“Pagsisisihan mo rin na ayaw mo mag-anak kasi walang mag-aalaga sa ‘yo pagtanda mo,” sabi ng fam ko sa ‘kin dahil ayaw ko mag-anak…

10 years na kami together ng partner ko. 1 year na kaming kasal. Pero hindi kami magkaanak. Sinabi ko sa kanya few months bago siya mag-propose, ayoko magkaanak. Sabi niya naman he’s okay with it.

So nagpakasal kami. We are living our best lives together. We have our own house. We travel every 2 months. We have 3 dogs na super spoiled and we also spoil our family.


But yung side ko, sinasabihan ako na selfish daw ako. Na pagsisisihan ko rin to kasi walang mag-aalaga sa kin na anak pagtanda ko. Sayang naman daw ang pagpapayaman ko kung wala akong pagpapamanahan.

Like, di ko ma-gets. Kung selfish ako, kanino? Alam kong hindi sa asawa ko kasi he’s okay with it and lalo namang hindi sa sarili ko. Pagsisisihan? It’s my problem na kung pagsisisihan ko, di ba?


At hindi sayang ang pagpapayaman ko. May mga pamangkin ako at kapatid na family rin naman na puwede kong ibigay sa kanila. Hindi sayang yun kasi family ko rin naman sila.

Di ko alam. Siguro kaya gusto n’yo magkaanak lahat para sabay-sabay at sama-sama tayo sa hirap ng buhay. Gusto n’yo lang ata may karamay. Napakahirap kaya magpalaki ng bata.


Happiest, 2015, Med, UST

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

8
8
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x