Meron akong live-in partner ngayon at may 2 months old kaming anak. Mabait, maalaga, mapagmahal, pero sobrang praning na seloso.
Noong magjowa pa lang kami, wala naman siyang pake kung nagsusuot ako ng croptops and shorts, or even kung nag-aayos ako.
Ngayong magkasama na kami sa isang bubong, pinagbabawalan niya na akong magsuot ng mga ganon pag wala siya, pag nasa work siya, pag lalabas ako ng bahay, kahit dito sa loob ng bahay ay bawal talaga.
Ang gusto niya ay naka-panjama at t-shirt ako palagi. Syempre hindi ako sanay na mag-panjama, naiinitan ako. Lalo pa ngayon na sobrang init.
One time, hinub@d ko yung t-shirt at magpapalit sana ng sando, bigla ba namang kumontra. To be honest, umaabot pa sa puntong napagsasabihan niya ako ng masama.
Katulad kanina, araw ng bakuna ni baby. Nung nag-aasikaso pa lang siya tinanong niya ako kung pupunta ba kami ni baby sa center. Tapos sagot ko,
“Oo, bakit? Sasama ka pa yata,”
“Tapos magka-croptop ka? Tapos magme-make-up pa na akala mo walang asawa? Feeling mo dâlâga ka?! Ang l@ndî mo! P*ķp*k!”
Pumantig yung tenga ko sa mga narinig ko sa kanya. Paano niya ako napagsalitaan ng ganon kasama? Asawa ba talaga turing niya sa akin? Imbes na magalit ay tanging sinagot ko lang sakanya ay,
“Dalaga? Tapos may dalang anak? Tapos ka na? Satisfied ka na sa mga nasabi mo?”
Di ko na siya kinausap pa pero sinusundan niya ako kahit saang sulok ng bahay at pinagsasalitaan pa ng hindi magaganda. Isingit natin yung isa sa nabanggit niyang,
“Hindi naman talaga ako yung tatay niyan,” e jusko, parang pinagbiyak na bunga sila ng anak ko at alam ng Diyos na siya ang nakâunâ at nakaanak sa kin. Sabi ko sakanya,
“Paniwalaan mo lahat ng mga pinag-iisip mo sa kin na masama, pagod at sawang-sawa na ko makipagtalo sa yo, nagkaanak ka na lahat-lahat tapos ganyan ka pa rin mag-isip.”
Bago siya umalis, humingi naman siya ng tawad sa mga pinagsasabi niya. Pero, bakit ganon? Nasasaktan pa rin ako. Tapos kapag nalagay ulit sa ganong sitwasyon, ganoong masasamang salita na naman naririnig ko sa kanya.
Ok naman siyang asawa pero ayun yung bad sides niya. Sobra siyang mapagmahal, maalaga, malambing pero sobra naman kung pag-isipan ako ng masama kahit wala naman akong ginagawa na tulad ng nasa isip niya. Kahit nasa work siya, di niya pa rin ako tinigilang suyuin sa chat.
Paano ko siya kakausapin about sa ugali niyang ganon? Hahayaan ko na lang ba siya, iintindihin ko na lang, o tatanggapin ko na lang na ganun talaga bad sides ng asawa ko?
Sana mabigyan niyo ako ng words of wisdom at payo, I really need a friend na mapagsabihan ng nararamdaman ko. Wag niyo ko i-judge please, mabigat na nararamdaman ko.
Mumma, 20**, Tourism, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
Hindi. Wag mong hayaan na ginaganon ka nya.. Alam mong hindi mo yan deserve. Paano nalang kung pagsalitaan ka nya ng ganyan sa harap ng tao?? Napaka unhealthy ng behavior nya na yan.. maybe communicate with that to him.. he should be better
ganun din asawa ko nung una sobrang maalaga mapagmahal sobrang bait parang santo kaso nung nagsama na kami sa iisang bahay nag iba na, 2 months old na din baby namin tapos umabot na sa point na sa harap ng ibang tao sinisigawan at pinagmumura nya ako at sinasabihan ng malandi, pokpok, pabayang ina at walang kwenta 😢 umabot na din sa point na nabugbog nya ako ilang beses na tas pag nalalaman ng iba sinasabi nya ako lang daw nananakit sa sarili ko. hindi ko sya maiwan kasi sobrang mahal ko silang dalawa ng anak ko ayoko maranasan ng anak ko maging broken family kasi alam ko kung gaano kahirap 🥺
Very wrong miii.. Unahin mong mhalin yng srili mo, icpn mo ha, wat f mpatay ka nya pg nbugbog ka ulit? Pano anak mo? Tska ndi na uso ngaun ung mkisma sa lalake ng dhil sa anak! Sa gnagwa mo prng tinutolerate mo lng ung gnagwa, ung trato nyang ndi mgnda sau..
