“My 9-year bf asked me to marry him and I said yes, pero, I don’t know if I will still continue marrying him…” –Sender (SPG)

Hi, sana you guys can help or give me some advices. I have a boyfriend, we’ve been together for 9 years. He asked me to marry him and I said yes (wedding: 1st half 2024).

Pero, I don’t know if I will still continue marrying him. Before when we are 1-2 years in a relationship, napagbub*hatan niya na ko ng kamay, minum*ra or pinapalayas sa pinag-i-stay-an niya since before ay pumupunta ako dun.


I gave him a chance. Pinatawad ko. Then, naulit ulit, pinatawad ko ulit. Alam ko mali at marupok ako. Haha. Pero, sa panahon na kasi nun ay pareho namin need isa’t isa (emotionally, mentally, and financially), naging sandalan namin ang bawat isa.

Months, years passed, wala naman ganun nangyayari ulit. Pero, 8 years before 9 years na nag-propose siya sa kin, naulit ulit. Tuwing nag-aaway kami, may times na minum*ra ako, worst nabub*gbog.


Akala ko nagbago na siya. I prayed to God na guide me and all. Lagi ako umiiyak and praying to God thru my notes sa CP. I am writing there as I am writing to God.

Sa tagal na panahon na walang panan*kit, akala ko tuluyan nagbago, akala ko totoo. Pero nakaraang linggo lang, habang nagtatalo sa isang bagay ay napagbuh*tan niya ulit ako ng kamay.


Sunt*k kahit saan at sa mukha, nasira damit ko, kinal*dkad ako sa hagdan and pinalayas ulit since sa pinag-i-stay-an niya ay madalas dumadalaw ako at dun ako nag-i-stay for 1-2 days. I don’t know what to do. Nagmumukha akong t*nga or kawawa lagi tuwing napapalayas dun tapos wala ako mapuntahan.

Wala ako mapagsabihan na friends and all. Kasi, ayoko naman sirain siya. Nanghihinayang din ako sa years na pinagsamahan namin, yung taon na ginugol ko sa relasyon.


Nasa gitna na rin kami ng wedding plannings and all. Our both families are happy and approved our relationship. Please help me. Di ko na alam. Nasanay na ko na nandyan siya for me and sa family ko. Huhu. Thank you so much.

BLER, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

23
107
Subscribe
Notify of
guest
123 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
'DiNaColorblindSa2024
'DiNaColorblindSa2024
11 months ago

you get what you tolerate ccq, by just writing this confession you already know what to do. We just don’t have the guts to do the right thing but I hope you’ll be brave enough before it’s too late.

John
John
Reply to  'DiNaColorblindSa2024
11 months ago

She don’t deserve it. It is called unconditional, bibigyan ka ng pagkakataon parang Diyos lang.

Dre
Dre
11 months ago

Mauulit at mauulit yan. Trust me.
Marami pa Jan na mas better.

Miel
Miel
11 months ago

Don’t marry him, trust me kahit mag asawa na kayo uulit at uulitin nya pambubugbog nya sayo and we can’t imagine the worst case scenario na mangyayari sayo once na mag asawa na kayo. Tandaan mo hindi makakapili ng magiging ama ang mga anak mo pero makakapili ka ng magiging asawa mo. Take care and God bless.

Curse
Curse
11 months ago

wag mo na intayin na makasal pa kayo mas lalo lang lalakas loob nyan na saktan ka physical and mental .

Aeribunny1999
Aeribunny1999
11 months ago

You know the right thing to do, sender. Wag kang manghinayang sa years kung nasasaktan ka physically and emotionally umpisa palang gagawin nya pa rin yan paulit ulit. Pero decision mo pa rin naman ang masusunod, THINK 100x.

MeLang
MeLang
11 months ago

Sis, nakitaan ko ng ganyan ex ko before (emotional and mental abuse ako non), nakipaghiwalay na ako before he asked me. Kasi inisip ko agad yung future ko kung kakayanin ko ba yung ganung sitwasyon araw-araw. And guess what, nahhihilom na ako. It’e been 3 years na pero andito pa din. Pero, nakamit ko kahit paano yung peace. And nagtutuloy-tuloy na. Kaya.. habang maaga pa, do what’s right, sender. Maawa ka sa sarili mo at magiging anak mo sa future.

