“Girlfriend kong mukhang pera at walang galang sa parents ko…”

Hello. Gusto ko lang i-share sa inyo yung kalagayan ko ngayon. May gf ako, magka-live-in kami ng almost 2 years na. May small business din kami. Kumikita naman kami, sapat para sa pang araw-araw na bills, food, etc.

Normal ba sa inyong mga babae ang mukhang pera? Sorry pero di ko nilalahat. Yung partner ko kasi kada gusto kong magpadala sa parents ko ng pera galing sa kita namin, sumasama loob niya. Although before pa kami magsama, e nagbibigay na talaga ako kila mama. Kasi panganay ako, e.

Need kong tumulong sa kanila. Lalo na hindi sumasapat yung sahod ni papa. Sabi ko nung una, need namin ipagawa yung harap ng bahay bago mag tag-ulan kaso sabi niya antayin ko na lang daw yung darating kong pera.


Tapos one time, nagsumbong sa kin si mama kasi nabasa niya daw yung post/story ni partner ko na “Hindi pinupulot ang pera, etc.” Sumama loob ng mama ko sa kanya kasi bakit naman ganun yung post niya? Tapos di ko ni-reply-an si mama.

Napaisip tuloy ako bigla ng di maganda sa partner ko. Hanggang sa makalipas yung mga buwan. Si mama ko nagkasakit naman. Nagka-pneumonia siya (till now), although libre naman gamutan niya pero sabi ko sa partner ko magpadala ako kay mama kahit magkano kasi wala rin silang panggastos sa bahay tapos may sakit pa siya.

Yung mukha ng partner ko nakasimangot. Kumbaga masama loob niyang magbigay ako ng pera kila mama. E ako naman nawala na rin sa mood kasi ganun nga reaksyon niya, tapos sinabi ko na lang kay mama, “Pagdating ng pera ko ma, magpapadala ako sa yo.”


Hanggang sa dumating na nga yung pera. Nakapagbigay na rin ako pati sa pampagawa ng bahay namin para maumpisahan na. Pero kulang pa, kasi di naman natapos agad yung sa bahay. Alam niyo naman na magastos magpaayos ng bahay, di ba? Pero ang point ko, importante ay may masimulan.

So ayun, yung pera na binigay ko kay mama ay parang minasama pa ng partner ko. Hinayaan ko lang siya. Hanggang lumipas ulit ang ilang buwan. Napapansin ko na masyado na siyang tutok sa pera namin. Ni ayaw niya nang gumastos ako para sa pamilya ko.

Nakakasama lang ng loob kasi pamilya ko naman yon, e. Ba’t ganon siya kako sa isip isip ko. Until now dinadamdam ko yon kasi lalo akong nawalan ng gana sa kanya. The way siya makipag-usap sa kanila ay wala nang paggalang, kahit sa ibang tao pansin ko na rin yon. Ganon talaga siya makipag-usap.


Sa isip isip ko, ganito pala yung degree holder. Naka-graduate pero kung kumausap ng tao na walang galang. Red flag kasi sa kin yon, e. Oo, college grad siya, ako high school grad pero di naman ako ganon makipag-usap sa ibang tao lalo na sa magulang ko.

Mas matanda rin siya sa kin ng 2 years pero the way na makikipag-usap siya nabubwisit ako. Wala kasing galang, e. Tungkol naman dun sa pera, kaibigan namin, at sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, ishe-share ko sa next part…

T*k*y*, 2014, SNHS


*do not copy/paste this content on any platform

guest
44 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
seb
seb
1 year ago

Aanhin mo ung degree kung wala naman respeto. Okay lang mag bigay sa parents sender wala syang karapatan mag demand sayo in the first place hindi pa naman kasal. Sana makahanap ka ng ibang mamahalin ung mas deserving kesa dyan sa ka live in partner mo..masakit sa ulo pag ganyan sya palagi.

Chinitaaa
Chinitaaa
1 year ago

Nakuuu, kuyss. Hanggang maaga pa, putulin mo na yung sungay ng ganyan tao. Pag tumagal pa yan, lalala yang ganyang ugali ng partner mo. Parents mo yun, dapat respetuhin nya.

