‘Pag in-a-ask ko partner ko kung bakit ako napili niyang asawahin, palagi niyang sagot “no choice lang ako!” –Sender

Hi, dito ko na lang sasabihin lahat, total po marami naman akong nabasa na “trust your instinct”. Before po kasi may mga kutob na kong kakaiba sa partner ko, buntis na rin ako that time. Dahil nga ayaw ko siya katabi matulog noon dahil nga pinaglilihian ko siya, magkaiba kami ng higaan, matutulog siya alas dose na ng gabi.

Ilang beses na nangyari yun noon, kampante naman ako kasi magkasama na kami sa loob ng iisang bahay pero mali pala, dahil isang gabi non magkatabi kami matulog, akala niya siguro tulog na ko, nakikita kong may ka-chat siya sabi “I can’t sleep”, yun lang nabasa ko nong time na yun, take note po, buntis ako sa magiging anak namin.


Fast forward, nanganak na ko, at ilang buwan pa lang yung anak namin ay nahuli ko siyang may ka-chat na naman sa Discord, hindi taga-Pinas pero sobrang sakit lang kasi bakit niya nagagawa yung mga ganon. Sobrang aga pa non at tulog pa sila pareho ng baby namin, dahil nga parang may instinct ako non na tingnan cellphone niya, ang ginawa ko ay kinuha ko phone niya at unang pinuntahan ko ay yung Discord app sa cellphone niya.

Scroll ako nang scroll hanggang sa makarating ako sa pinakamababang message, may nakita na ko na pangalan ng mga babae, nagse-send ng mga n*d*s sa kanya, nabasa ko lahat ng convo, may mga screenshot ako dati pero hindi ko na mahanap. Taga ibang bansa sila pero iba yung impact niya sa akin, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pagkagising niya non, dahil sa galit ko nasampal ko siya, nagde-deny pang hindi raw siya yung nag-chat pero kitang-kita mo na takot siya, nauutal makipagsalita sa akin.


Magmula non ay akala ko wala na, pero fast forward ulit, heto na nga yung naikuwento ko na iniiwan niya yung singsing kapag pumupunta ng work, hindi ako ma-reply-an agad, pero nare-reply-an niya yung ka-workmate niya. Akala ko normal lang yung ganon kasi nga kasama sa trabaho, pero yung mababasa mo na nagpapasama bumili ng meryenda na silang dalawa lang, tapos yung tawag sa kanya nong babae “bhie”. Doon na talaga ako umiyak kasi dati naman palagi siyang sweet sa amin ng anak niya, may kiss ako kada uwi at papuntang work palaging may I love you.


Ginagawa ko naman yung gawain ng isang asawa, pinaghahanda ko siya ng breakfast tuwing pupunta ng trabaho, kada uuwi minamasahe ko siya. Kapag day-off niya at maglalaba ako, hindi ko siya binibigyan ng gawain kasi rest day niya yun, si baby lang ang libangan niya. Pero biglang nagbago, kahit man lang sana kargahin yung anak namin na 2 years old ayaw niya, baka raw mahulog niya, ang dami niyang rason. Kapag naman matutulog na kami at nag-uumpisa na umiyak yung anak namin dahil nga maaga siya sa work bukas, galit na galit na siya, ang dami na niyang nasasabi sa kin kesyo raw hindi ko alam patahanin yung anak namin, naiistorbo raw yung tulog niya.


Kapag din pala tinatanong ko kung bakit ako yung napili niyang asawahin, palagi niyang sagot “no choice” lang daw siya. Pag tinatanong ko kung maganda ba ako sa tuwing may lakad kaming pupuntahan, sagot niya palagi “Tumigil ka nga, p*ngit ka, period!” ganyan yung mga sinasabi niya sa akin kaya minsan hindi na ako nag-aayos kasi siya mismo nagpababa ng self-confidence ko. Pero kapag pumorma naman ako ng maganda, yung pang-formal na ayos, galit na galit siya kesyo raw magpapaligaw ba raw ako, bakit ganon yung suot ko, at bakit ako nakaayos.

Hindi ko na alam gagawin ko, umiiyak na lang ako tuwing gabi. Yung mga magsasabi po na iwan ko po siya, gustuhin ko man po pero may anak po kami, ayaw ko po na lumaking wala ama yung anak ko. Nagbago naman na po siya noon pero ewan ko lang ngayon, may plano po kaming magpakasal pero parang ngayon ayaw ko nang ituloy kasi alam ko na ako lang yung maghihirap sa sitwasyon namin. Dahil kahit makita niyang umiiyak at nasasaktan na ko, wala pa rin siyang pakialam, wala naman akong pagkukulang sa kanya pero bakit parang hindi na niya ako mahal?


I-ko-confront ko po siya mamayang pag-uwi niya, kapag hindi po umamin baka mas*mpal ko siya. Ayaw niya po palang iwan ko siya kaya kapag sinasabi ko na iiwanan namin siya, ang sabi niya iwan ko raw yung anak namin. Help please kung ano gagawin ko, mahal ko siya pero sobrang sak*t na.

Mrs., 20**, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

3
2
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x