“May tatay rin ba kayong parang si Sâtânâs? Nabubuhay rin ba kayo ng pamilya n’yo sa tak0t at impy€rn0?”

May tatay rin ba kayong parang si Sat@nas? Nabubuhay rin ba kayo ng pamilya n’yo sa tak0t at impy€rn0? Kung murahin kayo araw-araw at gabi-gabing mauyan. Mula noong bata pa ako saksi ako kung gaano kawalangya ang tatay ko.

Siya pa noon ang nagtatrabaho, maliit ang kita niya pero kakarampot lang ang binibigay niya sa nanay ko, yung iba binibili niya lang ng alak at ng pulutan may maiyabang lang sa mga kainuman. Habang kami limitado ang kain namin, puro kami de lata, noodles na maraming tubig para magkasiya sa amin lahat, at tuyo, madalas toyo/bagoong mantika na inuutang pa.


Kada umuuwi ang tatay kong lasing, minamauyan niya ang nanay namin. Pinagbibintangan na iba ang tatay ng bawat isa sa sa min. Halos pat@yin niya sa bûgb0g ang nanay ko sa harap namin ng mga kapatid ko. Walang palya ang maoy niya. Ilang beses na siyang pina-barangay pero wala pa rin pagbabago.

Ngayon, college na ako at nasa abroad ang nanay namin. Pito kaming magkakapatid, yung pangalawa kong kapatid sa kasamahan niya sa simbahan nakikitira. Mula nung nakaalis ang nanay namin, ako na ang pumalit. Ako naman ang minamauyan. Kung anu-anong masasakit na salita ang natatanggap ko. Puno na ako ng tak0t.


Kapag umuuwi siyang lasing, hindi ako natutulog hanggang maghating gabi dahil natatak0t akong baka hindi na kami abutan ng sikat ng araw dahil pin@tay na kami sa gitna ng aming kahimbingan sa tulog. Palagi niya kaming binabantaan na pap@t@yin niya kami, na sûsûnûg!n niya ang bahay kasama kami, gig!l!t@n kami ng l€€g isa-isa, at marami pang iba.

Yung kapatid ng tatay ko na kapitbahay lang namin pati kinakasama niya ang nagsusulsol sa tatay ko. Mula nang nag-abroad nanay ko, siya na lahat ang gumagastos dito sa bahay, yung tatay ko kapag gumagastos dito binibilang at sinusumbat niya pa sa amin.


Yung mga kapatid ng tatay ko, ewan ko ba kung bakit, inggit ba sila dahil nakakabili na kami ng mga bagay na hindi namin nabibili noon. Na hindi na kami nagmamakaawa sa kanila para lang mapahiram ng pambiling bigas. Na nakakabili na kami ng mga masasarap na ulam. Na nakakakain na kami sa mga fast-food restaurant. Kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi nila sa tatay ko para mauyan kami nang mauyan?

Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na kaming peace of mind. Lahat nang pinagkuwentuhan ko ang laging sinasabi “hangga’t hindi kayo sinasaktan hayaan n’yo na lang”, “tatay n’yo pa rin yan”.


Nagsisisi ako na nabuh@y pa kami ng mga kapatid ko, sana hindi na lang kami pinanganak para hindi namin dinadanas lahat ng ito. Mula bata ako puro pasakit na ang nararanasan ko. Halos mam@tay rin ako sa bugb0g ng nanay ko. Naisipan ko nang magpak@m@tay noon dahil hindi ko na k@ya.

Pasensiya na kung magulo, magulo rin kasi isip ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang kaso ang puwede kong isampa sa tatay ko.


Unknown, 2023, BSHM, OMSC

*do not copy/paste this content on any platform

guest
6 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Lai
Lai
7 months ago

Hello, pwede nyo sya sampahan ng case na physical abuse at VAWC. Mag ask po kayo ng help sa social services sa City hall or munisipyo nyo.
They will assist you to file a case. Mag seek din kayo ng help for psychological intervention such as counseling

Last edited 7 months ago by Lai
Trina Gel Adriano
Trina Gel Adriano
7 months ago

Tutal asa ibang bansa naman nanay niyo mas mabuti siguro bumukod na kayo nang bahay wag niyo na hintayin totohanin nang ama niyo ang sinasabi niya

Teacher na bwisit sa Abusado
Teacher na bwisit sa Abusado
7 months ago

GADVAW-C case..ireklamo mo sa womens and childrens desk sa police station …iisahan lang yan..hindi yan barangayable…dami ng nilabag na violation ng tatay mo

Mine
Mine
7 months ago

Hello po! Pwede kapo lumapit kay sir Raffy tulfo para matulungan kapo niyang sampahan ng kaso ang tatay mo

Swan princess
Swan princess
7 months ago

Ipa tulfo nyo po. Wla ba kayong kwarto na pwede mong i lock para makatulog kayo ng mabuti? Ipagdasal mo anh pag babago ng tatay mo, prayers can move mountains. Be strong and keep the faith. God loves you.

Sadie367
Sadie367
7 months ago

The Beatles – легендарная британская рок-группа, сформированная в 1960 году в Ливерпуле. Их музыка стала символом эпохи и оказала огромное влияние на мировую культуру. Среди их лучших песен: “Hey Jude”, “Let It Be”, “Yesterday”, “Come Together”, “Here Comes the Sun”, “A Day in the Life”, “Something”, “Eleanor Rigby” и многие другие. Их творчество отличается мелодичностью, глубиной текстов и экспериментами в звуке, что сделало их одной из самых влиятельных групп в истории музыки. Музыка 2024 года слушать онлайн и скачать бесплатно mp3.

error: Content is protected!
6
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x