MeLang
MeLang
Reply to  MeLang
11 months ago

Think not twice, thrice, but madaming beses sender kung itutuloy mo yung kasal. Di pa huli lahat.

Courageous
Courageous
11 months ago

It’s a No for me.

Mariang Sawi
Mariang Sawi
11 months ago

Sa kwento mo pa lang sender alam mo na agad ang gagawin , wag mo ng antaying makasal pa kayo bago ka mag desisyon. Kawawa magiging anak mo lalo na ikaw. Marami pang lalaking mamahalin at di kakasaktan kaya wag kang mag settle sa ganyan. Deserve nating mahalin at di saktan.

Meonly hehe
Meonly hehe
11 months ago

Mi, what do you prefer? Ang bugbugin ka ngayon which is may freedom ka pang lumayo or kasal na kayo tsaka ka lalayo? Be safe, girl. Walk away already.

Melancholy
Melancholy
11 months ago

don’t settle to that kind of man sender, kapag kasal na kayo mas magkakaroon sya ng privilege to do whatever he wants including pananakit sa’yo physically dahil rarason non kasal naman na kayo, iiwan pa ba ako nito? and think about it, pa’no pag nagka anak na kayo and kada mag aaway kayo sasaktan ka nya physically and pa’no kapag sa harapan pa ng anak nyo ‘yan gagawin? saka sender if the really loves you hinding-hindi ka nyan maaatim saktan totoo yan, kase if you truly and deeply love someone mas masakit para sa’yo kapag nakikita syang nasasaktan and worse ikaw pa ang nanakit, kapag nagtitiis ka ng lalake na hayaan and na aatim ka nyang saktan physically girl pack your things and move out, you better choose yourself this time, and don’t be afraid to speak up, marriage should put you in safer place.

Potato
Potato
11 months ago

run girl!

chatgpt
chatgpt
11 months ago

bumitaw ka na habang maaga pa

Mary jane Capangpangan
Mary jane Capangpangan
11 months ago

Wag Mona ituloy sis..kawawa ka at magiging anak ninyo.pag Wala ng respeto Sayo Ang lalaki stop na.akala mo lang Hindi mo kaya..pero kakayanin mo yan.maawa ka sa sarili mo.sana malinawan ka.

kiki
kiki
11 months ago

Don’t marry him. It’s a NO for me 🙂 wag mong hintayin na magkaroon pa kayo ng anak bago ka bumitaw, baka pag nagkaanak kayo at hindi nag bago yan makikita ng magiging anak mo kung paano ka saktan.

Mnemosyne
Mnemosyne
11 months ago

Imagine pag naikasal na kayo tas bubuo kayo pamilya ganyan pa rin actions nya, kawawa mga magiging anak mo. Remember your kids can’t choose their father pero ikaw, you can 🙂

Last edited 11 months ago by Mnemosyne
Mnemosyne
Mnemosyne
Reply to  Mnemosyne
11 months ago

Hala di ako nagcopy ng comment haha, may kasimilar ako 🤣

gru
gru
11 months ago

hahayaan mo na lang ba na pakinggan yung panghihinayang mo sa rs niyo para sa potential na maaari ka mag-suffer sa feeling niya buong buhay mo? stand up for urself, if you’re truly praying to God na i-guide ka niya, maybe yung nararamdaman mo ngayon na pag-aalinlangan na ‘wag ituloy yung kasal is a sign from God na he’s trying to save you from a miserable life. Please choose yourself this time, ‘wag mo isipin ang ibang tao. Sometimes it’s not bad to be selfish especially if it’s for your own sake.

lxndr
lxndr
11 months ago

i think its a sign na u should leave him before ur wedding. Its good thing na lumalabas na yung ugali nya na pwedeng maging worst pag nakasal na kayo.

Iya
Iya
11 months ago

Sis, takbo ka na pls. You gave enough chances na. Prinsesa ka, hindi mo deserve ang ganyang treatment. I hope u find the love and peace that u deserve.
New year, it’s time to choose “YOU” naman. God bless!

