Nag-transfer ako sa school kung saan ka nag-aaral.
Second day ng school, nakita ko message mo sa Messenger ko,
“May assignment ba tayo?” so ni-reply-an kita.
At dun na nga nagsimula ang lahat.
Naging magkaibigan tayo, nakabuo ng masasayang memories na talaga naman tine-treasure ko.
Palagi tayong magkasama, sabay kumakain, at gumagawa ng activity.
Lumipas ang ilang buwan, tinanong mo ko kung pwede mo ko ligawan, pero may gf ka pa nun, wala akong sinagot sa tanong mo.
Ilang linggo lang, nagkalabuan kayo ng gf mo pero hindi ko alam kung naghiwalay na kayo.
May pagka-bad boy ka nun kaya siguro ang daming napo-fall sa yo at palagi kang laman ng guidance at ng baranggay niyo.
Pero sa likod nun, crush na pala kita. So nagpatuloy tayo sa nasimulan natin.
Hindi ko alam na nanliligaw ka na pala sa kin kahit di ko naman sinagot yung tanong mo.
Makalipas ang isang buwan, nagulat ako kasi may long sweet message ka sa kin at binati mo ko ng happy first monthsary sa tin kahit wala namang tayo.
To make the story short, naging tayo at tumagal tayo ng 6 na taon.
Oo, masaya nung una, sabik ako na palagi kang makita at makasama.
Nag-aaway tayo pero hindi mo na ako sinusuyo, ikaw yung may kasalanan pero ako ang nagso-sorry magkaayos lang tayo.
Habang tumatagal, sa tuwing mag aaway tayo ay hiwalay agad ang gusto mo.
At dahil nga mahal na mahal na kita, kahit anong oras pupuntahan kita sa bahay niyo para makipagbati sa yo at ayusin kung ano ang meron tayo.
Sa tuwing mag-aaway tayo, heto ako, nagmamakaawa at naghahabol sa yo. Nagmakaawa ako na huwag mo ko iwan. Sabi ko pa nga sa yo nun,
“Please, tsaka mo na ako iwan kapag kaya ko na,” sa relasyong ako lang ang lumalaban, pero kinaya ko.
Kinasal tayo pero wala pa ring bago, ako pa rin ang nanunuyo sa yo, ako ang babaeng palaging mali at hindi naging tama para sa yo.
Kasal na tayo pero bakit nagmamakaawa pa rin ako sa pagmamahal mo?
Kasal na tayo bakit naghahabol pa rin ako sa yo?
Palagi kong sinasabi sa yo na “mahal mo lang naman ako kapag okay tayo”.
Nakikita mo ko na lugmok sa sakit at nalulunod sa sarili kong luha pero wala kang ginagawa kundi ang dedmahin ako at hayaang masaktan mag-isa.
At ngayon, nakukuha mo ng múrâhìn ako. Sabihan ng “hindi ka naman kawalan sa kin”, “wala kang pakinabang”, at hamunin ako ng hiwalayan.
Oo, masakit pero pinilit kong huwag umiyak sa harap mo para ipakita sa yo na matapang ako, na hindi ko deserve ang mga salitang binibigkas mo.
Deserve ko naman tratuhin bilang reyna mo, di ba? Pero di bale na lang, basta mahal kita, lahat kaya ko.
Ms., 2023, *Confidential
deserved mo yan girl! inis ako sa malalanding kagaya mo! oo may kasalanan din si boy. kaso may choice ka na iwasan sya kaso sinunod mo kalandian mo. that’s your karma!
??
