Pinâgb*ntâân ako ng amo kong pûlîs na ‘wag daw akong magsûsûmbông dahil pâp*tâyin daw ako at ikâk*lât ang vîd€ô…” –Sender

Hindi ako magaling magkuwento at hindi ko rin alam kung paano magsimula, pero itago n’yo na lang ako sa pangalang Nela, 17 years old. Magtatapos na sana ng Grade 12 pero sadly tumigil ako dahil sa sobrang hirap ng buhay. Ang hirap lang na walang mapagkuwentuhan kasi sobrang bigat na sa pakiramdam. Yung gusto mo lang naman tumulong sa mga magulang mo tapos wala akong kaalam-alam na ganito pala kahihinatnan ko.

Naghanap ako ng trabaho sa mga groups dito sa Facebook, sa sobrang desperado ko makapag-work kasi awang-awa na ako sa mga magulang ko at kapatid ko. Yung nakikita mo silang kakaunting kanin, kahit gaano pa kaunti ay paghahati-hatiin pa para magkalaman lang mga sikmura ng kapatid ko kahit papaano. Yung nakita kong post sa isang group ay naghahanap ng katulong 19-25 years old pero dahil sa kagustuhan kong magtrabaho ay nagsinungaling ako about sa edad ko, sinabi ko na 19 na ako.


Mag-aalaga lang naman ng bata at papakainin, at mas naging interesado pa ako dahil willing sunduin sa place ko. Nag-message agad ako sa nakita kong post. Ang bait at maayos sila kausap, dahil doon ay nagkasundo po agad kami kahit hindi ito alam ng mga magulang ko. Batangas area while ako po ay Bicol province pa. Okay naman po lahat. Noong una ayaw pa ako payagan ng mga magulang ko dahil masiyado pa akong bata. Masiyado akong mapilit dahil awang-awa na ako sa mga kapatid ko.

Umalis ako nang may sama ng loob papa ko, ni hindi man lang kumikibo at nakatalikod noong umalis ako, maging nanay ko pero si mama mas naiintindihan niya ako dahil sa situation namin. January 3 ay sinundo ako, mag-asawa nagsundo sa kin. Ang amo kong babae ay isang guro at ang lalaki naman ay isang police. Inaya muna nila ako kumain sa Jollibee at in-interview muna ako saglit kung kaya ko raw ba alagaan anak nila ganito ganiyan, tho nag-usap naman kami through chats and video call, pinakita nila anak nila sa video calls at sa tingin ko naman kaya kong alagaan.


Oo lang ako nang oo sa lahat ng tanong nila kahit alam kong mahirap. Kinausap din ako about sa sahod ko na kada-25 daw po ng buwan ang sahod ko. January 4, mag-uumaga na kami nakarating. Noong mga una at ikalawang linggo ay ayos naman, ang ganda ng pakikisama nila sa kin lalo na po si ma’am. Hindi ako nakaramdam ng pagka-homesick at pagka-miss sa pamilya ko kasi parang turing nila sa kin ay pamilya at wala rin akong masiyadong naging problema sa bata na inaalagaan ko kasi 5 taon na, hindi na masiyado nagkukukulit.

January 23, tandang-tanda ko pa at hinding-hindi ko makakalimutan dahil daig pa b@ngung0t yung naranasan ko, how I really wish na sana nga b@ngung0t lang lahat. Pumasok ang am0 kong lalaki sa kw@rt0 kung saan natutulog ako at ang anak niya, tanghali ng mga panahong yon. Wala ang amo kong babae dahil nasa paaralan at ang alam ko ay kaming dalawa lang ng alaga ko nasa bahay dahil nakita kong umalis ang mag-asawa dahil ako pa nagbukas ng gate para makalabas sasakyan nila. Pareho silang naka-uniporme kaya nag-expect ako na wala sila maghapon.


Nagulat na lamang ako dahil biglang bumukas pinto mga bandang ala una dahil tiningnan ko pa yung orasan sa may tapat ng pinto. Bumungad amo kong lalaki na sobrang pinagpapawisan, naka-uniporme pa ang amo ko, nakasukbit pa sa tagiliran b@rîl niya. Akala ko papagalitan ako dahil nakatulog ako habang nagbabantay ng bata, maya maya lumapit ito sa kin tapos hinawakan balikat ko sabay senyas na wag daw akong maingay. Nagtanong ako nang pabulong kung bakit kasi natutulog din alaga ko, pero kinakabahan na talaga ako sobra.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, mas lalo akong natakot nong sinabi niya na pasok daw ako sa kwarto nila ma’am. Hin@w@kan niya k@may ko na parang hinihila palabas, nagmamatigas ako kasi hindi naman ako b*bo at inosente pa para hindi malaman kung ano puwedeng mangyare sa kin noong mga panahong yon. Yung tanging salita na lumabas sa bibig ko “ay0k0 sir, ma@wa ka”. Hindi ko rin napansin na lumuluha na ako, at akala ko maaawa sa kin pero nagkamali ako kasi kinuha niya yung b@rîl na nasa tagiliran niya at tinutok sa likod ko.


