“Kapag may nalaman ako, hindi ako mag-dadalawang isip na pat*y*n ka!” sabi ng tatay ko sa ‘kin noong napansin niyang soft ako gumalaw…

Lalaki ako pero hindi purong-puro, nagkakagusto ako sa lalaki at sa babae, na kung tawagin sa panahon ngayon ay bis€xual. Yung ganitong kasarian na meron ako, never ever matatanggap sa religion ko dahil isa akong Muslim.

So ito nanga, I have a boyfriend po and 8 months na kami, 8 months ko rin tinago sa papa ko dahil alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag nalaman niya. Religious siya kaya ayaw niya sa ganun.

Mahal na mahal ko yung boyfriend ko, sobra, hindi ko maintindihan sarili ko kasi alam kong bawal. Pero, bakit ba bawal, e nagmamahal lang naman ako?


Hindi ako makaangal because that’s the rule, and it’s a sin for my religion, then lately dumating si papa ng bahay tapos sinabi niya yung about sa napapansin niya sa kin, sabi niya sa kin,

“Kapag may nalaman ako, hindi ako mag-dadalawang isip na pat*y*n ka!” then ayon, naiyak na lang ako tapos bigla pa niyang sinabi na, “Kahit makul0ng ako wala akong pakelam, map*t*y lang kita!”

I can’t understand, bakit yung relationship na meron ako bawal, pero yung pagp*t*y sa sariling anak, puwede?


Hindi ko mapaliwanag sa kanya yung side ko kasi hindi siya makikinig sa kin at yung opinyon niya lang yung iniintindi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko once na malaman ni papa kung ano ba talaga ako.

Bi, 2023, GAS, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Binibini
Binibini
1 year ago

Pasensya na at napakahirap ng sitwasyon na iyong kinakaharap. Ito ay lubos na mahirap kapag ang iyong personal na damdamin ay nag-aalma sa iyong mga relihiyosong paniniwala o sa mga inaasahan ng iyong pamilya. Mahalaga na tandaan na bawat paglalakbay ng tao ay natatangi, at walang iisang solusyon na angkop sa lahat. Maaring gusto mong humingi ng suporta mula sa isang tiwalaing kaibigan o kawani ng counseling na makakatulong sa iyo na mag-navigate sa mga komplikadong emosyon na ito at maari ding makatulong sa iyo na makipag-usap sa iyong ama tungkol sa iyong mga nararamdaman sa isang ligtas at may respeto na paraan.

anon
anon
1 year ago

halos ganyan din ang ugali ng tatay ko, muslim din. oo, nasa tao yon at wala sa relihiyon, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, dahil malaki ang influence ng religion sa buhay ng isang tao, lalo na kung sobrang relihiyoso (na umaabot sa point na very unhealthy na). I believe, ganon yung sa case ng tatay mo (at ng tatay ko). ganyan mindset nila dahil makitid ang pang-unawa nila.

yes, pwedeng nasasabi lang niya yan, pero mas malaki yung possibility na magagawa nga niya yan. not all the time applicable yung ‘walang magulang ang kayang saktan (tiisin) ang anak’. yung mga taong katulad ng tatay mo, sorry sa word, pero putangina nila. hindi mo deserve ng ganyang klaseng ama. at mas lalong hindi nila deserve ang pagkakaroon ng anak.

wala akong mabibigay na advice, other than i-cut off yang tatay mo. pero I think hindi mo yun magagawa (or at least for now), since student ka pa ata at under ng pangangalaga ng magulang mo. pero sana, someday, magkaroon ka na ng kakayahan para ipaglaban yung sarili mo. para sakin, malabo ang pagbabago sa ganyang klaseng tao.

Tine
Tine
1 year ago

Same🥺🥺 a big hugs to us senderr

Namo
Namo
1 year ago

Lipat ka ng relihiyon, ipat ka din nf bahay

Christine
Christine
1 year ago

Lumayas ka na sa inyo sender 18 years old kana. Kakayanin mo. Kakayanin mo mag isa. Hindi mo sila kailangan. Mahalin mo buhay mo. Habang nabubuhay ka. Isang beses ka lang mabuhay. Kaya sulitin mo. Lumayas kana kung legal age ka. Kahit saan ka magpunta may mahahanap kang trabaho

Luther
Luther
1 year ago

Alis kana jan sa inyo. 🥺

Anonymous
Anonymous
11 months ago

Hindi yan opinion lang ng tatay mo, na sa Qur’an talaga na bawal makipag relasyon ang parihong kasarian, at hindi yan nasa tao lang dahil ang magulang especially ang Padre de pamilya o ang lalaki sa pamilya ang mapaparusahan sa paghuhukom oras na di pinag bawalan ang anak especially sa mga babae sa kanilang maling gawain. Tawfiqan ka sana ng Allah SWA.

Dana
Dana
7 months ago

Lumayas kana lang sa inyo kong pipiliin mo ang relasyon. Kong pipiliin mo.naman ang relihiyon at papa mo, iwan mo bf mo.

error: Content is protected!
8
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x