2mb
2mb
11 months ago

deep down on you, you knew what to do, you just don’t have the guts to leave because of the thought na “sayang ung tgal ng pinagsamahan” nyo.

maaawing mosang
maaawing mosang
11 months ago

Run na sender baka maging mas malala pa gawin nya sayo kapag mag asawa na kayo kawawa ka dyan baka magaya ka sa sister ko same na same kayo ng situation nung kinasal at nag anak na di na mahiwahiwalayan dahil sa mga bata at ngayon sising sisi kung bat nya pa pinakasalan yung asawa nya. Kaya ikaw sender hanggat nag paplano pa lang kayo ng kasal may chance ka pang umatras dyan

KEKE
KEKE
11 months ago

please save yourself

Chi
Chi
11 months ago

Beh you’re not a punching bag and you don’t deserve that.

ZzZZ
ZzZZ
11 months ago

Girl! habang may oras pa, HIWALAYAN mo na! Mahirap oo, pero mas mahirap kung papatagalin mo pa at itutuloy ang kasal niyo. Ngayon pa nga lang na mag bf/gf kayo, sinasaktan kana. How much more kung kasal na kayo, baka di lang punching bag gawin niya sayo. Kaya please, save yourself.

Collect some evidence of his physical abuse, or even verbal. Like pictures, videos or recordings. You have two options naman, either tell both of your parents and resolve it quietly or tell the cops, file a complaint (VAWC). He deserves it. Again, save yourself.

ali
ali
11 months ago

Hiwalayan na. Once is enough. Papayag ka ganyan maging tatay ng future anak mo?

nyahahaha
nyahahaha
11 months ago

ate, you already know what’s going on, please, do the right thing. hindi natin alam baka bukas makalawa o pag nakasal kayo, mapatay ka pa sa bugbog ng soon to be husband mo. tumataginting na ang red flags oh, sana naman this time piliin mo sarili mo.

Rose
Rose
11 months ago

Nanghingi ka ng sign kay lord diba? Binigyan ka na nya ng sign, un ung nabugbog ka ulit ibig sabihin sign na yan para iwanan mo na.

Cutie
Cutie
11 months ago

Gago wag mo ituloy. Sinasabi ko sayo magsisi ka.

Lol
Lol
11 months ago

Back out kana, and sabihin mo sa fam mo yung ginagawa nya sayo.
Tignan Lang natin kung maging approved pa sila sa lalaking yan.

Pag nagpakasal kajan panigurado kulong ka sa bahay at bugbug abot mo tas aanakan kalang nan, pag naging losyang kana mambababae yan.

Last edited 11 months ago by Lol
Miss M
Miss M
11 months ago

‘Wag na tayo magpaka-tanga dito, Sender. Alam mo sa sarili mong mali ang partner mo, at mali ang sarili mo dahil masyado mong tino-tolerate ang ginagawa niyang pananakit sa ‘yo lalo na ang murahin ka. Hindi na kailangan pa tanungin kung dapat ka pa ba magpatuloy, dahil kahit sarili mo mismo alam ang kasagutan, bulag ka lang. Iwan mo na, bago ka pa magsisi ng tuluyan. Hindi biro ang magpakasal, I swear! Kaya habang may oras pa, run! ‘Wag ka manghihinayang sa tagal ng pinagsamahan niyong dalawa lalo sa memories dahil magagawa mo pa rin naman ‘yan doon na sa taong deserving ang ibinibigay mong pagmamahal at mamahalin ka.

Lol
Lol
11 months ago

Walang sayang sa 9 years kung pang aabuso naman nararanasan mo.
Di kawalan ang ganyang lalaki.
Mag isip isip kanga gamitin mo utak mo wag emosyon
2024 na , di na uso mag paka martir

The fact na nagawa ka na nyang saktan sa unang pagkakataon dapat dun palang nag isip kana

Jiiem
Jiiem
11 months ago

hala si girl you know the right thing to do. Wag kang manghinayang sa 9 years. ito ngang ang label niyo ay mag girlfriend boyfriend nagagawa ka ng saktan pano pa kaya kapag kinasal na kayo. Makukulong ka sakanya. Mas lalo ka lang niyang kokontrolin and worst, mabubugbog ka ulit. I dont want to blame you pero hinayaan mo rin kasi ang sarili mo na ganyan ganyanin ka niya. May chance ka pa na kumalas pls have self respect. Please be happy

marybeth at your service ❤️
marybeth at your service ❤️
11 months ago

For me kung ganyan nangyayari dipa naman kasal pero sa loob ng 9 years you’re waiting him to change, mali ka. huwag mo pakasalan dahil sa ganyang binubugbog ka. pinapalayas ka. HUWAG MO PAKASALAN PAKTANGA KAPA. PAAWAT KA NAMAN LODS 2042 NA