Sobrang takot naramdaman ko, nanghina buong katawan ko, para akong nawala sa katinuan habang papalabas ng kwarto. Hikbi ako nang hikbi, umabot din sa puntong parang gusto kong gisingin alaga ko para matigil yung binabalak ng amo kong lalaki pero mas nananaig yung takot ko. Nakita ko na lang yung sarili ko na nasa loob ng kwarto nilang mag-asawa, p-i-n-@-g-h-û-h-û-b-@-d ako habang may nakatut0k na b@ril sa kin. Madaming inutos sa kin na sobrang labag sa loob ko. Nagvi-vîd€0 rin siya habang b-i-n-@-b-@-b-0-y ako, hikbi lang ako nang hikbi at wala akong magawa.

Unang beses ko lang din maranasan yon. Naghalo yung s@kit ng pagkababae ko at sakit na nararamdaman ng pagkatao ko. Pagkatapos niya akong b-@-b-û-y-i-n ay pinagb@ntaan pa niya ako na wag daw akong magsusumbong dahil pap*tayin daw ako at ikak*lat ang vîd€0. Walang ibang nasa isip ko kundi pagkakuha ko ng sahod ko ay tatakas ako, wala na akong pakialam sa vîd€0. Gustong-gusto kong umalis kaso wala akong pera at dalawang araw pa ako bago sumahod. Dalawang araw pa ako nagtiis para makaalis. At sa dalawang araw na yon ay naranasan kong kapag nakatalikod ang amo kong babae ay pasimple itong lalapit at h-i-h-i-p-û-@-n ako.


Pumasok din sa isip kong magsumbong sa amo kong babae pero natakot akong hindi ako paniwalaan. Dumating na pinakaaantay kong araw at binigay na sa kin yung sahod ko, tanghali yon, at pagdating ng gabi ay inantay ko lang na makatulog silang lahat at saka ako tatakas. Bago ako tumakas ay kinontak ko na mga kamag-anak ko sa Quezon at nakiusap na sa bahay muna nila ako makikituloy. Agad ko naman pinadalhan pamilya ko sa Bicol ng sinahod ko pero hindi nila alam na wala na akong trabaho. Mag-iisang linggo na nga ako rito at sariwa pa rin sa kin lahat ng nangyari, at akala ko matatapos na paghihirap ko pero nagsisimula pa lang pala.

Unang araw ko dito ay ginawa akong katulong. Inabot ko lahat ng tambak na labahin at hugasin, isama mo na rin yung paglilinis. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi na makatao yung hindi ako kakain kapag wala silang tira. Ilang araw ko nang naranasan na simutin lahat ng tira-tira nila, mabuti nga kung meron. Wala na rin natira sa sinahod ko dahil pinadala ko sa pamilya ko dahil mas kailangan nila yon. Hindi bali na ako dahil kaya ko pa naman sarili ko. Sobrang sama lang ng loob ko sa mundo dahil sobrang hindi patas.


Minsan naisip ko na din na t@pusin ko na lang buhay ko pero sobrang nanlulumo ako kapag naiisip ko pamilya ko. Lalo na nong ilang araw pa lang pagkatapos ko magpadala ay nag-message ulit ang ama ko, “Nak, baka pwede ka makabale, pinangbayad kasi ng mama mo sa eskwelahan pinadala mo, kawawa naman mga kapatid mo. Sobrang hirap na talaga, baka puwede mong magawan ng paraan.” Ang bigat bigat, sobra.

Gustuhin ko man umuwi pero wala na akong pera. Ayoko na rin mag-isip sila kasi alam kong walang-wala rin sila. Wala akong mapagsabihan. Ni-restrict ko na nga mga magulang ko sa Messenger dahil ayokong mabasa lahat ng message nila kasi sobrang naawa na ako sa sitwasyon ng pamilya ko. Hindi ko magawang buksan mga mensahe nila kasi paano ko sasabihin na hindi na nila ako maasahan kasi wala na akong trabaho? Paano ko sasabihin na wala na akong trabaho dahil tumakas ako kasi i-n-@-b-u-s-0 ako?


Nela, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

12
1
Subscribe
Notify of
guest
19 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Rizinabox
Rizinabox
10 months ago

Ate what ever happens, go home! Maiintindihan ka ng pamilya mo kahit na anong mangyari. Umuwi ka, i-kwento sa kanila lahat, magpa medico legal para makakuha ka ng hustisya na dapat mong makuha. Please? Wag ka muna mag-isip ng kung ano, umuwi kana muna at iwan yang mga kamag-anak mong makakap*al ang mukha. Pamilya mo, lalong-lalo na ang Mama mo ang pinaka makakaintindi sayo.

Teacher na bwisit sa manyakis
Teacher na bwisit sa manyakis
Reply to  Rizinabox
10 months ago

Wala nga daw po pera Kaya d mkauwi…Sana me oaraan para makontak sya at matulungan.

Gracious
Gracious
10 months ago

Kung sino man usf ang batang ito tulungan niyo makarating sa wanted sa radyo at raffy tulfo ang sinapit niya maawa kayo kailangan managot ang taong humalay sa kanya.

