“Sinisingil ng kab!t ang partner ko kasi siya raw nagbayad ng pinang-Sôgô nila…” –Sender

I met a guy na 4 years ang age gap namin, I’m a single mom with 2 kids, habang siya is binata. Mag-1 year pa lang ay nag-live-in na kami. At first okay na okay yung relationship naming dalawa, super sipag niya sa mga household chores, sobrang bait, sobrang maalaga. Ginawa niya kong isang prinsesa na di nagawa ng daddy ng mga kids ko nung nagsasama kami. Maraming nagsasabi na sobrang swerte ko sa kanya kasi tanggap niya ko at hindi lang siya pati family niya.

Fast forward, I decided na umuwi sa min para mag-work (sa kanila kami nakatira that time), hindi kasi sapat yung income niya para sa min and ayoko rin naman maging pabigat masyado sa kanya kasi I have 2 kids na need ko rin buhayin, ayokong iasa lahat sa kanya. Nag-usap kami nang masinsinan about dun, ayaw niya pumayag, di raw siya sanay na malayo sa kin. Pero I insist na para sa min naman yung gagawin ko.


Nung makauwi na ko sa min ay naghanap agad ako ng work, nakakuha naman ako at nakapag-start agad. Sobrang okay kami. Lagi kaming magka-chat, video call non-stop, halos walang oras na hindi. Kahit sa pagtulog magka-videocall. Then nag-birthday siya, umuwi ako sa kanila together with my kids para i-celebrate yung birthday niya. Nung nakainom na siya, ang dami niyang sinasabi na kesyo mahal na mahal niya ko, kesyo umuwi na raw ako with matching iyak pa yan. Sobrang na-touch ako sa kanya kasi sobra sobra yung pagmamahal na pinakita niya sa kin.

Then next morning, hindi ko alam sa sarili ko pero bigla ko na lang binuksan yung cellphone niya, as in out of nowhere dire-deretso yung daliri ko sa pagpindot ng CP niya, nakarating ako sa messages niya, wala akong nakita. Nung i-close ko na, bigla ko naisip na buksan yung blocked and spam sa setting sa messages and there I saw yung nag-iisang text, na pum*tay sa mataas na tingin ko sa kanya. May bumati sa kanya ng happy birthday, may pa-wish wish pa si ate mo girl dun then sa huli sabi ni ateng mo girl, “Sana masaya ka na kasi nakuha mo na gusto mo, alam ko naman na yun lang ang habol mo.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, talagang naging bato ako sa kinauupuan ko kasi hindi ko lubos maisip na magagawa niya yun dahil sobrang taas ng tingin ko sa kanya and never niya ko binigyan ng reason para pag-isipan siya nang masama. Dali-dali ko siyang kinausap, halos di ko alam yung sasabihin ko sa kanya dahil mas nangibabaw yung iyak ko. Di ko kaya sumigaw sa kanya sa takot na marinig ng parents niya (nasa kwarto kami that time), nasa sala kasi yung parents niya. Ang dami niyang sinabi na hindi sila nagkita nun, nakipag-video s** call lang siya dun, na kakakilala niya lang dun sa girl.

Syempre di ako naniwala. Pag-uwing pag-uwi ko sa min, tinext ko si ateng hitad. Ang galing nilang dalawa, mukhang nag-usap muna pagkaalis na pagkaalis ko sa kanila kasi parehas sila ng alibi. Di pa rin ako tumigil. Nasa kin lahat ng account niya sa social media kaya di ko talaga lubos akalain na makakapag-cheat pa siya. Binuksan ko yung Messenger niya then may nakita akong chat sa message request na ang sabi “wala akong load, pa-load-an mo ko”. Sobrang random na ganung chat lang, wala na. Then I open his Instagram account, nag-follow request yung girl na nag-chat sa kanya sa FB Messenger, so lumakas lalo yung hinala ko.


In-accept ko yung friend request ni hitad at agad agad nag-chat, nangumusta, edi ako nagkunwari akong si partner (by the way, di niya na ginagamit yung Insta niya nun), so kunwari kumustahan hanggang sa si babae pa nag-open up ng tungkol sa kah*yupang ginawa nila. Sabi pa ni miss hitad na di niya makalimutan yung boyfriend ko, at sinisingil niya pa yung boyfriend ko sa nagastos nila sa S0g0 kasi si ateng hitad pala ang nagbayad. After ko malaman lahat ng gusto kong malaman, binlock ko agad siya. Pumunta ako sa bahay ng boyfriend ko at kinausap siya nang masinsinan, alam mo yung feeling na kat!ng-kat! na yung palad mong s*mpalin siya kasi alam mo na lahat pero di mo ginawa kasi gusto mo marinig yung side niya.

