“Palaging nag-aaway yong mag-live-in partner na kapitbahay namin, pero sa umagang ‘yon ay mas malala, grabe kaba namin no’n!”

Hello. Share ko lang yong Baguio moments namin ng kapatid ko. Mga Grade 5 ako non at Grade 3 yong kapatid ko, nagbakasyon kami sa Baguio sa tita ko. Pumapasok sa work tita namin tapos gabi na uwi nila, kami naiiwan ng kapatid ko sa boarding house.

Ayon, isang umaga, kakatapos lang namin mag-breakfast nang makarinig kami ng sigawan mula sa kapitbahay, nag-aaway yong mag-live-in partner don. Palagi namang nag-aaway sila, pero sa umagang yon ay mas malala.


Kasi mga anteh, yong gasul nilabas ni ate girl tapos binuksan at pinasingaw niya, siya raw kasi bumili ng gasul. Huhuhu! Parang naghihiwalay na yata sila, hindi ko na maalala ibang nangyari, at narinig ko na aalis na si ate girl.

Nag-panic kami nong kapatid ko non kasi di pa rin nila pinap*tay, baka sumab*g na yong gasul, yong kapatid ko paiyak na, nginig na nginig na kami. Just imagine that. Huhu!


Grabe kaba namin, di kami makalabas kasi katapat lang namin sila, naiiyak na kami sa sobrang kaba. Kaya sabi ko don sa kapatid ko, kunwari j€j€bs ka, sasamahan kita. Kaya ayon, lumabas kami at pumunta CR, kunwari jum€j€bs yong kapatid ko at inaantay ko siya sa labas.

Pero yong totoo, lumabas kami para kung sakaling sumab*g yong gasul makakatakbo kami. HAHAHAHA! Grabe yon, tagal na non pero di ko pa rin makalimutan. Pag-uwi nong tita namin, kinuwento namin nangyari tapos puro lang siya tawa kasi di naman daw agad sasab*g yon.


Borger, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x