Winnielyn Española
Winnielyn Española
10 months ago

Pakitulungan po please. Bebe girl sorry malayo ako. Mag-uli ka nalang sa indu tah kahirak man baga ang lagay mo jan. Magtubod ka sa muya na kahit anong nangyari sayo, maiintindihan ka ng pamilya mo. Magpakatatag ka at makua mo sana su justice na deserve. Totoo bagang mahidap maging pobre mundong arog kaini ang takbo. 🥺 Manalangin ka. Malalagpasan mo din lahat ng to. If kaya mo kong i-message, willing akong tulungan ka makauwi sa Inyo sa Bicol. Nag-a-ask tayo ng tulong. 🩵

Galit sa tanga
Galit sa tanga
10 months ago

Kung sino man po to USF please pakitulungan syang makuha yung hustisya please. bebe girl tatagan mo loob mo. kaya mo yan. Gabayan ka nawa ng Panginoon.

Teacher na bwisit sa manyakis
Teacher na bwisit sa manyakis
10 months ago

Admin tulungan po natin itong Bata ..kailangan niyang maiguide Lalo at Wala nman syang malalapitan..baka Naman po may malapit sa knya…willing din po akong magshare …usap Tayo dito…

Panopticon
Panopticon
10 months ago

Willing din po ako magshare matulongan lng sya. I know how it feels. Di ka nag iisa, but one thing is for sure, you will learn how to carry it someday dear.

Merlyn Magno
Merlyn Magno
10 months ago

[email protected]
Bicolana rin aku ., kawawa naman ,sana matulungan siya .,Lord padalhan mo po siya ng isang tao na tutulong sakanya financially,.🙏🙏🙏
Girl pakatatag ka,May awa ang diyos♥️

Swan princess
Swan princess
10 months ago

Magpakatatag ka, minsan di natin lubos maisip kung bakit natin dinaranas ang mga pagsubok sa buhay, pero kailangan nating maging malakas at mag tiwala sa Panginoon. Darating ang araw, gaganda rin ang buhay mo. Sa ngayon isumbong mo kay tulfo ang taong gumawa nyan sayo para wala na siyang taong mabiktima pa. Kung may gcash ka sana khit na kaunti pwedeng mabigyan ka nmin para khit papano ay makatulong sayo sa iyong muling pag bangon.

jhnj
jhnj
10 months ago

go home and file a case against the police. Rape yan tas tinutukan ka pa ng baril. yung video ay wala din consent mo. mas may laban ka sakanya. i think pwede mo ilapit sa NBI since minor ka.

sa future, look for work na may security ka and a valid contract. call center, fast food crew, etc. mahirap ang work pero you get paid more.

i’ve always hated the police in general. lahat sila may problema sa utak.

bigay mo gcash mo so that we can pay for your fare home.

Last edited 10 months ago by jhnj
Vhal
Vhal
10 months ago

Dito ka nalang sakin bebe… Naghahanap kasi ako working student.. total 1yr nlang tapos kana makapag apply kana ng trabaho kahit papano..

Jusme
Jusme
10 months ago

Sana may anghel na bumaba at tulungan ka😢😢😢

scarlette
scarlette
10 months ago

message me sender, been there. i will help you

Labby, 2021, Architecture, Confidential
Labby, 2021, Architecture, Confidential
10 months ago

Kung nasaan ka man binibini, Ako na maghahatid sa inyo tapos pablotter natin yung kup@l na pulis na ‘yon. Mas prefer ng madla safety mo.

LostWanderer25
LostWanderer25
10 months ago

Hi admin by any chance po if there’s a way na macontact nyopo si sender para po makapag contribute kahit papano(even lil AMT) financially para po makauwi sya SA family nya? And makapag medico legal sya?

Arabella3869
Arabella3869
10 months ago

Мадонна, икона поп-музыки и культурного влияния, продолжает вдохновлять и поражать своей музыкой и стилем. Её карьера олицетворяет смелость, инновации и постоянное стремление к самовыражению. Среди её лучших песен можно выделить “Like a Prayer”, “Vogue”, “Material Girl”, “Into the Groove” и “Hung Up”. Эти треки не только доминировали на музыкальных чартах, но и оставили неизгладимый след в культурной и исторической панораме музыки. Мадонна не только певица, но и икона стиля, актриса и предприниматель, чье влияние простирается далеко за рамки музыкальной индустрии. Скачать mp3 музыку 2024 года и слушать онлайн бесплатно.

Kyla
Kyla
10 months ago

Umuwi ka, kunin mo ang hustisya yung video na ginawa ng amo mo ang ebidensya para makulong sya. Sarili mo muna this time ang unahin mo

…..
…..
Reply to  Kyla
10 months ago

Nagbabasa ka ba talaga? Wala ngang pera para ipangpamasahe niya pabalik sakanila sa Bicol.

luna
luna
10 months ago

Bhieee save your self! If you want you can definitely apply in BPO industry kahit wala kang experience it’s okay as long as you know basic english. It can really help you a lot.

error: Content is protected!
19
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x