“Siguro pinaalam ng kaluluwa ng babae na doon tinapon katawan niya, ‘no?” –Sender

Bata pa ako noong nangyari ito, yung bahay namin is tagpi-tagping kahoy at tarpaulin lang noon, malapit kami sa bukid that time na ngayon ay sementeryo na. Magdidilim na noon nang biglang may kumatok sa pinto namin.

Sunod-sunod na katok kaya sinabi ng papa ko “sino ‘yon?” pero walang sumagot. After non ay nawala yung katok. Kinabukasan, ganon ulit yung nangyari. Sa sobrang inis ng papa ko binuksan niya yung pinto, pero walang tao.


Pagkasara ng pinto, maya maya may kumatok na naman. Sinilip muna ni papa sa butas ng pinto namin kung may tao o wala, pagkasilip niya ay may nakita siyang paa ng babae (di kita masyado ang katawan at mukha, pero alam niyang babae), walang tsinelas at maputik ito.

Maya maya ay umalis yong babae papuntang bukid. Walang ibang dumaan na tao nung silipin ni papa sa butas ng tarpaulin, nakita na niya na lang yung babae na nasa gitna na ng bukid (pataas kasi yon at sa baba lang yung bahay namin).


Kinabukasan habang papasok ako sa school, may nabalitaan na may nagtapon ng b-â-n-g-k-â-y ng babae sa dulo ng bukid at ilang araw na raw nawawala yung babae. Siguro kinatok pinto namin ng kaluluwa ng babae para malaman namin na doon tinapon katawan niya, ‘no?

Miss H, 201*, *Confidential


*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Miss L/Bitcheza
Miss L/Bitcheza
1 month ago

Bukas na pala ako iihi. 🙂

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x