“Hindi ko makita as father figure ang partner ko kaya pinal*glag ko ang baby ko…” –Sender

Hello. I’m 22. May boyfriend ako, 2 years and 11 months na kami. We’ve been through a lot of challenges din. Pero ang pinaka naging problem namin is financially. Nagwo-work ako sa isang fast food tapos siya extra lang, lahat na ata ng way nasubukan naman para mahati ang oras niya. Naghabal, Angkas, Grab, Lalamove, Move it. Masipag naman siya pero gusto niya hawak niya talaga ang oras niya.

Back then, classmate ko rin siya ng Senior High, ang gf niya pa nun ay schoolmate lang din namin kaya na-witness ko talaga kung gaano niya pinursue ang gusto niya. Nag-work sila both before sa fast food din, pero nung nagka-motor siya, hindi na siya bumalik dun until now. Both kami nag-aaral pa, and sa span ng 2 years, ayoko sana magbilang, pero mas malaki talaga kita ko, kasi nga hindi talaga siya consistent sa pag-habal habal niya or extra income lang dapat. Binibigay ko rin ang lahat ng sahod ko sa kanya.


Na-diagnose din ako ng PCOS dahil na rin sa changed lifestyle ko sa pinagtatrabahuan ko. Alam niya rin naman yon at hindi talaga naging maingat sa mga kilos namin. Which is consented naman ng both sides. Masyado kami naging kampante sa sitwasyon. Pero we always talk pa rin naman if ever may mabuo, at alam niya rin po yung stand ko na ayaw ko magkaanak, pero dahil sa PCOS ay I feel the longing po talaga, kasi once in a lifetime lang mabubuntis nang hindi kailangan gumastos sa OB at kung ano-ano pa.

Last year, 2023 month of October. I knew po something was wrong sa cycle, sa m€ns, at sa symptoms po ng mga may m€nstruation. Month of November, di na po ako nagkaroon pero I still feel all the symptoms at mas lumala siya kaysa dun sa usual na cramps at soreness ng b**bs ko. At alam ko na po na buntis po ako. I tried to convince him na ibili ako ng PT the whole month of November, di naman yon bago sa min since dati na ako nagpi-PT if feeling ko iba na. Negative naman po lahat yon.


Pero nung month na yan, ang hirap niya pilitin, nakailang ulit ako. Nahihiya ako bumili kasi sa height ko, petite ako, at hindi talaga makikita sa mukha kung ilang taon na ko. Naiilang ako na mapagsabihan ng mga pharmacist na madalas ay alam naman nating matalas din ang dila. Kaya siya pinapabili ko. Ayun nga, first time nag-postive yung PT sa kin. I tried din po the other days, mornings na mag-PT nang paulit-ulit. Positive talaga. Nafi-feel ko na rin ang ut3rus or yung tiyan ko na nag-e-expound, nagre-ready sa mabubuo kasi humihilab siya at pasulpot-sulpot ang sakit ng puson ko.

Nagkaroon din ako ng cravings nun. Masaya po maramdaman ang cute kasi, hindi talaga ako yung nagke crave, hindi sya yung nature ng babaeng maarte lang sa pagkain kasi sya talaga yung may gusto, yung baby talaga. Nandun yung excitement. Pero nung nalaman ko nung una, hindi talaga naging maganda ang reaksyon ko, kasi sobrang complicated ng family ko. Broken fam din ako, lola ko lang ang nag-aalaga sa min at ayoko sana ma-disappoint siya kasi malapit na ko magtapos at magka-diploma.


Nalaman niya na rin na positive, personal ko siyang nakausap, hindi maganda yung aura, natatakot din siya. Nagtanong siya sakin kung ano raw ba desisyon ko. Napadalawang isip ako. Kasi hindi talaga siya consistent sa trabaho niya, wala kaming kahit anong ipon, at possible pang matigil ako sa pag-aaral at mawawalan ng source sa scholarship. Hindi na rin ako makakapagtrabaho kung magkataon. At never naman siyang nagbago sa routine niya magbiyahe nang paminsan-minsan kahit madalas naming pag-usapan before na baka mabunt*s niya ko.