Award yung comment mo 🤣
Te inunawa mo po ba yung story ni sender? HAHAHAHA
ofc!! hindi mo ba nabasa na may gf si boy nung nagkakilala sila? malamang nung gf ni boy nung una kinutuban na may mali sa boyfriend nya. eto namang babae na to alam ng nagkakalabuan yung dalawa nakadikit parin. minsan kase distansya din kung may gf yung lalaki wag na masyadong makipag closed. kase kung babae ka mararamdaman mo yan baka dahil sayo nagseselos na yung gf. alam din naman ni girl na red flag yung boy nung una palang. pinatulan naman nya. katangahan kasi yan at kamartyran. oo minsan hindi mapipigilan yung feelings minsan. kung sobrang mahal mo na. pero sana naman inisip ni sender sarili nya. kasi kung nagawa nung boy na saktan yung gf nya dati. hindi malabong magagawa rin ng asawa ni sender sa kanya yun. at mas malala pa ang pwedeng gawin nung asawa ni sender. oo alam kong harsh yumg comment ko. nasaktan ako sa ginawa nung boy sa si gf nya dati. kasi nag o-overthink na yun pero yun nga. nakakainis lang kasi pinatulan pa ni sender kahit alam nyang kawawa sya sa una. sana inisip ni sender yung nangyari sa gf ni boy para naiwasan nya mag suffer.
Di mo ba alam na sa sobrang pagmamahal dun niya nakakalimutan mahalin yung sarili niya
Sobrang tama.
Ikaw po ba yung ex girlfriend ni boy ate?
Prang nga… Affected tlga xa eh.. 🤣😂
Te. Di nga alam ni sender na sila na pala. Kasi di naman n’ya sinagot yung tanong ng husband n’ya dati. Nagulat na lang s’ya may long sweet message at pag bati na si husband n’ya noon hanggang sa naging sila na nga. Te naman dumagdag ka pa sa sakit ng ulo. Di ikaw nag confess dito kaya wag kang eksena ha? Mag confess ka ng sarili mong story. Hahaha
RIP READING COMPREHENSION 🤦
Nd yata xa nag basa😂🤣kumuda lang…
Grabe nmn sa kalandian boi AHHAHAHA nagulat ako sayo
Kung baga pa sa kanta..wala ka sa tono te🤣🤣🤣🤣
HAHAHAHHA tru baliw ampora
Ateng baka pwede mo ulitin basahin parang Hindi mo naintindihan eh🥴
guard may baliw ho dito
ikaw yung baliw. one sided kasi kayo.
Tanga anong one sided, kaya nga nagkwento yung tao e baka ikaw yung shota na iniwan😛
🤣😂🤣😂
Kala mo dinka lumandi nung kabataan mo, malandi ka din magkaiba lang kayo ng ginawa
Well ate, wala na tayong magagawa jan because it happened na. so instead of blaming the victim here, why don’t you just give her the needed advice she needs? yon if may I aadvice ka. But if you don’t, pwede ka naman tumahimik nalang. Imbes na malilift up yung tao ma dedepress nalang ng tuluyan sa pinagsasabi mo eh. I know she wrote this confession for a purpose yet your giving her nonsense thoughts. How disappointing.
you’re
HAHAHAHAHAHA
Same po ba tayo ng story na binasa?
hahahahaha
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 🤣🤣🤣
?
Tama, alam nang may kowa pa bebe pa, dinalang nya sinabeng hindi mag papaligaw kay guy. Ginusto din nyang mag hiwalay yung guy at gf nya. DASURV NA DASURV MASAKTAN.
Hi friend ako nung sender😁 nakipag flirt ung gf ni boy sa kaklase ni boy at nung sender tapos sa gc lang nalaman ni boy. Yun mo yung dahilan kung bakit sila nag kalabuan nung gf nya hindi dahil may lumandi sa boy. Walang taong deserve masaktan lalo na kung wala ka namang ginagawang mali . (Pinag tatanggol ko lang friend ko😁)
Ha? Binasa mo ba talaga whole story???
Huh parang iba nabasa mo at dito mo na comment HAHAHAHHAHA
di po siya nang agaw te ,.Pakibasa ulet ng kwento😅
Shookt ako sa comment🤣 napaisip ako mali ata ako ng intindi sa story😅
tagalog na nga di mo pa naintindihan? 🤦♀️🤦♀️
🍪🥐
Saan parti po ba siya naglandi?
