Kumakain kami ni ate habang nag-uusap tungkol sa school na papasukan ko, nang marinig yon ni papa ay lumapit sa min sabay sabing, “Paano ka makakapasa dun, e ang b*bo mo?! HAHAHA!”
Nagpanggap na lang ako na hindi ako nasaktan at hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, tuloy pa rin kami sa pag-uusap ni ate habang si papa naman ay singit nang singit sa pag-uusap namin habang bumibitaw nang masasakit na salita sa kin.
Nagpapanggap ako na hindi ako affected pero deep in side sobrang sakit na kahit paglingon sa kanya di ko magawa dahil nagpipigil lang ako ng luha. Hindi na ko sumagot sa mga sinasabi niya dahil alam kong maiiyak ako agad.
Lagi niya akong minamaliit na wala raw akong mararating sa buhay ko at sayang lang ang gastos sa kin dahil puro daw barkada ang inaatupag ko, without knowing na yung mga sinisisi niyang tao ay dun ako nakakahingi ng tulong tulad ng bayaran sa school at sa kanila rin ako nanghihiram ng baon ko minsan, sila rin yung tumutulong sa kin sa schoolworks ko, kasi mga academic achievers sila.
Sobrang sakit isipin na ang taas ng pangarap mo para sa pamilya mo, pero imbis na sila yung humila sa yo pataas ay sila pa na pamilya mo ang hihila sa yo pababa.
Kaya yung mga pinagpala magkaroon ng mapagmahal at grabe sumuporta na magulang, ingatan n’yo sila at mahalin, dahil ang swerte n’yo sa part na yan.
Ms. Sha, 2024, STEM, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
Sender laban lang sa buhay! Ikaw lang nakakakilala sa sarili mong kapasidad at ikaw lang din ang makakapag angat sa sarili mo.
Dear Sender.
Ang papa din namin ay hindi nagkakalayo sa papa mo. Nakakasakit yung mga salita na nilalabas ng bibig nya, pero hindi naman sya ang nagpapa-aral at bumubuhay sa amin. Sa halip lasinggero at dagdag din talaga sya sa sakit aa ulo ng mama ko. Lalo na pag nalalasing ang ama namin kong ano anong masasakit na salita yung sinasabi nya. Ang panganay namin sinabihan din niya na “wag kana mag-aral magtinda kana lang ng kamatis sa palengke” ” Wala ka din namang mararating, mag-aasawa ka lang din” ” lumayas kana at mag asawa” mga ganyang uri ng salita. Pero ang ate ko, wala syang kasintahan sya yung bumubuhay at katuwang ng aking mama para magkaroon ng pagkain na makakain. Marami pa syang sinasabi na masasakit na salita pero alam mo sender? Yung ate ko nakapagtapos na ng pag-aaral at ngyon ganap na syang manager ng chowking. Working students while studying. Tumigil sya ng pagpasok at nag trabaho para mapagtapos kaming mga nakababatang kapatid nya tapos bumalik sya sa pag-aaral without help of our papa. Hindi nga tumulong sa pagpapa aral sa amin tapos kong ano ano pang sinasabi wala naman. Ngayon 3rd Year Coll narin ako. Ako yung bunso at ang ate ko at mama yung tumutulong sa akin. Yung ama namin? Ito nasa bahay walang trabaho dahil madaling mahilo epekto ng pagiging lasinggero nya noon. Yung ate ko na sinasabihan nyang walang mararating ngayon manager na tapos ako, konting panahon na lang makakaraos na din. BASTA SENDER hayaan mo na sabhan ka ng ganun ng iyong ama. Darating din ang oras na kakain din nya lahat ng sinasabi nya sayo, sa inyo. God bless, Aja!!
Silent ka lang, sender. Masasampal yan ng achievements mo cause the results will come out themselves, he loves to project his insecurities sayo just to lift himself up.
You are the bigger person on that situation, alam mo na kung gaano nanliliit pagkatao ng father mo sa sarili niya, wag ka magpahila. Kaya natin to! Sending loveeeeee