Yuiiii
Yuiiii
11 months ago

literally nooooo

Kianiya
Kianiya
11 months ago

Don’t settle for less miss. Know your worth and have the courage to step out sa abusive relationship niyo. Alam naming alam mo kung anong gagawin mo sa sitwasyon mo ngayon, wala ka lang lakas ng loob. Sabi nga nila, “we support break up here” lalo kung mga ganyang scenario. Hindi pa man kayo mag asawa pero ganyan na pakitungo niya sa’yo. Much more kung kasal na kayo,mas mahihirapan ka ng kumawala.

bubbles
bubbles
11 months ago

Maybe that situation and confusion is the guidance that you’ve been asking for. Please, don’t settle for less, you deserve so much more.

Corinthians 13
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonour others, it is not self-seeking, it is not easily angered, and it keeps no record of wrongs.

Jiss
Jiss
11 months ago

You deserve what you tolerate sender. Decide for yourself kung magsstay ka pa ba or cut him off sa buhay mo.

John
John
Reply to  Jiss
11 months ago

She don’t deserve it. She loved unconditional. Just like how God loved us despite of our sins.

Perfect26
Perfect26
11 months ago

Sige gurl. Ilagay mo pa ang sarili mo sa situation na hindi ka na makakawala. Wag mong hintayin na lumabas ka sa News, bilang babaeng namatay dahil sa bugbog.

Dangdang
Dangdang
11 months ago

and so you think na pag kasal kayo magbabago siya? ikaw na mismo nagsasabi nian, inuulitulit niya. Basahin mo yang sinend mo,anjan yung sagot na gusto mo. Gumising ka naman jusko ka, maawaka sa sarili mo. Ikaw pa tong nahiyang siraan siya, ikaw pa yung nanghihinayang sa relationship niyong 9 years eh kathniel nga naghiwalay. Naiinis ako sayo sa totoo lang.

ganito nalang gawin mo. Isipinmo 9 years ago nung wala pa kayo. Anong pangarap mo? Mapangasawa ang isang abusive na lalaking gaya niang fiance mo? Yan yung pangarap mo sa buhay? Yung manliit sa sarili at magmukhang t@nga? Yung yung dream wedding mo? Anong speach yung sasabihin mo sa kanya? Mag pepretend ka nalang na siya yung dream guy mo na aagalan ka sa hirap at ginhawa?. Na sasamahan mo siya sa isang toxic na relasyon habang buhay. Na matatali ka sa pambubugbg nia. andtill death do us part ganon? . Yan yung lalaking kasama mong bubuo ng pamilya? Sure kang hindi niya sasaktan mga anak mo?na ikaw nga eh nagawa niyang gawin yan.Yan yung pangarao mo 9yrs ago? na Mawitness ng mga anak mo na yung tatay nila binubugbg yung mama nila? Yung lalaki sila sa magulong bahay?. Napaka baba ng pangarap mo kng jan ka sa kanya.

marami ka pang mararating. Taasan mo pangarap na walang kayo, naikaw lang. Pangarapin mong umayos yang buhay mo. Na hindi mo kailangan ng lalaking toxic kasi matapang kang babae. Hindika magpapatali sa ganyang lalaki kasi hindi ka pinalaki ng magulang mo para lang maging punching bag ng iba.

Pangarapin mong magtravel, Magkaroon ng hobby, maging mayaman, Mas gumanda. lahat yan ifocus mo sa sarili mo. Pag nangyari yan, Hindi ka manghihinayang sa 9yrs niyo.

Wag kang magpakasal kasi first of all, walang divorce sa pilipinas. Jan palang talo ka na

Awatsapagigingtangasender
Awatsapagigingtangasender
11 months ago

Sender huwag mo ng hintayin na ikasal kayo at magka-anak. Huwag mong paabutin na pinapanood ko kung pano bugbugin ng lalaking yan yung mga anak mo. Huwag mo nang paabutin sa oras na mamatay matay ka na bago ka pa humingi ng tulong. Cancel the wedding, talk to your family, hindi madali pero dapat, walang magagawa yung pagtitiis mo at pagmamahal mo kung ugali na ng bf mo ang manakit. Huwag kang matakot na magsabi sa magulang at kaibigan mo, hindi mo sinisiraan yung bf mo, nagsasabi ka lang ng totoong nangyayari sa inyo. Huwag mong hintayin na pinaglalamayan ka na nila bago pa nila malaman yung totoo.