Sinabi ko lahat ng nalaman ko sa kanya. At first nagalit siya ba’t ko pa raw ginawa yun, para sa kanya wala lang naman yun. Tinanong ko siya kailan may nangyari sa kanila, ang sabi niya yung day na umuwi ako sa min, kinagabihan nun nakipagkita siya dun sa babae at may n*ngy*ri na sa kanila. Sabi ko ba’t mo ginawa yun, sabi niya nanghiram daw siya ng pera dun sa girl para puntahan ako sana sa min (medyo malayo kasi yun sa min), so sabi ni girl, “Sige, papahiramin kita, magkita tayo.” Nagulat na lang daw siya nung nasa jeep na siya tinext siya ng number ng kwarto sa S0g0, alam niya na raw yung kailangan ni ateng mo girl.


Pagtapos naman daw nun, binlock niya na yung number ni ateng hitad, kaya pala isang text lang nakita ko sa CP niya. Sabi niya pa nagawa niya lang daw yun kasi akala niya sa pag-uwi ko magkakalabuan na kami. Akala niya maghahanap na rin daw ako ng iba, kaya niya ginawa yun. In short, takot siya sa sarili niyang multo. Take note, may pamilya si ate mo girl at mas matanda pa siya kaysa sa kin, may anak at asawa rin.

Everytime na maiisip ko yun, kumikirot yung dibdib ko. Pero inayos namin yung relationship namin, pinatawad ko siya. Pero alam mo yun, wala na kong tiwala sa kanya, ni katiting wala na. And lagi ko na lang din siyang pinag-iisipan na may ginagawa siyang masama kahit wala naman. Sana lang mag-heal na tong nararamdaman ko, nakikita ko naman na di niya talaga gusto yung nangyari. Masyadong batang isip kasi kaya nauuto ng hitad. Haha.


Kitshuki, 2016, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

1
9
guest
14 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Vee
Vee
1 month ago

Lol yung kabit siniraan pero yung bf santo na santo. Tigilan mo ko sender uto-uto ka lang.

mauve
mauve
1 month ago

Mygawd ante, hiwalayan mo na yan. It takes two to tango nga diba bakit sa babae ang galit mo kung faithfull yang bebe mo

deon0101
deon0101
1 month ago

Lol, sabihin mo nagpauto ka lang. Hinusgahan mo yung babae pero yung bebe mo hindi, wtf HAHAHHAHAHAHAHA

Unknown
Unknown
1 month ago

Di ako naniniwala sa alibi nung lalaking nangutang daw 😂

Wow
Wow
1 month ago

Ikaw poh ata nauto.

안녕04
안녕04
1 month ago

Ang hirap paniwalaan nong palusot ng lalaki. Nangutang daw amp– Tas pinatawad pa ni ate girl hayss ㅠ.ㅠ Mahihirapan ka na talagang pagkatiwalaan yan pagkatapos ng nalaman mo. Wala ng katapusan yang pag-iisip mo sa kanya ng kung ano-ano. Ako nga na di pa naloloko o di ko pa nahuhuling may ginagawang kalokohan jowa ko mabaliw-baliw na ko sa pag-ooverthink eh 🥲 yan pa kayang nabisto mo na.

Don'thatetheplayahatethegame
Don'thatetheplayahatethegame
1 month ago

Tanga mo teh buti kinakaya mo yan haha good luck

awawa
awawa
1 month ago

nangabit na nga tas di pa binayaran ung pangsogo HSAHHAHAHAHAHA kaloka jusko teh bat di mo pa yan iniwanan???

dinasaur
dinasaur
1 month ago

tanga eh hahahahaha ikaw nauto anteh jusko hiwalayan na yan

utot
utot
1 month ago

uto uto ampota HAHAHAJAJAHAHAHAHA

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
1 month ago

Pinuntahan ka ba nya sender after nila magkita sa sogo? Db sabi mo kaya pumunta dun para makahiram ng pera. So kung di ka pinuntahan ibig sabihin gusto nya talaga ung nangyari. Nasasayo naman yan kunh makikipag hiwalay ka o hindi. Pero sana di na ulitin ng bebe mo yang ginawa nya syo.

rere
rere
1 month ago

KALOKA NAMAN YANG EABAB NG JOWABELS MO SENDER. HAHHA HALATANG MAKATI AT DI MARUNONG MAKUNTENTO.

Grey
Grey
29 days ago

Kung sa tingin mo . Deserb Ng 2nd chance go .. Wala Naman perpekto ee lahat tayo ngkakamali . Siguro sa nagawa nya matututo n sya .. may mga tao talaga na nagloko pero talagang nagbabago .. yun Duda di na mawawala yan pero antayin mo Yun panahong . Magiging Biruan nyo nlng yan ☺️ hope for the best for you sender .. godbless

Yuki
Yuki
29 days ago

Te kung hiniwalayan mo na yang bebe mo ,peaceful sana mind mo,,sa tingin mo ung ginawa nia hnd nia kayang ulitin? Hahaha nag pauto k nmn…cgurado isang beses k lng umalis uulit un.. kasi kaya mo xang patawarin.. iiyak lng sayo,.kawawa 2 kids mo..kung mahal mo mga anak mo mas unahin mo sila kesa I keep yang baby boy n yan te,if u value ur self mas makakahanap ka ng hnd ka gagaguhin..

error: Content is protected!
14
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x