“May naging partner ako for 5 years, pero nag-break kami dahil nabuntis niya ang kab*t niya at pananagutan niya raw ‘yon…”

Hello. Manghihingi lang po sana ako ng advice sa inyo. May naging boyfriend ako for 5 years, pero naghiwalay kami last month dahil nakabuntis siya. 3 months nang buntis ang kâb!t niya.

Siya rin ang nakipaghiwalay sa akin dahil pananagutan niya raw yung mag-ina niya. Noong una sobrang sakit sa akin at halos hindi ko talaga matanggap, pero ngayon medyo nakakakilos na ako nang hindi umiiyak.


Last weekend pumunta ako sa bahay nila para kunin sana yung mga gamit ko doon na naiwan. May mga importante rin kasi talaga akong gamit sa kwarto.

Nag-chat ako sa kanya na pupunta ako pero hindi siya nagsi-seen o nagre-reply. Iniisip ko na lang na baka wala siya at puwede pa rin naman akong pumasok kapag andun yung pamilya niya. Mas okay nga sa akin yun kapag wala siya.


Laking gulat ko pagdating ko doon ay andoon yung babae niya at andoon siya. Hindi ko naman inaasahan na andun sila. Naiiyak ako pero nahihiya naman ako sa pamilya niya. Nagmano ako kina tita at tito tapos yumakap sa mga kapatid niya.

Kilala ako sa kanila, kahit awkward yung sitwasyon ay tinanggap at pinapasok pa rin ako ng pamilya niya. Sinabi kong kukunin ko lang yung gamit ko, pero etong si ate mo girl, e nag-eskandalo.

Sinundan niya ako sa kwarto at doon sinigaw-sigawan. Gusto kong pumatol kaso nga buntis siya. Inawat din siya ng ex ko pero nagwawala siya. Hindi ko nakuha lahat ng gamit ko, yung importante lang yung sinigurado ko. Umuwi na ako kasi nahihiya na rin ako sa kanila.

Ngayon po, china-chat ako ng babae at nung ex-boyfriend ko dahil kakasuhan daw nila ako dahil nal@glag daw yung anak nila dahil sa akin. Wala naman po akong ginawa pero ang sabi ng babae sa parents nung ex ko ay sin@ktan ko raw siya.


Tatlo lang kami sa kwarto nun, at for sure kinampihan ng ex ko yung bago niya kasi sasampahan nga raw ako ng kaso. Pinagbabayad din ako ng nagastos nila sa hospital.

Ano po kaya ang gagawin ko? Wala naman pong ibang nakakita sa nangyari kaya ako ang sinisisi. Ayoko rin sanang mapagastos pa kasi nawalan din po ako ng trabaho dahil last month hindi na ako pumasok gawa nga ng nalugmok ako sa ginawa nila.


Ave, 2023, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

9
1
guest
16 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Djskd
Djskd
3 months ago

Seek professional advice kung talagang kakasuhan ka nila. Kasi hindi parin biro yan, may namatay eh.

Djskd
Djskd
Reply to  Djskd
3 months ago

Pero sa totoo lang, Kasalanan naman yan ng ex mo at ng babae nya. Alam naman nyang buntis siya, di nya inalagaan sarili nya. Pumasok siya sa ganyang sitwasyon. In the end, hindi mo fault yan.

Ali
Ali
3 months ago

Wag ka po papayag sender lumaban ka po kagigil yang kabit na yan sya pa matapang kabit naman yuck

Ice
Ice
3 months ago

Lumapit po kayo sa abugado sila po makaka tulong sa inyo sender at di mo kasalanan mag laglag yung baby niya dahil siya tong sumunod sayo at nag sisigaw

cinnamonrolls
cinnamonrolls
3 months ago

Dapat sinaktan mo nalang ante hahahahahaha drama nila sa buhay

Maemae
Maemae
3 months ago

Pang karma nga nman ang bumawe. Anak nila ang sumalo sa karma ng kabit at ex niya. Sabihin mo yan sender! Tutal wala nman Silang nagawang Tama!