Mahirap lumaki sa isang broken family. Pero kung ganyan ang sitwasyong kalalakihan ng anak mo, gugustuhin mo pa rin bang buo ang pamilya mo. Aanhin mo at ng anak mo ang buong pamilya kong habang buhay kang mag sa sa suffer sa pananakit at masasakit na salita ng parther mo. Choose/ love your self po.
Iba pala ibig sabihin sayu nang mapagmahal sender sinasabihan ka nang malandi at pokpok 😅😂- 🅱️🅾️🅰️🆖
Sabi nga ni mama makikilala mo ang isang tao pagnakasama mo na sa bahay🙂
baka gawain nya, takof sa sariling anino
Same experience sender, pero wala kaming baby. Hinayaan ko lang pero pinagsabihan ko naman na hindi ok sakin yung gingawa niya na pagsabihan ako masasakit like pokpok, bitch, at kaladkarin. Hanggang sa ayun, patuloy niya parin ginawa na parang naging normal na sa kaniya na sabihan ako nun, di ko na kinaya yung kawalan ng respeto niya sa akin. I ended our 8 year long relationship because of that, but here I am, still hoping na mag-sorry siya sakin and for him to try to fix our relationsip but nah. Hinayaan niya lang ako umalis haha. Sa mga readers, how to set boundaries po ba?
Ndi ka sinuyo, it means ndi ka mhalaga sa knya tehhh.. Tska y settle sa gnong klase ng lalake? Ndi ntin deserve ang gnon! My drating dn sa buhay mo na mamahalin ka ng tma, dhil nver nging tma ung pgslitaan kau below the belt! Kapal nman ng muka nla na ibaba tau ng gnon! Wg mo ng hntayin na mg sori, pls lng wg mging marupok! Piliin mo srili mo..
Don’t let him do that to you. Hirap hirap magbuntis at umanak sa kamuka nya tapos sasabihin ka nya ng ganon. Nasabihan ako ng ganyan dati ng partner ko noon, actually same experience talaga. Pero ako isang beses lang nya sinabihan ng ganyan, pano sinampal ko sya ng ilang beses para matauhan. Kapal ng muka magsalita. Tapos ayun natauhan nga sorry ng sorry hanggang sa nagusap kami at nilinaw ko na ulitin nya pa ng isang beses yun pagsalitaan ako ng ganyan lalayasan ko sya at di na nya makikita anak nya. Ayun di na inulit, subukan nya lang hahaha 🤣
Never stay if yung respeto na dapat mong matanggap ay hindi nya naibibigay, mostly respeto bilang pagiging nanay ng anak nyo at asawa nya. He’ll never learn his lesson and change his behavior if you also are tolerating it. As they say, you deserve what you tolerate. Talk to him pag hindi nyo kasama yung anak nyo, like in a one on one talaga to point out his and yours kasi we don’t know his side din. But still kung patuloy na ganun edi iwanan mo
Kalive in partner ko nga hindi na nga maalaga lagi pang galit sakin. Dapat ako lagi nag aalaga sa anak namin tas susumbatan pa ako ng kung ano ano at sasabihan ng masasakit na salita like, “Dika pa kasi mam*tay*
Ako hindi ako pinagsasabihan ng masakit na salita na umaabot sa ganyan na malandi, pokpok. Supportive naman siya, kaso sasabihan niya ako ng ang tagal tagal ko. Samantalang ako, bago ko ayusin sarili ko, inuuna ko muna iprepare lahat ng needs ng baby namin bago umalis. Tas siya maliligo na lang siya, magbibihis nalang siya. Aba! Hindi porket naging nanay na, di na pwede mag-ayos ng sarili 🙄 tas kapag lomosyang ipagpapalit. Tsk
Kaya gusto ko muna makasama siya sa iisang bahay kasi sa bahay nila pag nandon ako, lahat ng gawaing bahay, nanay niya gumagawa, wala siyang tulong, sobrang bait din sakin at sobrang mahal ako pero gusto ko muna talaga makasama sa bahay bago namin ituloy yung kasal na naka plano na
May sarili na siyang bahay pero sa magulang pa din nauwi since wala pang kasama sa bahay niya
hindi maja-justify ng pagiging “mapagmahal, maalaga, malambing” niya yung gago sides niya. lahat talaga ng sobra, masama.
verbal abuse is an abuse. may emotional abuse pa nga ata eh. kung isa-suggest naman na hiwalayan mo na yan, marami magiging dahilan, isa na yung bata. fuck the “buong pamilya” kung ganyan naman kalalakihan niya. malaki pang posibilidad na makuha niya yung ugali na yon ng tatay niya.
but it’s easier said than done, as always. proper communication can be the key sa ngayon. address the problem like how couples should do, in a mature way.
