Hi Readers! Ako po yung bff nung sender ng “BFF KONG MADRE”. Eto na ang PART 3. Gusto ko lang i-share sa inyo yung love story ng bff ko at ng jowa niya na itago na lang natin sa pangalan na Tan. Year 2022, nagkakilala sila sa isang dating app. Since magkalapit lang sila ng lugar, napagdesisyunan nila na magkita. First meetup nila ay sinama ako ng bff ko, halos 1 month din ako na naging third-wheel sa kanila. Haha.
Di pa ganon kakomportable yung bff ko na sumama kay Tan nang siya lang mag-isa. Hanggang sa dumating din yung time na lumalabas na sila nang sila lang dalawa at di na ako kasama. June 4 birthday ni Tan, nag-swimming kami nun malapit lang din dito sa min kasama yung isa pa namin na kaibigan. Yun yung araw na sinagot ng bff ko si Tan, saksi ako kung gaano kasaya si Tan nun.
Sobrang green flag ni Tan at masasabi ko na swerte yung bff ko sa kanya pero mas swerte naman siya sa bff ko. Haha. Gold yun, e. Legal sila both sides at masasabi ko talaga na kasal na lang yung kulang. Pero last month, isang nakakawindang na balita yung binalita sa kin ng bff ko. Feb 11, 2024 nasa work ako nun nang nag-chat yung bff ko, inatake raw sa puso si Tan at nasa ospital. Kritikal daw yung lagay.
Nung una di ako naniniwala kasi akala ko prank lang, hanggang sa nag-video call kami at dun ko nakita na totoo nga nasa ospital si Tan at malala yung lagay. Tinanong ko sa bff ko kung ano ba nangyari, ang sabi niya dapat daw may lakad sila nung araw na yun ng 3 pm, 1:30 pm magka-chat pa sila, 4 pm na wala pa rin si Tan, e si Tan never yan na-late pag may lakad sila kaya nagtaka siya bakit wala pa at wala rin reply sa mga chat niya.
5 pm nag-chat yung nanay ni Tan na nasa ospital daw sila at nakita si Tan sa CR na wala nang malay, tinapat na sila ng doctor na 50/50 na raw at may posibilidad na comatose si Tan. Feb 12 ng madaling araw, kinuha na ni Lord si Tan (nasa dulo ang attached pic na nasa coffin, syempre tinakpan ko face), nung mga panahon na yun, e di pa nagsi-sink in sa min na wala na si Tan. Na sa isang iglap, e nawalan din ako ng best friend. Masasabi ko na naging best friend ko rin si Tan kasi nasasabi ko rin sa kanya lahat at panatag ako pag siya yung kasama ng bff ko. Sayang lang at maaga siya kinuha ni Lord.
Ngayon ay nagwo-work yung bff ko kung saan nagwowork si Tan bago siya mawala, sayang lang kasi kaya siya nag-apply dun, e para magkasama sila dun at makapag-ipon na para sa future. Grabe lang no, di mo talaga masasabi kung ano yung mga susunod na mangyayari, kaya dapat hanggang nabubuhay tayo, e i-enjoy natin ang buhay at gawin yung mga bagay na makakapagpasaya sa tin, kasi baka dumating yung time na di mo na magawa yun dahil naubusan ka na ng oras.
To my bff, dito lang ako always, dalangin ko na makatagpo ka ulit ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Ako na lang yung magpapakatandang dalaga, wag ka na gumaya. Haha.
Cassandra. 2015, NU
*do not screenshot or copy/paste this content on any platform