“Pina-s€duc€ ko si partner kay best friend para malaman ko kung ako lang ba ang gusto ni PARTNER…” (SPG)

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Jopay. Recently lang to nangyari. Need ko ng advice n’yo. I have a best friend, let’s call her Bubay. Chubby chicks, hot chubby siya, and ako petite lang. Haha. May live-in partner ako, tawagin na lang natin na Joe.

Lagi pumupunta sa min si Bubay, tapos yung partner ko ang bilis niya naka-close si bubay nung nagkasama sila, as in close talaga, kung paano ako asikasuhin at alagaan ng partner ko, ganun din siya kay Bubay, samantalang sa mga iba kong kaibigan, hindi naman siya ganon.


One time, naisipan namin ni Bubay na i-s€duc€ si partner ko. Kagabi lang, pinlano namin. Ang setup ay magkakatabi kami matulog, si Bubay sa gilid talaga siya natutulog at ako sa gitna, katabi partner ko, pero kagabi ay naisipan namin na magpalit kami ng higaan at magkukunware akong tulog na.

Nakatakip lang ako ng kumot that time. Sobrang dilim kasi non sa kwarto at tanging cellphone lang ng partner ko ang nagsisilbing liwanag don dahil naglalaro pa siya ng Mobile Legends that time.


Yun na nga, nag-start na si Bubay na yak@pin si partner ko, nung una inalis niya, tapos nagkunwari ulit siya na ayaw niya. Pin@t0ng ni Bubay yung hit@ niya kay jowa ko, tapos di niya inalis. Nagulat ako kasi imbes na lumayo yung jowa ko, mas lumapit pa siya kay Bubay, hinayaan niya lang yung ginagawa sa kanya ni Bubay. Yung gesture na halatang ginusto rin.

Di ko alam i-re-react ko that time. Sumenyas ako kay Bubay na bumaba muna siya, tapos ako tumayo na rin. Sabi ko kay Bubay, di ko na kaya mga nakita ko, sobrang nasaktan ako. Kasi, si partner mismo nagsabi sa kin na kahit sampung babae pa makatabi niya, hinding-hindi niya magagawang patulan o tumabi pa lalo.


Pero dun sa mga nakita ko, di ko alam kung maniniwala pa ba ako. Nag-usap kami ni partner, mahal ko po siya sobra, pero di ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan after nung nangyari.

Hihingi ako ng payo kung ano ba dapat na gawin. Dapat na bang itigil yung meron kami? Kasi, may red flag na, o bibigyan ko ba siya ng chance ulit?


Jopay, 2020, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

2
20
guest
22 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Mrg
Mrg
4 months ago

Di ko Rin Po alam

Rie
Rie
4 months ago

Nakita mo na mismo yung sagot sa harap mo. It’s up to you kung magbubulag-bulagan ka at ipagpatuloy pa yan o komprontahin siya, kung ikaw ba talaga yung gusto o si bestfriend mo.

Bes
Bes
4 months ago

Ikaw Yung red flag gurl. Gagawa gawas ka ng ganyan tas tatanungin kami ano dapat mong Gawin?😂Ikaw magsolusyon sa ginawa mong problema. Yan napapala ng imbes Hindi nagcheat yung partner binigyan ng dahilan para magcheat tapos nung nagawa niya yun nagdadalawang isip kana?. E in the first place Hindi Yun mangyayari kung di mo ginawa yang kagagahan mo.

Heeyyy
Heeyyy
Reply to  Bes
4 months ago

Mali yung ginawa nya pero mukhang bet rin nman talaga nung jowa nya yung bestfriend nya sa pagaasikaso pa lang katulad ng ginagawa sa gf e hindi nmaan daw ginagawa iba nyang kay friend dun lang sa bubay

Clair_Vyonce
Clair_Vyonce
Reply to  Bes
4 months ago

Ang funny lang na sinisisi mo si ate girl kasi siya yung nag bigay ng rason para mag cheat bf niya. Like, don’t you get it? Kahit ilang libong babae pa ang itabi mo dun sa lalaki, kung hindi niya talaga gustong lokohin partner niya, maninindigan siyang layuan yung babae.