Hindi ko siya nakita as father figure, hindi niya kayang itaguyod nang kaming dalawa pa lang, paano pa kaya kung mabuntis ako at kailangan talagang siya na lang ang kumilos? Paano kami makakapag-ipon? Sa pagpapaanak pa nga lang libo na. Sobrang nagdalawang-isip ako lalo pa nang itanong niya sa kin yan, kung ano raw ba ang desisyon ko. Nakaka-disappoint kasi wala talaga siyang sinabi na makakapag-hindrance ng iniisip kong wag na ituloy ang pagbubuntis. Laging naka-depend sa kin ang situation, naiintindihan ko naman kasi katawan ko to, ako ang magdadala, pero seeing him na parang hindi niya kaya, and never speaks na makakapag-convince na lalaki siya at kaya niya panindigan. I doubt. Sobra-sobra akong nag-doubt sa kanya.


Pinal*glag ko yung baby, dala-dala ko araw-araw ang konsensyang may pin*tay akong hindi pa nabubuo sa sinapupunan ko. We planned to go check if may natira pa sa tummy ko. Pero, ano bang guess n’yo? Syempre hindi natuloy dahil sa lacking financially at hindi pa rin siya kumilos. Dami na rin naming utang dahil sa motor, nagkasakit pa siya the moment pagkatapos kong malaglagan, imbes ako ang alagaan, siya tuloy ang pinupuntahan ko sa bahay nila.

Nagyayaya pa siya to have *thing* na parang walang nangyari, pumayag ako, hindi ko alam kung coping mechanism ko ba yon para makalimutan ang lahat, pero pag nasa gitna na kami, nand*d*ri na ko. Gusto ko na itigil, hindi ko na siya matingnan gaya dati, hindi ko na siya mahal*kan, nabab*huan na ko sa kanya.


Ngayon lang nagsi-sink in sa kin nang paonti-onti lahat. Habang patagal nang patagal kong naalala ang anak ko, lalong sumasakit at lalo kong naiisip na bumitaw na. Convenient siya sa kin kasi hindi ko na iisiping mag-commute dahil sa motor, palagi ring may uutusan kapag ayaw ko lumabas sa comfort zone ko, kahit anong utos sinusunod naman niya. He’s a good man if it weren’t those things happened.

Now, I feel like I can escape kasi may nagkakagusto sa kin. Gusto kong gamitin pero hindi naman masosolusyunan nun ang pagkakamali. Gusto ko lang pong manghingi ng advice kung tama bang hiwalayan ko na siya, or hintayin ko na lang ang panahon na maging ready na rin siya at labanan na lang ang konsensya ko dahil sa pagpal*glag? Gusto ko rin sana itanong if meron dito na may same situation ng akin, paano n’yo po nagawang sabihin nang masinsinan na gusto n’yong makipaghiwalay?


Ms. K, 20**, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

6
25
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
xoxo
xoxo
6 months ago

Sorry to say but nung nabuntis ako sa son ko ganyan din, hindi stable job yung patner ko before at ako ang breadwinner sa family namin. I’m independent person, financially kaya ko kahit alam kong breadwinner ako alam kong kaya kong bumuhay ng bata. Hindi ko nakita na father figure yung partner ko before kasi hindi kami ganun katagal nung nabuntis ako at unexpected din kasi may PCOS ako but you know what? Despite on having thoughts na ipalaglag yung bata kasi madaming hindrance that time d ko naisip yun. A child given to me by God is part of his plans to me. I was a mess before, i always ask God why he always get what i love (my father and grandmother even boyfriends) i ask him to give me someone who will love me unconditionally like i do. Then my son came. He became my light into the darkest place i lived.

Always pray for forgiveness to God and your child. Don’t do it again or just add some contraceptives in your thing.. I’m not in the position to tell you what’s right or wrong. You must know what to do in the first place.

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x