Kurimaw
Kurimaw
1 year ago

Hiwalayan mo na yan

JiYana05
JiYana05
1 year ago

Sender, hindi mo deserve yong ganyang klaseng babae coz in the 1st place wala siyang right para pagdamutan parents mo kasi hindi naman kayo kasal. At isa pa, magulang mo yon, PAMILYA mo yon kung kaya tumulong at makapag abot ng kahit magkano sa magulang go lang, sino ba sya? Asawa mo na ba siya para umasta ng ganun? COLLEGE GRAD din ako pero hindi ako ganun makitungo sa ibang tao at sa magulang ng partner ko. Depende yan, may ugali talaga yang live in partner mo kaya nga siguro pinakita ni Lord ang ganyang ugali niya sign na para iwan mo siya kahit pa matagal na kayo nagsasama. Secure mo pera mo kung wala naman kayong anak suli mo nalang yan sa magulang niyan baka matadyakan ko pa yan. 😂 char!

Dmr
Dmr
1 year ago

May kilala nga akong degree holder naging kabit at swerte nya kse pinakasalan sya tpos matapang pa sya dun sa ex ng inasawa nya, the neeerve grbe na sobrahan sa talino hindi na alam kung anu ung tama at mali hindi na alam kung anu ang imoral at moral na gawain.

But anyway about sa situation mo natry mo ba syang kausapin sa ugali nya? Bka kse pinagbibigyan mo na ganyanin ka kaya akala nya ok lng khit sa totoo lng panget nmn tlga. You have to call her out about the attitude

Chukading
Chukading
1 year ago

Hanap ka na bagong jowa btw im here ✌️👋

Jo*
Jo*
Reply to  Chukading
1 year ago

😂

Hakdog
Hakdog
Reply to  Chukading
1 year ago

Taglandi ka te? Pacheck up ka muna.

Jo*
Jo*
1 year ago

Good decision kyaaaah. Hanap ka iba na magalang at may respeto sa tao hindi lang sa magulang

Jake
Jake
1 year ago

Let’s be neutral here, Hindi kayo kasal pero live in kayo. So iconsider natin na magasawa na kayo. Once talaga na mag-asawa ka, ang dapat priority mo na ay yung partner mo at mga anak mo. Nasa paguusap niyo yan. Kasi kung masasakripisyo naman ang budget nyo ay kayo ang kawawa. Alam naman natin ang toxic pinoy culture na kapag tinulungan mo ang tamad mong kamaganak, sayo nalang aasa. Kaya nga importante bago tayo tumanda ay may ipon tayo para hindi tayo aasa sa mga anak natin dahil pag nagasawa mga anak natin ay may bubuhayin narin sila. Sa lagay mo, ready ka na ba magpamilya? Ready ka na ba na unahin ang asawa mo? Kasi kung hindi pa, makipaghiwalay ka na sa gf mo at gawin mo yung sa tingin mong obligasyon mo sa magulang mo. Wag kang magpapamilya kung may nakasandal pa sayo dahil kawawa lang magiging anak mo.

aileen
aileen
Reply to  Jake
1 year ago

korek sakin walang problema n mgbigay ng pakonti konti s parents peeo ung mgpagawa ng haws ng parent parang medyo me mali ipagpalagay n panganay cia at need ng tulong ng magulang at kpatid pero hindi s point n ippgawa ang bhay me pamilya n cia dpat priority ang pamilya saka n ung pg sobra ang pera….pwera lng pg mdamot c partner s magulang nia at mpgbigay s magulang ni girl ibang usapan n un db

lols
lols
Reply to  Jake
1 year ago

true, sana di muna sila nag live-in kung di pa sya tapos sa responsibility nya sa fam nya. tsaka dalawa naman ata silang nag mamanage sa business nila kaya may karapatan din ate gurl. tsaka sabi nya sapat lang yung kinikita nila so kung gusto nya magbigay sa fam nya, hanap sya ibang raket para may pang bigay sya 😀

Aya
Aya
Reply to  Jake
1 year ago

True jusko totoo to. Kung hindi mo pa kaya na hindi ka makapagsustento sa mga magulang mo better na makipaghiwalay na lang sa partner. Kesa anak mo ang magsuffer in the future.