Aya
Aya
3 months ago

Wla nmn cla evidence na sinaktan mo imbis pambayad mo sakanila mag paadvice ka sa atty paninira kc ginagawa nila and baka namura ka sa txt pwd mo ilaban un..ikaw nanga agrabyado cla pa matapang..lumaban ka teh pra dika magsisi pagtanda mo

Nana
Nana
3 months ago

Sender hwag kang magpasindak sa threat ng ex mo at nung b magdalawang isip na mag seek ng advice sa abogado

Teacher na bwisit sa abusado
Teacher na bwisit sa abusado
3 months ago

anlaki nman ng laban mo gurl..dalawa versus isa..andun yonh bf mo umaawat pa..imposibleng nagkkasakitan n kayo d pa sya umawat… bakit sayo ippasagot at ibbintang yong pagkalaglag ng anak nila?? karma nila yon..

Nana
Nana
3 months ago

Sender hwag kang magpapasindak sa threat ng ex mo at ng bago nya, instead ang gawin mo ay mag seek ka kaagad ng advice sa attorney since may pagbabanta sila na ide demand ka at hina harassed kna tulad ng panggugulo sayo to the point na naaapektuhan kna. Sender hwag kang mag alala, ikaw ang na aagrabyado at nasa tama ka. Please keep it note this sender
, ‘after rain there’s a rainbow, and after an end there’s a new beginning.’ ;⁠)

Lantitay
Lantitay
3 months ago

Wag kang papayag ante. Sila na nga tong sumira sayo e, emotionally, sila ang may kasalanan sayo. Di ka dapat sisihin, lalo yang ex mong walang bayag. Sya tong susugot sugod alam na buntis sya.

Wow
Wow
3 months ago

Pumunta ka sa malapit na PAO office at mag hingi ka don ng legal advice. Kung mag drama siya problema niya na yan. Ikaw panga dapat kumaso sa kanila. Problema na nila yan kung nakunan. Karma is a bitch!
Huwag kang magbigay ng kahit na sintemong pera sa kanila.

Si ate mo girl
Si ate mo girl
3 months ago

Nakakabosit den yung ganyan e kuhang kuha ng kabit inis ko baka kase karma na nila nyan sa pag gagago sayo sender goods lang nyan kung alam mo wala ka namang ginagawang mali at lalo na nasa katwiran ka wala ka dapat ikabahala ikatakot tsaka first of all sender dika dapat magpasindak sa mga nyan lalo na x mo kuno ikaw nasaktan emotionally ikaw din naagrabyado sa inyong tatlo tapos ikaw kakasuhan daming alam ng kabit di nalang manahimik ampota desurb nya nyan sender karma nya nyan sa pang gagago sayo kaya wala ikahingi ng pasensya sa dalawa nayan.

Palku
Palku
3 months ago

Tina takot ka lang nyan sender gusto ka pag kak perahan ng mga Yan

Gyg
Gyg
3 months ago

Kipay na makati at T!T!ng libog and title niyo.
#deserve ng kabit

Brett2791
Brett2791
3 months ago

Мадонна, икона поп-музыки и культурного влияния, продолжает вдохновлять и поражать своей музыкой и стилем. Её карьера олицетворяет смелость, инновации и постоянное стремление к самовыражению. Среди её лучших песен можно выделить “Like a Prayer”, “Vogue”, “Material Girl”, “Into the Groove” и “Hung Up”. Эти треки не только доминировали на музыкальных чартах, но и оставили неизгладимый след в культурной и исторической панораме музыки. Мадонна не только певица, но и икона стиля, актриса и предприниматель, чье влияние простирается далеко за рамки музыкальной индустрии. Скачать mp3 музыку 2024 года и слушать онлайн бесплатно.

error: Content is protected!
16
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x