“I got pregnant by my MU for 4 years pero hindi ako pinandigan…”

Paano ba maglabas ng emotion? I’m emotionless outside but dy*ng inside.

I got pregnant by my MU for 4 years pero hindi ako pinandigan. 2 months na pala ang baby ko.

Masaya naman kami noon. Walang linggo na di kami nagkikita/date. Lagi rin magka-chat/usap. Pero nung nabuntis na ako, lahat nagbago.

Nag-message ako sa kanya nun.

“Buntis ako”
Him: (seen)

After an hour,

“Positive ako,” sabi ko.
“Sorry, may mahal akong iba,” sagot niya.


Ako na sobrang gulat, walang ma-i-reply. Ang tagal… sobrang tagal ng proseso sa utak ko.

Paulit-ulit kong tanong sa isip ko…

“Paanong may iba… sabi niya wala siyang girlfriend, sabi niya hindi pa siya handa sa relasyon, sabi niya kilalanin muna namin isa’t isa.”


Natulog akong luhaan, kinu-question ang worth ko.

Kinaumagahan, ginawa ko ang routine ko na i-chat siya ng “good morning”, “good night”, and mga gentle reminders sa kanya sa araw-araw tulad ng wag magpapagutom, mag-iingat, etc.

Kahit seen na lang sa mga messages ko, ginawa ko pa rin for 9 months ng araw-araw, hoping na magbago isip at baka nabigla lang na nabuntis ako.


Sa totoo lang, sobrang hirap mag-adjust na kahit isang message wala na ko matanggap mula sa kanya. Sobrang hirap na ilang taon kaming masaya tapos sa isang araw lang, biglang parang hindi na magkakilala.

Durog na durog ako inside. Pero outside, parang wala lang dahil ayoko makakuha ng attention mula sa mga taong nakapaligid sa kin. Never nag-rant, never nagpasaring-online/offline.

Ang hirap malunod sa kalungkutan. Lalo na pag nakikita ko anak ko. Naluluha ako minsan pag nakikita anak ko na masaya, dahil kasama ko sana siya na nasasaksihan ang paglaki ng anak namin.


V, sobrang mahal na mahal kita. Alam mo yan. Kaya di ako nangulit ng label dahil nirerespeto ko yung desisyon mo kahit na gustong-gusto kitang angkinin at ipagmalaki. Araw-araw akong umaasa na kumustahin mo ko sa pagbubuntis ko noon. Dahil in-a-update kita sa nangyayari sa kin kahit na puro seen na lang.

Alam mong in-opera-han ako, alam mong sobrang maselan pagbubuntis ko, pero bakit kahit konting concern hindi mo naipakita. Nagmamakaawa ako sa yo na puntahan mo kami sa hospital nung manganganak na ako, pero bakit ganon? Apat na araw kami don pero bakit ni isang beses hindi mo nagawang magpakita don? Ang hirap manganak mag-isa, sobrang hirap mag-isa sa hospital.


Para akong kaluluwang naghahanap ng hustisya… hindi matahimik sa sobrang sakit ng pag-iwan mo sa kin sa ere. Pero di ako makapalag, kasi wala akong karapatan mag-rant o pagsabihan ka dahil wala naman tayong label.

Ngayon, nakikita ko sa mga tag ng gf mo na ang saya saya mo, ang saya saya niyo. Kaya pala di mo na ko napanindigan kasi 2 months pregnant pa lang ako noon, nabuntis mo na rin siya at magka-live-in na rin kayo. Ang sakit sakit ng nangyari sa tin, pero kung ito yung magpapasaya sa yo, sana maging totoong masaya ka sa pagpili sa kanya.


At kung balang araw makita mong di na tayo friend sa FB, pagpasensyahan mo na. Kailangan kong mag-heal sa pain na to. Bakit parang mas madali patawarin ka kaysa patawarin ang sarili ko? At sa huling pagkakataon, gusto kong malaman mo na MAHAL NA MAHAL KITA. MAG-IINGAT KA AT MAGPAKASAYA. Hanggang sa muli. Dalangin ko ang mabilis na paghilom ng mga sugat sa puso ko, para sa akin at sa anak ko.

Miss, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

Subscribe
Notify of
guest
16 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Hehehe
Hehehe
1 year ago

He doesn’t deserve that genuine love, patawarin mo na yung sarili mo and do everything to be happy co’z u deserve it.

Tanginang mga lalaki yan
Tanginang mga lalaki yan
1 year ago

Sakit, praying for your healing sender :<

Yuuki
Yuuki
1 year ago

Do’n pa lang sa “MU for 4 years” hindi na s’ya katiwa-tiwala eh. I applaud you, Sender, for being brave — for your baby and for yourself. ‘Wag mo ng i-reach out ‘yang lalaking ‘yan. Napakaduwag at sinungaling. Hindi deserve ng baby mo ng lalaking walang lakas ng loob panindigan ‘yong responsibility n’ya.

As for your current situation, mayroon bang ibang nakakaalam n’yan? Anyone from your friends or family that you truly trust? I think it’d be best na sa kanila mag-rely for help and assistance.

