“NAGAWANG ITAKWIL NG AMA PARA SA BAGO NIYANG BABAE”

“Sa mga may stepmom/stepdad, ano ang most unforgettable experience mo sa kanila?”

Having a stepmother isn’t easy, yung tahimik kong mundo ay biglang nagulo. High school ako nun, dun ko naranasang di na halos ako inuuwian ni papa sa tinutuluyan naming apartment.

Inuwian niya lang  din ako ng tirang pagkain nila nung katrabaho niya (yung stepmom ko pala, di ko pa alam). Umabot sa puntong naapektuhan na pag-aaral ko. Yung tipong pilit akong pinapapili ng tatay ko na umuwi ng Quezon. Sabi niya,

“Dito ka sa Cavite mag-aaral pero di mo makukuha lahat ng gusto mo o dun ka sa Quezon mag-aaral pero makukuha mo lahat ng bagay na gusto mo?”

Pinili ko ang Cavite dahil dun ako masaya, member din ako ng church na napamahal na sa akin ang pagse-serve pero ang ending, pilit pa rin akong inuwi ng Quezon. Yun pala, magsasama na sila nung babae nung uwi kong yun.

Masaklap nun, buntis na pala yung babae. Nag-vacation ako ng Cavite (sembreak), yun ang bungad sa akin. Dama ko yung aurang di ako tanggap nung babae. Umabot sa puntong pag-graduate ko ng high school, itinakwil ako ni papa dahil di ko rin tanggap na siya magiging tita ko.

Ang sakit lang dahil nagawa akong itakwil ng sarili kong tatay para sa babae, na hindi naman siya dating ganun. Iba talaga nagagawa ng pag ibig, kahit iwan mo pa sarili mong anak para lang makagawa ng bagong pamilya.

Btw, naka-graduate ako ng senior high kahit walang sustento na galing sa papa ko.

Aira, 2022, *Confidential

guest
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
dan
dan
1 year ago

stay strong sender!🤍🤎

pransen
pransen
1 year ago

sending hugs ❤

Pochi08
Pochi08
1 year ago

Hugs sender 🫶

Midnight blue
Midnight blue
1 year ago

Big hug to you sender same my situation,,,ganyan din Ang ginawa Samin but hnd ung father ko Ang nang- iwan Yung mother ko.sumama sya sa iba hnd niya n kmi binalikan ng kapatid ko until now Wala p rin,,now I have my own family.. hanggang ngaun ayaw p rin mgpakita but still ,I’m happy with my father kasi khit iniwan sya Ng mother ko naging malakas sya para Samin Ng kapatid ko proud ako sa kanya hnd sya nghanap Ng iba naging Masaya sya sa pg- aalaga niya Samin and sa support n binibigay niya kayA kmi Naman Yung bumabawi sa kanya para ibalik Yung buong sakripisyo niya sa Amin.

Dren
Dren
1 year ago

Proud of you sender . Stay strong.

Nicx
Nicx
1 year ago

Be strong huhu

kmfv
kmfv
1 year ago

Mahigpit na yakap 🫂 🥺

Leng
Leng
1 year ago

Sending hugs, sender! Stay strong po

error: Content is protected!
8
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x