“Kiniskis ng Tito kong Pastor ‘yung anô niya sa likod ko paglabas niya ng CR…” –Sender

Hi! Matagal na ako nagbabasa sa page na ito. Marami na ako nabasa na stories na relate ako. Kaya siguro it’s time na rin na ishare ko story ko. Hindi basta lang ikuwento, to spread awareness na rin sa ibang tao. Hindi po ako magaling magkuwento pero sana maintindihan n’yo.

Noong mga bata pa kami ng ate ko, palagi kami nagbabakasyon sa bahay ng tita ko (kapatid ng daddy ko). Mahigit isang buwan kami dun, basta kapag baskayon may plano na kami mag-stay dun tapos babalik na lang bago mag-enrollment. Nasanay rin kami na buong family doon nagsisimba, kahit medyo malayo oks lang kasi Pastor ang tito ko at same religion din naman kami.


Tiwala na ang parents namin sa kanila na nandun kami palagi ni ate kasi halos mommy at daddy na rin ang tawag namin sa tito at tita namin, na itinuturing na rin kaming mga anak. Masaya magbakasyon dun kasi may kaya sila, may wifi pa sila noon at family computer kaya nalilibang kami. Kasing tanda ko lang din halos ang bunso nilang anak kaya nagkakasundo kami kahit siya ay lalaki.

Hanggang sa nagdadalaga na kami ni ate, minsan nauuna ako pumunta dun tapos susunod na lang siya. Dahil malapit na kami sa kanila, meron mga kilos na hindi ko na pinapansin o nakagawian na, kagaya ng pagbeso at pagyakap. Pero may mga beses na magkakasalubong kami ng tito ko sa sala tapos yayakapin at i-ki-k*ss sa pisngi kahit na matagal na ako nag-i-stay sa kanila, basta out of nowhere ba. May mga pagkakataon pa nga na kumakain ako tapos bigla ako hahal*kan sa pisngi, magkabila pa kaya nagugulat ako, minsan naiilang na rin.


Nagco-computer yung pinsan ko na anak ni tito tapos nanonood ako habang nagco-computer siya. Lumabas yung tito ko galing CR na nakatap!s lang ng tuwalya tapos bigla niya akong hinal*kan sa pisngi. Tapos nung pabalik niya sa CR ay hinal*kan niya ulit ako sa pisngi. Nahihiya na ako at naiilang nang sobra kasi katabi ko yung anak niya at matanda lang ako dun ng 3 taon.

Nakita nung pinsan ko yung ginawa ng daddy niya tapos sinabi niya na “crush ka siguro ni daddy, lagi ka niya kini-k*ss, e.” Sabi ko naman, “Hindi, a,” pero sa loob loob ko alam kong may mali na. Hanggang sa natapos na maligo ang tito ko tapos nakatap!s pa rin siya ng tuwalya. Lumapit siya sa amin tapos nagulat ako kasi kinikiskis niya yung an0 niya sa likod ko. Yung upuan kasi nila ay bakal tapos may butas na design yung sandalan tapos doon niya pin*sok yung an0 niya tapos pauulit-ulit niya kinikiskis sa likod ko.


Natulala ako nun, habang siya pasimpleng nanonood sa ginagawa ng anak niya, tapos nakah*wak yung kamay niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, alam kong mali pero di ko alam kung paano magre-react dahil bata pa ako nun, around 11 or 12 ata ako nun.

Ilang bakasyon kami hindi nagpunta sa kanila kasi hindi ko na kasama si ate dahil busy na siya sa school. Wala akong kasama at natatak*t ako kapag naaalala ko yung ginawa ng tito ko, na baka ulitin ulit. Hanggang sa 15 years old na siguro ako nun nang pinapunta ako ng tita ko kasi birthday ng tito ko, noong una ayaw kong pumunta gawa nung nangyari pero pinilit at binigyan na ako ng pamasahe ni daddy. Dumating din daw kasi ang mga pinsan ko na nakatira sa ibang bansa, na anak nila kaya kailangan pumunta.


Marunong na ako mag-commute kaya kahit malayo ang biyahe, pumunta ako. Pagdating ko, sinalubong ako agad ng pinsan ko na kasundo ko tapos binati ko na rin yung tito ko. Masaya naman kasi nakita ko nga ang mga pinsan ko na galing ibang bansa at nagkuwentuhan din. Hanggang sa gumabi na, sabi ng tita ko na wag na ako umuwi, bukas na lang tapos ihahatid na lang daw ako ng mga pinsan ko. Inutusan ako ng tita ko na samahan si tito na maghatid ng mga binalot na handa sa mga ka-churchmate nila, na nakatira lang katabi ng church.

Niyaya ko yung ibang pinsan ko na sumama pero sabi ng tito ko wag na raw dahil mabilis lang daw kami. May jeep sila kaya dun ako sumakay sa likod, hindi ako tumabi sa harap kasi may kutob na ako. Nang makarating kami, ibinigay na namin yung binalot na handa ng tita ko, tapos akala ko uuwi na kami kaya ako sumakay sa jeep kaso tinawag ako ng tito at sinabi na may kukunin lang daw kami sa loob ng church kaya sumunod ako.


Madilim na sa loob pero dun sa parteng labas medyo maliwanag dahil sa ilaw ng poste. Uminom siya ng tubig tapos tumingin sa akin. Niyakap niya ako, tapos binulungan na “gusto mo sa loob tayo?” Nagtaasan ang balahibo ko tapos sobrang kabado ako. Nagpumiglas ako sa yakap niya tsaka ako lumabas ng church at sumakay sa pinakadulo sa likod ng jeep. Buong biyahe wala akong imik dahil natatakot ako. Kahit sa pagtulog, pagising gising ako kasi baka puntahan ako ng tito ko sa kwarto.

Nagkuwento ako kay ate noong mga nangyari noong bibili kami ng gamit sa school. Sinabi ko na lahat ng naranasan ko, at mas nakakagulat pa nun, kahit siya ay naranasan niya. Naranasan niya naman sa pinsan namin na anak ng tito ko. Yung isa sa mga anak niya na lalaki, hin*likan si ate sa labi habang tulog kami. Hindi ko lang talaga makalimutan yung mga nangyari kasi, kilala si tito bilang nagbabahagi ng salita ng diyos tapos sa mismong tahanan pa ng diyos siya gagawa ng kasalanan.


Ikinuwento ko yung mga nangyari sa asawa ko (yes, may asawa na po ako), kapag dumadalaw kami sa kanila, sumasama talaga ang asawa ko, at kahit ngayon kampante naman ako kasi alam kong may magpoprotekta sa akin. Oo pamilya ko siya, pero ang mali ay mali. Kami lang dalawa ng ate ko ang nakakaalam at ng asawa ko. Hanggang ngayon wala pa rin kami lakas ng loob na ikuwento sa magulang namin at sa iba.

Sa mga nakakaranas ng ganito, alam kong natatak*t pero mas maganda na lumaban ka o di kaya ay ikuwento mo sa taong makakatulong sa yo. Hindi ko nagawang magsumbong dahil sa tak*t, at hanggang pinagsisihan ko yun. Hanggang ngayon pastor pa rin siya at nagbabahagi ng salita ng diyos. Sana naipagdasal o humingi na siya ng tawad sa diyos sa nagawa niyang mali. Hindi ako magaling mag-advice pero kung nararansan mo ito, magpakatatag ka.


Alydawn, 20**, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

36
1
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x