Isa na naman pong reading comprehension ang namatay
Somehow, I agree sa comment mo. Kaso redflag na nga, tumuloy parin si sender sa bagay na mas lalong hirap na siyang kumawala, which is “”magpakasal” . Andaming magkarelasyon na maayos bilang bf/gf pero nung kinasal di nila inaasahan na magbabago pa pala ang lahat, what more sa boy na never na ngang natuto, mas naging worst pa yung paguugali. Haysss edi kasalanan ni sender. May choice naman kasi talaga siya dati para kumawala, hindi rason ang “Mahal” lang.
bi baka bobo ka
Sa wento ni sisteret wlang issue ng third party hindi na healthy ung relasyon nyo , isipin mo naman ung sarili mo. Sa wento mo ikw lng ng tyga sa buhay nyo. Isip mabuti kung wla kayong anak iwan mo na yan.
Ate, naliligaw ka ba?? Ibang story ata ung nabasa mo? 🤣🤣🤣
Kulang ka ba sa aruga tehh? Hindi mo ba maintindihan need ba English-in? Ibang story yata nababasa ng Mata mo ahh. Uwuuuu
Okay lang maging MARUPOK 🙄😮💨
Ayan umiyak ka nlng tanga ka nmn eh tangina baliktad ah sya ang himdi kawalan sa inyong dalawa
Hayss sender. First of all, alam mong tinatrato ka na ng hindi maganda bakit pinakasalan mo pa? 😩 Hindi sapat ang pag mamahal mo sa kanya kung s’ya mismo ay ayaw n’ya na. Sana naman bago kayo mangako sa harap ng simabahan or mangako sa isa’t-isa dapat minake sure mo kung s’ya na ba talaga. 😕 Sa ngayon kaya mo pa mag tiis paano kung pag tagal ng panahon mapagod ka at umayaw ka na? Di ka dapat muna nagpatali. 😅😑
Malaking katangahan na nagpakasal ka pa sakanya.
Worts, dependent ka masyado sakanya, lalo tuloy tumataas ang ihi.
Kasal kayo, and so?
Stand up. Paulit-ulit na natin ‘tong naririnig o nababasa mga payong ganito “mas mahalin mo sarili mo pero kunti lang ang nakagagawa.
He is like an emotion drainer, a bomb that totally destroyed you, can’t you see?
Ginagawa ka na ngang parang basahan lang na iniichapwera nag-stay ka pa?
Tao ka pa ba n’yan?
Nang gigigil ako sa asawa mo.
Umalis ka sa lugar kung nasa’n ka.
Mahalaga ka, kaibig-ibig ka.
Nasa mali ka lang na tao, nasa maling lugar ka lang.
gigil magpayo gahajajaja
Masyado mong binababa ang sarili mo sender, alam mo bang ayaw din ng lalaki ng ganun. Yes oo gusto ng lalaki na sila sinusuyo din at pinaparamdam sa kanila na mahal sila pero wag umabot sa puntong ibaba mo ang sarili mo para lang sa lalaking ganyan kaya ka nya hinahayaan lang kasi alam nyang mahal na mahal mo sya, sana di ka muna nag pakasal
DASURV !!!
Ginusto mo yan girl. Nakakainis na hinahayaan mo syang lumaki ang ulo sa relasyon nyo. Hnd mo deserve na itratong reyna kung hinahayaan mo naman syang itrato kang pulubi. Kung gusto mong itrato ka sa paraang gusto mo, stand up girl.hnd mo maeenjoy ang relasyong ikaw lang ang nagmamahal. Ikaw lang ang kumikilos.. dpat nga hnd mo na hinayaang umabot pa sa ikasal kau ksi magjowa palang kau,kita mo na ang red flag. Kya kung ano man ang nangyayari sa inyo, with consent mo yan. Hindi ako pabor sa mga babaeng nagpapakamartir para lang sa lalaki tapos in the end you will ask for more when in the first place, hnd kau aabot sa puntong yan kung d mo hinayaan. Babae rin ako and i know what i deserve and how i want to be treated.
This is a great reminder for the young generation na romantic relationships and marriage should be taken seriously. Kasi once na kasal na kayo, mahirap ng kumawala. Before you get married, think twice, thrice, even a hundred times kung kaya mo ba talagang makasama for the rest of your life ‘yong taong pakakasalan mo.