Treat people with kindness. Huwag sanang dumating sa puntong lokohin ka ng partner mo, I’ll pray for you☺️

Agnes
Agnes
Reply to  Bes
4 months ago

Agree ako dito bunak lang, gumawa ka ng ikagagalit mo. Tanga ng gantong babae promise hahaha 😂

Mick
Mick
Reply to  Agnes
4 months ago

Mas tanga ka teh, nakakagigil yung ganitong mindset sa totoo lang. Kaso anong magagawa ko, liit ng pang-unawa mo😴

MeLang
MeLang
Reply to  Bes
4 months ago

Feeling ko, di naman din sya gagawa ng way para gawin yun, kung di din sya nagsususpetcha sa bf nya. May mali oo, kung trip trip lang. Kaso mukang hindi eh? Naghihinala na sya, so sinubukan nya, kumakagat naman jowa nya. 🙄

lea
lea
4 months ago

Teh nasa harap na ang sagot sa bumabagabag sayo. It’s up to if icoconfront mo ba siya. Kasi kung ganyan palang ng inasta niya kahit na nasa tabi kana, what more kapag nasa malayo siya at hindi mo nakikita?

Bonak
Bonak
4 months ago

Tanga ka.
Okay na?
Redflag na nga e. Kagagawan mo naman. Tas alam na alam mo na yung sagot tatanong ka pa. Bobo. Qiqil mo ko.

Last edited 4 months ago by Bonak
gigilmokogirl
gigilmokogirl
4 months ago

Pareho kayong red flag. Juskooo. Tigilan mo na yan. Tigilan nyo na yan.

Bruh
Bruh
4 months ago

Magtanga-tangahan ka lang. Yun lang gusto mong marinig samin eh.

Jade
Jade
4 months ago

Tamana mauulit at mauulit payan kahit sa iba

King
King
4 months ago

Sa tingin ko, may topak ka. Hahahaha ipasubo mo ba naman bf mo sa ibang babae hahahaha

jeric
jeric
4 months ago

tanga ka, dapat bago nyo pinlano nakahanda ka ba sa consequences, hindi ung dun ka lang sa positive na mangyayare, edi ayan overthink ka ngayon, kasalanan pa ng jowa mo,, tanga ka humanap ka ng bating ipupukpok sa ulo mo. mens ar mens ika nga

Hakdog
Hakdog
4 months ago

May chance pong mag cheat ang partner mo sender. Yun palang nagpapahawak na sya sa iba kahit nasamalapit ka pano pakaya yung wala ka talaga.

mimi
mimi
4 months ago

obviously ante hindi kayang umiwas ng jowa mo sa temptation. Andyan ka na nagawa nga niya ano nalang kung wala ka at may nag seduce sa kanya? Paano kana? Di na tinatanong yan. Btw. Bahala ka po.

MeLang
MeLang
4 months ago

Sender, kita at ramdam mo na, bat nag aask ka pa samin, o baka naghahanap ka lang ng.. kasi, nasa puso mo eh gusto mo pa syang bigyan ng chance at naghahanap ka ng payo na aakma sa kagustuhan mong bigyan sya ng chance. Kumbaga, “May point yung advice!” Parang ganon, so ikaw makukumbinsi ka naman, naghahanap ka ng papanig sa totoong choice mo talaga na bigyan sya ng chance.. kasi sa totoo lang, feeling ko, may chance pa sya para sayo, pero naghahanap ka lang ng rason para mabigyan sya ng chance. Gets mo ba? 😆 Kapag ba sinabi naming, “Wag mo na bigyan ng chance” gagawin mo ba talaga? I really feel na mas matimbang na gusto mo syang bigyan ng chance. Pag isipan mong mabuti, action speaks louder than voice, iha. Goodluck sa magiging choice mo 🙂

Yorkish
Yorkish
4 months ago

Gagawa kayong nang ganyan para saan? para malaman kung matetemp ba partner niyo. E paano pag natemp? sasabihin niyo nag chcheat na, kayo lang gumagawa nang dahilan para magcheat partner niyo. GINAGAWA NIYONG CHEATER PARTNER NIYO

cinnamonrolls
cinnamonrolls
4 months ago

Tanga ng bobo hahahhhahahaha, u get what u deserve gagawa gawa ka ng ganyan tapos ano? Hihingi ka ng payo 😂

xhchcjjx
xhchcjjx
4 months ago

Wag ka na magbulag bulagan teh! Cheating yan!

Rosiee
Rosiee
3 months ago

Ate dont listen to them, you are not “tanga” or “bobo” that is actually a smart move kase imagine if mag asawa kayo tas ganyan sya? I’d rather be single for the rest of my life than be with a man na madali masway at walang paninindigan. Have standards po. Talk to him naa nakita mo nga ganito ganyan. And you know you wouldn’t feel that way if di ka binigyan ng reason to feel that way. You are allowed to feel that way ate. That is what we called “loyalty test” po and he obviously failed.

Don’t listen to stupid men ay boys pala in the comment section galit sila kase alam nila na kung gagawin yan sa kanila they would fail. You deserve what you tolerate ika nga.

error: Content is protected!
22
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x