Hello USF Fam! Gusto ko lang mag-share ng problema ko and hihingi rin ng payo.
Currently, 26 weeks pregnant ako now. May isang anak sa ex-live-in parter (LIP) ko at kasal naman dito sa father ng pinagbubuntis ko ngayon. Na-i-stress ako kasi gusto ko magka-work dahil until now ay wala pa rin work ang asawa ko.
Ilang buwan na lang manganganak na ako, ni wala pa kaming ipon. Last September 2022 lang ako nag-resign sa work ko dahil muntik na akong makunan kaya need ko mag-bed rest at sobrang selan ng pagbubuntis ko ngayon.
Eto pa ang isa rin sa pinoproblema ko. Dati nung wala pa kaming baby, nagsasama na rin kami that time ng hubby ko. Ayos naman ang pakikitungo niya sa ‘kin dati, pero ngayon nag-iba.
Kung kailan pa buntis ako saka nag-iba ang ugali, as in wala ng respeto sa ‘kin pag nagagalit siya, minumura ako, sinasabihan ng b0b0, t*nga, at walang kwenta. Pati kung palayasin ako, e ganun ganun na lang din, wala na rin daw siyang pake sa anak namin at kahit buntis ako.
Gusto niya palagi ko pa din siyang pagbibigyan kung gusto niya makipag-s*x, at pag di mo pinagbigyan, e halos ayaw ka na niyang tabihan o dikitan.
Gusto ko nang humiwalay sa kanya kaso di ko alam kung paano ulit ako magsisimula, lalo at buntis ako ngayon. Hindi ko pinapaalam sa pamilya ko yung struggle ko ngayon pero hirap na hirap na ako.
B, 20**, *Confidential
Balik ka nalang sa family mo bago ka manganak, then after mo manganak try mo paalagaan sa parents mo at mag hanap ka ulit ng trabaho. Madali ka naman na niyan makaka-hanap ng work. Maging lesson na sana to sayo! At sana wag mo iapelido sa dimuhong asawa mo yung anak niyo. Fight lang .
Much better bumalik ka sa family mo, Meron kana idea sa pwedeng mangyari Incase na manganak ka,the way palang na hinahayaan ka at dika nirerespeto pinapakita nya lang na dika kawalaan .but hoping na makayanan mo.
OMG WADAFCK , Yung side na sinasabihan kanang words na maging cause ng lost of self esteem ay grabe siz, I know mahirap sa situation mo now but kung magtitiis baka mas mahirapan kapa, separate kamuna from ur hubby then magwork palakihin monlng ang baby mo
Magsabi ka agad sa fam mo sender kasi alam kong tatanggapin at tutulungan ka nila. Baka mapano pa kayong mag ina kung mags stay ka jan sa asawa mo na yan. gigil ako niyan eh😂
Walang kwenta talaga mga lalaki, mga nakaka P.I 🙂
Balik ka nalang sa family mo sender. Maiintindihan ka nila kung sakali. Mahirap yung ganyang wala ng pake sa inyong mag ina. Isa siya sa nagbibigay ng stress sayo. Baka mapano ka pa at ang baby mo. Wag ka rin maniwala sa mga masasamang sinasabi niya. Pag nakapanganak ka na wag mo rin i apelyido sa kanya. Balik ka na sa family mo, maiintindihan at matutulungan ka nila. Ingat lagi!
Iwan mona, wala na ngang trabaho ganyang trauma pa ibibigay sayo. Kaya mo naman buhayin anak mo ng wala sya e. Wag ka manghinayang sa kanya. Pag pinatagal mo pa yung ganyang relasyon na wala syang respeto sayo, ikaw lang din mahihirapan. Might as well e i-let go naten yung ganyang mga tao sa buhay naten as soon as possible. Protect your peace of mind, protect your children din kasi di malabong masaktan din nya yung mga anak mo in the future.
Go back to ur family. Isipin m ung magging baby m at panganay mo. Panu Kung gwin DN Nia SA kids m ung gngwa Nia sau. Place the kids in a healthy and safe environment habang Maaga pa po. And find a job that can support your family. Nde m kelangan Ng asawa na pahirap SA buhay imbes na partner kau dpat.
Parang yung dating asawa ko lang. Nung una halos hindi kami nag aaway pero nung mula nung nabuntis ako nun unti unti na lumalabas tunay na ugali nya.nananakit na sya. Ilang beses nangyari yun.lalo na pag lasing sya.ilang beses ko rin syang pinatawad at sinabihan na kapag hindi nagbago eh iiwanan ko sya.hanggang sa naging dalawa na ang anak namin ganun pa din sya. Edi ayun,iniwanan ko sya. Nagtrabaho ako ng malayo sa kanya.ngayon pilit nya kaming gustong pabalikin sa kanya kung kelan wala na akong nararamdaman kahit konti sa kanya.akala nya kasi hindi ko kayang gawin yung mga sinasabi ko sa kanya na iiwan ko sya pag hindi sya nagbago.
Sana di siya maging ganyan 😭 pero sure naman ako HAHAAHHA anyways, nakayanan mong maging single mom ulit, try mo ulit gumawa ng way para mabuhay silang dawalang anak mo, lalaki lang yan, ang sabi nga nila ang asawa mapapalitan ng ilang beses, pero ang anak hindi. Lesson na sana sayo yan, be strong. Kung sa akin din ginawa yan, lalayasan ko.
Mas mabuti kung babalik ka sa family mo, tanging pamilya mo lang ang mkakatulong sayo . Makakayan mo rin lahat yan sender.
Habang di kapa nanganganak,layasan mo na yan. Mas doble ang stress na makukuha mo jan kapag nakapanganak kana. Wag mo na sanang antayin na umabot pa dun.
Balik ka na lang sa Parents mo.. (i know the feeling). At the end of the day sila lang kakampi mo. 🤗
Ipaalam mona yan sender sa family mo ksi sila lang makakatulong sayo..
eto rin yung kinakatakot kong mangyari pag pumayag akong bumukod kasama josawa ko ei😥
iwanan mo na habang dikapa nanganganak i-let go ang dapat i-let go dapat paba magstay sa walang kwentang tatay isa pa yung tatay na naggddown ng self confidence mo trauma lg makukuha mo dyan kaya bago pa mahuli ang lahat umalis kana dyan then tama na bumalik ka sa magulang mo alam ko sila lang ang tanging makakatulong sa problema mo nayan and sana makahanap ka ng trabaho for u para naden sa anak mo sana maging lesson nadin sayo nyan kaya moyan fighting!!
Wag kang patanga tanga te! Ipaalam mo na sa family mo
Wag mo ng antayin na yung baby mo yung mawala ( wag naman sana ) kase maselan pagbubuntis mo tapos panay stress pa .. Wag mo na isalba yang relasyon mo sa knya . Mas isalba mo yung mga anak at sarili mo .. 2024 na di na uso kompletong pamilya lalo ganyan ka kupal , di na uso martyr lalo sa batugan na gaya niyan ..
Jusko. I’m currently 24 weeks preggy at alam ko ‘yung ganiyang stress. Kung ako sayo sender, mas better at talagang magandang maipapayo ko sayo umuwi ka muna sa pamilya mo. Hindi ka naman nila matitiis niyan dahil pamilya mo pa rin ‘yun. Tutulungan ka pa nga niyan for sure. Basta wag mo na balikan ‘yung dimulog mong Asawa. Trust me, di lang masasakit na salita matatanggap mo diyan pag nagtagal ka pa na kasama yan , isipin mo na agad yung sarili mo at mga anak mo sa mga posibleng mangyari pa. Kaya mo yan 🙂 laban lang!