“May humâhawâk sa âno ko, pero never kong minulat ang mata ko kasi akala ko nananaginip lang ako…”

Hi, I just want to share this kasi nahihirapan na ako. So here we go, the pandemic started, 2019 yun, stay at home kami ng family ko, bali ako na lang ang dalaga sa min sa bahay. Yun iba kong kapatid na babae, either nasa trabaho o may mga pamilya na.

May kapatid akong dalawa, binata na sila, at ako dalaga na. Masaya kami, yung pandemic ang mismong nagbigay daan para lalo pa kaming maging close sa isa’t isa, kaming magpapamilya.

Pero, may isa akong kuya na hindi ko masyadong ka-close, nag-iimikan lang kami kapag may itatanong siya o kaya naman may inuutos o may pinasasabi sa kanya. Simula bata ay ganun na kami, mahilig kami magaway, di ko alam kung bakit galit na galit siya sa kin. Hanggang sa nadala na namin yun sa paglaki namin.


Simple lang ang bahay namin, may kwarto ako pero kurtina lang ang nagsisilbing pintuan nun. Akala ko okay lang ang lahat, akala ko walang magiging problema, pero yun ang pagkakamali ko.

When the night come, lahat tulugan na, matic yun. Pero may something akong nararamdaman na parang may humâh@w@k sa priv@t€ p@rt ko. Never kong minulat ang mata ko kasi akala ko nananaginip lang ako, kaya hinayaan ko na lang. Pero halos gabi-gabi, kapag sumasapit ang gabi, lagi na lang nauulit.

Until one night, I open my eyes to know kung ano ba talaga yun. Hindi ko ine-expect ang makikita ko sa harap ko. Yung kuya ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nun, di ako nakakibo, nakatingin siya sa kin.


Gusto ko siyang sampalin, gusto kong umiyak, gusto kong yakapin nun si mama para magsumbong sa kanya, gusto kung mawala siya sa harapan ko noong mga panahon na yun. Pero wala akong nagawa, parang ako pa yung nahiya kasi nahuli ko siya, tang*na lang. Pumikit ako nun na parang hindi siya nag-e-exist, na parang wala siyang ginawang ka-dem0ny0-han sa kin.

Pumikit ako nun, habang siya, bumalik sa kwarto niya na parang walang nangyari. Hindi ako makahinga, iyak ako nang iyak nun, gusto kong magsumbong kay mama, pero iniisip ko pa lang kung anong kahihiyan ang ginawa ng kapatid ko sa kin, parang nawalan ako ng lakas ng loob.

Trâumâ. Sobra akong na-trâumâ ng mga oras na yun, halos gabi-gabi akong puyat kasi ayokong natutulog. Andun yung thought na kapag natulog ka baka maulit ulit. Na baka hindi na lang yun ang maranasan ko kapag natulog ako nang maaga.


May times na napapansin na ng mga kaklase ko na ang laki-laki na ng eyebags ko, kung sino ba raw ang pinagkakapuyatan ko. Hindi nila alam na nagpupuyat ako para sa kaligtâsân ko. Dahil d€m0ny0 ang kalaban ko. Ang tingin ko sa kapatid ko ay isang d€m0ny0. D€m0ny0 na sana nawala na lang sa buhay namin.

Hindi ko siya tinuturin na kapatid. Para sa kin, isa na siyang patay na naging d€m0ny0 para pahirapan ako. Hindi ko na siya pinapansin sa bahay. Naging ilang na rin ako sa mga lalaki, ayoko na ng may dumidikit sa kin, naging introvert ako buhat noong nangyari yun.

Mas lalo akong naging maingat sa pagsusuot ng mga damit. Kahit pala na lagi kang nakamahabang suot at never nagsuot ng shorts, sadyang kapag talaga may masamang balak at tingin sa yo ang lalaki, wala ka. Wala yang kasuotan mo. Sabi nila, “darkness is their comfort zone” Pero ako? Ang kadiliman ang aking kinatatakutan.


V, 2023, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

5
1
Subscribe
Notify of
guest
21 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
taurus
taurus
1 year ago

Ganiyan din naranas ko sa pinsan ko😭

eme
eme
Reply to  taurus
1 year ago

mahigpit na yakap sayo 🥺🫂

Ms. Hope
Ms. Hope
1 year ago

Totoo naman kasi talaga, kaya di ko maintindihan sa IBANG lalaki na sinisisi tayo dahil sa suot natin. Kapag pinili mong mangmanyak, mangmolestya, mang-rape..alam mo yung ginagawa mo. Wag nyo idahilan na “di ko alam”, “di ko sinasadya”. Napaka bull ng excuses na yon, tbh.