As for you, dear, you’re in a very tough situation. My only advice is you should prioritize yourself this time. I know you love him so much, pero, love is a two-way street. Kung hindi n’ya kayang i-reciprocate ‘yong same intense and consistency ng pagmamahal mo, then, that’s not love.
Mahirap maging single parent, pero mas okay na ‘yon kaysa araw-araw mong ku-kwestyunin ‘yong halaga mo at kung talaga bang mahal ka ng asawa mo.
As for your jerk of a husband, he doesn’t know how blessed he is to have a wife like you. And sana ma-realize n’ya ‘yon ‘pag dumating na ‘yong araw na kaya mo tumindig at mabuhay ng wala s’ya. May God bless you, Sender!
u deserve what u tolerate sabi nga nila
Alam mong may mali sa pag trato nia sayo pero nagawa mo pdin mag kasal.. mas lalo mo lng nilubog sarili mo sis.. 🥺 hiwalayan mo na sya.. mahalin mo ang sarili mo..
Dear you should pick up yourself and leave right away. I know it is hard for you right now, but it will be much harder for you in the long run if you don’t decide what’s best for you (which is obvious). Just think about your future with that kind of guy. Think about your future kids… Good thing, you don’t have one yet. That means to say, you still have a good chance to run! Anyway, kahit ilang advice pa ang matanggap mo if you don’t have the strength and will to decide. Wala rin eh. Know your worth po….
You deserve what you tolerate. Ang tanga mo sobra.
Sender hnd mo deserve Ang ganyang sitwasyon kung ako sayo bitaw na ikaw lng talga Ang masasaktan😞wag ipilit kung Hindi k nman tlga Mahal.
Sender hindi naman pwedeng mahal lang, jusko marriage is not the key para umayos yung relationship. Marriage is a sacred thing hindi laro. The way he treats you says a lot kung bakit hindi dapat magsettle dyan. Please love yourself and find your worth.
Bakit ang bobo nung iba sa comment? Tanga magbasa 🙄
Alam mo gurl natat*ngahan na ako sa’yo. Kaloka tinatrato ka na ng ganya’n di mo pa iwanan nagpakasal ka pa sh*t. Pero hahah MATINONG payo, tiiisin mo s’ya wag munang suyuin sinanay mo kasi.
Ung iba halatang Hindi naintindihan ung kwento kakatawa kau😂😂
Alam mo sender mas mahihirapan ka lalo kapag may anak na kau,alam mo na pla Ang ugali nya na ganun at hndi kna pinapahalagahan bat mo pa pinakasalan? Nako te ngaun plang mag isip2 kna habang Wala pa kaung anak, hndi lang yan Ang mararanasan mo kapag may anak na kau.
hiwalayan mo nalang sender
Tanga mo kase
I mean you deserve what you tolerate but at the same time you could just leave him. Sobrang hirap pakawalan pero if nalulunod ka na sa sakit bakit ka pa mag sstay
NAKAKABULAG TALAGAA ANG PAG IBIG SIS PERO SANA BINIGYAN MO MAN LANG NG LAYA ANG SARILI MO KESA MAG SAYANG KA NG ORAS SA GANYANG LALAKE 🥺 WELL SANA MAS TUMATAG KA PA LALO NA AT KASAL NA KAYO .
MARTYR! TANGA! Kelan ka matatauhan na di mo siya deserve? Kung kelang hindi ka na makagulapay sa kinatatayuan mo? Huwag ganun teh! Maawa ka sa sarili mo.
Girl una pa lang ang dami ng redflags pero pinagpatuloy mo pa din kase nga mahal mo. Pero hndi lahat ng pagmamahal nilalaban kung ung isang side bumitaw na. He’s taking you for granted kase alam nya na di mo sya matitiis. Try to love yourself. Sabi nga nila you deserve what you tolerate. Kaya bitaw n kung di n kaya.
You deserve what you tolerate.
