“In-ask ko si misis kung nagkikita pa rin sila ng ex-bf niya noong kami na, then umamin siya na nagkita raw sila ng ilang beses at may nangy*ri pa…” –Sender

Di ako magaling magkuwento pero susubukan ko. Ako nga pala si Jon-jon, 32 years old, may asawa at mga anak na. 12 years na kaming kasal ng misis ko. Pero sa totoo lang, di ko siya v*rg*n nakuha.

Fast forward, nung nakaraang araw lang nagtanong ako sa kanya kung bakit sila naghiwalay ng ex-bf niya, sabi niya nag-cheat daw sa kanya kaya iniwan niya. Hanggang sa tinanong ko siya kung nagko-communicate pa ba sila nung nag-break sila. Walang hesitation niya sinabi na “oo, at may nangy*yari pa rin sa min nun”.


Pero sa kin okay lang yun kasi wala pa naman ako sa buhay niya nun. Tinanong ko ulit siya, “Nung naging tayo na ba, nagkikita pa rin kayo?” Di siya kumibo nung una hanggang sa umamin siya na nagkita raw sila ng ilang beses at may nangy*ri.

Di ako nakakilos sa kinauupuan ko at di nakapagsalita nun. Hindi rin ako nagpahalata na galit ako, di ko kasi alam ang sasabihin ko. Sa tagal ng pagsasama namin ngayon ko pa nalaman na nil0k0 ako ng asawa ko.


“Nagawa ko yun nung dalaga pa ko (nung mag-gf/bf pa lang kami), at kahit isang beses hindi kita niloko ngayong mag-asawa na tayo.”

Di ko alam kung anong kahihinatnan ng relasyon namin ngayon sa mga natuklasan ko, at nawalan na rin ako ng gana sa asawa ko. Hihingin ko sana opinion n’yo kung ano dapat ko gawin kasi naguguluhan ako. Mahal ko asawa ko pero parang di ko matanggap na nil0k0 niya ako.


Tinanong ko siya kung may pagsisisi siya sa pagl0l0k0 niya pero di siya sumasagot. Sabi niya pa few months ago, “Kung ‘di mo ko nabuntis dati, hindi kita papakasalan.” Nag-iba na rin siya ng password ng FB niya ngayon.

Di pa kami nag-uusap simula kagabi. Umuwi muna ko sa nanay ko, parang di ko kaya makasama siya. Kahit siya di nagpaparamdam. Parang okay lang sa kanya.


Jonjon, 2011, BS Criminology, UPHS GMA

*do not copy/paste this content on any platform

guest
26 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Sai
Sai
20 days ago

Wtf

nonito
nonito
Reply to  Sai
19 days ago

mahirap yan kung hindi mo pala anak kasi may nangyayari pa pala sakanila nung panahong dalaga’t binata pa kayo

Miss N
Miss N
20 days ago

It’s up to you sender. Kung di ka nag tanong, di sasama loob mo. Pero parang halata namang walang pagmamahal sayo yang asawa mo eh.. eheheheh.. hope you’ll enlightened soonest. Nasa iyo ang desisyon. Kung magagalit ka dahil sa nakalipas na o ipagpapatuloy mo yung ngayon o kinabukasan kahit nasasaktan ka… Think of your children.

Secret
Secret
20 days ago

Atleast naging honest sya at di na nya inulit nung nag sasama at kasal na kayo, bat mo pa kase tinanong ang tagal na nun e hahahaha, pero kong ako say osender be thankfull na jmamin sya and never naman na nya ginawa or inulit yes masakit . Kesaa naman diba buong buhay ng pag sasama nyo ay my lihim sya sayo. Nasasayo nalang uan sender kong iaccept mo un sinabi nya pero kong wala naman kayo issue ni wife better na kalinutan nalang un. D naman maujngkat yan kong di mo tinanong e imbis kase tahimik un isip mo ayan tuloj nag karon ka ng iniisip

jiji
jiji
Reply to  Secret
20 days ago

parang kasalanan pa ni sender yan ah

putajahah
putajahah
Reply to  Secret
20 days ago

so? ano gagawin niya? makinig sayo?hahahah

Maemae
Maemae
Reply to  Secret
19 days ago

Eh bat nagpalit na ng password yung asawa niya? Hahaha patawa ka

Rrrrr
Rrrrr
Reply to  Secret
19 days ago

Bubu ka pala!

tako
tako
Reply to  Secret
17 days ago

Tanga ka pala eh

Angel
Angel
Reply to  Secret
17 days ago

Wala namang masama kung magtanong. Ang masama don kung kailan tinanong ang asawa niya ay don pa sinabi ang katotohanan. Basahin mo ulit para maliwanagan ka. Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya tapos sabihan ka ng asawa mo na ‘kung hindi mo pa ako nabuntis hindi kita papakasalan’ at aminin sayo na nagloko siya nong mag gf/bf pa kayo. Once a cheater is always a cheater. Hindi mo pa kasi naranasan ang naranasan ni sender kaya better na manahimik ka na lang kung wala kang maayos na sasabihin. Tinolerate mo pa ang asawa niya. Tama lang ang naramdaman ng sender. Hindi mo alam ang feeling ng niloloko.