Pero sender, never lose hope. Subukan mo pa din yung mga bagay na tingin mong makakatulong sayo, like magsabi ka sa closest friend/fam.. or seek guidance kay lord. I promise you, kung sino ka man, I’ll pray for you. God bless sender. I hope piliin mo pa din magpursigi, PARA SA SARILI MO. Okay?

Tofu
Tofu
1 year ago

I have the same trauma. Full-blood brother ko pa. I remember telling my Mama and some relatives. Si Mama and Ate implied na I was to blame sa nangyari. Pero si Papa hindi alam, wag daw sabihin kay Papa kasi baka anong gawin. Ever since then, iba na tingin ko sa mga hawak hawak kahit relatives pa basta lalaki. Naiilang na ako. So far, nagpapansinan naman kami nang kuya ko but the trauma never left me. This happened when I was g11. Now I’m in college but it’s never gonna be the same.

Phearlie Bondad
Phearlie Bondad
Reply to  Tofu
1 year ago

Sinisi ka pa nga! Sorry ate pero grabe lang

Elle
Elle
Reply to  Tofu
1 year ago

Grabe. Buti na lang pala ako pinaniwalaan ni mama kasi nung tym na nangyari talaga yun sinumbong ko kaagad, kitang kita sa mukha ko yung takot.

krungkrung💋
krungkrung💋
1 year ago

danas ko yan😣 yung tipong iwiwish mo na lang na wala na sanang gabe para di lang sya lumapit sayo😣😥 yung ang daming unan sa paligid ko para lang di nya madikitan😣😥😪 diring diri ako kapag nilalapitan nya ko😥 trauma tlaga binigay nya saken nun hanggang ngayon dala dala ko pa din😥 di nya naman nahahawakan private part ko. gusto nya hawanakan yung b**bs ko pustahan flat pa ko😑kasi gusto nya daw na lumaki daw b**bs ko😤😤😤 halos diring diri ako nung narinig ko yan😤😤😣 pero di nya nahawakan kahit private part ko. kase lagi akong may unan na yakap sa dibdib ko nun. mga kapatid kolang may alam sa ginagawa ng hayup na yun saken😤😩 ayokong sabihin sa tatay ko yung ginawa saken ng hayup na yon. kasi alam kong mapapatay sya ng papa ko😥😪😣 pinagkatiwala ako sa kanila ng tatay ko tas ganon lang gagawin niya saken😣😪😥😤

Oink
Oink
1 year ago

Same sa mga Tito ko at pinsan ko😭

Jae
Jae
1 year ago

I’ve been there. Halos itago ko ang buong katawan ko sa kumot, h’wag lang makapasok yung malamig na kamay na iyon. Di bale ng pagpawisan sa loob, pero ayos lang. Napakahirap niyan at totoo hindi ka patutulugin ng ayos niyan. ‘yan yung literal na “Binabantayan ko sarili ko.” Keep fighting sender. Magsabi ka na hangga’t maaga pa. Malalagpasan rin natin lahat ng ‘to

Last edited 1 year ago by Jae
Sarah
Sarah
1 year ago

this is what exactly why I’m still awake right now, akala ko dati lasing lang din talaga si kuya kaya hinawakan yung paa ako paakyat sa hita kaya gumalaw ako buti na lang katabi ko pa yung ate ko nun na sobrang close umiiyak na ako nun kaya nagising sya hanggang sa kinuwento ko kila mama pinag sabihan naman si kuya pag gising nya tapos ako lumipat sa tabi ng magulang ko para matulog naging medyo ilang ako pero bumalik din sa dati yung closeness namin kasi kinalimutan ko na, naisip ko hindi nya magagawa yon sakin kasi kapatid nya ako pero di ko alam kung tama ba talaga hinala ko ngayon na hinawakan or pinalo or pumatong sya sa p**t ko halos kakatulog ko lang kasi kaya medyo gising pa diwa ko kaya nagising ako agad tapos tiningnan ko sya pag lingon ko nag aayos sya ng higa nya tapos naka pikit parang nag papanggap na tulog. ngayon tulog na sya ulit habang ako eto hindi maka tulog baka kasi mangyare na naman. wala kasi akong choice na makatabi sya kasi wala naman akong sariling kwarto, yung kwarto kasi na meron para sa pamilya ng ate ko tapos yung mga magulang ko naman sa baba ng bahay natutulog and yung ate ko na sobrang close ko mag iisang taon na hindi umuuwi kasi nag sasama na sila ng jowa nya sa Bacolod kaya wala akong choice. iniisip ko kung sasabihin ko ba Kay mama ulit para sa baba na ako matulog pero naiisip ko ba maisip ni mama hindi magagawa ni kuya sakin yon. sana nga hindi at matagal na yung huling keme ni kuya sa babae baka nag hahanap na sya ngayon kaya ganun sya. hindi ko na alam gagawin ko ngayon kung matutulog na ba or hintayin na lang yung oras ng gising ko para bumaba kasi kikilos ulit para mag asikaso ng paninda namin na ilalabas. di ko alam talaga gagawin ngayon 🙃