Naloloka ako sa kwento mo sender. Red flag na ung lalaki nung magbf/gf plng kayo, nagpakasal ka pa. Sensya na ha, pero ang bobo lang!!! You deserve what you tolerate sender. Nakakastress mga katulad mo! Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang din. Nasa sayo kung matatauhan ka o hindi. Unang una kasi dapat iniwan mo na noon pa. So ngaun, forever ka magsusuffer. Bahala ka na dyan, malaki ka na. Kahit anong advice naman sbihin namin sayo, nakikinig ka ba? Gagawin mo ba??? Hindi diba?? Kasi katulad ng sabi mo sa last part ng confession mo, “basta mahal kita, lahat kaya ko.” Tung inaahhhh! Sakit mo sa ulo! Ngaun minumura mura ka na nya. Wait mo lang ilang araw, sasapakin ka na nyan, magmumukha ka nang panda dahil puro ka na black eye at pasa sa katawan. Tapos magstay ka prin, wag mo isipin mga anak nyo na nagsusuffer din dahil sa kagagahan mo ha? Wait mo nlng din isang araw maubos yang asawa mo sayo at baka di ka na magising at mawala ka na sa mundo. Tapos ung mga anak mo ang patuloy na magsusuffer hanggang paglaki nila dahil ulila na sila sa ina, ung tatay nila nakakulong pa. Oh ayan na, binigyan na kita ng worst case scenario. Goodluck sender!
know your worth
mahal mo? mahal ka ba? dapat bago ka pumayag magpakasal dapat tinanong mo muna kung worth it ba yang mapapangasawa mo. kahit mahal mo ang isang tao kung hindi mo naman nakikita ung worth mo nonsense, humarap kayo sa sa diyos na ikaw lang pala ang nagmamahal sainyong dalawa,, habang buhay na pagsisisi mo yan sa sarili mo at sa mga magiging anak mo
I feel sorry for you, sender. No one should feel that way sana, pero again, you deserve what you tolerate. Awat na, tigil na ate girl.
The design is very kapareho ko ngayon. May pinang hahawakan kaya kumakapit parin. Yep mahirap, sobrang hirap mag tiis.
Being happy for me is subjective talaga, kasi kung ano yung nararanasan mo ngayon, choice mo yun ee pwede ka naman maging masaya pero ayaw mo, alam mo naman yung tama pero hindi mo ginagawa. Ikaw lang ang makakaresolba ng sarili mong problema , if you don’t believe in your self na kaya mo nobody does. Kaya sender piliin mo yung deserved mo 😊
Tanga! 🤣🤣 Pano ka bibigyan ni Lord ng tamang tao para sayo kung dimo parin nile-let go yang putanginang asawa mo?!!!!! Kasalanan mo talaga yan deserve mo yan!!!! Ang daming red flags ng asawa mo tapos sasabihin mo deserve mo nman tratuhin bilang reyna??🤣🤣 pero trinatrato kang basura🤦 Sinanay mo eh! Sinanay mong gaguhin ka ng gaguhin hanggang sa dikana nirerespeto🤦🤦🤦
“Oo, masakit pero pinilit kong huwag umiyak sa harap mo para ipakita sa yo na matapang ako, na hindi ko deserve ang mga salitang binibigkas mo.
Deserve ko naman tratuhin bilang reyna mo, di ba? Pero di bale na lang, basta mahal kita, lahat kaya ko”
Yung gina-gaslight niya lang yung Sarili niya 🤦🤦 hay nako sana talaga sender magising kana sa imagination at maling pagmamahal mo 🤦🤦
Good luck sis, since tinotolerate mo yung ginagawa ng husband mo sayo, wala kang karapatan mag emo or mag drama 🤷🏻♀️ Sabi nga you deserve what you tolerate.
Karma is a b!tch right? Deserved mo yung sakit sana mas masaktan kapa. 😂
First of all sender, choice mo din kasi kung bakit ka napunta sa situation nayan. The more na hinahabol, iniintindi at sinusuyo mo sya. The more na nawawalan na sya ng respeto at pagpapahalaga sayo. Wala na syang pakealam sayo kasi kampante sya na hindi mo kaya mawala sya sa buhay mo. Hindi na nya nakikita yung halaga mo dahil sa ginagawa mo. At isang katangahan lalo yung pagpapakasal mo sa lalaking yan. Masyado mong pinapairal yung puso mo. Ano pang silbe ng utak mo sender? Ano? Habangbuhay kana lang ganyan?