“Dapat palayasin na yang ANAK MO dahil ‘di tayo mamalasin kung wala siya dito sa bahay!” sabi ng step dad ko nung nag away sila ng mom ko…

Hi! I am Troy, not my real name. Di ako marunong magkuwento so bear with me. I would like to share my story way back 2009, bata pa ko non.

My biological dad dî€d in a car accident. and after two years, ikinasal ulit mom ko and sinama na kami ni mom sa step dad ko rito sa Baguio.

Only child lang ako ng biological dad ko and naging apat na kami dahil nadagdag 3 siblings ko na anak ng sted dad ko kay mom.


I admit na hindi kami magkasundo ng sted dad ko, alam niyo yung feeling na unang kita mo pa lang sa tao ay sobrang mabigat na sa loob.

There was a time na binûbûgb0g ako ng step dad ko lalo na nung naglalaro kami ng mga kapatid ko at nasugatan ko yung isa. He always blaming me sa kamalasan nila ni mom.

Year 2009, naririnig kong nag aaway sina mom at asawa niya sa room nila. Nagulat ako na binanggit ng step dad ko name ko na,


“Dapat palayasin na yang si Troy dahil di tayo mamalasin sa buhay kung wala siya dito sa bahay!”

Syempre, sobrang sakit para sa kin na marinig yun, and I decided na mag-pack ng gamit ko at umalis na sa bahay nila.

I even blaming myself na kasalanan ko bakit sila nagkakaproblema, I even questioning myself na,

“Bakit ba ako pinanganak at nabuhay sa Mundong to?”

I didn’t realized na medyo malayo na nalakad ko kaya sumilong muna ko sa may maliit na bahay na walang tao.

Nagising ako bigla nung napanaginipan ko si mom na umiiyak, di ko namalayan na nakatulog pala ako, tumayo agad ako at binuhat mga gamit ko para umuwi.


Nang makauwi ako sa min, tinatawag at hinahanap ko si mom pero wala siya sa kitchen, dining, at living room kaya naisip kong hanapin si mom sa mga kwarto sa taas.

Nag-start na ko umakyat ng hagdan, may naririnig na kong humihikbi, dahan-dahan akong umakyat ng hagdanan at narinig kong may umiiyak na babae at narinig kong binabanggit niya yung real name ko sabay sabi na “bumalik ka na anak ko, Troy…”

Nang makaakyat na ko ng hagdan, hinahap ko saang kuwarto umiiyak si mom (ang isip ko kasi that time, si mom ko ang umiiyak). Napansin ko yung iyak galing sa room ko, nakahawak na ko sa doorknob ng pinto ng room ko tapos narinig kong nagbukas ng kabilang room sila mom at niyakap ako sabay sabi sa kin na,


“Anak, sorry kasalanan ko bakit ka lumayas please forgive me, anak.”
“Hinahanap ka namin ng mga kapatid mo kanina, di ka namin nakita, pero di bale na, ang mahalaga umuwi ka na,” at niyakap ako ulit ni mom.
“May narinig akong umiiyak, ang akala ko nga po ikaw yung umiiyak pero nung akmang bubuksan ko na room ko, nagulat ako nang lumabas ka po sa room niyo,” pagtataka kong tanong kay mom.


“Sino yung babaeng umiiyak dito?” dugtong ko.

Si mom nagbukas ng pinto ng room ko pero wala kaming nakitang tao…

P.S. Nalaman namin nung college na ko na yung babaeng umiyak sa room ko na ginaya ang boses ng mom ko, katulong pala yun ng dating may-ari ng bahay na tinirhan namin, doon daw mismo sa room ko nag-su!c!d€ yung katulong.


Troy, 2015, Criminology, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

3
0
guest
5 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Shubaguila
Shubaguila
1 year ago

So ayun mag isa lang ako sa bahay wala ung asawa ko mag isa lang din ako matutulog so dapat mag tabi na ako ng asin 😂

Myoui
Myoui
1 year ago

Hala. Hindi ko alam na horror pala haha

kaizien
kaizien
Reply to  Myoui
1 year ago

02 HAHHAHAHAHAHAHHAA

Aya
Aya
1 year ago

Atleast kampi sau mom mo,panu nmn ung iba na hndi🥺🥺.

Aries
Aries
1 year ago

omg, the plot twist!

error: Content is protected!
5
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x