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
1 year ago

I have same experience with my Tito namam, highschool ako nun tpos sya service namin everytime na maaga nya kong susunduin at naaabutan nyang ako lang mag isa sa kusina nun nya hinahawakan private part ko at boobs ko. Mas pinili ko manahimik kasi baka walang maniwala sakin na hanggang ngayon walang nakakaalam kahit yung asawa ko di ko nasabi sakanya about dito. 😢

ishi
ishi
1 year ago

isang mahigpit na yakap w/ consent para sa lahat ng mga nakaranas niyan, nawa’y tibayan niyo po ang loob niyo. btw, naranasan ko rin po yan sa kapatid ko na lalaki pero ang sinagot niya lang sa mother ko ay wala siyang maalala na ginawa yun at tulog daw siya, pero hindi ako naniniwala kasi inaalis niya kamay niya kapag nararamdaman na para akong magigising.

Elle
Elle
1 year ago

Magsumbong ka sender sa mama mo, kasi ako hindi ako natakot magsumbong sa mama ko nung uncomfortable na ko kasi iba yung yakap ng kapatid sa may intensyon na yakap, nakakakilabot. Simula nun tabi na kami ni mama matulog, hindi na niya ako iniiwanan mag isa sa bahay, lagi na niya ko sinasama kung san man siya magpunta. Kaya kung ako sayo magsumbong ka na.

Hany
Hany
1 year ago

Kailan kaya matatapos yung ganito? Kaya ako todo bantay ako sa pamangkin Kong babae. Makakapatay talaga ko pag nalaman kong may bumastos sakanya. Ayokong maranasan niya yung takot at trauma na nararanasan ko.

Sai
Sai
1 year ago

I have the same trauma, yung unang asawa ng mother ko 12 yrs old ako non akala ko dati may mabuting loob siya sakin.
Pinupunasan niya likod ko dahil basang basa daw ng pawis at yung kamay niya na isa pinapasok niya na pala sa boobs ko. Palagi niya ginagawa yun hanggang sa na ilang na ako hindi ko naman alam na pang mamanyak na pala ang ginagawa niya sakin kasi 12 yrs old lang ako non plus sabik ako sa alaga ng tatay dahil wala ako non.
Pero ginamit lang pala yung kahinaan ko.
Doon na rin nag start na ilang na ilang na ako sa mga lalaki hindi ako comfortable kapag may nakakasama akong lalaki kasi pakiramdam ko parang may gagawin sakin na hindi maganda.

Yung ginawa pala sakin nung unang asawa ni mama sinumbong ko kay mama at sa mga half siblings ko at nagalit sila don sa tatay nila lalo na si mama.
Kaya sender wag kang matatakot.

unknown
unknown
1 year ago

hala hugs with consent po sainyo, ang sa akin naman nakita akong walang damit ng tito ko pang itaas, as in wala. kasalanan ko din na di ko agad nailock ung pinto ng kwarto, ayun pinapanood padin ako kahit na dapat ay umiwas na lang sana o umalis. sa lahat ng tito ko ko siya pinaka ayaw ko hahaha ang bastos kasi masyado. pero yun nga wala tlga sa pananamit yan, kung bastos ka bastos ka talaga.

CHENGCHAN
CHENGCHAN
1 year ago

Sana magkalakas ka ng loob magsabi sa mama mo at sana paniwalaan ka niya. Stay strong. 🥺

shattered
shattered
1 year ago

I also experienced this when I’m still young ang pinagkaibahan lang ay sa tito ko. Simula nun, takot na takot na ako not only for my sake but also sa bunso kong kapatid. It’s been 9 years but the trauma that it caused to me still here.

Pearl
Pearl
1 year ago

Naranasan ko rin mabastos ng pinsan ko habang natutulog, sinabi ko yun sa lola ko tapos isunumbong nya kay papa kaya pinalo. Grabe 11 pa lng ganon na kabastos and I was 18 that time. Ngayon hirap ako kasi lagi tumatambay sa amin. Pag sinasabi ko na hindi ako comfortable parang wala lang sa kanila. Sana hindi ko na lang sinabi kung ganto lang din, ako na lang affected sila naka move on na at pinag momoveon din ako.

Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Minatozaki Sana
1 year ago

Sinong nag dislike? Hmmmm… 🤔

enbiss
enbiss
1 year ago

ganitong ganito naransan ko sa step dad kooo.

error: Content is protected!
21
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x