Malou Madio
Malou Madio
Reply to  Jake
1 year ago

Hays, nakahanap din ng same mindset.. di niya kinoconsider yung feelings nung partner niya. Kung ano lang yung napansin niya yun na yun. Kumbaga kwento niyan maayos siya jaan. Malamang diba? Partner kayong nagbusiness, pera niyo yan both. Inask naman din sana niya kung si partner niya ba nagbibigay din sa parents or other relatives. Kase be fair. Siya nga pang inyo lang iniisip dapat ganun ka din. Mature niya mag isip, pag usapan niyo yan and magkaliwanagn kayo. Paano na ang business niyo both pag naghiwalay kayo.

Niq
Niq
Reply to  Malou Madio
1 year ago

Trooo po.

Nayah
Nayah
1 year ago

Ako sinabihan din nang partner ko na mukhang pera since sya lng may trabaho samin then next month lalabas na second baby namin gusto nya lagi mag bigay sa knila.. Tapos load ng kapatid 100 weekly ei nasa magkano din yun diba?… Cguro sumasama din talaga loob ko pag Nagbibigay sya duon since nung kmi wlang wla puro sumbat naririnig namin ang malala mali mali pa ung kwento nya sa ibang tao tungkol samin.Kaya cguro kming mga babae nag iiba ugali pag dating sa financial.Maybe may trauma na before… Di Naman sa pagdadamot mahirap na Incase of emergency wla kang madukot kya everytime nanghihingi sila sa partner ko pinapaintindi ko sa knya kung bakit gnun reaksyon ko.. cguro pag usapan nyo yan masinsinan ng partner nyo well iba iba tayo ng sitwasyon at karanasan😊

Brr
Brr
1 year ago

You actually dodge a bullet man. Stand tall king

Joy
Joy
1 year ago

waiting sa next part kung hiwalay na ba sila

Ms. A
Ms. A
1 year ago

Ung hwalayan xa, yn ung pnka mgndang mgagawa mo sender.. Mas mhalin mo ung mgulang mo kesa sa partner mo.. D pa kau kasal gnyan na xa, wat more kung nka tali kna sa knya..

dacing
dacing
1 year ago

Habang maaga pa at wala pa kayong anak hiwalayan mo na sender, lumabas din ang tunay niyang ugali at d nya kayang respetuhin mga magulang mo.. how sad nmn.. sana makatagpo ka ng mamahalin ka pati pamilya mo.

CHENGCHAN
CHENGCHAN
1 year ago

Hay buti naman magbebreak na

Ryannnnnnnn
Ryannnnnnnn
1 year ago

Ay hala ganitong ganito ex ko. Pakibayaran naman ako oh, ilang months na tayong hiwalay yung utang mo wala nang paramdam HHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA

Michicko
Michicko
1 year ago

Palit kana jowa Sir, kung wala pa naman kayong Anak .. di kawalan ang ganyan . Darating ung araw na pati ikaw pag tataguan o pag dadamutan na nyan .. wag ka mang hinayang sa business nyo . Kayang kaya mo mag business kht wala sya..

N@mi
N@mi
1 year ago

This is a one side of the story😅 I wanna hear the gf side of story.

Malou Madio
Malou Madio
Reply to  N@mi
1 year ago

Trueee. Sana mabasa to ni ate girl

**e
**e
1 year ago

Pera nyo na pong mag asawa yan. Di lang po sa inyo, dapat may consent ng asawa nyo yung expenses. For me normal na magtampo asawa nyo esp dapat at this point yung sarili nyong family an priority ninyo. I’m not saying ma balewalain nyo parents nyo pero yan kasi nagiging cycle ng Filipino family. Tingin ko may other side ng story to ee. Kung may mga anak kayo, yung sariling expenses nyo kung mismo nagkukulang

hhh
hhh
1 year ago

ako yan.. di kita gaganyanin..

Izellejoy
Izellejoy
1 year ago

Kapag mabait o mapagbigay ang asawang lalaki sa magulang niya, dahil yan sa mabait ang asawang babae. Tanong mo baka gutom pa sya sa pera 🤦

Tiiiiiiiiiif
Tiiiiiiiiiif
1 year ago

Very one sided ang ferson. Ulool

Bruh
Bruh
1 year ago

Hiwalayan mo na yang gold digger na yan.

Yuuki
Yuuki
Reply to  Bruh
1 year ago

Paano naging gold digger eh business nilang dalawa ‘yon? ‘Pag ikaw ba may ka-partner sa business hahayaan mong s’ya lang ang may karapatan kung saan ia-allocate ang pera? Hindi ba mas gold digger pa nga si Sender kasi halos s’ya ‘yong gumagastos ng pera ng business nila para sa biological family n’ya?

