“Pinatawag kami ng Adviser namin sa office niya noong nakita niya ang ginawa namin…” (SPG)

Hi. Nangyari ito nung nakaraan. Tinawag ni adviser yung barkada ko para kunin yung card nila kasi hindi naka-attend ng meeting lolo niya kaya nag-penalty siya dun. Kinuha yung card niya, pagkatapos nun ay napansin ni adviser yung kamay niya na may sug@t ng l@sl@s.

Yung adviser namin is medyo strict siya kaya nakakatakot talaga pag pinatawag ka niya. So yun nga, napansin ni ma’am yung kamay ng barkada ko, sabi ni adviser, “Ano yang nasa kamay mo?” tapos hindi siya nakapagsalita.


And yung time na yun, pinatawag pa yung isa kong barkada for her card din kaya narinig niya lahat ng pinag-usapan nila that time. Tapos ako non ay nasa volleyball court which is tapat lang sa office. Bale, may flagpole dun sa may hallway at office, pupunta sana akong tindahan kasi manglilibre ako kaya nga lang pinatawag ako bigla, sabi ng isa kong kaklase na nagl@sl@s din,

“Pinapatawag ka raw ni ma’am.”


Nung time na yun, walang kaba akong nadarama kasi buong akala ko para sa card din yun which is not pala. Pagkarating ko sa office ng adviser namin, sabi niya, “Patingin ng kamay mo.” Dun talaga tumigil ang mundo ko. Tapos, pinakita ko sa kanya and then sabi niya, “Wag mo yang itago, kumuha ka ng upuan doon, mag-usap tayo.”

Apat kaming pinatawag nun dahil sa l@sl@s. Around 4 pm na non nang pinatawag kami kaya malapit na mag-uwian, sabi ni ma’am pagkaupo namin, “Bakit n’yo ginawa yan?” dagdag pa niya, “Tatanungin ko kayo isa-isa.” Dun ako kinabahan, sabi niya pa by alphabetical daw, so ako second to the last. Inuna niya yung lalaki at sinabi naman niya lahat lahat ng saloobin niya hanggang sa ako na ang nagsalita.


Super nahirapan akong magsalita nung time na yun dahil iyak lang ako nang iyak, tapos binigyan na ako ng tissue ni adviser. At nung nasabi na namin lahat, binigyan kami ng advice ni Ma’am. Kaya nagulat ako dun kasi buong akala ko super strict niya as in, pero kung time yun ay nakilala ko na si adviser. Ang swerte namin that time.

Tapos na kami mag-usap non at binigyan niya kami ng advice tapos sabi ng isa kong barkada, “Ma’am, puwede na bang umuwi? Baka kasi pagalitan na ako pagdating ko sa bahay.” Tapos sabi niya, “Sige, puwede na kayong umuwi, basta wag n’yo nang uulitin yun, ha? Kung may problema ulit kayo, nandito lang ako, sabihin n’yo lang, ‘Ma’am, usap tayo, ma’am’,” tapos niyakap niya kami isa-isa kaya umiyak na naman ako.


Wag n’yo po sana kaming gayahin. Thank you sa pagbabasa.

Miss, 2023, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Chubby but pretty
Chubby but pretty
9 months ago

Pinag daanan ko na yan heheh.. Hndi naman sila adviser pero grabe ang sarap ng pakiramdam.. Sender wag niyo na yang uulitin ahh.. Anjan naman si Ama para masabhn. Naiiyak ako hehhe

lost soul
lost soul
9 months ago

Napagdaanan ko din yan nung G9 ako. Pinatawag ako nung English teacher ko kasi panay ako absent. Kaso nung nagkwento ako kung anong rason ko, which is about sa financial, family problem, anxiety, etc. Pinagtawanan ako. Hindi daw dapat ako nagpapadala sa problema masyado pa daw akong bata. Kumpara sa pinagdaanan “niya” sa buhay, hindi siya nagpaapekto. Ayun hindi ko maintindihan bakit ba ako nag-open sa katulad niya. Yung adviser ko, nicomfort ako at sinabing okay lang umiyak. Pero simula nun di na ako pumasok at nagdrop na. Ang sama-sama ng loob ko sakanya. Naging mailap ako sa mga teacher dahil sakanya. Ngayon, teacher din siya ng kapatid ko. May sakit na siya at marami din may ayaw sakanya.

Kakarot
Kakarot
9 months ago

Emoo shit amp

error: Content is protected!
3
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x