“‘Wag mo kuhain ang baby ko,” sabi ko sa batang nakita ko na nasa 6-7 years old, maîtîm, mabalahibo na parang puro grasa ang katawan na nakahawak sa tiyan ko habang mag-isa ako sa hospital room…

Naikuwento ko na ito noon sa isang page, hindi ko lang matandaan kung sa FEUSF or somewhere else.

I was 5 months pregnant that time, first time ko rin magpa-ultra sound that time pero it became my first ever nightmare. Walang heartbeat ang baby sa tiyan ko, nagulat ako kasi active siya night before ako magpa-ultrasound. Kasama ko ang best friend ko nung nagpa-ultra ako.


After sabihin na walang heartbeat, di ko alam kung iiyak ako or what. Sinabi ko agad sa asawa ko na walang heartbeat, nasa work pa kasi siya that time. Naghanap kami ng mga ospital na nagra-raspa, immediate raspa kasi nung nagpa-second opinion ako, sabi ng doctor need ng alisin ASAP kasi puwede na ako malas0n.

Nakarating na kami ng Jose Rodriguez sa may Tala. Nagpa-admit ako, may ilang araw din akong nag-labor para mailabas siya ng normal kahit wala na siyang buhay. Paglabas niya, ang gwapong bata sana, maputi, mahahaba ang biyas, pero lubog na ang tiyan at itim na ang ulo niya. Sabi ng doctor baka raw meron sa min may sakit sa puso na na-inherit.


Nilipat ako sa room ko, that night walang magbabantay sa kin kasi iuuwi ang baby para mailibing, I was expecting na may makakasama ako sa room kasi ang laki dun, 6 beds sa isang room tapos ako lang nag-occupy. Hindi naman ako matatakutin pero doon nagsimula ang kinatatakutan ko. After mag-rounds ng nurse sabi niya, “Ma’am, puwede mo i-lock ang pinto kasi umaga pa naman ulit iikot, wala ka pala bantay.” Sabi ko, “Sige po, isasarado ko na lang.”

Talaga naman ni-lock ko ang pwesto ng higaan ko malapit sa pinto, then the rest ng mga hospital bed ay pa-bintana na. After ko magbasa nung devotional book ay natulog na ko. Siguro madaling araw na iyon, para akong nananaginip pero parang totoo, may batang mga nasa edad na 6-7 years old, maîtîm, mabalahibo na parang puro grasa ang katawan na nakahawak sa tiyan ko.


Iyak daw ako nang iyak, sabi ko wag niyang kuhain ang baby ko, tapos nagising ako bigla na umiiyak din talaga at nakahawak ako sa tiyan ko. Naalala ko na wala na pala ang baby ko.

Hindi ko alam kung may koneksyon siya sa pagkawala ng baby ko, kaya after ko makalabas sa ospital ay nagsisindi ako ng kandila gabi-gabi, kapag tulog na ang lahat nagpe-pray ako para humingi ng tawad sa Lord dahil hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko para di niya masilayan ang mundo.


J*, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

Subscribe
Notify of
guest
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Gracious
Gracious
10 months ago

You are a victim of demonic oppression siya naglaglag ng baby mo he steal your baby blessing. Weak seguro spiritual mo kaya ikaw pinunterya.

Lucy1354
Lucy1354
10 months ago

The Beatles – легендарная британская рок-группа, сформированная в 1960 году в Ливерпуле. Их музыка стала символом эпохи и оказала огромное влияние на мировую культуру. Среди их лучших песен: “Hey Jude”, “Let It Be”, “Yesterday”, “Come Together”, “Here Comes the Sun”, “A Day in the Life”, “Something”, “Eleanor Rigby” и многие другие. Их творчество отличается мелодичностью, глубиной текстов и экспериментами в звуке, что сделало их одной из самых влиятельных групп в истории музыки. Музыка 2024 года слушать онлайн и скачать бесплатно mp3.

error: Content is protected!
2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x