Sabi nila mabait naman daw ako, maganda, maalaga, masarap kasama, sobrang cool, di mahirap mahalin.
Swerte raw ng mga lalakeng minahal ko pero sinayang lang ako. But for me, baka di lang talaga sila yung nakatadhana.
May naka-live-in partner ako for 7 years pero di kami nagkaanak, we’re trying pero di talaga binibigay ni Lord. Hanggang sa nakabuntis siya ng iba.
Dahil sobrang mahal ko siya, I BEG para piliin niya ako pero mas pinili niyang magkaron ng buong pamilya ang anak niya kasi alam niya pakiramdam ng broken family, kaya ni-let go ko na lang siya.
After 2 years ng pagmo-move on, there is this guy na nanliligaw kahit na may gf siya. At first, di ko pinapansin kasi ayaw ko makasakit tulad ng nangyari sa kin. Pero mapilit siya, willing siyang iwan gf niya for me.
I told him na iwan niya muna si gf then bibigyan ko siya ng chance (yes, I became selfish to be happy, to be loved, mas pinili kong maging masaya at di ko na inisip kung meron akong masasaktan).
Sobrang nasaktan si girl to the point na nag-attempt na sya mag-su!c!de, that’s why we decided na maghiwalay kasi sobrang naaawa ako sa girl.
But days after we broke up, I found out that I’m pregnant. Kinausap ko ulit siya and I let him choose. He chose me, not knowing that during my pregnancy, nagkikita pa rin pala sila ni girl.
6 months after I gave birth, nalaman ko na nabuntis niya si girl. For the 2nd time, I BEG to choose me and her daughter, but he chose them. Kasi, he knows daw what that girl will do if he chose us.
Sabi niya, I’m strong independent woman kaya alam niyang kahit di ako yung piliin niya, kakayanin ko. I let him go.
I decided to work abroad para makalimot sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Di ko pinayagan yung sarili ko na pasukin ulit ng masasamang loob. Haha.
Nahirapan na ko magtiwala at maniwala. Pusong bato sabi nila. After 4 years, bumalik ako ng Pinas. Healed and happy being single.
Then, I met a guy. Single raw, di ko alam bakit biglang nabasag yung binuo kong wall sa puso ko. Pero madaming bumubulong na may asawa.
I asked him, sabi niya di raw totoo, di sila kasal and hiwalay na sila 3 months ago bago niya ko nakilala.
Hindi niya daw gagawin sa kin yung ginawa ng mga ex ko. Di na raw kami bata para maglaro pa. Mas pinili kong maniwala sa kanya kasi mahal ko siya.
Nagplano kaming magpakasal, to settle down, to have a happy family. Ok kami this past few months, pero parang iba na pakiramdam ko ngayon.
I am taken for granted. I feel unwanted. He’s always busy sa work, wala na siyang time sa kin. Pakiramdam ko ayaw niya na, nagdadahilan na lang siya na busy sa work. Siguro hinihintay niya na lang ako bumitaw.
Baka nagkabalikan na sila ng ex niya? Baka gusto niya na ko iwan? Baka ayaw niya na sa kin? Baka may iba na siya? Baka di na niya ko mahal? Baka napipilitan na lang siya tapos di niya lang kaya sabhin sa kin? (overthink)
Grabe yung trauma na ginawa sa kin ng past ko. Naubos lahat ng trust ko. Sobrang dami kong doubts. Siguro di pa ko handa pumasok sa relasyon.
Akala ko lang handa na kong magmahal ulit or maybe yes, handa na ko magmahal ulit pero di pa ko handang magtiwala. Or handa na kong magtiwala pero di lang talaga katiwa-tiwala pinaparamdam niya. Sobrang gulong-gulo na utak ko.
Kung sa mga past ko, nagmakaawa muna ako bago ko sila palayain. This time, di na ko magmamakaawa, papalayain na kita agad agad kung yun ang gusto mo, just tell me.
Pero kung sasabhin mo na kumapit ako at wag kang bitawan, kakapit ako hangga’t kaya ko.
CB, 2010, OLFU
*do not copy/paste this content on any platform
the design is very marupok🙄
give your love to your daughter nalang sender , kung talagang mahal ka nyan d ka nya hahayaan mag overthink ng ganyan , gagawa at gagawa ng paraan yan para magka oras sayo. sabi nga pag gusto may paraan , pag ayaw maraming dahilan .
Tama!! Bigyan na lang nya ng time anak nya. ❤
Biglang nawala sa eksena yung anak eh 🥴
Idk lang pero ‘yung instinct ng babae, di talaga nagkakamali. How I wish sinunod ko yung instinct ko dati. Anyway, happy naman ako with my baby. Kahit single mom, patuloy na lalaban sa buhay. And for those people na grabe mang judge, sorry ha? Di kasi tayo perfect. We are capable to make wrong decisions, we face the consequence and it’s up to us kung paano natin ide-deal ‘yun. I hope maging responsible ang mga lalaki with their actions when it is about relationship. Tama na ‘yung pahambugan kayo about sa body count niyo, tapos kapag nakabuntis kayo iiwanan niyo kasi di kayo ready sa responsibility. Idk but mostly kayo ‘yung humihingi ng favor, tapos kayo pa yung nanggagago.