Nakakita ako ng letter sa lamesa, hindi ko ‘yon pinansin noong una dahil may nangingibabaw na mâbâh0ng âm0y sa bahay…”

I am Kate (not my real name), isa akong architecture student. Bunso ako sa pitong magkakapatid, wala kahit isa sa mga kapatid ko ang nakapagtapos, ako lang ang may tyansa na makapagtapos sa pamilya namin. Lagi akong pine-pressure ni mama na tularan ko ang pinsan ko kasi sila may magandang buhay, gusto niya maging katulad nila ako. Gustong-gusto ko sumbatan si mama kasi ang taas taas ng expectations niya sa kin, nakakas*kal siya.

Until one day nainis ako sa mama ko, sinabihan niya ako na “Puro ka l*ndi, bakit hindi mo subukan mag-aral?!” Sinigawan ko siya, nasabihan ng masasakit na salita. “Hindi kita tinuturing na nanay!” Oo, hindi kayo nagkakamali, yan ang salitang binanggit ko sa kanya. Nakita ko ang mga luha sa mata niya pero hindi ko yon pinansin, imbis na maawa ay muli akong nagsalita. “Sana hindi na lang ikaw naging nanay ko!”


Pagtapos non ay lumayas ako ng bahay at hindi nagparamdam sa kanya ng ilang linggo. Sa pangatlong linggo ng pag-alis ko ay nagtaka ako, bakit kaya hindi niya pa ako hinahanap? Naisip ko na wala talaga siyang kw*ntang ina kasi walang paki sa akin.

Isang araw ay nadaanan ko ang bahay namin, dumiretso ako doon at nagulat ako dahil nababalot ng katahimikan ang bahay namin (nag-move out na ang mga kapatid ko sa bahay). Aba, himala yon, sobrang ingay kasi ng babaeng yon, kaya niya pala patahimikin ang bahay? Nakakita ako ng sulat sa ibabaw ng lamesa, hindi ko yon pinansin nung una dahil may nangingibabaw na mabah*ng amoy sa bahay. Wala akong makitang tao, napansin ko ulit ang sulat kaya binasa ko ito.


“Anak, pasensya ka na kung hindi ako mabuting ina, hindi ko sinasadya na maging pabigat sa buhay mo. Buti pa ang lubid kayang buhatin ang kagaya ko. Gusto ko lang malaman mo na kaya grabe ang expectation ko sa yo, kasi mayroon kaming usapan nung lalaking nakag*h*sâ sa akin. Kapag hindi ka nagtagumpay sa buhay, kukunin ka niya sa akin. Bunga ka ng hindi kanais-nais na pangyayari pero mahal kita, nak, kaya hindi ko hahayaan na mapunta ka sa b*boy na yon. Pasensya na anak ha, mahal kita.”

Dun ko lang din nalaman na bunga pala ako ng kabab*yan. Napaluhod ako sa aking nabasa. Hinahanap ko si ina, at natagpuan ko siya, nakasabit ang kat*wan, may t*li ang leeg nanlalamig ang kat*wan. P*tay na siya. Nagsisisi ako, ina, patawad.


Kate, 20**, Architecture, *Confidential
(Hindi namin ma-confirm ito kung fabricated o hindi, kung totoo man, nakakalungkot ito. -Admin)

*do not copy/paste this content on any platform

25
11
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Joyeduri
Joyeduri
7 months ago

Kaiyak naman kung totoo yan

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x