“Buti hindi kita pinakasalan!” sabi ng partner ko sa ‘kin noong nag-away kami… –Sender

Hi, gusto ko lang mag-share ng hinanakit ko sa buhay. We’ve been living in 1 roof for almost 7 years, meron kaming isang anak.

Nung time na nasa probinsiya ako tapos siya nasa Manila, hindi naming nagawang mangaliwa, loyal kumbaga, kaso iba pagdating sa away mag-asawa, nagsisigawan, nakakapagbitiw ng masasakit na salita.


Pero, alam n’yo yung pinakamasakit na salitang binitawan niya? Yun ang sabihan niya akong “Buti hindi kita pinakasalan!”

Pero bakit ganun, niisang patak ng luha hindi dumaloy sa mata ko? Dahil ba sa manhid at sanay na akong napagsasabihan ng ganun? Though nasasaktan ako, hindi nga lang ako makaiyak.


Bakit di ko siya magawang iwanan? Dahil ba takot ako maging bahagi ang anak ko ng broken family, o dahil labis ko lang siyang minamahal?

To you Da, God’s knows how I tried to be a greatest wife and mama in the whole, but the whole world is really so unfair, napunta ako sa taong ayaw akong intindihin at ayaw akong unawain. Sana maisip mo ang laki ng sakripisyo ko bilang asawa at ina, kaso sa isang pagkakamali, lahat yun minasama mo.


Ms. G, 2015, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
10 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
atemongbroken
atemongbroken
7 months ago

i feel you sender for almost 11years never pumasok sa isipan ng partner ko amg salitang kasal. Good Father sa mga anak namin pero once na nag aaway kami kahit siya ang mali puro reason niya sana maghiwalay na tayo

Dana
Dana
7 months ago

Spoke it to him. Tell him sender what you feel!

Sheena
Sheena
Reply to  Dana
7 months ago

Mahirap makipag usap pag ganyan mindset ng lalaki. Ganun ung ginawa ko sa partner ko. Sinabihan lang akong nagdadrama

fffff
fffff
Reply to  Sheena
7 months ago

Dati ganyan partner ko madrama daw ako tas pag open ko sa accont nya habang tulog sandamakmak ang mga hinaharot juskoww

Joann
Joann
7 months ago

Same situation. 6 years na kami bukas valentines day. Sama ng loob lagi naaalala ko tuwing darating ang araw ng mga puso imbes na mag celebrate kami ng anniversary.

Last edited 7 months ago by Joann
just__
just__
7 months ago

To sender, buti rin at hindi mo siya pinakasalan. Mahirap magkaroon ng ganyang partner lalo na at hindi mo na lang din iisipin ang buhay mo or kalagayan mo, kundi yung anak niyo na lang. Be strong para sa family niyo, darating ang time and sarili mo na rin ang makakapagsabi kung deserve mo pa ba iyan or hindi.

Swan princess
Swan princess
7 months ago

To you sender, naiintindihan ko na gusto mo buo ang pamilya, pero hindi ba mas masama ang lumaki ang bata na nkikita nya kung paano kayo mag aaway at marinig ang mga masasakit na salita? Lalaki ang bata na mamumulat sa ganyan na parang walang respeto sa isat isa. Mas makabubuti sa bata na lumaki siya sa isang harmonious relationship. Kung wala ng respeto sa pagsasama mas mabuting humiwalay na para ikabubuti ninyo at peace of mind. Ipagdarasal ko ang inyong pinagdadaanan kung maaayos nya sa mas buting usapan mas mabuti.

Teacher na bwisit sa Abusado
Teacher na bwisit sa Abusado
7 months ago

Have a space…baka sskaling makita nya yong worth mo…

Sheena
Sheena
7 months ago

Sender I feel you. Recently ganyan din sinabi saken ng partner ko. Should I say Ex. Tiniis ko ilang taon. Nangarap akong makasal sa kanya. Umiyak ako. Iyak ako ng iyak. Sana mabasa mo ito. Basahin mo ung Bible PSALM Chapter 1 hanggang Chapter 5
Pero mas maganda Tagalog Version ng Ang Biblia.
Ito ung nagpatibay saken para umalis sa ganyang set up. Mali naman talaga kasi ang set up na Live In tapos hindi kasal nakikipagtalik. PAKIKIAPID yun at hindi tama yon sa paningin ng Diyos, kinasusuklaman niya yon. Yun ung narealize ko. Alam ko nagmahal ka naiintindihan kita. Pero nasa maling paraan, sinunod mo ung kagustuhan ng partner mo na nagbabago at nagiging makasarili pag nagkakaroon ng problema. Sapat na ung kabutihan mo na binigay ung pangangailan niyang pakikipagtalik ng hindi kasal, hindi matutumabasan yon, doon palang. Sender sinasabi ko sayo pag pinili mong sundin ung utos ng Diyos at kung ano tama sa paningin niya kahit kapalit non ay ang pag iwan mo sa partner mo dahil ayaw ka niyang pakasalan, hindi ka papabayaan ng Diyos. Papagtagumpayin niya lahat para sayo.
Basahin mo ung Psalm 1:3. Inaalis ka sa sitwasyon na ganyan para maging malinis ka. Alam mo ba, ung mama ko pinagsasalitaan ng papa kong babaero ng masasakit tapos sobrang liit pa namin. Umalis si mama, dumadalo siya palagi para mag aral ng bible. Gumaan ang buhay nila ng kapatid ko. Hindi sila nagkukulang kahit mahirap lang sila.

Ako kasi napariwara ako nagkaroon ako ng boyfriend na walang takot sa Diyos, katulad mo nakipagtalik ako ng hindi kasal, binigay ko lahat ng hingi ng laman niya at umasa na dadalhin ako sa altar, pero wala iniwan ako plus nawalan ako ng baby, mabigat sobra dahil parang masaya siya na nakikitang naghihirap ako. Pinagpapasa Diyos ko lahat, ngayon kahit nag momoveon padin ako medyo gumagaan. WALANG LUBAY NA PANALANGIN ung sikreto. Nabasa ko lang yang teksto kagahapon gusto kong i share kasi. Masakit kasi sobrang sakit, unfair maging babae. Pero basta nagsisisi tayo sa mga kasalanan at pagkakamali natin ng buong puso. At ginawa natin lahat para mahalin. Sapat na. Itigil na

Rizinabox
Rizinabox
7 months ago

Same Mi, turning 7yrs na din kami this year and ayaw pa talaga ng partner ko magpakasal.
Sabi ko nga bago kami mag 10yrs na di pa rin kasal, maghihiwalay na kami.
I mean you know, kung mahal ako, bakit hindi niya ko gusto maging ka-apelyido? I kept on ranting na yung dalwang anak namin at siya ay same ng apelyido, ako lang naiiba.
Parang hindi niya kayang panindigan sa batas o sa Diyos yung relasyon at pamilyang binuo namin. At masakit isipin din na after all the cheating na ginawa niya, nagka-patawaran kami, pero ako pa din mas may gustong ikasal.

error: Content is protected!
10
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x