Last edited 1 year ago by Yuuki
Ms. Notsobitter
Ms. Notsobitter
1 year ago

Hiwalayan mo yan kuya myghadd… Di pa nga kayo kasal ganyan na? How much more kung nakasal na kayo?

Mccoy
Mccoy
1 year ago

Degree holder pero basura yung ugali.

Amaris Luna
Amaris Luna
1 year ago

Waiting sa next part kuya, pakibilisan po makipag break sa kanya HAHHAHAA

lucy
lucy
1 year ago

kaming mga babae ayaw kase namin magshare ng pera lalo na pag short at madaming bayarin oo muka kaming pera, kase iniisip namin yung kinabukasan kung anong bubudgetin para ipagkasya namin mga sahod nyo sa isang buwan, kung may matitira man don, dun lang kami magbibigay both parents bawal sa isa lang para fair, may business din kami pero yung business na yon para sa magiging anak namin soon, mas mabuti na kasing iniisip yung future kesa makuntento sa kung anong meron ngayon.

Vivian
Vivian
1 year ago

Baka negosyo ng GF mo yun. Hindi mo negosyo, akala mo sapat PERO NALULUGI NA! Isipin mo ba kung siya ba nakakapagpadala sa parents niya?! Baka lahat ng ipon niya na pinagkatiwala binigay mo lahat sa pamilya mo. Masyadong One sided story mo. Tingin ko hindi magkakaganyan gf mo ng walang dahilan. Ako honestly hindi ako madamot pero pag may nasasabi saken ang tao kahit nagbibigay ka doon ako natututong magdamot. Kasi ung gf mo pinaghirapan din niya negosyo mo. Ung pamilya mo napagawan mo ng sarili bahay pero ung nagnenegosyo na mismong gf mo walang walang sariling bahay.. Ano yon pag tapos mo ipagawa bahay balak mo na hiwalayan gf mo? O baka naman ginagaslight ka ng magulang mo tungkol sa gf mo. O di kaya ung pera mo sa parents mo lahat pero pag dating sa gf mo sa kanya mo iaaasa lahat ng gastusin sa bahay tapos pati pagkain sa kanya pa. Totoo namang hindi pinupulot ang pera ehh. Pera niya ung nilalabas niya hindi pera mo. May trabaho naman pala papa tapos tapos libre gamutan ng nanay mo. Babawasan mo pa ung pera ng gf mo. Ung kinikita niyo sa Araw araw na SAPAT lang kukuhanan mo pa gf mo. Ipapampagawa mo ng house ng magulang mo ung kinita niyo ng gf mo na SAPAT lang. Wala naman ambag parents mo sa buhay ng gf mo ahh. Baka hindi nga malapitan magulang mo pag need ng gf mo ng extra money. KAILAN MO HIHIWALAYAN? PAG TAPOS MO NANG NAPAGAWA UNG BAHAY NG PARENTS MO ?! Halatang ikaw Gold Digger sa inyong dalawa. Pinapakinabangan mo lang gf mo para sa Family mo. Naawa ako sa gf mo kung tutuusin. Hiwalayan mo na kahit hindi pa tapos ung bahay ng parents mo kung talagang matapang ka hindi ung sasabihan mo siyang mukhang pera ehh nahihirapan siyang magbudget.

Grecell Fuentebella
Grecell Fuentebella
Reply to  Vivian
1 year ago

hello I’m the girl for this story.

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Alam mo pre di mo responsibilidad pamilya mo lalo na kung nakabukod kana. Pwede mo sila tulungan pero di mo responsibilidad buhayin sila. Siguro yun yung point ng live in partner mo pero masama pa din yung babastusin magulang mo pre. Try mo din kausapin partner mo iexplain side niya.

Yuuki
Yuuki
1 year ago

Medyo tricky ‘yong situation, pero think of it this way. Small business N’YONG DALAWA ‘yon. Meaning, parehas kayong may say kung saan mapupunta ang pera, parehas kayong may karapatan do’n.

BAKA LANG NALILIMUTAN MO, SENDER — MAGKA-LIVE IN NA KAYO NG GIRLFRIEND MO. Hindi pa man kayo kasal, pero dahil magkasama na kayo sa iisang bubong, pamilya n’yo na ang isa’t isa. S’ya na ang priority mo. Ang biological family mo, second na lang sila sa girlfriend mo.

