala pero tatry ko kontakin ka.