Ganito yan, sa oras na pagsalitaan ka ulit ng ganyan, tanungin mo kung bakit niya nasasabi yon at mahal ka pa ba niya or hindi na, kasi sa behavior na yan, pwede na yan ipasok sa therapy, baka may bipolar disorder si asawa mo at hindi birong disorder yon
Kailangan mo siya kausapin directly to the point, bata magisip ka live in partner mo. kung di ka niya maintindihan sa masinsinang usapan, isipin mo na kung kaya mo ba buhayin baby mo mag isa. You’re better off yourself kaysa kasama mo yung ganyan na immature na lalaki.
Hindi pagmamahal yan sender .. kasi ang pagmamahal hindi ka mumurahin ng ganyang kalala.. wala ba syang tiwala sayo? Ultimo pati anak nyo pinagdududahan nya?? Kung ako sayo sender bigyan mo ng leksyon ian .. sa susunod na pagsalitaan ka pa ng ganyan lumayas ka umuwi ka muna sa inyo .. tapos kun suyuin ka nya dyan mo sya kausapin tungkol sa ugali nya..
Bka may iba yan kaya ganyan tapos lowkey na minamanipulate ka. Ehe. Chariz lang. Mag usap kayo tapos pag usapan nyo po yang ganyang ugali nya. Pag dj pa rin nagbago hiwalayan mo na lang.🙃
Hi Sender, communication is a key. Wag kang basta manahimik lang dahil uulit ulitin nya yan. Matuto kang ipag laban ang sarili mo dahil walang ibang gagawa nyan kundi ikaw lang din mismo.. the more na hahayaan mo sya gawin sayo yan, lalong aabuso yan .. Maraming kupal na lalake gaya nyan after makuha ang puri at maanakan, sasabihing hindi sila ang ama at pag dududahan ka. Relate na relate ako jan dahil sa walang balls kong ex 🤣. Mabulok sana u10 nun 🤣
Gawain niya siguro yan sender kaya ganyan.
Pwede ba yun? Mabuting ‘asawa’ mapagmahal at maalaga pero tinatawag kang p*kp*k… Ikaw na ina ng anak nya? At ang pag tanggi na sya ang ama is the same as saying na isa kang put@ na nakikipag t@lik sa iba habang ‘asawa’ mo sya!!! Ang isang lalaki pag walang respeto sa isang babae ay walang kwenta.. lalo’t higit kung ang babaeng nilalapastangan nya ay ina ng anak nya, ang babaeng katabi nya sa kama bawat gabi, kasalo sa pag kain at kasangga sa buhay.. Hindi pwedeng maging mabuting asawa at mabuting ama.
Wlang hiyang lalaki Yan nakuuu Kya mga artista hiwalay agad sa mga gnyan ugali pra maturuan ng lesson d nrin uso martir grabe bunganga nyan srap paduguin hahaha
Naranasan ko rin yan nuon. Pinagkaiba lang una palang pinakita na nya ugali nya, kung ano Anong masasakit na salita na sinasabi nya, (wag sana manahin ng mga anak nya) may kasama pang pananakit pero Ewan ko Hindi ko sya maiwan nun. Magsasampung taon na kami medyo nabago naman nya yung ugali nya kasi hindi naman ako katulad nya Saka lumalaban na ako. Yun lang bugnutin parin. I don’t know kung bakit Hindi sya o pa sya inaalis sa Buhay ko ng Diyos, marami akong pinagdaraanan na hirap Nung mga unang taon namin na ayaw ko nang balikan pa. Sana lang hindi maranasan ng mga anak ko, yung paghihirap na naranasan ko. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos kasi Meron akong sya na inaayos lahat sa Buhay ko.
Alam mo sa sarili mong hindi mo deserve na i-trato ng ganyan, open your eyes.
Dumaan din ako sa ganyan, both kami ng partner ko masama mag isip, then narealize ko yun pala yung mga insecurities namin sa sarili namin, example ako nagseselos ako or napag iisipan ko sya ng masama, yun ay dahil hindi ako confident sa sarili ko at tingin ko hindi ako ganun kamahal. Dumating din sa point na ganyan sya sakin super magduda kahit wala naman akong ginagawa laging naiisip na nagpapaganda ako para sa iba, or niloloko ko sya ganon. Pero naovercome namin yun lahat, we both know na hindi maganda lalo na sa mental health namin, mahal naman namin ang isat isa, hindi rin naman namin kayang wala ang isa’t isa kaya binago namin yung sarili namin, kailangang ibuild yung trust and syempre si God yung Center ng relationship. 😊🙏 Pareho kaming hindi perfect pero natutunan namin magtiwala sa isa’t isa at mas isipin yung love namin for each other and now magkakababy na kami na bigay din ni God samin 😊❤️ iba talaga kapag nagagabayan ni Lord eh, ang daming nagbabago.