Meron ka pa palang unfinished responsibilities sa pamilya mo, bakit ka nakipag-live in kaagad? Tapos magagalit ka sa girlfriend mo ‘pag gano’n ‘yong mood n’ya about sa pera. Natural, business n’yo ‘yan. Naghihirap din s’ya d’yan. Maaaring hindi ka aware sa mga nangyayari sa business n’yo, pero what if worse comes to worst? Saan kayo kukuha ng source of income n’yo kung wala na kayong nasuksok at puro bigay na lang sa pamilya mo?

‘Yong girlfriend mo ba kagaya mo rin na nagbabayad ng pampaayos ng bahay ng biological family n’ya? At isa pa, gaano ka ka-sigurado na accurate ‘yang kinu-kwento sa’yo ng fam mo about sa kan’ya? Baka mamaya i-break mo pa girlfriend mo after mong makakuha sa business n’yo ng perang pampaayos ng bahay ng fam mo ha. ‘Wag gano’n.

A word of advice, Sender; kung priority mo ang family mo, mas maganda pang ‘wag muna kayong mag-live in. Dahil nakakalungkot lang sa part ng girlfriend mo if ever na magka-anak kayo tapos ikaw ‘yong biological family mo pa rin inuuna mo.

Yuuki
Yuuki
Reply to  Yuuki
1 year ago

Ito ang hirap sa collectivism na culture eh. Iisipin nila dahil pamilya mo sila habambuhay mo silang kargo. Hindi masama ‘yong magbigay paminsan-minsan lalo na ‘pag may excess sa budget. Pero ‘yong ikaw mismo ang sasalo sa kanila habang may kasama ka na rin sa iisang bubong ay iba na ‘yon. Ang unfair sa girlfriend mo na ikaw ‘yong priority n’ya, tapos ikaw ang priority mo iba.

Last edited 1 year ago by Yuuki
BBQ
BBQ
1 year ago

Maiintindihan kong ganyan sya, unang una kung kulang pa ang pera nyo sa inyo, pangalwa may anak kayo na ginagastusan at pangatlo eh may plano kayo para para sa future nyo. Pero kung sapat naman ang pera niyo o may sobra pa bakit hindi magbigay? Ako nga gusto ko nagbibigay ang partner ko sa parents niya kaso samin palang kulang na yung pera wala ng pangbudget, pero naiintindihan naman ng parents niya pag wala kami maibigay. Parehas kasing hirap both families namin walang ibang susuporta din samin at magkakababy na rin kami ☺️ Ang masasabi ko lang sa ganyang klaseng babae eh hindi pangwife material hindi niya mahal ang mga taong mahal mo dahil kung mahal ka niyan mamahalin din niyan ang pamilya mo. Pero try mo rin isipin ang sitwasyon nyo baka may naipangako ka sa kanya na hindi mo matupad dahil sa pamilya mo. Naiisip ko tuloy yung ate ko, may asawa na sya at lahat pero never pa rin syang lumimot na tumulong sa parents ko kahit na noong walang wala sila di sila matulungan ng parents ko pero sa ibang tao paghumingi ng tulong bigay agad parents ko. Pero kahit ganun pa man kita ko ang love niya sa magulang namin at saming mga kapatid niya ganyan siguro kapag panganay eh.☺️❤️ Maganda mapag usapan nyo yan ng partner mo dahil kung may pangarap ka rin para sa inyong dalwa hindi siguro sya magkakaganyan. Kagaya niyan nagkakapera na kayo pero hindi mo pa rin mapakasalan baka may pagkukulang ka rin bilang partner na nakakalimutan mo na dahil sa ibang responsibility na naiisip mo.

Last edited 1 year ago by BBQ
Leyshi
Leyshi
1 year ago

Ay sender baliktad tayo HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA mama niya lang mukhang pera e

bwisit yung ganyang tao
bwisit yung ganyang tao
1 year ago

RED FLAG yung ganyang babae! Gosh! Title palang nainis na ako!! Tapos yung natapos ko pa basahin. Mas lalo ako nainis! 😡

Sexy
Sexy
1 year ago

Tama lang desisyon mo sender magulang mo naman tinutulongan mo hindi naman yun ibang tao jusko mukhang pera yang patner mo. Pera lang mahalaga dyan sa patner mo

error: Content is protected!
44
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x