hfhfhf
hfhfhf
Reply to  Secret
16 days ago

di kaba makaintindi? kita mong parang okay din sa asawa niya na di sila nag uusap, malay mo nagchecheat pa rin, saka parang kasalanan ni sender na nagtanong siya? e first of all, tinanong niya rin nong “sila na”, magreact ka jan nang ganiyan kung ang sabi ni sender ay galit siya kahit noong “di pa sila”

Teacher na sura sa cheater 😊
Teacher na sura sa cheater 😊
20 days ago

“kung di mo ko nabuntis” me something eh..di nga talaga.. Basta..Malaki knna sender at andami nang samut saring opinion..at the end of the day ikaw pa din Yong magddsisyon…kung ikaw Yong tipo Ng guy na importante sayo Yong magiging future Ng family mo…think it over…

Mil
Mil
19 days ago

Ano yan napilitan?? Pero sender sa tagal niyong nagsasama maghihiwlay paba kayo?? Pero it’s up to you mag decide

khalid
khalid
19 days ago

kung ako nasa posesyon mo hindi na. tama na. bakit pa ipaglalaban. sa sinasabi nya palang sayo parang hindi ka nya mahal. ok lang sana kung may pakialam pa sya sayo. at bumabawi eh sa lagay mong yan parang kahit wala ka ok lang. di mo na iisip( baka kumimbot nanaman sya kasi wala ka) nakaka trauma kasi ung ganon

Choco
Choco
19 days ago

Whatever your decision, be wise about it na lang.

Fishvol
Fishvol
19 days ago

Crim to crim, syempre isipin mo muna anak nyo, sila dapat iniisip mo hindi asawa mo, hirap nyan buddy niloko kana nya nang gaslight pa, base sa confess mo parang till now niloloko kapadin nya. Tara shot haha

Maemae
Maemae
19 days ago

Nagtanong lang nman si sender pero nagpalit na agad ng password yung asawa niya

Maemae
Maemae
19 days ago

Maghanda handa kana sender mukhang may iba ng ginagawa yung asawa mo. Kung hindi kapa nagtanong hindi mo pa malalaman yung totoo tapos ngayon nagpalit na pala ng password yung asawa mo? May nililihim nayan sender! Kung hindi kapa nagtanong hindi ka magigising sa katotohanan. Mukhang hindi kayo aabot ng valentines sender. At least ngayon alam mo ng hindi ka talaga mahal ng Asawa mo!!

Maemae
Maemae
Reply to  Maemae
19 days ago

Gasem that, nagcheat yung asawa mo nung gf bf palang kayo tapos kung ikwento niya sayo parang normal lang dahil mag gf bf palang nman kayo non? Ay Ewan mukhang sa hiwalayan hahantungan ng kasal niyo. Paki tanong nga din sa Asawa mo kung Ikaw ba talaga ang ama nung anak niyo?

angel
angel
19 days ago

don sa nag palit sua ng paasword pde rin nman nag palit sya kse may kausap syang friend nya na pinag kwntuhan nya aboit sa nangyre sa inyo kagbe. Baka nanghihingi sya ng opinion na ayaw nyang mabasa mo. ksi baka isipin mo na pinag kakalat nya ang kwnto nyo. wag ka agad maniwala sa snsbe nla na kabahan ka na. Lahat ng bhay dpat pinag uusapan ng mag asawa. Hndi pdeng haka haka lng ang pinapairal.

Swan princess
Swan princess
18 days ago

Communication is the key. Mag usap kayonh mabuti itanonh mo lahat ng bumabagabag sayo. Tanungin mo kung mahal ka niya talaga, mararamdaman mo nmn yon. Hingi ka ng guidance kay Lord. Nakaraan na iyon ang importante ang ngayon.

syakNidaDim
syakNidaDim
18 days ago

hiwalayan mo na yan for sure may iba na yan. na gawa na nya ng minsan hindi imposibleng ulitin nya ulit gawin sayo. save your self

Abu
Abu
18 days ago

Baka nagdidintay lang siyang hiwalayan mo siya…

xiexie
xiexie
18 days ago

Communication is the key. Mag-usap pa kayo. Mag-usap pa kayo hanggang lahat ng nakatagong sikreto ay maubos na. Di ba sa pag-aasawa may ups and downs, ano yun pay downs na maghihiwalay na agad? Kung hindi naman maaapektuhan yung future, why not ayusin nyo ulit. Pero if sa past na yun is grabe yung naganap, edi think over and over

Anna
Anna
17 days ago

I think it’s best to talk it out again with her. Tell her you’re hurt, tell her your sentiments. Mag-asawa na kayo, may anak pa. Pamilya kayo. I know the news might bruised you, and might even ruin the trust you have built for years for her pero kasi mas maigi na yung mapag-usapan n’yo ulit para sa huli kahit hindi mag-work walang pagsisisi mong sasabihin na sinubukan n’yong maayos pa if ever. So, just communicate. That’s all.

AinzOalGown
AinzOalGown
15 days ago

Hiwalayan Mona. Alam mo Yan sa Sarili mo, at Alam Kong Yan Ang idinidikta ng isip mo at puso mo, wag ka magpapaniwala sa mga nagcocomment dito, paniwalaan mo Yung alam mong makakabuti Sayo, Kung Hindi, habang buhay mo yang pagsisihan dahil lagi nalang Yan maglalaro sa isip mo, may anak kayo diba? Suportahan mo padin anak mo, sustentuhan mo, bigyan mo ng Oras, pero Asawa mo? Hiwalayan Mona.

error: Content is protected!
26
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x