Mysterious
Mysterious
1 year ago

“Pero di ako makapalag, kasi wala akong karapatan mag-rant o pagsabihan ka dahil wala naman tayong label.”
Mii meron may anak kayo may karapatan ka. Sana mag heal kana😊

Ms. A
Ms. A
1 year ago

Laganap tlga ang mga lalakeng tkot sa obligasyon! Sna kung ayw sa obligasyon wg gglawin ung babae or wg mgpkita ng motibo! Soon mghiheal ka rin sender.. Nangyri rin sken yn, ngaun 10y/o na ung anak q.. Bumablik ung papa nya gus2 bumawi, pro d q na pnagbgyan.. Kc pnabayaan nman nya q mg buntis at manganak noon ng mg 1.. Kakayanin mo yn pra sa anak mo..

Villarica
Villarica
1 year ago

Tanga ka alam mo yon? MU tapos nagsex kayo. Anyways pakshet lalaki na yon

Athena
Athena
1 year ago

Mii gantihan mo, wag mo ilagay yung pangalan nya sa birth certificate ni baby mo. At Wala syang karapatan pag dating ng araw na kuwestiyunin ka. Praying for your healing sender. At sana din makarma yang naka M.U mo na yan

Sandara
Sandara
1 year ago

Mga lalaking gusto magpakasarap, pero takot sa obligasyon. Ganito rin daddy ni baby ko. Pero good thing may sustento from the start. 7 years old na anak namin ngayon, sawa na sya magpakasarap, gusto na magkapamilya at bumalik sa amin. Pero ganun pala nuh? Once na ikaw babae naka move on na, once na naovercome mo na ang sakit at lahat mag-isa, hindi mo na kakailangan ng lalaki sa buhay mo. Eversince nagkaanak ako, di na ako nag entertain ng lalaki. Mas focus na ako sa pagtuturo at maliit na business ko. Pagod na ako. Nasa point na ako na deeply and madly inlove ako sa anak ko. So nung nakipagbalikan ang dada nya, kahit sinabi nya na kawawa ang bata kasi lumaki na walang kompletong pamilya, wala na akong pake. Ayaw na rin ng anak ko sa kanya. Makakaya mo yan sender. Be financially stable, everything will be alright. Fighting!

P.s.: Please, wag agaran magmahal after. Mahirap na sumugal.

qaqu.
qaqu.
1 year ago

Wag mo ng pakita anak mo sakanya kagigil naman yan sarap buhay amp. di nya deserve anak nya sayo obob yon. Pakatatag ka ate para sa baby mo ingat kayong dalawa.❣️

Ganymede
Ganymede
1 year ago

Pucha sakit 😭 Kaya ayoko magpabuntis kahit na mag 5years na kami kasi di ito maalis sa isip ko. Tang ina, what if iwan din ako? Diko kakayanin na mangyari din sakin yung nangyari sa mga magulang ko. Tapos makikita ko pa anak ko na lalaking parang laging may kulang. Diko kaya to 😭 God bless you sender, sana mag heal ka na. Wag mo hayaan na lamunin ka ng mga nangyari, hindi pa tapos ang laban. Kaya natin to 😥

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Hakdog talaga HAHAHAHA, MU lng kayu pero nagpa buntis ka. May kasalanan karin kasi sa subrang tanga mo nadagdagan nanaman ang bata sa mundo na lalaking wlang ama, masyado kang assuming ,asa ka nang asa na mamahalin karin pabalik. Naging disgrasyada ka tuloy. DASURV.

Nics,
Nics,
1 year ago

That’s the hardest part. Same tayo, nabuntis at gusto niya ipalaglag. Tutulungan niya daw ako sa gastos basta ipalaglag ko lang. NO WAY!! Nasa medical field tayo! Gusto mo pumatay! Tinuloy ko parin kahit ayaw niya. Wala akong kontak till manganak ako. He block me and nagdeactivate siya. Then nung nanganak ako, i tried na kausapin siya after 2months nagreplu siya. Hiningi niya pic ng bata. He just said ” diko kamukha” hahaha . Di na ako umaasang magbbigay sustento. Wala man ako trabaho ulit, buti anjan ate ko at magulang ko na kahit sobrang galit sakin, tinutulungan parin ako. Kaya mo yan sender. Kayanin natin

periwinkle
periwinkle
1 year ago

Animal na lalaki yan 😡

Summersexy
Summersexy
1 year ago

Ang sakit naman para sa anak mo. Nakakalungkot panibagong bata nanaman ang lalaki na walang maayos na pamilya

Claire
Claire
1 year ago

una sender ang TANGA MO wala na nga kayong label NAGPABUNTIS KAPA pangalawa TANGA KAPADIN KASI PUMAYAG KANG WALANG LABEL IN 4yrs na mag kasama kayo at pangatlo NAPAKA TANGA MO KASI PA KAMOT KA NG PA KAMOT NA WALANG LABEL AT DI MO ALAM KUNG ANO KA SA BUHAY NYA at pang apat BAKIT KASI PUMAPAYAG KANG PAMPALIPAS LIBOG LANG?? tapos ngayong nabuntis ka NGANGA ka kasi wala ka namang CONNECTION sa buhay nya kasi isa kalang dakilang PAMPALIPAS ORAS / PANPALIPAS LIBOG

name
name
1 year ago

eh bakit kasi bumubukaka ka sa mu

error: Content is protected!
16
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x