“Natatakot ako, natatakot ako sa babae sa kuwarto ko,” sabi ng kaibigan kong nagkaroon ng malalang m€ntâl îlln€ss…

I am writing this para i-share sa inyo ang kuwento ng kaibigan ko. Pareho kaming nasa 3rd year college pero something happened to him kaya kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral. Sinabi mismo ng magulang niya sa akin na nagkaroon siya ng s-i-r-â sa ul0.

Hindi ako naniwala kasi siyempre ang hirap paniwalaan, nakakasama ko e, so bakit naman biglang nagkaganon? I visited their house para kumustahin siya. Kabubukas pa lang ni tita sa gate nila upang papasukin ako, nakita ko na siya sa loob ng bahay nila na sumisigaw-sigaw. Nanggugulo rin yata kaya si Tito inaawat siya sa bawat galaw niya.


Nagulat ako, hindi ganito si Gian. Kaya at this point, sinabi ko sa sarili ko na baka totoong may problema sa kaibigan ko. Pumasok ako sa bahay nila kasama si Tita at nung nakita niya ako, agad siyang lumapit sa akin tapos niyakap ako nang mahigpit. Aawatin na sana uli siya ni Tito pero sinenyasan ko na ayos lang. Maha-handle ko naman siguro. Hindi pa ako nakakapagsalita, inunahan niya na ako.

“Natatakot ako. Natatakot ako sa kaniya…” sinasabi niya yon habang naluluha siya sa balikat ko.
“Sino?” malumanay lang yung tanong ko para di siya ma-trigg€r. Suminghot muna siya bago sumagot. Nakatingin lang sa amin habang nakabantay ang magulang niya. “Yung babae… kinukulit niya ako lagi. Natatakot ako sa kaniya, Anne.”


Biglang nanindig balahibo ko. Sumulyap ako kina Tita at Tito para ipakita reaksyon ko sa kanila. Yung mga hitsura rin nila, nag-aalala.

“Sino? Sinong babae?” tanong ko.
“Sa kuwarto ko. Nandon siya ngayon, hinihintay ako,” umiiyak pa rin siya nang sabihin niya yon.
“Wala yon. Siguro iniisip mo na mayroong tao doon kaya nagiging totoo iyon sa isipan mo at nakikita mo.”
“Natatakot ako…” iyon lamang ang isinagot niya.


Ilang buwan ang lumipas, malapit na ang bakasyon namin. Ganon lagi ang ginagawa ko sa tuwing weekend, dumadalaw ako kay Gian. Di ko na mapigilan ang lubos mag-alala dahil palala na nang palala kalagayan niya. One time, habang nasa kuwarto niya kami, sinabi niya na hindi ko na kailangang dumalaw doon kasi inaalagan naman daw siya. Hindi na rin siya nagsasabi tungkol doon sa babaeng kinukulit siya lagi, at sa tingin ko ay nag-stop na siyang maghalusinasyon kaya ganon.

Ilang weeks ang dumaan, noong nasa canteen kaming magbabarkada nang tumawag si Tita sa akin na umiiyak. I asked her why and sinabi niya sa akin na nanghihina na raw ang kaibigan ko at di nila alam ang gagawin kasi ayaw magpatingin o magpadala sa mga ospital.


Kaya um-absent ako sa panghapon na klase para mapuntahan si Gian. Naabutan ko sila sa terrace ng house nila at nakahiga doon si Gian na hinang-hina. Umiiyak na si Tita tapos si Tito naman ay dinadaluhan ang kaibigan ko. “Gian?” nag-squat ako para hawakan siya. Noong nakita niya ako, agad niyang hinawakan palad ko tapos nanghihina siyang umiyak.

“Natatakot ako, Anne. Aalis na raw siya…”
“Sino?” di ko pa gets nung una.
“Di na raw niya ako aalagaan. Iiwan niya na ako… ayoko siyang umalis,” he said those words while crying a river.


Natulala ako. Sino? Yung babae sa kuwarto niya?

“Natatakot ako. Natatakot akong mawala siya…” pahina nang pahina ang boses ng kaibigan ko.
“Yung babae ba?” Nanginig na rin boses ko kasi naiiyak na ako.
“Inalagaan niya ako… pigilan n’yo siyang umalis, Anne.”
“Yung babae sa kuwarto mo?” lumuluhang tanong ko ulit.


“Anak, tara, dalhin ka na namin sa ospital,” sabi ni Tita na umiiyak din.
“Anne, natatakot ako. Natatakot akong mawala siya… baka nasa kuwarto pa yon. Pigilan ninyo.”

Sa isang iglap, lumuwang ang hawak niya sa palad ko. Pumikit na rin ang mga mata niya. Natulala ako nang ilang segundo bago maproseso ang lahat. Sigaw at hagulgol nina Tito at Tito ang namutawi sa tenga ko.

Nawala si Gian na ang bukambibig ay ang isang babae na ayaw niyang umalis sa tabi niya.


Anne, 2021, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

15
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x