Merrill kaye Bernardo
Merrill kaye Bernardo
11 months ago

Please run ganun din kami 9 years kami noon and planning to be married at january 27 2023 but we broke up december 2023 ganyan na ganyan bf ko bugbugan murahan hanggang sa nagising ako sa katotohanan nang humingi ako nang space sa kanya

atemongmapagbigay
atemongmapagbigay
11 months ago

Run girl , madami pang mas better dyan na lalaking darating para sayo . Habang buhay mong pagsisisihan kapag nagpakasal ka sa lalaking yan. Mas mabuti na wag kanang magpakasal sa kanya. Hindi pa nga kayo mag asawa nagagawa kana nyang saktan. What more kapag mag asawa na kayo at nagsama na kayo sa iisang bubong. Sana maisip mo yung magiging lagay mo kapag pinakasalan mo sya , hindi worth it yung mg ganyang lalaki.
RUUUUUUUUUUUUUN , Know ur worth girl 🙂😉

P.s sabihin mo sa parents mo yung totoong nangyare kapag nag back out ka sa kasal nyo .

eljhay
eljhay
11 months ago

girl run as you could , wag mong antayin na sa kamay niya ikaw mawalan ng buhay. Mag bf gf palang kayo ganyan na siya what more kung mag asawa na kayo. Lakasan mo loob mo na makipghiwalay sa knya. Sabihin mo sa parents mo kung bakit ka aatras sa kasal. Wag mong antayin na magsisisi ka sa bandang huli . Isipin mo rin matagal at magastos ang proseso ng annulment.

Michicko
Michicko
11 months ago

RUN . ALAM MO NANG RED FLAG , PAAABUTIN MO PA SA KASAL. MAG ISIP KA TE, MAS MANG HINAYANG KA SA PANAHONG IGUGUGOL MO PA SA ABUSIVE NA TAO PAG KINASAL KAYO ..

undoubtedly
undoubtedly
11 months ago

run

Mmmm
Mmmm
11 months ago

Pls stop sender. Habang wala pa kayong anak. I know wala ako sa position para magsabi pero sana isipin mo rin yung future. Di mo naman siguro gugustuhin na kung kelan may anak na kayo tsaka ka matatauhan. Sobrang traumatizing para sa anak yung makita yung parents nilang ganon. I hope you think again and again and again.

Jeasha
Jeasha
11 months ago

Get out nagsayang ka na nga ng 12 yrs dagdagan mo pa ng a lifetime hahaha

xiexie
xiexie
11 months ago

Hindi ka magdadalawang-isip na pakasalan siya kung handa ka na talagang matali sa ugali ng ganyang tao. Bakit ba nagpapakasal or nagsasama ang dalawang tao? Kasi diba may intimacy, passion and commitment (Stenberg’s Triangular Theory of Love). Dapat both kayo magfi-fix ng pagkukulang ng isa’t isa, pero kung isa lang sa inyo yung gumagawa ng paraan, hindi yan magwo-work. Ikaw lang ang magsu-suffer, sender. Cool off, talk to him, or cut him out of your life. You decide.

piyaaaaa
piyaaaaa
11 months ago

Run sister run!!! Ngayong hindi pa kayo kasal you have the freedom to run pa pero pag inantay mo pang makasal kayo at ginawa nya yan sayo hindi ka na makakawala and pagsisisihan mo lang yan sa huli so better Run as fast as you can.

Xingjing
Xingjing
11 months ago

Siguro hindi rin alam ng both families nyo about sa pananakit nya sayo, kaya nag approve sila. How about u share this to your fam? Sila na ang lalaban para sayo.

Jass
Jass
11 months ago

Kung ganyan naman pala, wag mo na pong ituloy baka saan pa umabot iyang pananakit nya sayo, habang di ka pa nakatali sa kanya may chance ka pa na umalis sa relasyon na yan.

error: Content is protected!
123
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x