“Ha? E wala naman tayo ibang bisita,” sagot ni Mama noong sinabi kong may tao sa kwarto ni Kuya… –Sender

Hi! I’m Aya, gusto ko lang po i-share itong childhood experience ko sa house ng sister ko. If magsi-CR po kayo, mag-CR na kayo. Kung iinom kayo ng tubig sa kusina n’yo, uminom na po kayo.

Bata pa kami non, mga nasa 4-6 years old ako non, binisita ko half-sister ko sa side ng mom ko sa bahay ng lola nila somewhere sa Las Piñas. Pagpasok ng pinto, salas agad sasalubong sa kanan at madilim naman na dining area sa kaliwa, tho bata pa ako non pero every time na dumadaan ako doon, e something na may mali pero lagi kong binabalewala.


Habang naglalaro kaming magkakapatid sa salas, bigla ako napatingin sa dining area which is madilim, makikita mo lang siya nang maayos if i-o-open mo yung light, but this time iba nakita ko. Nakita ko sa madilim na gilid ay isang tao, I couldn’t describe kung lalaki or babae but that time ay nakatitig lang siya sa kin at naka-smile. I was telling it to my mom, pero nawala agad ito na parang naglakad naman siya sa 2nd floor.

Fast forward, hindi naman ako matatakutin at that time ay di ko rin alam na may sense ako na nakakaramdam at nakakakita ng entities. Tatawagin ko sana older brother ko para magmeryenda pero di ko siya makita, sabi ko kay mom ko, “Ma, di ko makita si kuya”. “Tingnan mo sa kwarto niya, baka nagla-laptop,” sabi ng mama ko.


Then nagpunta ako sa kwarto niya. Juskooo! Kahit bata pa ako non di ko makakalimutan yon. Pagpasok ko may nakaupo sa higaan ni kuya na girl pero di ko siya kilala at di ko rin siya nakita na pumasok sa bahay na yon that day.

Sinara ko yung pinto tapos sabi ko kay Mama, “Ma, gf yata ni Kuya yung nasa kwarto niya.” Sabi ni Mama, “Ha? E wala naman tayo ibang bisita.” Pagpasok ni mama sa kwarto, wala na yung babae na sinasabi ko kaya binalewala ko na.


Pauwi na kami, dumating na yung lola ng mga kapatid ko at kami naman ni mama ay uuwi na, nag-usap muna sila kaya bumaba ako sa salas para manood ng TV, pero di ko in-expect ang mangyayari. I was sitting on the couch then may sumisitsit sa kin sa dining area, at nakita ko na naman yung entity na nakatitig at nakangiti sa kin, but this is the worst kasi palapit siya nang palapit sa kin.

Habang sumisigaw ako ng ‘mama’ ay mas lalo pa lumala, para niya akong kinukuha. After non ay nawalan ako ng malay at tinakbo ako sa hospital. After ng incident na yun ay lahat ng pupuntahan ko may nakikita akong entity.

Aya, 2022, Crim, UPHSL

*do not copy/paste this content on any platform

13
guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Anj
Anj
3 months ago

May Bahay din kami sa bundok. Halos ganyan din palagi kong nakikita, may tikbalang, may black lady din na ginagaya mukha ng mama ko. Then junior high ako. Naiwan akong mag-isa sa bahay namin. Tapos may Nakita akong babae, white lady sya walang mukha at nakalutang lang sa hangin, Wala din syang paa. Sabi din ng papa ko baby pa lang daw ako, nung nakatira kami sa antipolo. Palagi na akong minumulto

Blake230
Blake230
3 months ago

Элвис Пресли, безусловно, один из наиболее влиятельных музыкантов в истории. Родившийся в 1935 году, он стал иконой рок-н-ролла благодаря своему харизматичному стилю и неповторимому голосу. Его лучшие песни, такие как “Can’t Help Falling in Love”, “Suspicious Minds” и “Jailhouse Rock”, стали классикой жанра и продолжают восхищать поклонников по всему миру. Пресли также известен своими выдающимися выступлениями и актёрским талантом, что сделало его легендой не только в музыке, но и в кинематографе. Его наследие остается живым и вдохновляет новые поколения артистов. Скачать музыку 2024 года и слушать онлайн бесплатно mp3.

Dana
Dana
Reply to  Blake230
3 months ago

Ano sinasabi mo HAHAHHAHAHA

Dana
Dana
3 months ago

Nakakasura nga dapat umihi na ako.

error: Content is protected!
4
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x